2 Chapter 2

Lance POV

"Lance ang lupet mo talaga... 'Di namin akalaing gagawin mo yun Hahahahah"

kwento ni mokong na kaibigan ko...

"syempre naman may isang salita ata ako" sabay akbay ko dito...

"so ano n'yang plano mong pangbawe dun sa ale?" tanong naman ni Ace...

Napaisip naman ako... Di naman kasi talaga ako magnanakaw nidare lang sakin yun ng mga mokong kong kaibigan dahil natalo ako sa pustahan... Sa katunayan ay may kaya kami kaya 'di ako gipit sa pera..

"Paano kung puntahan nalang natin mamaya dalan natin ng mga prutas?" tanong ko sa mga ito..

"napakakuripot mo talaga... Sa dinami dami mong ibibigay yun lang?" sabay kutos ni Ren sakin...

"sa totoo lang pwede na yung prutas pero siguro tanungin natin ung ale mamaya baka dun natin malaman ano magandang ibigay pangbawe sa pagperwisyo natin sakanya kanina" naka nganga kaming pumapalakpak ni Ren dahil sa sinabi ni Ace..

"Ace ikaw bayan?" hahahaha panggagagong tanong ni Ren dito...

"gago" sabay bato nito ng bote ng tubig kay Ren...

"aray... Maalala kolang ah diba may nabunggo ka kanina? Yieeehhh baka siya na yung forever mo hahahahahah... Halos ganun lahat ng nababasa ko sa mga love story eh hahahahha" napakaloko loko talaga netong si Ren...

"shhhiiaaaa gusto mopa ahhh" pagbabanta kong babatuhin korin siya ng bote ng tubig hahahahah... Kumaripas naman agad ito ng takbo at winagayway ang kamay... "hoy alas singko babalik pa tayo kay ale!!" sigaw kopa dito bago ito tuluyang nawala sa paningin namin...

"wala kabang ibang lakad Ace?" baling ko naman kay Ace... Napahawak ito sa baba niya na akala ko talaga nagisip ng malalim...

"Wala naman basta ililibri moko" nakangiting sabi pa nito...

"hahahaha sige ba san moba gustong tumambay?" agad naman itong tumayo mula sa pagkakaupo at inakbayan ako ng ngiting ngiti...

"yan gusto ko sayo Lance eh may bagong bukas daw dyan sa intramuros ano dun nalang tayo?" pag talaga usapang libri napakabilis netong si Ace... Di ko rin to maintindihan eh mas mayaman naman siya kesa sakin...

.

.

.

.

.

.

Ivan's POV

"Van.... Ivann" gising sa akin ni Louie, kadormmate ko nga pala... Kinuskos ko muna ang aking mga mata at nag-unat unat ng katawan...

"ano yun?" tanong ko dito...

"gising kana sabi mo kahapon ay dapat maaga kang magising dahil ngayon yung interview mo sa org. na sinalihan mo dba?" oo nga pala may sinalihan akong isang organization ano nga kasing pangalan ng org? Ah basta may sinalihan ako hehehe...

"ano nabang oras?" inaantok pang tanong ko...

"alas singko na ng umaga" sagot nito at hinila ang mga kamay ko para itayo...

"oh alas singko palang pala eh" sabay inihiga ko ulit ang katawan ko sa kama... "Ano? Alas singko na? Bat ngayon molang ako ginising" nagmamadali ako bumangon at tinungo ang banyo...

"bat ba kasi 'di ka nag alarm ang aga aga monga natulog kahapon.. 'di kana nga nag hapunan tapos late kapa nagising? Tapos ngayon ako pa may kasalanan na 'di agad kita ginising eh kagigising kolang rin" mahabang sabi nito "twalya mo oh... Bilisan mo may lakad rin ako" sabay bato nito ng twalya sakin kabukas ko ng pinto...

Ambilis ko maligo ngayon... Sinabay kona pagtutoothbrush at shampoo ko tapos isang buhos ng tubig sabon tapos banlaw naaa... Sa katunayan ay matagal ako maligo pero dahil nga nagmamadali nako ay wala ng arte arte sa pagliligo kabihis ko ay agad kong kinuha ang bag ko...

"mauuna nako louie ah thank you sa paggising hehehe" sabi ko dito habang nagsasapatos... Di kopa tuluyang naisusuot ang isa kong sapatos eh naglakad na ako palabas ng dorm...

Tinignan ko relo ko at mag pa 5:30 na tumakbo naman ako papuntang sakayan ng tric... Pwede naman siyang lakarin pero dahil late nako mas mabuti ng sumakay... "Kuya sa itech ngapo" sabi ko sa tricycle driver ng makasakay na ako...

Ilang minuto lang eh nasa itech na ako eto po bayad sabay takbo ako sa room kung saan kami iinterviewhin... Gusto ko nga pala maging parte ng creatives committee ng org. nato... Dahil mahilig ako sa art... At lalong lalo na ay gusto kopang matuto sa larangan ng pag eedit lalo na digital...

Hinihingal akong pumasok sa room "hello po" bati ko sa mga tao dahil nakuha ko lahat ng kanilang atensyon... Nakita konaman ang pila ng mga upuan kaya nahihiya nalang akong umupo sa pinakadulo nito...

"so hello guys ako nga pala si Samantha ang head ng L.O.K.I." Ahhh yun oo nga pala loki ang pangalan ng org... At nagpatuloy ang pagpapaliwanag ni ate Samantha sa kung anong meron sa org. at sa bawat committee na meron ito... Pinakilala narin ang mga head ng bawat committe at makikita mo talaga sa itsura nila ang pagiging isang leader...

"at ang head ng creatives committe Lance De Vera" palakpak naman kami... Nagtaka ako bakit walang tao ang tumayo... nagtinginan naman ang mga heads sa harapan at parang nagtatanungan asan na si Lance De Vera... Ilang segundo lang ay biglang may lalaking nagbukas ng pinto at hinihingal habang nasa mga tuhod ang kamay nito at nakayuko... "Lance late kananaman" mahinahon pero may unting galit sa boses ni ate Samantha...

"hehehehe sorry" lang ang sagot nito hangang hinahabol parin ang paghinga...

Katingala nito ng ulo ay sa akin agad ito napatingin...

"IKAAAAW?" kunot noong sabay na nausal namin.....

...Yosh...

Hello poo... Thank you po sa pagbabasa hehehehe sana po ay subaybayan nyo hanggang duloo.. Nanghihingi napo agad ako ng tawad kung d man po ako ganun kagaling magsulat... Pero gagawin kopo ang best ko para po mapaganda ito...

-ma(th)kata

avataravatar
Next chapter