webnovel

Chapter 53 - Her Brother

***

Nais niyang magsalita, haplusin ang mukha ng lalaking umiiyak sa kanyang harapan, subalit walang lakas ang mga kamay niya upang palisin ang mga luha nito.

Hindi niya mawari subalit may kurot sa puso niya habang naka tingin rito, pero walang riaksyon ang katawan niya hindi niya maigalaw ang mga iyon animoy ang buong katawan niya ay paralisado.

Nais niyang tanungin ito. itanong kung bakit ito umiiyak, kung bakit kilala siya nito.

"K-Katharra... I-I'm your brother. A-alam kung mahirap man paniwalaan pero, ako ang kapatid mo sa Ama. "

Sabi nito tila hindi nag proseso sa utak niya ang mga sinabi sabi nito subalit tulad parin nang dati wala siyang riaskyon ngunit alam ng utak  niya kung ano ang sinasabi nito. Kapatid?

Subalit bakit wala siyang Alam? Bakit hindi niya alam Fuck! Nais niyang magsalita ngunit ayaw kumilos  ng katawan at bibig niya upang bumuka iyon.

"I'm really sorry for what I'm saying, but it's true. Alam kung hindi mo ako maiintindihan dahil sa kindisyon. Mo, but I'm so happy too find you. Alam mo ba kung paano tayo naging magkapatid? Mahirap man paniwalaan pero si Mom, she fall in love with your father, at hindi alam ng mom ko  na may pamilya  si Papa' alam kung bunga lamang ako ng pagkakamali pero hindi ko pinag sisihan na nakilala kita ngayon and Lantis but he's already dead I'm sorry. "

Fuck! Bakit ka humihingi ng tawad?

Nais niya sanang sabihin rito ngunit hindi gumagalaw ang bibig niya upang sumagot.

"I know kung tuluyan kang gumaling, hindi ko alam kung mapapatawad mo pa ako and my Mom, pero  ngayon. Gagawin ko ang lahat para lang protiktahan ka. Pag babayarin ko ang mga hayop na gumawa nito sayo. I swear My Princess."

Umiiyak na hinanakit nitong sabi. Damn.

Hindi niya mawari subalit ng sabihib nito ang mga iyon sa loob niya ay na nginginig na siya sa galit oo tama kailangan niyang mag pagaling upang balikan ang mga taong nanakit sa kanya laluna si Zenny at ang pamilya nito.

Galit ang namumuo sa katawan niya nais  niyang gumanti.

Ngunit paano gayon paralisado ang buong katawan niya. Animoy isa lamang siyang buhay na tao na walang pakinabang.

Gusto niyang yakapin ito, ang buong akala  niya ay mag isa na lang talaga siya sa mundo. Pero bigla itong lumitaw at ipinakilala ang sarili sa kanya bilang isang kapatid, kahit wala siyang tugon.

Umangat ang kamay nito upang haplusin ang mukha niya ngunit wala siyang maramdaman. Mas lalo itong umiyak bago nag salita.

"N-na iintindihan mo ako? God! Alam mo kung ano ang sinasabi ko sayo, hindi ba? "

Huh?

"K-kasi umiiyak ka tulad ko. Tama si Doc, maaring palarisado pa ang buong katawan mo, pero ang utak mo at isipan mo ay gumagana at alam kung na iintindihan mo ako. I'm so happy, today because of you ' dahil alam kung na intindihan mo ako, "

At muli nitong hinaplos ang mga pisngi niya, pinunasan ang mga luha niya saka nito siya kinabig upang yakapin. At ganon parin walang tugon walang riaksyon ang buong katawan niya upang gumantin ng  yakap rito na nais niyang maramdaman dahil hindi na siya nag iisa pa.

©Rayven_26

Next chapter