2 Two

Pagkagising ko pa lang ang text ng presidente ng aming klase ang bumungad sa akin. Wala daw kaming pasok sa first subject, nagtext daw sa kanya yung prof namin doon. Dalawa lang ang subject ngayon kaya nakakatamad pumasok ng second subject. Ang tagal ng biyahe papuntang school tapos may chance pa na hindi pumasok yung prof.

Habang nagdadalawang isip kung papapsok ba or hindi, nagchat ako sa mga kaibigan ko kung papasok ba sila o hindi. Kung ang majority kasi sa kanila ay hindi papasok, hindi na rin ako papasok. Sayang kasi yung pamasahe, yung oras na ilalaan mo for commute, tsaka sana natulog na lang ako kesa maghintay. Bumangon na ako at bumaba sa kusina para mag-almusal na.

"Oh. Wala kang pasok?" tanong sa akin ni mommy dahil alam niya late na ako kapag ganitong oras ako kumilos.

"Wala po kaming pasok sa first subject. Nagtext sa president namin yung prof. Baka hindi na rin ako papasok ng second subject, sayang lang baon at nakakapagod magcommute."

"Buti naman. Safe ang one fifty ko ngayon!" ani ni mommy.

Pagtingin ko sa aking cellphone, ang dami ng chat ng mga kaibigan ko. Habang kumakain ng almusal binasa ko yung mga chat nila

Amelia: di ako papasok tinatamad ako

Tine: nandito na ako sa school. Late ko nabasa yung chat ni president

Randy: papasok ako kung papasok kayo

L: Hindi ako papasok hehe

Cris: papasok ako. Tatambay lang

Nessa: hindi din ako papasok.

Benedict: ayaw ko pumasok. Saying biyahe tsaka damit.

Since apat ang hindi papasok, naging sure din ako na hindi na papasok. Matutulog na lang ako at makikibalita sa iba ko pa na classmate na pumasok kung may prof ba na pumasok o wala. Biglang sumagi sa isip ko na, paano kung ngayon pumasok si Gab? Hindi ko siya makikita. Napatingin ako agad sa twitter niya nagbabakasakali na may tweet siya about his first day of school.

Unang tweet pa lang na lumabas sa profile niya, natuwa kaagad ako. Tinatamad daw siyang pumasok ngayon. First day niya sana kaso alam daw niya na wala namang prof na papasok. Pagkabasa na pagkabasa ko ay feeling ko ay makikita ko kaagad siya bukas. Tamang asa lang ako kahit hindi pa rin sure. Excited tuloy ako pumasok bukas. Nag-isip kaagad ako ng magandang susuotin para kapag nakita niya hindi ako mukhang basura sa harap niya.

***

Suot yung favorite ko na yellow t-shirt, high waist jeans, black converse at kaunting make up, masaya akong pumasok sa school. Maaga pa para sa first class pero hindi mabigat sa loob ko dahil umaasa na makikita ko na si Gab ngayong araw.

Maingat na umakyat sa fourth floor, patingin tingin sa paligid kung nandiyan ba siya o kaya yung mga kaklase niya. As usual, fourth floor dome is full of people. Breaktime ng may morning class tapos yung ibang masipag pumasok sa afternoon class ay nandito na. Hanggang makarating ako sa hideout namin ay hindi ko siya nakasalubong. Patience fel, baka mamaya pa pasok. Ikaw itong maaga pumasok.

"Aba maaga ka ulit pumasok, himala yan ah." Sabi ni Nessa sa akin. Hindi talaga ako maaga pumapasok. Kapag pumapasok ako yung saktong nandiyan na yung prof o di kaya five minutes na lang start na yung klase. Minsan late din.

"Bakit hindi ba pwede?" balik ko sa kanya.

"May inaabangan ka no? Sus, nakita na namin kanina sa canteen bumibili ng pagkain niya!" ani ni Tine sa akin. Sila pa lang ni Nessa ang nandito sa hideout. Mukhang tinatamad pa pumasok yung iba.

"Anong inaabangan? Kayo talaga, maaga lang pumasok may inaabangan kaagad." biro ko.

"Talaga! May inaabangan ka naka ayos ka ngayon. Hindi ka naman nagaayos ng ganyan araw araw" sabi ni Tine.

"Oo na! Oo na! Nag-ayos lang ako ng kaunti para di mukhang basura sa harap niya. Kumain na ba kayo?" tanong ko sa kanilang dalawa.

"Kumain na kami. Hindi ka pa kumakain? Kumain ka na muna mamaya na yang pacute mo kay Gab." ani ni Nessa.

Kinuha ko yung wallet ko at bababa na sa canteen. Lunch time na rin naman, kakain muna bago magpacute sa iba.

