1 Chapter 1

(A/N: This was an un-edited version.)

HABANG abala ang bawat estudyante sa paghahanda para sa kanilang nalalapit na pag susulit, si Justine at ang kanyang best friend na si Jean ay abala naman sa pag e-ensayo kasama ang iba pang estudyante't myembro ng kanilang school's track and field varsity para sa nalalapit na district marathon competition.

Halos papalubog na ang araw, kulay kahel na ang kalangitan ngunit ang mga myembro ng track and field varsity ay abala pa rin sa pag e-ensayo. Tagaktak na ang pawis sa buong katawan at ang mga mumunting butil ay isa-isang humahalik sa kanilang mukha mula noo patungo sa leeg. Patuloy pa rin sila sa pag takbo, hindi alintana ang pagod na mababakas sa kanilang mukha at ang alikabok na dumadampi sa kanilang pawisang balat kasabay ng pag halik ng hangin sa kanila.

" okay! " sigaw ng kanilang coach na sinabayan ng pag palakpak " that's all for today students, maaari na kayong umuwi at mag pahinga " anunsyo nito na ikinatuwa naman nila.

"you're such an amazing person Jean, alam mo ba yun?" masayang sambit ni Justine sa kaibigan habang naglalakad sila pabalik sa locker area, habol habol pa rin ang hininga mula sa halos ilang oras na paulit ulit na pag takbo sa filed.

"ha?, paano mo naman nasabi yan?" gulat na tanong ng kaibigan habang abala pa rin sa pag pupunas ng sariling pawis.

Ang kanina'y tuyong t-shirt nila na kulay maroon ay basang basa na ngayon ng kanilag pawis, patunay ng kanilang walang humpay na pag e-ensayo't dedikasyon sa sports na kinabibilangan. Maging ang buhok ni Justine na kanina lamang ay maayos na naka pony tail ay gulo na at maluwag na ang pagkakatali, ganun din kay Jean na ang buhok na naka tirintas ay magulo na rin, subalit hindi nila alintana iyon, maging ang dumi mula sa likabok na kumapit na sa kanilang balat at uniporme.

"kasi sa kondisyon natin ngayon, masasabi kong higit kang nakakalamang sa akin, at ako na mismo ang nagsasabi na paniguradong mananalo ka sa darating na marathon kaya naman 'di malayong matanggap ka kaagad sa University na gusto mong pasukan" proud na proud nyang sambit sa kaibigan.

"that would be nice, kung sakaling magka totoo man yang sinasabi mo, pero Justine magaling ka din naman" sambit nya habang isa-isang kinukuha ang gamit sa locker "at alam ko na makaka pasok ka rin sa University na gusto mong pasukan. Sayang nga lang talaga dahil mag kaiba tayo ng unibersidad na gusto" komento nya na ikina-lungkot ng huli.

Matalik silang mag kaibigan at simula nang maging malapit sila ay palagi na silang magkasama kahit pa na mag kaibia sila ng section kaya naman sobrang pang hihinayang at lungkot ang naramdaman ni Justine ng malaman na mag kaiba ang unibersdad na nais nila para sa kolehiyo. Wala ang kurso na gustong kunin ni Justine sa mga kursong mayroon ang unibersidad na nais ni Jean, kaya naman ayaw man nilang dalawa ay magkaiba sila ng magiging unibersidad na papasukan kapag nag kolehiyo na sila, at ilang buwan na lamang bago iyon mangyari.

"at isa pa di hamak naman na mas lamang ka sa akin pag dating sa pag aaral, kumpara sayo na top student, ano nalang ako na average lang, di ba?" pabiro nyang sambit sa kaibigan.

"kung sabagay, tama ka nga naman dun" natatawa nyang sagot.

Lingid sa kaalaman ng dalawa ay may mga pares ng mata na tahimik na nag mamasid, tahimik silang pinag mamasdan mula sa malayo mag mula ng matapos ang klase sa bawat antas.

"Jean!" sigaw ng isang lalaki mula sa di kalayuan.

"oh kayo pala Chuck at Jayson" sambit ni Jean nang makita kung sino ang tumawag sa kanya "teka, ano pang ginagawa nyo dito sa school, diba kanina pa natapos ang klase?" nag tataka't naguguluhan nyang tanong.

Dahil sa pagkaka-alam nya ay hindi ugali ng dalawa ang maiwan sa eskwelahan at mas lalo namana ng mag tambay sa eskwelahan.

"diba?, sabi ko sayo nandito sya" bulong ni Chuck kay Sean habang nahina at pasimple nitong siniko ang katabi.

