webnovel

Chapter 1

"Sige na,anak. May magpapaaral sayo doon at mababawasan ang iintindihin namin ng itay mo." pagmamakaawa ni inay. Kauuwi niya lang galing sa Maynila pero ito ngayon,gusto niya akong kuhain pabalik doon upang maging kasama niya sa pagiging kasambahay. Pag aaralin naman daw ako ng amo niya kaya huwag daw akong mag-alala.

"Paano si Sarinna,nay?" sinulyapan ko si Inna na naroon sa may bangko. Abala sa pagbabasa ng kanyang aklat. Matalino ang kapatid ko,akala niyo lang. Perfect kanina 'yan sa exams niya. " Shempre hahanapin din ako ng kapatid ko,nay."

"Nariyan naman ang kuya Steve mo,anak. Tsaka mabait na bata si Inna kaya alam kong hindi mahihirapan ang kuya at itay mo." nginitian ako ni inay. Nakayuko lang si itay dahil hindi siya sang ayon sa gusto ni inay pero wala siyang magagawa kasi malaking kabawasan nga naman sa pasanin kung sasama ako at pag aaralin ng amo ni inay. Si kuya Steve naman, katulong siya ni itay sa maisan. Nginitian niya rin ako at ginulo pa ang buhok ko.

"Sige na,anak. Mag empake ka na at bukas na bukas din ay bibiyahe na tayo." sabi ni inay. Nagulat ako sa sinabi niya. As in bukas na?! Weh?! Seryoso?! Kung sabagay, dalawang kasambahay lang meron ang amo ni inay.

Inayos ko na ang mga dadalhin kong gamit,katulad ng mga damit kong medyo luma na rin dahil sa hirap ng buhay ay hindi kami magawang bilhan ng bagong damit pero okay lang 'yon kasi nakakapag aral naman kami ni Inna. Dinala ko rin ang mga notebooks at pens ko para may gagamitin ako sa pagtransfer ko sa bago kong school. Paniguradong mamimiss ako ng mga loka loka kong kaibigan dito. Lalo na si Paneng na wala nang ibang ginawa kung hindi ang mag daydream sa crush niyang si Kyle.

Pagkatapos kumain ay naghapunan na kami. Mabuti na lamang at naaabot pa ng kuryente ang bahay namin kaya may ilaw kami pero madalas mawalan ng linya gawa ng malalakas na hangin. Laging natutumba ang poste sa ibaba. Siguro dahil hindi rin maayos at matibay ang pagkakagawa nila.

At dumating na nga,dumating na ang araw na pinakahinihintay ni inay. Ang lumuwas muli sa Maynila upang makipagsapalaran at sa pagkakataong ito ay kasama na niya ako at maiiwanan sina itay,kuya at Inna.

Madaling araw pa lamang pero bihis na bihis na kami ni inay. Nagkakape sina itay at kuya dahil mamaya ay aasikasuhin na naman nila ang sakahan. Mamimiss ko rin si BapBap,ang kalabaw namin na talaga namang napakasipag din. Naalimpungatan si Inna dahil sa sandaling kulitan namin ni kuya.

"Ate,bakit bihis ka? Sasama ka ba kay inay?" inosenteng tanong sa akin ng kapatid ko. Nalungkot naman ako sa tanong niya pero iyon ang totoo e.

Linapitan ko siya at inayos ang mga hibla ng buhok niya.

"Oo,sasama si ate kay inay sa Maynila. Doon na rin muna ako mag-aaral kaya ikaw,magpakabait ka dito,ha? Nandyan naman ang mga kalaro mo na si Jing Jing tsaka Letie e." sabi ko at nginitian ko siya pero hindi siya ngumiti pabalik. "Oh,wag nang malungkot Inna. Malulungkot din si ate. Diba sabi mo ayaw mong nakikita na nalulungkot ako?" Tumango siya. "Kaya wag kang malulungkot sa pag alis ko ha. Sandali lang naman ako doon e." Ngumiti na siya kaya gumaan na rin ang pakiramdam ko. Niyakap ko na siya at hinalikan sa noo. Mahal na mahal ko ang kapatid kong 'to.

Nagpaalam na rin kami ni inay sa kanila bago kami pumunta sa bayan upang doon bumili ng ticket sa barko. Hindi naman ito ang unang pagkakataong pupunta ako sa Maynila. Sinama na ako ni inay dati noong namasyal kami sa Luneta Park. Grabe,tanda ko pa ang lugar na 'yon. Napakalinis at sariwa ang hangin kahit pa marami nang sasakyan doon.

Nagtagal ang biyahe namin sa bakro bago kami makarating sa Maynila at ngayon nga'y papalubog na ang araw. Mabuti na lamang at narito na kami sa loob ng malaking bahay ng amo ni inay. Pero nandito kami sa maid's room kung saan tatlong kama ang nandito. Isa para kay inay,para sa kasamahan ni inay at bakante ang isa kaya iyon na raw ang magsisilbi kong kama ayon sa kasamahan ni inay na si manang Lilet. May edad na si manang Lilet. Siya raw ang pinakamatagal na kasambahay dito sa pamilyang ito.

"Sab,magbihis ka at kakausapin tayo mamaya nina madam at sir." bilin sa akin ni inay kaya nagbihis na ako. May sarili namang banyo dito sa loob kaya hindi na ako mahihirapan pa. Pagkatapos ay inayos ni inay ang buhok ko.

"Ang ganda naman ng anak mo,Shine. Ang kinis ng balat at maputi pa. Maganda rin ang buhok niya. Tuwid na tuwid. Hahaha." pagpupuri sa akin ni manang. Well,manang hindi ka nagkakamali. Hahaha.

"Oo nga manang,e. Manang mana sa ama. Lahat yata minana sa ama niya. Wala man lang namana sa akin. Hahaha" pabirong sabi ni inay habang inaayos ang buhok ko. Napangiti na lang din ako.

Magkakaiba kasi kami ng ama nila kuya Steve at Inna. Bunga si kuya Steve sa first love ni inay pero hindi siya pinanagutan kaya ang apelido ni inay na Bagbaguin ang dala dala ni kuya. Nong time na 'yon, upang may pantustos si inay kay kuya ay naging entertainment siya sa Japan at doon naman niya nakilala ang aking ama na si Misuko Yamada. Pinanagutan siya kaya dala ko ngayon ang apilido niya pero kinailangang umuwi ni inay noon dito sa Pilipinas para kay kuya Steve. Mas pinili ni inay na uwian si kuya Steve kaysa manatili doon. Sa choice palang na iyon alam kong mahal na mahal kami ni inay. At sa pangatlong pagkakataon ay nakilala niya ang stepfather ko,si itay. Si itay na tumanggap sa amin ng buong puso kahit pa maraming masasakit na salita ang binabato sa amin. Ilang taon ang lumipas bilang isa kaming pamilya at nadagdagan pa nga,iyon ay si Inna. Si Inna na mas nagbigay ng buhay sa aming pamilya. Kaya heto,masayang masaya ako. Hindi ko na pinapangarap pang makita ang totoo kong ama dahil bonus na lamang iyon sa buhay ko kung mangyayari.

"Ayan! Tapos na. Halika na sa labas at baka hinihintay na tayo doon nila maam. Tara na,anak." sabi sa akin ni inay kaya lumabas na kami ng kwarto. Nginitian naman ako ni manang Lilet bago ako makalabas.

Napakaganda nga naman talaga ng bahay nilang ito. Sobrang laki pa.Ano naman kaya ngayon ang mangyayari sa aking kapalaran dito sa Maynila?