2 Dream 1: Unreachable

HER

"Congratulations Grade 12 Rose!!! This is your last exam kaya good luck sa mga scores dito! Baka may bumagsak at hindi maka graduate next week!" saad ng advicer namin na halatang nag jo-joke lang at naiiyak.

" maam naman! We enroll as one so we will graduate as one" sigaw ng kaklase kong siraulo.

"dami mong alam Mr.Morales! tumahimik ka diyan! Oo nga nag enroll kayo dito ng sabay-sabay at ga-graduate kayo ng sabay sabay. Pagkatapos niyan, you will now part ways. This is the end of one chapter of your life and the beginning of another chapter." dagdag ng aming guro at nagpatahimik sa amin.

" You will now fight for your dreams alone. So you need to be strong now! No matter what happened always follow and reach your dreams." lalong natahimik ang mga kaklase ko.

Oo nga for 6 years we fight together for our dreams and after this we will fight alone.

"Speaking of dreams. Fill this up! And pass this after the class!" binigay ng guro namin ang hawak niyang papel sa class president namin.

"Ano ba yun?" kalabit ng kaibigan kong si Leah.

" Papel"

"gaga! alam ko, ang tanong ko ano ang isu-sulat ko doon"

"Pangarap mo" tumango lang siya at tinanggap ang papel na binigay sa amin ng aming class president.

Napatingin ako sa papel na hawak ko. Ano ba ang ilalagay ko dito?

Dream big, work hard for it. Fight the impossible odds and reach the unattainable.Now write your biggest dream and reach it for me. Go out, be free, reach your dream, no matter how long it takes and DON'T give up.

I will keep this paper as a sign of your promise...

" tapos ka na?" agad kong tanong kay Leah ng nagsimula na itong ligpitin ang kanyang mga gamit.

"Oo"

"Ano ba ang sinulat mo?"

"Pangarap ko, alangan naman pangarap mo ang ilagay ko diba?" sarkastikong saad niya sa akin.

"nagtatanong ako ng maayos sayong bruha ka" tumawa lang siya at hinila ang buhok. Minsan talaga nakakainis toh. Hindi mo maka usap ng matino.

" Pangarap ko nga" dagdag niya pa

"Ano ba ang pangarap mo?"

"Mabigyan ng magandang buhay ang aking pamilya" sagot niya akin habang nakangiti. Simple lang ang pangarap niya pero kahit ganoon. Kitang-Kita ko sa kanyang mata na iyon talaga ang gusto niya. Ang pangarap niya.

"ikaw? Ano ang pangarap mo?" tanong niya sa akin na ikinatigil ko.

"Ano ba ang nagpapasaya sayo? Ano ba ang laman ng puso mo? Ano ba ang gusto mong abutin?" dagdag niya pang tanong.

Isang bagay lang naman ang gusto kong maabot eh. Isa lang pero imposible.

"maabot ang pangarap ko"

"Edi isulat mo na yan sa papel ng maka-uwi na tayong dalawa"

Sabay naming inabot ang papel sa guro namin.

"Tapos na toh?" saad niya sa amin ng nakangiti

"Yes maam"

"Good" kinuha niya ang papel namin at tiningnan.

" Pangarap ko ay mabigyan ang magandang buhay ang aking pamilya" basa nito sa papel ni Leah. "This is good, your dream is so simple yet so deep" dagdag pa nito.

Kinabahan ako ng magsimula itong basahin ang papel ko.

"My dream is to reach my dream?" tiningnan ako nito at ngumiti. "Who is your dream?" tanong nito sa akin.

Ngumiti lang ako and I just shrugged with her question. "Someone who is unreachable maam"

HIM

Nasaan ako? Bakit ang dilim? Why can't I see anything? I tried to open my eyes but I can't. I tried to move my body at hindi ko rin ito magalaw.

Suddenly I heard some loud noises. Seriously?! Nasaan ba ako? I don't know what happened but it become silent again. Sinubukan kong igalaw ang kamay at paa ko pero gaya kanina walang nangyari.

"My dream.......?" I heard someone talk . Pero hindi ko masyadong narinig. It seems like he/she is asking a question. I hold my breath after that. I don't know why but I feel like someone is telling me to listen carefully.

"Someone who is unreachable maam" napabalikwas ako sa akong higaan. What the hell is that?!

"Hyung okay ka lang?" napatingin ako kay Hoshi. "kanina pa kita sinubukang gisingin, pero ayaw mong gumising."

"Nanaginip lang ako" saad ko sa kanya at muling humiga sa kama. "Anong oras na ba?" tanong ko dito.

"3 am pa lang gago. Ano ba yung panaginip mo? Si Pinky ba yun? Hinahabol ka?" natatawang saad nito binato ko ito ng unan. Bakit ko ba toh naging ka room mate.

"Gago hindi. Just someone" Someone that I don't know.

Someone that can make my heart flutter.

Someone that is also unreachable. 

avataravatar