Sean got a good body built, standing at his five-seven feet height added more charm at his already charming aura. The first two un-buttoned button of his polo add more appeal at his boy next door charm, plus his clean cut hair cut that makes him more appealing. While Chuck has this mister nice but playboy air surrounding him, he was just and inch or few centimeter shorter than Sean. His polo was un-buttoned, revealing his white statement shirt as his hands are place inside his pants back pockets, while he just stood there lazily.

At sa kabilang banda naman ay natulala at natahimik si Justine ng makita si Sean, she never talked to him before dahil na rin sa hindi sila pareho ng klseng kinabibilangan, sya ay nasa Class A samantalang sina Jean, Sean, Chuck at ang kanyang kakambal na lalaki na si Keith ay nasa kabilang klase, sa lower class or section B kung tawagin.

"teka nga, di nyo pa rin sinasagot yung tanong ko!" ang pasigaw na sambit ni Jean matapos na padabog na isara ang kanyang locker "what the hell does the both of you doing there at this hour, as far as I knew you, you'll never stay at school this late" kunot noo't naka pamewang na tanong ni Jean sa dalawang binata.

"sabing wala lang yun" ang may pilyong ngiti sa labing sagot ni Chuck, "bumalik lang kami para kumuha ng reference book at reviewers para sa college entrance exam, nawala kasi ni Sean yung sa kanya eh" he added, acting like an innocent kid habang ang siko ay abala sa pag siko sa kaibigan na tahimik at walang imik sa kanyang tabi.

"Ano!" gulat na reaksyon ni Sean sa tinuran ng kaibigan ng hindi nya nakuha at naintindihan ang sinasabi't ginagawa nito "anong nawala ko, hoy! wala pa naman talaga akong balak na mag review para sa entrance exams, masyado ka lang excited na mag-college" bulyaw pa nito't depensa kay Chuck.

"ito naman para binibiro ka lang, pikon ka naman kaagad" natatawang sambit naman ng huli.

"palibhasa nakita mo yung crush mo" bulong pa nito na sapat naman para marinig nito.

"S-se-sean" ang nauubong sambit ni Chuck ng bigla na lamang ilingkis ni Sean ang kanyang braso sa leeg nya "di n-na ako ma-makahinga" bigkas ni Chuck habang pinipilit na kumawala braso ng kaibigan.

Habang nagpupumiglas si Chuck di maiwasan ni Justine ang magalala para dito, while Jean was happily watching them, she was even giggling at walang kahit na kaunting pag aalala ang makikita sa mukha nito, habang pinapanood ang dalawang binata.

"Jayson" ang mahina nyang sambit. Nakatago pa rin sya sa likuran ni Jean, nakayuko't nilalaro ang mga daliri. "bitawan mo na si Chuck, mukang namumutla na sya oh" puno ng pag aalala nyang sambit, "paano na lang pag namatay sya, anong gagawin mo?" dagdag pa nya.

"huh?" sabay na tugon ng dalawa, sabay din ang mga ito na napalingon sa direksyon nya. Kaya naman kinuha ni Chuck ang pagkakataon na iyon upang makawala sa kaibigan

"What are you doing at my back, Justine?" kunot noo't napapangiting tanong ni Jean. "dito ka nga" dagdag pa nito nang hilahin nya ang paibigan papunta sa harapan nya.

"they won't eat you so you don't have to be scared, okay?" sambit pa nya ng marahan nyang tapikin sa likod ang kaibigan.

"oo nga Justine" masigla namang sambit ni Chuck. "saka don't worry di naman ako ganun ka daling mamatay noh!" pag mamayabang pa nito, "di ako papayag na sa kamay ng ungas na ito ako mamatay" ang may nakakalokong ngiting sambit pa ni Chuck, habang ang isang daliri ay naka turo kaibigan.

"ano yun Chuck?!, gusto mo pa ng isa?!" singhal ni Sean na naka pamewang pa.

"tumigil na nga kayong dalawa" suway naman ni Jean. "Justine is being scared because of you guys"

"Okay lang ako Jean" she assured her friend bago bumaling kay Chuck. "ikaw ba Chuck, sigurado ka bang okay ka lang?" may bahid pa rin ng pag aalala nyang sambit.

Chuck assured her na okay lang talaga sya at walang dapat ipag alala. Samantalang pinangaralan naman nya si Sean sa inasta nito't isang tipid na "okay" lamang ang kibit balikat nitong naging sagot sa paalala't pangaral nya.

"bilisan na nating maglakad, mag gagabi na oh" reklamo ni Jean nang mapansing nahuhuli na sya sa pag lalakad.

Habang nasa kalagitnaan sila ng paglalakad pauwi sa kaniya-kanyang tahanan, a very familiar guy -wearing the same school uniform as them- came walking towards their direction.

"Aisha!" that guy shouted while waving his hand and flashing his smile at them.

"Aisha?" nagtatakang sambit nila Chuck at Sean na parehong naka kunot ang mga noo. Iniisip kung sino ang Aisha na tinutukoy nito.

