1 "elbimbo"

"Ngunit ang paborito ay ang pagsayaw mo ng El Bimbo, nakakaindak, nakakaaliw, nakakatindig balahibo. Pagkaggaling sa eskwela ay dideretso na sa inyo at buong maghapon ay tinuturuan mo ako..."

malaboses na anghel ang sa aking atensyon ay bumihag.

Pamilyar na boses na tila ba nakalimutan ko na ata?

pumunta ako sa court na kung saan ang boses ay nanggagaling.

may mga taong nag sisiksikan at sisigawan.

Akin na ngang natunton at tahimik lamg na pinakilinggan mula dito sa malayuan.

Nahuli ko na naman ang sarili kong naka tulala at naka titig sa kawalan.

mahilig ako sa musika lalo na pag mga kantang tumatagos sa kalamnan.

mga kantang may liriko na nakakapagpabago sa iyong modo.

mga kantang isasayaw ka sa ulan at ililipad sa kalawakan sa loob ng iyong isipan.

hindi ko maaninag ang taong kumakanta sa harapan sa kadahilanang medyo malabo ang aking mata kaya lumapit ako para mas maaninag siya.

pinikit ang mata at ninanamnam ang bawat salitang binibigkas niya habang kumakanta.

"Magkahawak ang ating kamay at walang kamalay-malay. Na tinuruan mo ang puso ko na umibig ng tunay, magkahawak ang ating kamay at walang kamalay-malay, na tinuruan mo ang puso ko na umibig ng tunay.

La la la la la..."

pagkatapos niyang kumanta ay sinabayan ng pag mulat ng aking mata.

Aking nakita, ang taong kumakanta na nasa aking harapan ay siya palang tao na minsan ko nang nakilala at kumanta sa aking buhay, tumangay sa kasiyahan at pinalitan ng lungkot. Pinawi ang lungkot at muling binalik ang saya, pero di niya natapos ang kanta sa aming dalawa kaya nandito parin ako sa lungkot habang siya masaya nang nakikipag kantahan sa iba.

Dahan-dahan, naglalakad lang ako patungo sa kanya, inaalala ang mga pangyayari noong akoy masaya pa.

"uy kamusta, galing mo parin ah." -manghang pag saludo ko sa kanya

"salamat." nakangiting sabi niya

"naging masaya naman tayo diba." -tanong ko sa kanya

"masaya akong nakilala ka, sana ikaw din." -sabi niya pero nawala ang mga ngiti sa kanyang mga labi.

tumalikod nalang ako, di na nag paalam, katulad ng ginawa mo, biglaang pag alis, biglaang pagkawala.

pero...

"paalam at mag ingat ka palagi, bro..."

nilingon kita at nginitan, senyales ng maayos nating pagpapaalam.

avataravatar