Puno ang canteen. Makikipagsiksikan nanaman ako para makabili kaagad ng pagkain. Ang hirap maging maliit, lagi pa akong nasisingitan kapag sabay sabay yung bumibili. Mukhang battle field yung mga bilihan kapag lunch time, akala mo naman hindi mapagbibilhan yung mga iba na nagmamadali.

Hawak ang rice bowls na may ulam na tofu sisig at lemonade, umakyat na ako. Umiiwas sa mga pababa para maglunch. Pagdating sa fourth floor, siyempre panay ay tingin ko sa paligid kung makikita ko siya pero bigo nanaman ako. Baka may klase pa siya hanggang ngayon? Pero sabi ni Tine nakita na nila na bumili sa canteen kanina. Siguro nasa classroom niya. Kakain na nga lang muna ako.

Tapos na ako kumain tsaka dumating ang mga iba ko pang kaibigan. Pang-aasar ang bungad sa akin kasi maaga nga ako pumasok. Hindi ko na lang pinatulan dahil kapag pumatol pa ako mas hahaba pa ako asaran.

Five minutes na lang bago magsimula yung first class namin ay napagpasiyahan na namin pumunta sa classroom. Kaunti pa lang ang mga classmate namin na nandoon. Ang usual na pwesto naming sampu ay ang last two rows. Minsan nauunahan ng iba kaya minabuti namin na maagang pumunta sa classroom.

Habang nagkwekuwentuhan kami ni Amelia, biglang sumigaw si Randy.

"Gab!" nasa labas siya ng classroom namin. Tinitignan kung nasaan ang best friend niya na.

Isang sigaw pa lang kinabahan ako agad. Hindi naman ako yung kakausapin.

Humaba ang kanyang buhok. Payat pa rin. Nandoon pa rin yung ngiti niya na nakakahawa.

Sumenyas si Gab para lumabas si Randy. Dali-dali naman na lumabas si Randy para kausapin ang best friend niya na hindi niya nakita buong summer.

Nagpatuloy kami sa kuwentuhan ni Amelia pero habang nagkukwento siya hindi ko mapigilang lumingon sa labas.

"Nakikinig ka pa ba sa kinukuwento ko? Hmm?" mataray na sabi ni Amelia sa akin ng pansin niya na lingon ako ng lingon sa labas.

"Sorry na. Tumitingin lang sa crush ko sa labas. Ngayon ko lang ulit nakita yan."

Ang magaling kong kaibigan ay tumayo at lumabas ng classroom. Since close din sila ni Gab, ayun nakipagkuwentuhan na rin. Iniwan ako dito sa loob. Aba'y traydor din minsan.

Wala na akong kakuwentuhan kaya naghanap ako ng kukulitin sa mga kaibigan ko. Kaso naunahan ako.

"Si Gab nasa labas oh! Labas ka na rin!" sabi ni Cris sa akin.

"Ay ano ako papansin?"

"Bakit hindi ba?" nakatikim tuloy siya sa akin ng hampas.

"Weh, gusto na niyan lumabas para makausap na niya yung payatot niyang crush. Tawagin ko pa yan eh!" sabi n L.

"Ano ba?! Kayo ba may crush doon? Ang iingay ha." Pabirong galit na sabi ko sa kanila. Asar ng asar kapag narinig niya, wala na. Ayawan na.

Nagulat ako ng bigla akong tinawag ni Amelia mula sa labas. Sumenyas pa siya para palabasin ako. Baka nilaglag na ako nito. Laglag ko siya sa hagdanan mamaya.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya kahit nasa loob pa ako ng classroom. Baka may ipapaabot lang ito o trip niya lang ako palabasin.

"Tara dito! Tawag ka ni Gab!"

Hala siya.

"Ha?" kinabahan ako kaagad. Hindi naman kami masyadong close, bakit niya ako kakausapin?!

"Labas ka na dito! Tawag ka nga!" sagot ni Amelia sa akin.

I don't want to be too obvious that I like him, kaya lumabas na ako. Kapag hindi ako lumabas tapos tawag niya nga ako it would raise questions. Kahit kinakabahan ako, lumabas na ako.

"Bakit?" sabay ngiti para hindi halata na kinakabahan. Siya ba talaga tumawag sa akin o pinagttitripan lang ako nitong dalawa.

"Kamusta ka na daw sabi ni Gab?" tanong ni Randy sa akin.

"Wow. Spokesperson ka ba?" biro ko.

Tumawa naman si Gab. Wow napatawa ko siya. Galing ko naman.

"Kamusta na Fel?" tanong ni Gab. Yung kilig ko teka. "Kamusta summer mo?"

"Okay naman. Unproductive and boring. Ikaw?"

Habang nag-uusap kami ni Gab, nakikita ko yung dalawa na nasa gilid ngumingiti. Yung ngiting nang-aasar. Pagkatapos nito puro na naman ako asar.

