webnovel

Friend Request

*Ring* *Ring* *Ring*

Binuksan ko yung mata ko jusko ang ingay naman netong alarm clock ko wala ba tong silent mode? umagang umaga. Pinatay ko yung alarm ko tas umupo muna ako medyo hilo hilo ako bes wait lang. Tinitignan ko yung kwarto ko mukhang wala akong gagawin ngayong araw na to makapagligpit nga ng gamit. Pinush ko sarili ko para tumayo jusko sinusumpong nanaman ako ng sakit ko Tamadities so tinali ko muna yung buhok ko ng ponytail wala ng suklay suklay pag aalis lang pwede, naghilamos muna ako at skincare ko ng umaga oh ha may skincare. Bumaba ako sa hagdan nasa isang compound lang kasi kami at nirent lang namin tong bahay nato mas malapit sa U.P. tandang sora lang naman to, chaka malapit din sa work ni Mama. Ay wait di ko ba nasabi? na single mom ang aking mudra di nag work ang parents ko kaya walang sahod charaught masyado kasing mapagmahal si tatay ko pati ibang babae minahal kaya ayan nagsawa mama ko sa paulit ulit na pagpapatawad kay papa at paulit ulit niyang ginagawa chaka only child lang ako kaya mas malaki impact sakin kaso wala naman akong magawa as long na happy sila edi go.

"Good Morning ma." Sabi ko asa may kusina siya eh

"Good Morning nak! May lakad ka ba ngayon?" Tanong niya

"Wala naman po ma bakit?" Tumingin ako sakanya

"Baka di muna ako makauwi ngayong araw na to maraming trabaho eh pero maganda din yun dagdag sahod." Sabi niya tas ngumiti lang ako sakanya

"Mama naman basta sahod ah." Tumawa din siya

"Aba sayang yun!" Sabi niya sabay lapag ng almusal namin na kakaluto lang niya

"Okay Okay Kain na tayo ma." Aya ko "Kaya pala agad kang nakabihis ng uniform niyo kala ko mamaya ka pang lunch." Sabi ko

"Akala ko din eh, biglang dumami work." Sabi niya tas tumango lang ako

"Kung okay lang sayo ayain mo si Cas ditong matulog para may kasama ka o kaya dun ka muna kay papa mo para safe ka." Sabi niya

"Kaya ko na sarili ko ma." Sabi ko

"Worried lang ako babae ka tange, ano man mangyare wala ako dito." Sabi niya

"Sige tawagan ko nalang si Cas." Sabi ko

"O kaya papuntahin mo si papa mo o dami mong choice di pwedeng none of the above ang sagot." Warning niya tas natawa lang ako

"Opooooo~" Sabi ko tas biglang nag ring yung phone niya

"Hello po? Ah, Opo opo sige po papunta na po." Tas bigla niyang binaba yung phone "Tumawag na boss ko oh anak ligpit mo nalang tong kinainan natin alis nako yung kasama mo ha!" Sabi niya tas kiniss ako sa ulo tas ayun umalis na kala mo si Flash ang bilis gumora.

Hays. Ako nanaman mag-isa bat di pa sila biniyayaan ng isa pang anak para naman may kasama ako diba? like hello? ako lang sure na yon final answer na? wala akong kapatid? okay! Nagligpit nako ng kinainan namin ni lock ko yung pinto nag linis muna ako ng bahay walis here walis there di ako mag ma mop masyadong hassle kaya dumaretso ako sa taas at sinumulan kong mag-ayos ng damit, napansin ko din na marami akong damit na di na ginagamit kaya hiniwalay ko na yun baka pwede kong ibenta para naman may pera ako jusko naman hirap walang pera pag bakasyon you know. So ayun nga mga 3 oras nako dito sa kwarto mas marami pa yung tunganga kesa sa ligpit pero may improvement naman kasi yung ilalim nalang ng kama ko yung ililigpit ko, makikita mo dito sa ilalim ng kama ko na maraming sikreto, Nakita ko tong isang blue heart shape na lalagyanan ng chocolates dati binuksan ko tas nakita ko yung mga memorable na mga bagay na binigay ng kung sino sino ewan ko ba bat ang hilig kong magtago ng ganito siguro tapon ko na din yung mga di kailangan katulad ng ticket ng sinehan resibo ng kung ano ano at mga tag jusko naman tep anong ginagawa mo? bat ka nagtatago ng ganyan? hays. tas may nakita pako ng lalagyanan naman ng biscuit na kulay red bat ang dami kong ganito? binuksan ko kase di ko na maalala anong laman neto, ay wait puro love letters pala to, mga rosas na lanta na except sa mga plastic na binigay before aba mayaman may pa singsing pa at kwintas pala ah galing pala to sa mga manliligaw ko dati oh diba haba ng hair ng ate niyo char, di ko naman sinagot kase you know mahirap pagsabayin ang studies at love life di ko pa kayang ibalance that time ewan ko lang ngayon pero di pa ako interested kasi sa love eh masyado pa akong bagets charrr, so lastly meron maliit na box mga shoe size na box wow Adidas pala to ano kaya to? binuksan ko yung box puro pala ID to simula nung bata pako, nametags, monograms and shet class pictures napangiti lang ako ang cute ko kasi sa mga class pictures naka pigtails ba naman ako HAHAHAHAHA nilipat ko yun sa blue heart shape na lalagyan since tinapon ko na yung laman nun before so ayun pero bago ko isara may napansin akong isang picture, class picture specifically. Kinuha ko tas pinagmasdan ko isa isa yung mga andun sa pictures tas nanlaki lang mata ko nung meron akong na familiarize shocks. Si Suson ba to? shemay si Suson nga kaklase ko pala siya nung High school bat di ko matandaan shockables. Biglang nag ring yung phone ko nagulat ako nauntog tuloy ako sa drawer ko naiwan ko palang bukas hays sino kaya to?

