1 One

Bawat hakbang ko papasok sa university ay dumadami ang aking iniisip. Bagong school year na. Panibagong batch nanaman ng professor ang kailangang pakisamahan. Sana walang maulit na prof. Sana wala din kaming maging prof na nanghuhula ng grades. Sana may masipag kaming prof ngayong semester. Sana walang terror na prof.

Nagmadali akong umakyat sa hideout naming magkakaibigan. Nandoon na daw sila kahit mamaya pa namang hapon an gaming pasok. Pagdating ko sa fourth floor, bumaha ang tao sa dome area. Halo halong marketing majors at arts student ang nandoon. Dali-dali akong nagtungo sa pinakadulo ng buong floor, kung saan nandoon ang maliit na hallway patungo sa fire exit. Yes, ang hideout naming magkakaibigan ay yung hallway na yun. Mahangin kasi at wala masyadong tao na dumadaan. Kilala na nga kami ng nagbabantay doon. Pinapaalis ang ibang kurso pero kapag kami ang nandoon ay okay lang sa kanya.

"Hi bebe!" sabay yakap sa akin ni Amelia. Yumakap din ako sa kanya.

"Kumain na kayo?" tanong ko sa kanya. Halos lunch time pa lang. Ang aga kasi nagsipasok.

"Ako tapos na. Tanong mo sila." sabay nguso sa iba pa naming kaibigan na nakasalampak sa mini hallway.

"Kumain na kayo?" tanong ko sa kanila.

Imbes na sagot ang marinig, mga bati ng iba ko pang kaibigan na babae ang nakuha.

"Kami ni Cris tapos na" ani ni Nessa.

"Kami din ni Paolo!" sabi ni Tine.

"Hindi pa ako kumakain ng lunch. Pumasok na ako, miss ko na kayo eh." Pabiro kong sinabi sa kanila.

"Si Randy nasa baba bumibili ng pagkain tapos yung tatlong lalaki wala pa." sabi ni Tine sa akin.

Sampu kaming magkakaibigan. Limang babae tapos lima din na lalake. Swerte lang na nangyari ang aming pagkakaibigan, naglaro ng isang card game sa unang araw ng pasok noong first year kami pagkatapos nagkayayaan na kumain ng lunch ng sabay and the rest is history.

Halos para na kaming magkakapatid sa turingan namin. May tumatayo ding nanay at tito sa grupo. Walang tatay kasi wala namang father figure sa mga lalaki na yun.

Pagkalapag ko ng bag sa upuan na nandoon, kinuha ang wallet at nagpasiyang bumaba para bumili ng pagkain. Ayaw kong pumasok sa klase ng gutom. Mahirap na. Mahirap maging sabaw.

"Baba lang ako ah, yung gamit ko pakibantay." ani ko sa kanila na mga naglalaro sa kanilang mga cellphone.

Sa pagbaba ko sa canteen, hindi ko mapigilang maisip kung pumasok kaya si Gab ngayon? Hindi ko alam ang schedule niya ngayong semester. Parehas kaya kami ng araw ng pasok?

Maraming tao sa canteen. Mahirap bumili ng pagkain kung hindi ka maparaan. Habang nakapila para bumili, tingin ako ng tingin sa paligid. Tinitignan ko kung makikita ko ba siya o kahit yung mga classmate niya.

Hanggang matapos akong bumili ay no signs about him. Siguro, wala pa siyang klase ngayon. O wala siya dito sa canteen o kaya nasa classroom lang siya.

Pag-akyat ko muli sa hideout namin, panay ang tingin ko nagbabaka sakali na makasalubong siya sa floor namin pero bigo ako. Mahaba pa naman ang araw ko dito sa school, makikita ko naman siguro siya.

Pagbalik ko sa hideout ay kumpleto na kaming sampu. Sakto kakain pa lang din yung tatlo, may kasabay akong kumain.

"Buti na lang may kasabay ako kumain. Thanks boys!" sabi ko doon sa tatlo.

"Uy Fel, nakita mo na si Gab?" ani ni Randy.

"Hindi pa nga eh," sabi ko kay Randy. "Baka bukas pa ata first class niya. May schedule ka ba ni Gab?"

"Hindi ko pa nakakausap so, hindi niya pa nasesend sa akin." sabi ni Randy.

"Bakit namiss mo ba?" tanong ni L.

"Hindi naman masyado. Iniisip ko lang kung may nagbago ba sa kanya ngayon. Hindi ko siya nakikitang active sa social media eh." sagot ko kay L na hindi ko namamalayan kinukuhanan na ng ulam yung pagkain ko.

"Hoy! Pagkain ko yan! Bumili ka sa baba kung gusto mo niyan!"

"Eh di ka pa kumakain kakaisip mo sa payatot na yun!" pabirong sagot ni L.

"Alam mo naman na hindi ako kumakain ng mainit diba? Pinapalamig ko muna kasi. Masyado ka diyan."

Nung lumamig na ang pagkain ko, kumain na ako at saktong pagkatapos ay magsisimula na ang aming first class. Kailangan na namin pumunta sa aming classroom.

Habang naglalakad papunta sa classroom, nagbabaka sakali pa rin ako na makikita ko siya. Panay naman ang asar ng mga kaibigan ko. Matagal na nilang alam na gusto ko siya at matagal na rin nila akong tinutukso sa kanya. Hindi ko lang pinapatulan dahil mas aasarin nila ako kapag pumatol ako.

Pagpasok sa classroom, batian ang nangayari at kuwentuhan tungkol sa summer ng bawa't isa. May ilang asaran pa at may ibang nagsasabi na gusto na nila umuwi kahit kakapasok lang. Ramdam daw nila na hindi papasok si prof dahil first day pa lang.

Mainit sa classroom kaya napagpasiyahan namin ni Amelia na tumambay sa labas. Tanaw mula dito yung classroom niya. Wala atang tao.

"Ano? Nakita mo na? Hindi ko pa rin nakakausap eh kaya di ko alam ang schedule." sabi ni Amelia.

"Wala atang tao sa classroom nila. Bukas pa siguro ang first day." ani ko.

Lumipas ang ilang oras walang pumasok na prof sa lahat ng subject ngayong araw. Hindi ko rin siya nakita. Sayang naman ngayon, kumain lang pala ako sa school. Sana pala hindi na lang din muna ako pumasok.

Palabas na kami ng university ay malungkot pa rin ako. Pilit ko man na iniaalis sa isip ko na hindi ko siya nakita ngayon ay bumalik at bumabalik pa rin. Siya kasi ang isa sa mga dahilan kung bakit excited ako magbalik eskuwela ngayong taon. Gusto ko lang naman makita kung may nagbago ba sa kanya. Gusto ko lang malaman kung ano ginawa niya nitong summer.

Sana naman may pasok na siya bukas. Makita ko lang siya, okay na ako. Kahit hindi ko na siya makausap okay lang sa akin. Basta makita ko lang siya.

avataravatar
Next chapter