"Nasa summer camp ako buong vacation. I was the MC of the camp, kaya I had no time for communication." Ani ni Gab. Kaya pala kahit sa kahit anong social media niya wala siyang paramdam. Siya na naging productive ang summer.

"Wow! Ang galing. Ang productive naman ng summer mo. Sana all."

Natawa siya. May itatanong pa sana siya ng nagkaroon ng commotion sa classroom namin. Pumasok na yung iba naming mga classmate kasi nandiyan na pala yung prof namin.

Nalungkot ako ng slight kasi tapos na yung usap namin ni Gab. Wala ng mas hahaba pa? Yun na yun?

"Nandiyan na prof namin. Pasok na kami. Bye Gab!" sabi ko kay Gab.

"Sige. Aral mabuti! Pasok na din ako sa classroom. May klase na din kami." Tignan mo may klase din pala siya pero nandito sa classroom namin. Pakilig ka talaga.

Pumasok na kami ng classroom at nagsimula na ang klase. Inspired tuloy ako magklase kasi sabi ni Gab, aral daw ako mabuti. Gagalingan ko na nga.

Natapos ang tatlong oras na klase na lumilipad yung isip ko. Hindi ako makafocus ng maayos kasi iniisip ko kung makikita ko ba si Gab bago ako umuwi. Napaka-clingy ko naman. Masyadong namimiss, wala namang pakialam yung tao.

Walang break time sa pagitan ng dalawang klase namin. Yung prof pagkatapos ng first subject ay wala pa kaya waiting game na naman kami. Habang naghihintay ay napagdesisyunan namin na kumain ng meryenda. Gutom na kaming magkakaibigan.

"Gutom ako!" sabi ni Amelia sa akin.

"Ako rin eh. Baba tayo?"

"Ayoko bumaba. Tinatamad ako tsaka baka dumating na yung prof natin ano ka ba." Paalala sa akin ni Amelia. Mas gusto ko kasi ang pagkain sa canteen kesa dito sa co-op sa floor namin. Mas maraming options sa canteen, hindi ako nabubusog ng mga pagkain na nasa co-op.

Dahil ayaw ko rin ma-late sa next subject namin, pumyag na ako na hindi na bumaba para bumili ng pagkain. Pagkakuha ng wallet ko sa bag, pumunta na kami sa co-op.

Habang naglalakad, nakita namin si Gab na nasa bench sa gilid ng dome kasama yung mga classmates niya. Mukhang may pinaguusapan sila.

"Oy!" bati ni Gab sa aming dalawa. "San kayo pupunta?"

"Sa co-op lang, wala kayong klase?" tanong ni Amelia.

"Meron. Groupings kaya kami nandito." sagot naman ni Gab kay Amelia

Hindi ko makuhang magtanong sa kanya kasi nahihiya ako. Hindi naman talaga kami masyadong close. Naguusap lang dahil halos kaibigan na rin niya yung mga tropa ko dahil kay Randy.

Pagkalagpas namin sa kanila ay inasar ako ni Amelia. "Ano ba't hindi ka makaimik diyan?"

"Ikaw naman yung kausap hindi ako, bakit ako biglang makikipag-usap sa kanya?" sabi ko sa kanya. Totoo naman. Ayoko maging feeling close, baka hindi na ako kausapin nito.

Pagkatapos namin bumili sa co-op ay bumalik na kami sa classroom. Ang akala ko ay makikita ulit namin si Gab pati yung mga classmate niya doon sa bench, kaso wala na sila doon.

Saktong pagdating namin sa classroom, dumating yung prof namin. Maaga din kami pinauwi dahil introduction lang naman ng subject niya ang ginawa namin sa time niya ngayon.

"Tara, uwi na tayo!" sabi ni Tine sa amin.

"Tara! Wala ng kakain ng street foods paglabas ha? Diretso uwi na tayo." Anyaya ko sa kanila. Ayoko na gumastos tsaka nagmeryenda naman na ako kanina.

Bago kami makababa ay madadaanan namin yung room ni Gab, habang naglalakad ay maingay kaming nagkukuwentuhan. Humihina lang kapag tumatapat kami sa classroom na may nagkaklase.

"Ito ata room ni Gab!" sabi ni Randy sabay tingin sa mga estudyante na nasa loob ng classroom. Nung nahanap niya nga si Gab ay kumaway naman ito. Kumaway din pabalik si Gab.

Kumaway din si Amelia kay Gab, pagkatapos ay sinabihan niya ako na ako naman yung kumaway.

Dahil masaya ako ngayon. Kumaway na rin ako. Pagkakaway ko naman ay kumaway din siya pabalik.

Hala.

Ang galing.

Akala ko hindi niya ako papansin.

Akala ko mapapahiya ako.

Ang bait naman niya. Uuwi ako ngayon ng masaya.

avataravatar