"Hello?" Sagot ko

"Tep san ka?" Ah si Cas pala to

"Asa bahay bakit?" Sabi ko

"Wala tara gora?" Aya niya tumingin ako sa orasan grabe lunch na pala

"Wala si mama walang magbabantay ng bahay." Sabi ko

"Tss. Problema ba yun edi punta ako dyan." Sabi niya

"Sige overnight ka na din tas dala kang mcdo, please?" Pakiusap ko sakanya

"Jowa mo ko? Jowa mo ko?" Tanong niya

"For this day uu." Sabi ko sabay tawa

"Eww, Osya sige andyan nako after 30 mins. Bye." Sabi niya wala na excite lang ako sa thought na may mcdo HAHAHAHAHAHA parang bata

"Thank you, See you, Ingat." Binaba ko na yung phone

Hmm? Ano kayang gagawin ko ng 30 mins? Ah pano kaya if maglatag ako ng movies mag movie marathon nalang kami, so ayun dumating na si Cas, Kumain na kami, at Nanuod gabi na kaya umakyat na kami sa kwarto ko at nagpalit ng pantulog, umupo ako sa Idea Storming table ko oha Idea Storming wala kasi akong brain kaya hindi brain pinangalan ko HAHAHAHAHA char naalala ko na may pagsulat pala ako sa Sports ano kayang magandang itanong? Hmm?

"Tapos mo na yung sa newspaper mo?" Tanong ko kay Cas

"Di pa eh. Pero naka ready na yung mga itatanong ko." Sagot niya

"Sana all." Sabi ko nade depres na ata ako dito charrr

"Ay wait Tep, anong feeling na si Ken or Felip Jhon Suson ang iinterviewhin mo?" Tanong niya sabay upo sa kama ko

"Ewan." Sagot ko

"Ampupu mo naman."

So pakilala ko muna sayo si Ken Suson screen name niya yan oldie daw kase yung Felip Jhon Suson eh, isa siyang varsity player ng campus namin sa Sepak Takraw ang alam ko tas alam niya din ibang sports edi siya na biniyayaan sa maalam sa sport, very popular din siya sa campus di ko siya reach, di ko siya ka close kaya what to expect anong mangyayare sa report ko neto? hays. Balita ko snobber din ata yun hay ewan bakasyon panaman ngayon hindi ko alam if saan ko siya hahalughugin, kanino ako magtatanong ng info niya at anong gagawin ko sakanya or itatanong jusko naman konti nalang talaga tatalon nako sa bathtub eh char wala kaming ganun.

"Tulungan mo naman ako ano bang magandang itanong?" Tanong ko kay Cas na busy sa phone niya.

"Tanong mo anong ginagawa niya before background ng buhay niya, tas sinong naka inspire sakanya sa ganitong gawain." Sabi niya nilista ko naman yung mga sinabi niya

"Okay okay nagkakaron nako ng ideas sa sinabi mo." Sabi ko sakanya at least nagkaron ako ng positiveness diba? HAHAHAHA

"Anymore question?" Tanong niya aba taray inenglish ako.

"Eto pano to? Di kami close, san ko siya hahanapin? or pano ko siya mako contact dai!" Tanong ko ready to be baliw na.

"Narinig mo na ba ang facebook?" Tanong niya in a Duh tone

"Oo nga no?" Accept kaya ako nun?" Tanong ko

"Who knows diba?" Kibit balikat niya.

So kinuha ko yung laptop ko tas pumunta sa facebook sinearch ko yung Ken Suson and ayun nakita ko din, clinick ko yung profile niya tas nakita ko yung profile pic, wow pa angas si kuya, scroll down ako tamang stalk lang muna kung legit ba tong account na to or what, nakita ko naman yung mga post niya sa iba't ibang events na sinalihan niya, yaman siguro neto sabi ko sa sarili ko, wow may Jeep siyang sasakyan tas may kart pa siya RK to kapatid!so nagsawa akong mag stalk no puro mukha niya eh nakakaumay kaya bumalik ako sa pinakataas at inadd ko siya, jusko bahala na kung accept ako o hindi. Sinara ko na yung laptop ko at tinabi yun tinignan ko si Cas nakatulog na pala siya nasa dibdib niya pa yung phone niya hay nako, kinuha ko yung phone niya tas chinarge ko na nag warning na kase tas kinumutan ko na tas tumabi ako sakanya, jusko ano kaya mangyayari bukas? hays hanggang sa ayun wala na nakatulog nako.

Nagising ako kasi bigla kong narinig na ang daming notif sa messenger di ko alam kanino yun, tinignan ko si Cas tulog pa tinignan ko kanino phone yung tunog ng tunog, kay Cas pala daming msg ni madam infairness, sinilent ko yung phone niya tas pinatay ko inaantok pako shemay! nung nakahiga na ulit ako may tumunog nanaman na notif 'AHHHHHHHH' sabi ko sa isip ko kainis parang timang tinignan ko ulit phone ni Cas, hindi pala sakanya tinignan ko na din oras hala, 9 na pala, kanino yung notif? tinignan ko phone ko tas nakita ko sa screenlock ko may isang notif galing Facebook nilapit ko yung phone ko sa mata ko mababa brightness eh tas nahirapan pakong basahin para nakong chinese dito sa sobrang singkit ng mata ko mabasa lang, tas nagulat ako nung sinabi nung Facebook na...

12:59 pm

Ken Suson accepted your friend request.

"Shetmalu." Bulong ko.

Next chapter