"Ako yun" sagot ni Justine sa mga nag tatanong at naguguluhang utak nila Sean, "Justine Aisha Green ang full name ko" dagdag impormasyon pa nya bago ibalik ang atensyon sa paparating na binatang nasa kanilang harapan na ngayon.

"bakit ngayon ka pa lang uuwi?" seryoso ang mukha at sa unang tingin ay aakalain mong masungit at strikto ang kaharap. "Past six na oh" sambit nito habang naka turo ang hintuturong daliri sa kanyang pam bisig na orasan. "at saka bakit kasama mo sila?" pang huling tanong habang seryoso pa rin ang mukha na naka tingin sa mga kasama nya.

"yo! Keith" bati ni Chuck habang naka taas pa ang isang kamay at malawak na naka ngiti sa bagong dating.

Hindi naman nito pinansin o nilingon man lamang ang huli sa halip ang atensyon ay naka tuon pa rin kay Justine.

"diba nasabi ko na sayo kuya na may practice kami" panimulang paliwanag ni Justine. "para sa marathon competition, tapos nung pauwi na kami naka salubong namin ni Jean sila Jayson kaya sabay na kaming umuwi" paliwanag nya.

Umaliwalas naman at lumambot ang kaninang matigas na ekspresyon ng binata.

"kuya?" puno ng pag tatakang sambit ni Chuck. "magkapatid kayo ni Keith?" tanong pa nito habang palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa ni Keith.

"oo magkapatid kami" kalmadong sagot ni Keith na ngayon ay naka pamulsa na. "and to be exact, we are twins thus, Aisha is my younger twin sister" paliwanag pa nya na nagpa 'ohh' naman kay Chuck.

"tara na Aisha" muling tawag sa kanya ni Keith bago nito kunin mula sa kamay nya ang isa pa nyang bag na nag lalaman ng kanyang varsity uniform "uwi na tayo nag iintay na sila mama"

"okay, Jean paano ba yan mauna na kami" paalam nya sa kaibigan

"okay, kita na lang tayo bukas sa school" sagot naman nito habang kumakaway sa kanila.

Hindi na nya nagawa pang mag paalam kay Sean at Chuck dahil hinatak na sya ng kakambal palayo sa mga kasama.

"tell me Aisha, gusto mo pa rin ba si Sean?" Keith asked all of a sudden habang nag lalakad sila

"ha?, oo kuya, bakit mo natanong?" gulat at kinakabahan nyang tanong sa kakambal

"wala lang, naisip ko lang kasi, na baka gusto mo nang aminin sa kanya ang nararamdaman mo" ang walang kibit balikat na sagot nito sa kanya matapos lingunin ang kapatid, na ngayon ay naka yuko na ang ulo't tahimik na nakikinig sa kung ano pa man ang sasabihin nito.

"at kung sakali naman na, gusto mo nga na umamin na ay susuportahan kita" dagdag pa nito bago muling ibaling ang atensyon sa dinaraan.

"tutal naman kilala ko si Sean, mabait syang tao kaya panatag ako sa kanya."

"Kuya!, thank you!" she shouted as she hug his arms tightly.

Masaya si Justine dahil naiintindihan at sinusuportahan ng kanyang kakambal ang lihim nyang nadarama para sa kaibigan nito. Hindi lamang mag kapatid o magka kambal ang turingan nila ng kapatid kundi best friends, nasasabi nila sa isa't isa ang mga lihim nila at nadarama na hindi nila masabi sa magulang o sa kung sino pa man, siguro ganoon na lamang ang closeness nila dahil sa kambal sila at simula noon pa man ay sila na ang palaging magkasama at sanggang dikit sa lahat ng bagay at nag sisilbing sandalan nila ang isa't isa ano man ang mangyari.

Mga freshman pa lamang sila ay napukaw na agad ni Jayson Sean Ferrante -o Sean- atensyon nya. Tulad lamang sya ng mga normal na teenager at normal laang na magkaroon sya ng crush sa edad nya. Wala namang masama kung may magustuhan sya at magka crush sya, dahil ika nga ng kanilang mga magulang ang crush ay pag hanga lamang.

Ngunit sa pag lipas ng mga buwan at taon ay ang mumunti at batang damdamin na kanyang nadarama ay tila lumalalim ng lumalalim ng hindi nya namamalayan man lamang. At isang araw nga ay namalayan na lamang nya na hindi na simpleng paghanga lamang ang nadarama nya para sa binata, na hindi ito simpleng atraksyon lamang, at ito ay higit pa roon. Isang malalim na damdaming hindi nya mahinuha kung ano, kung matatawag pa ba itong infatuation , pagka gusto o mas higit pa roon, ngunit ang kanyang batang puso ay takot pa na aminin ang nadarama at takot pa na harapin kung ano man iyon. Sa ngayon ay masaya at kontento na sya na masilayan sa bawat araw ang binata.

