3 Chapter 3

Lance POV

Lahat ng tao sa room ay sa amin lahat ngayon nakatingin dahil sa sabay na usal namin ng taong nabunggo ko kahapon... "hehehehe" sabay peace sign ko dito.... Kitang kita sa mukha neto na galit na galit ito... Pero mas iisipin kona muna ang napakatulin na tingin sakin ni Samantha..."sorry" Kamot ulo kosyang nginitian at pumunta ako sa harapan...

"Hello I'm Lance De Vera 2nd year college from engineering department and I am the head of the creatives committee nice meeting you all... Wala na akong maraming sasabihin art is everything, Hindi magaling ang hanap ko dito... ang hanap ko ay ang pursigidong matuto... Kaya nga andito ako bilang head n'yo ay para maturuan kayo at alam kong matututo rin ako sa inyo... So if you love art then i will open my arms to welcome you to my committee " palakpak naman sila na kala mo isa akong kandidatong politiko hahahaha...

Muli kong tinignan ang nabunggo ko kahapon at galit parin itong nakatingin sakin... Siguro kakausapin ko nalang siya mamaya para makahingi ako ng tawad sa maayos na paraan..

Umupo nako sa desk ko dahil maguumpisahan na ang pagiinterview sa mga bagong miyembro sa org. nato... Bali sila ang magdedesisyon anong committee ang pipiliin nila... Ilang tao na ang dumaan bago may umupo sa harap ko para sumali sa committee ko...

"hello bati ko dito... Lance" sabay abot ko ng kamay dito para makipag shake hands... Anlamig ng kamay neto na ibig sabihin lang ay kinakabahan...

"wag kang kabahan 'di naman ako nangangain ng tao" biro ko dito para mabawasan ng unti ang kaba niya natawa naman ito ng konte at tumango...

"isa lang naman itatanong ko sayo at gusto kolang ay maging totoo ka sa isasagot mo ok ba tayo dun?" tanong ko dito...

"Opo hehehehe" sagot nito na may kaba parin at pagkahiya...

"pero bago yun gusto ko muna magpakilala ka sakin mga hobby mo... Edad o taga saan ka" tumango ito at ngumiti...

"ako po si Cayte Villaceran, labing walong taong gulang po... Ahmmm taga probinsya po talaga ako pero ngayon po ay nakatira po ako sa tita ko dyan lang po sa may recto" sunod sunod na sagot nito

"ahmmm matanong kolang saang probinsya ka galing?" putol ko sakanya...

"lumaki po ako sa Pampanga... Dun rin po ako pinanganak" sagot naman nito

"wow masanting ba ako?" hahhahaha birong tanong ko dito... May alam akong mga konting kapampangan dahil taga Pampanga rin si Ace...

"awa naman po" sagot nito habang ngiting ngiti...

"mukhang napipilitan ka ah hahaha joke... So bali naalis na ng konti kaba mo kaya punta na tayo sa seryosong tanong" paguumpisa ko dito... Bigla ring sumeryoso ang mukha niya na bumalik ulit sa pagiging kabado...

"paano kung sabihin ko sayo ngayon na 'di ka pwede sa creatives committee? Sa nakikita ko kasi sayo ngayon ay mukhang wala kang kaalam alam tungkol sa arts... Hindi kita kinakikitaan na marunong gumuhit o marunong manlang sa larangan ng digi art" sunod sunod na sabi ko rito para mapressure siya sa tanong ko...

.

.

.

.

.

.

.

Ivan's POV

"Ivan?" tawag sakin ni ate Samantha... Nabalik naman ako sa realidad... Tumingin tingin ako sa side ko ako nalang pala ang natitirang iinterviehin lumapit naman ako kay ate Samantha... Ngiti naman agad ang bungad niya sakin... Ang ganda ni ate Samantha lalo na ay sobrang puti nito...

"anong committee ang gusto mong salihan?" tanong nya sa akin...

"gusto ko po sana sumali sa creatives committee kaso po napansin kopo sa mga naunang nainterview po lahat po sila malungkot... Ganun po ba kahirap makapasok sa creatives?" nangangambang tanong ko dahil napansin ko kanina pa ay lahat ng umupo sa harap ng bumunggo sa akin kahapon ay parang binagsakan ng langit at lupa...

"nukaba wag kang kabahan piliin mo gusto mo... At sa totoo lang mabait yang si Lance... Basta gawin molang best mo" pagpapalakas ng loob sakin ni ate Samantha...

Tumango nalang ako at nginitian siya... Inumpisahan konang maglakad papunta sa upuan sa harap ni Lance... Ayaw ko siyang tawaging kuya dahil galit pa ako sa pagkakabunggo niya sakin kahapon... Seryoso akong umupo at tinignan siya... Ganun rin naman siya na seryoso ang mukha...

"ok di nako magsasayang ng oras hindi ka pwede sa committee ko" biglang tumaas ang dugo ko sa sinabi niya kaupo ko... Sasagot na sana ako buti nalang naisip kong ikalma ang sarili ko... Huminga muna ako ng malalim...

"andito po ako para mainterview dahil gustong gusto kopo makasali sa committee ninyo" seryosong saad ko sakanya... Mula sa seryosong mukha niya ay bigla siyang humalakhak ng napakalakas at pumapalakpak pa...

