1 Chapter 1

Halos lahat ng tao ngayon ay takot magmahal

Sa kadahilanang baka iwan nanaman

Baka lokohin at muling saktan

Pero ako takot manakawan... Ako nga pala si Ivan labing walong taong gulang at bago lang ako dito sa Maynila... Taga Pampanga ako pero dahil buhay kolehiyo na kaya kailangan kong mag adjust lalo na ibang iba ang buhay sa probinsya dito sa Maynila... Maraming paalala sila Mama at Papa sakin dahil sobrang daming magnanakaw daw dito sa Maynila... Sa harap daw lagi ang bag, huwag gumamit ng cellphone sa daan at laging alisto...

Naghihintay ako ngayon ng jeep dito sa kanto ng avenida... Alas kwatro imedya na ngayon ng hapon kaya hindi na ganoon kainit... Sa Pampanga jeep ang naghihintay pero dito sa Maynila tao ang naghihintay ng masasakyan... Unahan panga kaya kailangan talaga ay makisabayan dahil kung hindi ay 'di kana makakauwi hehehehe...

"magnanakawww! Magnanakawwwww!" ang mga narinig kong sigaw at ng lilingon nako sa aleng sumisigaw ay...

Biglang may kumakaripas ng takbo na bumangga sa akin "aahhhhhh" ang nausal ko dahil napaupo ako sa sahig... "Pisti" Tinignan ko ang nakabunggo saakin... Tumatakbo ito papalayo at lumingon ... "SORRRYYYY" sigaw nya...

nakatingin lang ako sakanya hanggang sa mawala sya sa paningin ko... Nakalimutan kong nakaupo pa pala ako ngayon sa sahig kaya dali dali akong tumayo at pinagpag ang short... Sino kaya ang mokong nayun andami daming bubungguin ako pa... Arrgggg sakit ng pwet ko pag talaga nakita ko ulit sya dodoblehin ko ang sakit na binigay n'ya... Nagtaka ako sa naisip ko ba't koba sinasabing magkikita pa kami ulit eh ang laki laki nga pala ng Maynila...

Makalipas ang ilang minuto ay may dumaan naring jeep kaya dali dali akong sumakay kahit masakit pa ang pwet ko... "Kuya pasuyo po isa po sa stop and shop thank you" sabay abot ko ng bayad ko... Sa Polytechnic University of the Philippines nga pala ako nag aaral... Nung una ayaw ako payagan na dito mag aral nila Mama dahil sa mga nababalitaan nila sa tv na puro aktibista ang mga tao... Pero dahil kyut ako pinayagan parin nila ako hehehe... Malapit lang sa school ang inuupahan kong dorm... Bed space lang kasi wala kaming pera... Sobrang mamahal ng dorm dito sa Maynila... Sa Pampanga 2k lang ay isang buong bahay na ang mauupahan mo dito sa Maynila ni 2k na studio type ay wala...

"Ma para po" sawakas pasado alas sais ay nakauwi narin hinubad kolang ang sapatos ko at dumiretso agad ako sa kama at inihiga ang katawan... Naisip ko ulit yung nakabunggo sa akin sya kaya ung nagnakaw sa aling sumisigaw kanina? Hindi naman sya mukhang pulubi o mahirap dahil base sa nakita ko kanina ay hula ko kaedad kolang sya at sa totoo lang ay mas maputi ang kulay nya kesa sakin... Teka nga bakit kopaba sya iniisip... Tsss madapa sana sya...

'di kona namalayan na nakatulog ako agad dahil narin siguro sa sobrang pagod...

...Yosh...

Hello poo... Thank you po sa pagbabasa hehehehe sana po ay subaybayan nyo hanggang duloo.. Nanghihingi napo agad ako ng tawad kung d man po ako ganun kagaling magsulat... Pero gagawin kopo ang best ko para po mapaganda ito...

-ma(th)kata

avataravatar
Next chapter