webnovel

Chapter 2: IKAAAAWW?!

>______<

Halaaa! Ba't madilim? Tapos .. bakit parang may mahapdi?

-_____-

Tangek! Nakapikit pala ako! Ulol! Teka!

O_____O

Pagmulat ng aking mata, naaninag ko kaagad ang gutay-gutay na kisame ng aking napakasikip na kwarto. Inilibot ko ang aking paningin at napanatag ako sapagkat nasa bahay nga ako ngayon. Nang maaninag ko ang bintana, napagtanto ko na gabi na pala. Napako ang mata ko sa Nanay kong mahimbing na natutulog sa tabi ko.

"Nag-alala siguro ka ng sobra Nay. Huhue! Pasensya na poo ha?" pabulong kong sabi sa kanya kahit na tulog siya.

Teka nga muna! Ano ba ang nangyari bago ako mahimatay?!

1 ... 2 ... 3 ... O___O

Halaaaa! Di ko naabutan yung walang modong lalaki na yun! Hayst! Lagot talaga sakin yun pag magkikita kami ulit. "Bakit nga ba di ko sya naabutan?" napatanong ako saking sarili at sinubukan kong tumayo kase uhaw na uhaw na ako ng biglang .. "Aray!! Halaaaa! Ba't may sugat ako?"

"Anak, gising ka na pala. Okay ka lang ba? Grabe ang pag-aalala ko sayo." si Mama .. nagising ko ata. At biglang bumukas nang napakalakas ang pinto at pumasok ang nag-uusok na ilong ng aking Amo dahilan ng pagkagulat namin ni Inay.

"LITSUGAAAASSS FLOOORAAAA!!! MUNTIK NAKO MAWALAN NG SUKI SA KATANGAHAN MO!! AKALA KO BA MATALINO KA HA??!! AKO BA'Y HINAHAMON MO HA?!! PAGKAT PAMANGKIN KITA?! HAAA??!!" nanggagalaiti sa galit na bulyaw ng aking Tita at ako naman dito, ang mukha ay di na maipinta kase wala talaga akong alam sa pinagsasabi niya Halaaa! Ano daw? Katangahan? Ano na naman bang ginawa kong mali? Huehue! T^T

"Susan, pagpasensyahan mo na ang anak ko sapagkat di rin niya naman ito kasalanan. Konti lang kase ang detalye na binigay ko sa kanya kaya di niya naibigay sa totoong nag-order ng Sisig na iyon." Halaaa! Tama ba tong naririnig ko?! So .. yung lalaki kanina .. kaya niya pala tinapon? KASE DI NIYA ORDER YUN??!! O__O

"Tsaka, naTrauma pa sya sa nangyari kanina at may sugat pa sya kaya please lang, wag muna ngayon, gabi na rin, natutulog na ang mga kapitbahay." pagmamakaawa ni Mama kay Tita Susan.

Ano daw?! NaTrauma? Halaaaa! Oo tamaa!! May dugo pala yung kamay ko kanina bago ako nahimatay. Huehue! Ano ba kase talagang nangyari? Wala akong maalala! T___T

"INAABUSO NYO TALAGANG DALAWA KABAITAN KO ANO?!! SIGE!! PALALAMPASIN KO ITO NGAYON!! PERO FLORA, ISANG KATANGAHAN PA, MAKAKATIKIM KA TALAGA SAKIN!! MGA LETCHEEEE!!!" at padabog niyang sinarado nang napakalakas ang pintuan, kulang nalang na magiba ito. Huhue! Ang liit pa naman ng bahay namin.

Dahil sa hindi ko na alam ano tong nadarama ko at ano ang aking gagawin, hiyang-hiya nako sa Nanay ko dahil sa mga kamalian ko .. "Inay .. Pasensya na po talaga. Napakatanga ko at napagalitan na naman tayo. Nayyy .." at di ko na napigilan ang luha kong gustong-gusto nang pumatak.

"Inaaay.. patawarin niyo po akoo Inaayyyy." niyakap ko na talaga si Mama at doon ako humagulhol ng todo. Pakiramdam ko kase, kapalpakan nalang lagi ang dulot ko kay Inay. Grabe! Ang bigat-bigat sa damdamin. Hue!

"Anak .. narinig mo ba ang sabi ko sa Tita mo kanina? May kasalanan din ako dun kaya wag mong solohin." hinagud-hagod ni Mama ang likod ko para ako ay tumahan na. Hays. Napakaswerte ko talaga sa Nanay ko. Tinkyuuuuuu Lord!

