1 Preview

1st Round of Preview

First day of classes pero puro kamalasan ang nangyayari sakin.

Gusto ko tuloy umiyak, di ko sya kilala and I wonder kung mababawi ko pa yun, ni hindi ko nga nakita ang mukha eh basta ang alam ko lalaki sya.

I'm so stu—

"Oi, that's my seat." Inangat ko ang ulo ko at napalingon sa nagsalita.

May nakatayong lalaki sa gilid ko na nakatingin sakin with his bored and serious face. Kahit hindi magkasalubong ang dalawa nyang kilay, nagmumukha pa rin syang galit.

Binuksan ko ang bibig ko ngunit walang lumabas, hindi rin ako makagalaw na parang nakagapos ang katawan ko sa isang mahigpit na tali.

"Oi, you hear me? I said THAT'S MY SEAT." Inulit nya with his cold and husky voice at tumaas ang mga balahibo ko.

"I—a— Na-na— Nau—una ako." I stammered and my fingers started to tremble. Bakit ko pa rin ba sya tinitingnan?

"I don't care, find somewhere else. I was assigned to sit here... today." At patuloy pa rin sya sa pagtitig with his grim eyes.

My heart starts to beat loud and fast.

Di ko alam kung natatakot ba ko sa pananalita nya o sa mga mata nya.

As if he's seeking something o made up ko lang yun?

Tiningan ko ang harap at likod ko ngunit wala ng bakante, katunayan ay halos occupied na nga ang mga upuan at tanging front seats na lang ang pwede.

"Wa—wala ng pwedeng ma—" Di ko na natapos ang sinasabi ko dahil naglakad sya patungo sa may teacher's table at tumingin sakin.

"Hindi ba pwede dito?" Sabay turo sa mga upuan na tinutukoy ko kanina lang.

Ayoko dyan, I don't belong in the front seat.

Umiling ako.

He sighed angrily at nagsalubong ang dalawa nyang kilay na mas nakakatakot na syang tingnan but still it is not destroying his handsome features. "Ano sa sinabi ko yung hindi mo maintindihan? I said I was assigned to sit there today not anywhere else. Di ka ba nakakaintindi ng English, paano ka nakatuntong ng 4th year?"

Maraming nakatingin samin.

Yumuko ako and I hear laughters and whispers.

I closed my eyes; I wish I could also close my ears.

He just insulted me in front of everyone.

I am a very sensitive person. I cry over simple matters. I cry over cruel words.

I can't cry here, just bear it Chelsea.

♥♣♠♦♠♣♥

2nd Round of Preview

"Sorry miss, nagmamadali kasi ako. Pwede bang ikaw na lang pumulot? Promise babawi ako next time." His voice is quite familiar and I catch a glimpse of what he's wearing habang umaakyat sya kanina, he's a football player in our school.

Fate ko ba talagang mabunggo na lang palagi at mahulugan ng mga books?

Tulad ng ginawa ko kanina, yumuko na lang ako lalo at nagsimula na pababa upang damputin ang mga libro.

"Wait a minute." At narinig kong bumaba sya papunta sakin.

Not this close.

I can't be this close, ang lapit nya sakin.

Dahil sa gusto kong umiwas sa kanya ay napa-atras ako pero ang masaklap ay hindi nga pala ako nasa patag na daanan kundi nasa stairs, kaya na out of balance ako, I closed my eyes, falling and getting hurt ang pumapasok sa isip ko.

But suddenly I felt two strong arms holding me and stopping me from falling.

I opened my eyes.

I'm in an awkward position, as if para akong sa isang sayawan at binend down ako ng isang ka-partner na lalaki while my hands are on his hard chest and our faces were just inches away while staring at his eyes.

I can feel his breathe.

"I knew it, it was you." He whispered and he smiled, a smile that I never saw before and dreamt of putting on my lips.

I was confused and all I did was to stare at him as if he was a picture.

I can't speak.

A/N: Wishing for your support and enjoyment. I will soon upload the chapters.

Please also support my other stories: Wedding Ring and Unexpectedly.

avataravatar