2 KB-2

Nang natapos na ang lahat ng paper works, yun ding araw na yun, naiuwi nila ang tutang si Goku. "Mommy, pwede sa room ko siya patulugin?"

"Ikaw bahala basta pag tumae at ihi yan, ikaw ang maglilinis ah?" Kari widened her eyes and thought about it. "Sige, dun na lang pala sa dog house." Ngumiti si Quelly.

"Akala siguro ni Baby Kari na makakatabi niya sa kama ang kanyang alaga." Ngumuso si Kari sa sinabi ng kanyang Daddy Alfred.

"Eh diba, Mommy, noon naman nag-alaga ka ng mga pusa?" Habang sineset-up nila Kard at Alfred ang magiging tulugan ni Goku, hawak ni Kari ang tuta at hinihimas niya rin ito.

"Ah yung mga pusa na yun?" Tumingin ang Mommy niya sa gilid. "Ayoko na sila alalahanin, they both died simultaneously before your grandparents passed away too, noong pauwi na kami from my highschool graduation." Masakit pa rin para kay Quelly ang mga pangyayaring yun.

"Aww, Mommy, I'm sorry if I made you sad." Binaba muna ni Kari ang aso sa sahig at nagpayakap kay Quelly.

"I just want to know if they slept with you in your room." She kissed her daughter's forehead and smiled. "Nope, dun sila sa may entertainment room slash dining room."

Noong araw, Quelly really wished for a pet and she got her wish. Kasing edad niya si Kari noon nung makuha niya ang dalawa niyang pusa. Their breed was both Ragdoll cat. Naku-kyutan kasi siya noon sa mga mata at kulay ng balahibo ng pusa na yun.

"Did you ever want to bring Tama-chan here at our house Mom?" Quelly pinched her cheeks. "Ouch, Mommy stop!"

Natawa naman siya sa reaksyon ng anak. "Gusto ko, pero illegal ang pag-aalaga ng white tiger as a pet." Buti nga at walang nagsusumbong sa mga empleyado ng TKH na meron doon na wild animal.

"Awww... he's peeing on your money plant, Mom." They both stared at Goku.

"Naku! Labas!" Lumabas naman ang aso at nagtatakbo sa may garden. "Ayaw mo madiligan ang plants mo Mommy?"

Quelly smirked. "Ikaw rin labas, bantayan mo yang si Goku."

Nang magtanghalian, natapos na i-set up nila Kard ang dog house ni Goku.

"Paano kung ma-suffocate siya dahil sa ash fall Mommy?"

avataravatar
Next chapter