webnovel

Prologue

"Halika na,ate! Tinatawag na tayo ni itay sa maisan! Marami daw aanihin ngayon." ang sabi sa akin ng makulit kong kapatid na si Sarinna.

Oo nga pala! Araw pala ng anihan ngayon! Tiyak na marami kaming kikitain kahit pa ang kalahati ay mapupunta sa utang namin at sa may ari ng sakahan. Pero mabuti na rin 'yon. Ang mahalaga ay nakararaos kami sa araw-araw.

"Ate,tumayo ka na 'dyan~" pag uulit pang muli ni Sarinna. Nakatayo siya ngayon sa harap ko. Abala kasi ako sa paggawa ng aking takdang aralin. Well,mabuting mag aaral kaya ang bida dito. Pero hindi ko sinasabing ako pero parang ganon na nga.Hahaha.

Bago pa magalit si itay ay niligpit ko na ang mga gamit ko sa school. Nagsuot ako ng longsleeve na talaga namang mahaba dahil kailangan ko pang itupi ng ilang beses para lang makalabas ang mga kamay ko. Hindi ko naman kasalanan kung maiksi ang mga bias ko,diba? Tsaka wala akong sinisisi kasi I love who I really am. Pak! Sinuot ko na rin ang sumbrero ko.

Sandali,bago ako mag ani at bago tayo magkalimutan,magpapakilala muna ako. Ako nga pala si Sabinna Layne B. Yamada. Labing anim na taong gulang at kasalukuyang nasa labing isang baitang. Tanggap ko naman ang pagkatao ko at hindi ko 'yon ikinakahiya kahit pa sa mga taong makitid ang utak.

Sige na,mamaya ko na lang ipapaliwanag ang lahat. Kailangan ko munang tulungan sina itay doon sa maisan namin.

Next chapter