1 "Kaba at Lungkot"

Sa bawat paghampas ng tubig-alat sa barkong aking sinasakyan, ramdam ko agad ang kalungkutan. Bumiyaheng kasama ang apat na bagong employed, hindi pa tumbok ang destinong pupuntahan. Sa mabilis na pagtakbo ng oras, tila matagal ko ng kilala ang mga bagong employed dahil sa kanilang kwento ng buhay, well, may kanya-kanya silang pinagbibidahang pelikula sa yugto ng buhay. May ibang dahil sa hirap ng buhay, napilitang tanggapin ang trabaho para sa pamilya. May ilan ding dahil sa gusto lang makalabas ng probinsya. Samantalang yung isa, nakikinig na lamang at patuloy na tinitingnan ang agos ng bumubulang tubig-alat na dinadaanan ng barko na kay bilis mawala. Iniisip kung ano ang magiging buhay sa Laguna. Kinakabahan. Pero dahil tanging ako lamang ang aasahan at tuturinging 'bread winner' ng pamilya, kakayanin! Napakaraming graduates na tambay, at hirap makahanap ng trabaho. Kaya grateful pa din kahit papano.

avataravatar