3 KB-3

Dumaan ang maraming araw at pasukan na ulit ni Karicha Bael-Saige. "Bangon na Baby Kari!" Her Papa Kard patted her gently on the shoulder.

"Ayoko pumasok, Papa, ikaw na lang proxy ko?" Nagtalukbong ng kumot ang bata. Kard just smirked and said, "Matanda na ako para pumasok sa school." Kari started giggling.

"Mommy! Kinikiliti ako sa paa ni Papa, make him stop!" Kasalukuyang nagluluto ng almusal si Quelly nun.

"Bumaba na nga kayo! Wash your face first Kari, ayaw mo naman na makita ka namin with still muta in the eyes no?"

Tumigil na sa pagkiliti ng paa si Kard at binuhat na parang sako ang anak, papunta sa banyo. "There you go, my beautiful, daughter!"

Sinarado niya ang pinto. "Tsk! I just want to play Hooky." Grabe! Kabata-bata gusto na agad mag-cut class. Kari just shrugged off her feelings of playing Hooky and washed her face na.

"Say ah!!!" Subo ni Alfred ng kutsarang may SPAM at kanin papunta sa bibig ni Kari.

"Daddy naman eh! I'm not a baby!" Natawa naman ito. "Sungit naman!" Binaba niya ang kutsara at kumain na ng sarili niyang almusal.

"Ikaw nagprito Mommy?" tanong ni Kari sa ina. "Oo, napilit ako ng chef daddy mo, bad no?"

Kari smirked internally, and finally putting the spoon on het mouth. "Tapos na ako!"

"Sit down and finish your breakfast, Anak." She made a duck-face expression yet still sat back down.

Sa dalawang tatay na meron si Kari, kay Alfred siya mas nakikinig kasi very strict ito when it comes to her well being. Si Kard naman, ang spoiler sa mga gusto niya gawin at makuha. "Magiging ka-eskwela mo na si Ark Shi, magsimula na kayo magligawan."

Kababata niya si Ark Shi at namula na parang kamatis si Karicha. "Hunny! Ako lang boyfriend ni Baby Kari." Umangal si Kard.

"Tumigil ka, basta yung usapan namin ni Mareng Dia, ipapakasal silang dalawa." Nagpatuloy ang discussion ng mag-asawa at hindi na yata napansin ang pag-alis sa lamesa ni Kari.

"Daddy, let's go?" yaya nito kay Alfred. Tumango na lang ito at hinawakan as usual ang kamay ni Kari tuwing papasok ito sa school. Walking distance ang eskwelahan nito kaya naman nagsimula na silang maglakad.

"Type mo ba si Ark Shi?" namula nanaman ang bata nang mabanggit ang taong yun.

"Daddy kasi ano, we're just friends, tingin lang namin sa isa't isa ay friends, okay?"

Tumango ang kanyang Daddy. Nawala ng konti ang pangamba nito sa pagkakaroon ng crush ng anak sa lalaking nagngangalang, 'Ark Shi.'

"Dito na tayo, Daddy yo! Alis ka na." Medyo kumurot ang puso ni Alfred sa pagpapaalam sa kanya ni Kari.

Still, his god-daughter na tinuturing niya rin namang anak, is the most important to him, nowadays.

Tanggap niya na isa nang pre-teen ang bata pero iba pa rin kasi na ma-attach siya dito since babyhood.

"Naks, Ikaw nanaman ang naghatid ah? Consistent!" Kumunot ang noo niya sa nagsalita.

"Ikaw nanaman ang naghatid sa pamangkin mo? Wow! What's new?" balik ni Alfred sa babae.

"At least ako, related by blood nung hinatid ko, ikaw ba?" Sa isip-isip ni Alfred, gusto niya banatan na ang babae pero hindi siya ganung tao.

"You're done right?" Hindi na hinintay nito ang sagot o reaksyon nung babae kasi tumalikod na siya para makauwi na sa bahay nila Quelly.

avataravatar
Next chapter