At bigla akong pinaharap sa kanya .. "Pero di ko palalampasin yang daplis mo, ilang beses ko bang sasabihin sayo na mag-ingat kang bata ka, lalo na't palagi kang nahihimatay pag nakakakita ka ng dugo mo" napakurap ako ng ilang beses sa harap ni Inay dahil wala talaga akong alam kung saan galing tong daplis ko.

"Uhh .. Nay? Ano po ba ang nangyari?" nakakamatay ang curiosity alam nyo ba yun?! Kating-kati nako malaman kung anoooo!! Anue bah!! Rawr!!

"Diba ilang beses ko nang sinabi sayo na wag ka kung saan-saan tumingin pag naglalakad ka sa labas dahil baka makabangga mo yung baliw na lalaking may suot na mga blade? Alam mo bang pangatlo ka na sa nabiktima nun?" sunod-sunod na sabi ni Mama.

HALAAA!! OO NGA! Dito sa Barangay namin may di mahuli-huling baliw kase magaling magtago tapos kung magpapakita naman minsan lang at di parin madakip-dakip. May narinig nga akong usapan na baliw daw yun sa mga palabas sa television na kung saan may kinalaman sa blades, yung nilalagyan ng blades ang katawan o mga damit na parang gear or armor ba yun? Eh sa di niya yun ata magawa nilagyan nalang niya ng mga blade, as in literal na blades mga damit niya.

Isang araw nga may nakakita sa kanya na parang nagsu-Summon tapos bigla nalang tatayo at sisigaw. Feeling niya talaga anime sya ba o bida sa isang movie Lol. Maglalakad lang sya buong maghapon, walang pakialam sa paligid at kung sino man kanyang makabangga. Baliw nga diba nu Flora? So wala talagang pakialam! Utak mooo!! Tss.

So yun na nga .. usually, iniiwasan talaga sya ng mga tao pag may nakakakita sa kanya, eyy iba yung sakin ey! Kainis! Sa walang modong lalaki lang kase ako nakatingin ng mga minuto na yun eyy! --,

"Ano? Flora? Nakikinig ka ba sakin?" halaa! kausap ko pa pala si Mama. Hehehe! Napahaba ata pagmuni-muni ko.

"Opo naman Ma, pasensya na po talaga. Huehue." at niyakap ko na naman siya ulit para di nako pangaralan pa. Ehehee!

"Araay! Ang hapdi naman neto Ma! Teka ilan ba daplis ko? 1 ... 2 ... 3 .. 4 .. Haa?!! Apat talaga?! Grabe naman yung baliw na yun! Pinunterya talaga braso ko baah!"

"Anong pinunterya?! Ikaw nga ang bumangga dun eh! Nalimutan mo din ba? Batukan kita diyan eyy para maalala mo." at dali-dali kong hiniwalay ang pagkakayakap ko kay Mama dahil baka makatikim ako ng pambabatok niya, mabigat pa naman kamay nun. Huehue!

"Ehehe! Oo nga Ma nu? Okaay na poooow. Peace na pooo Peeeeeaaaaaaace!" with peace sign pa yan ha with matching abot tenga ang ngiti. Hihihi!

"Oo na, sige na. Mabuti nalang talaga hinatid ka ng binatang yun sa karenderya kanina, kung hindi, di ko malalaman ano na ang nangyari sayo. Tara na, maghapunan na tayo at para makatulog ka ng maaga. May pasok ka pa bukas."

Pagkatapos naming maghapunan, nag-ayos nako ng bag para sa school bukas. Habang nag-aayos ako naalala ko yung sinabi ni Mama .. Halaaa! Ang bait naman nang naghatid sakin. "Salamaaaat po kung sino ka man. Nawa'y pagpalain ka ng Maykapal." nakapikit pako habang sinasabi yan habang umaasta na parang nagpi-Pray. Hehe.

"Anak? Gising ka pa ba?" biglang sumulpot si Mama sa kwarto ko kaya dali-dali akong umupo ng maayos. Hehehe.

"Opo Ma, nag-aayos pa po ako ng gamit pagkatapos neto matutulog na po ako." sagot ko kay Mama.

"Anak, pagpasensyahan mo muna ang Tita Susan mo ha? Siya nalang ang makakapitan natin ngayon eh. Pagkatapos ng nangyari sa Papa mo, siya nalang ang sumalo satin. Tiis-tiis lang tayo. Mabait naman talaga yang Tita mo, nakatago nga lang. Kaya, habaan lang pasensya natin ha?" pagpapaintindi ni Mama sa mga pangyayari.

"Mama, huwag po kayong mag-alala sakin. Naiintindihan ko po ang lahat. Kahit saan o kahit sino mang tao ang makakasabay ko, okay lang basta't nandiyan lang po kayo lagi sa tabi ko." paninigurado ko kay Mama.