"hahahahahahahaha easy kalang nagbibiro lang ako hahahahaha wait hahahaha sakit ng tyan ko hahahahah ba't ba napakaseryoso mo hahahaha" lalong akong nainis sakanya dahil dito... "By the way sorry nga pala kahapon hindi ko sadyang mabunggo ka" nanghihingi ba talaga siya ng sorry oh tinatawanan parin ako...

"alam kopong hindi ninyo sadya yung pagbunggo sakin pero bakit nyo po ninakawan yung ale?" tanong ko sakanya pabalik... Sumeryoso naman ang mukha niya at inilagay ang mga kamay sa lamesa...

"ako ang magtatanong dito hindi ikaw diba? Pero that thing I already fixed it yesterday... I was not a real thief it was just a dare by my friends so yeah move on" english english pa siya eh magnanakaw naman... Sabi ko sa isip isip ko...

"so we go back to the interview can you tell me about yourself?" paguumpisa nito...

"I'm Ivan, 18" maikling sagot ko

"thats all? Owww Ivan i already apologized to you ba't parang galit kaparin sakin? Ok ako muna siguro dapat ang magpakilala... I'm Lance De Vega 20 years old, single and ready to mingle, handsome and most of all 'VIRGIN' " banat nito sabay halakhak nanaman ng malakas... Tinignan ko naman ang paligid namin at nakatingin lang sila sa amin at natatawa rin sabagay alam na siguro nila ugali netong mokong nato... "so magpakilala ka ulit"...

"again I'm Ivan Lee Ramirez 18 years old from Pampanga mahilig po ako magbasa manood at gumuhit" tinigil kona dito ang pagpapakilala ko... Pag umangal pato susungalngalin kona talaga... Ano gusto niya? Kwento ko buhay ko? Utot niya...

"wow taga pampanga karin? The first person that I interviewed earlier is from Pampanga too... So masanting bako?" wow kapal ng budhi nito pogi daw siya? Eh mukha namang tukmol... Pero sa totoo lang ay inaamin ko na pogi siya pero syempre mas pogi parin ako sakanya...

"oo nalang po siguro" seryosong sagot ko sakanya... Nanlumo naman ang mukha neto at biglang tumingin sa cp niya para tignan ang sarili... Inayos ayos pa ang buhol nito...

"Guys diba pogi naman ako? Sigaw nito na tinatanong ang mga ibang committee head" hindi naman sila sumagot bagkus natawa nalang... Natawa rin ako ng patago dahil para siyang bata...

"oo daw sabi nila... Di mo lang narinig" pagpapalusot pa nito para lang mapanindigang pogi siya hahahaha... "balik na tayo isa lang naman tanong ko" balik seryoso na siya at muling bumalik ang kaba ko... Hindi kasi ako matalino at hindi ako ganoon kagaling sumagot sa mga tanong...

"paano kung sabihin ko sayong 'di ka bagay sa creatives committee kaya 'di kita tatanggapin?" napaisip naman ako kung ano ba dapat ang isasagot ko... "what if i said to you that you doesn't have the talent that our committee needed?" tuglong niya pa rito... Kaba ang bumalot sa akin kaya 'di ako agad nakasagot...

"ahmmm siguro po hindi ako ganoon kagaling kaya 'di niyopo ako tatanggapin sa committee niyo pero kaya nga po ako nandito ay para sumubok... Gustong gusto koman pong makasali pero syempre po in every game there is win and lose... Pero kahit ano man pong mangyari alam ko naman po sa sarili ko na ginawa ko best ko" nakatingin ako sa seryosong mata niya habang sumasagot at sobra talaga ang pressure lalo na ay ganto ang tinanong niya...

"so ok tomorrow same time and place i will wait you all here to announce if you are accepted or not" seryosong saad niya saka na siya tumayo... "guys I'll go first Samantha ba-bye" sigaw nito habang winawagayway ang kamay at umalis na sa room...

Napapaisip tuloy ako kung tama ba ang sinagot ko sa tanong niya... Kaya pala malungkot lahat ng nauna sakin ay dahil sa tanong niya at pagiging 'di kasiguraduhang makasali...

.

.

.

Haysss naglakad nako papunta sa room ng unang klase ko ngayong umaga... Maaga pa kaya 'di ko kailangan magmadaling maglakad sa pasilyo... Iniisip ko kung ano bang nakalimutan ko... Alam kong dala ko lahat ng gamit ko para sa mga klase ko ngayong araw...

"hoy" biglang may umakbay sa balikat ko "bakit ang lalim ata ng iniisip mo?" tanong pa nito hindi kona siya tinignan dahil alam kona kung sino siya... Siya lang naman si Kurt ang naaasahan ko lalo na sa larangan ng math... Siya rin pala ang isa pa naming kasama ni louie sa dorm... Bigla itong may ipinakitang plastic bag sa harapan ko...

"hindi kapa nagaalmusal diba? Hinanda ito ni louie dahil alam niyang makakalimutan mong magalmusal katapos mo sa interview mo" nginitian ko naman ng sobra si Kurt... Almusal pala ang kanina kopa iniisip na nakalimutan ko...

"thank youuuu" sabay kuha ng plastic sa kamay nito... At dumiretso na kami sa klase namin...

...Yosh...

Hello poo... Thank you po sa pagbabasa hehehehe sana po ay subaybayan nyo hanggang duloo.. Nanghihingi napo agad ako ng tawad kung 'di man po ako ganun kagaling magsulat... Pero gagawin kopo ang best ko para po mapaganda ito...

-ma(th)kata

avataravatar
Next chapter