"pero teka lang kuya" pukaw nya sa atensyon ng kapatid na tila malalim ang iniisip at may sarili ng mundo. "kamusta na nga pala kayo ni Arlene?, hindi na kasi sya nag pupunta sa bahay lately, nag away ba kayo?" tanong nya rito

"si Arlene ba?" ang nag balik sa realidad na tugon nito.

"don't worry hindi kami nag away" paniniguro nito sa kanya.

"busy sya lately kasi nagka sakit ang mama nya kaya sya muna ang nag babantay sa grocery store nila. I even told her that I will help her but she insist na, kaya na nya yun at nirerespeto ko ang desisyon nya ... But then as her boyfriend I can't ignore it" paliwanag nito.

"kaya kahit ayaw nya tinutulungan ko pa rin sya sa store nila, kaya ayun dahil wala na syang magagawa pumayag na din sya na tumulong ako." dagdag pa nito, may mumunting ngiti at kislap sa matang masasalamin sa kanyang kapatid.

Patunay na mahal nito ang nobya at importante ito para sa kapatid.

"ganun ba, so ibig sabihin galing ka dun ngayon?" curious nyang tanong

"oo, kaya wag ka na ngang sumimangot dyan dahil wala kaming problema ni Arlene" ang natatawang sambit ng kakambal habang ginigulo ang kanyang buhok, kaya anman mas napa simangot syang lalo.

Simula kasi nang makilala nya si Arlene ay botong boto na sya rito para sa kapatid nya, saksi rin sya kung paano sinuyo't nilagawan ng kanyang kakambal ang babae. Kaya naman sa tuwing nag aaway o di pagkakaintindihan ang dalawa ay naaapektuhan din sya, masyado nang napalapit sa kanya si Arlene at halos kapatid na rin ang turing nya rito, ganoon din ang mga magulang nila na kung ituring ito ay para na nila itong anak, na madalas na ipag selos at ipag tampo ni Keith sa mga magulang.

"tara na bilisan na natin maglakad nagugutom na ako." patudsyada pa nito na halata namang pinaparinggan sya ng kakambal habang hinihimas ang tyan nito, na sinasabing kumukulo na daw dahil sa gutom.

Natawa na lamang sya kapatid, minsan masungit ito, minsan mabait , minsan maloko at ngayon naman makulit.

"Sean pwede ka bang maka usap mamaya after class?" tanong ni Keith sa kaeskwela matapos ang kanilang first period para sa araw na iyon. "sa basketball court"

"okay" simpleng tugon nito kahit na naguguluhan at nag tataka sya kung bakit gusto sya nitong maka usap, mukang importante ang pag uusapan nito base na rin sa seryosong mukha ni Keith ng kausapin sya nito.

Ano kayang pag uusapan namin at kailangan pang mamaya kami mag usap, gaano ba yun ka-importante at kailangan na mamaya pa, kung pwede namang nagyon na lang? Tanong ni Sean sa isip nya.

And as what they talked about, Sean headed to their school basketball court after class, but Keith wasn't there, instead, Justine was there.

"Justine? Anong ginagawa mo dito? nasaan si Keith?" taka at nagugulumihanan nyang tanong habang ang mata ay ipinapalibot sa buong court, nag hahanap ng bakas ni Keith kung naroon na ba ito, nauna kasing lumabas ng kanilang classroom si Keith kaya alam nya na imposibleng wala dito ang kaibigan, maliban na lamang kung...

"a-ano kasi, Jayson...." ang nauutal na sambit ni Justine

"ano yun?" kunot noo nyang sambit kahit pa na may ideya na sya sa utak nya, sa kung ano ang maaaring sumunod na mangyari.

"I LIKE YOU!" pikit matang sambit nito "gusto kita Jayson" muli nyang sambit habang naka tungo pa rin ang ulo't hindi magawang titigan ang lalaki na nasa kanyang harapan.

Hindi alam ni Sean kung ano ba ang dapat sabihin sa ganitong pagkakataon, tila naputulan sya ng dila at na blanko ang kanyang isipan.

"Justine, ano kasi..." tangi nyang nasambit matapos ang halos isang minutong katahimikan, ang pinaka matagal at mahabang isang minuto ng kanilang buhay.

[You may now avail Just A Dream Book 1 entitled FALL FOR YOU.

Just PM BSP official page (https://www.facebook.com/blueskypressph/) and answer their form.. Thank you! 😊

Price: P190 (plus shipping fee 150php for Manila, 175php for provincial luzon visayas mindanao) or you can order sa Shopee for less shipping fee and less hassle. Here's the link: https://shopee.ph/blueskypress08 ]

Next chapter