"Salamat Anak. O sige na. Tapusin mo na yan para makatulog ko na. Goodnight anak."

"Goodnight Ma" at niyakap ko siya ng mahigpit bago sya tuluyang umalis ng kwarto ko.

Nang matapos nako sa pag-aayos at komportable nang nakahiga sa maliit kong kama .. "Graaabe naman tong araw natooo! Ang daming nangyari!! Hue!" bigla ko nalang nasabi. Sa totoo lang, kahit na mali ang naibigay kong order sa lalaki na yun, di pa rin tama na itapon niya ito!

"Eh kung sinabi niya nalang na di niya order yun?! Wala ba syang bibig?! Grrrr!! Nakakairita talaga!! Dahil sa kanya may mga daplis ako ngayon!! Suus! Wag lang magKrus landas namin at nakuuuu!!" kausap mismo sarili ko habang binubugbog unan ko.

"Hays. Dapat di nako maStress ano? MagBeauty sleep nako kahit walang beauty. Hehehe. Maaga pako bukas." pagpapakalma sa sarili bago tuluyang nakatulog.

{K I N A B U K A S A N}

Nandito nako sa school and to tell you, I am a Grade 12 senior high student already. STEM ang strand ko at dito ako sa Cor Jesu College nag-aaral.

I am Flora Adaipmill, 18 years of age, from Davao Cityyyyy!!! Tangek! Parang introduction sa pageant ang peg? Pero NOON yun, yan ay ako nung mga panahon na hindi pa yun nangyari -- ang trahedya na yun.

Sa ngayon, ako si Flora del Mundo at nakatira sa Digos City. Sa Digos City kami napadpad ni Mama sapagkat nandito si Tita Susan -- ang nag-iisang kapatid ni Mama at para makalayo din kami sa mga taong mapanghusga!

DALAWANG TAON na ang nakalipas at sa dalawang taon na yun .. di pa rin ako naniniwalang ang Papa ko ang may kasalanan nun.

"FLOOOOOOORAAAAAAAA~!!" nagulat ako ng sobra at halos mabingi sa pagsigaw ni Iona na napakalapit lang naman sana. --,

"May balak ka bang basagin eardrums ko haa? Iona? Kay aga-aga naman eh." naiinis kong sabi, lalo na't serious mode ako ngayon. Charaught! HAHA

"Luuuuh! Meron ka ba ngayon bii? Parang ang aga-aga din mainit ulo mo ah? Anyare?" pagtataka niya.

Simula nang makarating ako sa Digos City .. si Iona Padillo ang una kong naging kaibigan. Lahat na nangyari sa buhay ko alam na niya at siya lang ang pinagkakatiwalaan ko dito sa school at Treasured Friend na rin shemper! Malala lang tong batang ito parang megaphone ang baba -- NAPAKAINGAAAY! at hyper palagi -- NAPAKAKULIT! pero iyakin! Ang babaw ng luha. HAHAHA.

"Hays bii. Kwento ko sayo mamaya lahat-lahat. Pumasok muna tayo." tumango nalang sya at saktong-sakto nagRing ang bell at sabay kaming pumasok ni Iona pagkat classmates din kami. Yieeeee!

Nang magsimula na ang klase at pumasok na ang Teacher also Adviser namin.

"Goodmorning class!" pambungad niyang bati

Lahat kami tumayo at sabay sabing .. "Goodmorning Ma'am Santos."

"Please be seated.."

"Thank you Ma'am."

"Bago tayo magsimula, may announcement muna akong sasabihin."

"Goodmorning Ma'am." biglang may lalaking nagsalita sa labas malapit sa pintuan ng room. Nagtaka kaming lahat kung sino yun.

"O, nandito na pala sila. Pasok Iho!" sagot ni Ma'am Santos.

At nang makapasok yung lalaking nagsalita kanina ..

"Goosh! Ang guwapooo niyaaa!!"

"Oh my God! Is he for real?!"

"Hiiiiiiii poooooogiiii!!!!"

Samot-saring pag-iingay ng mga babae dito sa room ang naririnig ko. Kung makatili para namang artista yung pumasok, tss!

"Claaaaass! Quieeeet!!! Ito nga pala ang announcement ko. May transferee tayo from Davao City. Go, please introduce yourself." Ma'am Santos pertaining to that di ko kilalang guy.

Okay. Oo na. Gwapo siya, mataas, makinis ang balat, napaka-neat pa ng haircut niya, may killer smile, di gaanong singkit ang brown eyes niya anddd --- parang mayaman dahil sa kanyang postura.

"Goodmorning everyone." panimula niya.

"Omooooooo!!!!"

"Kyaaaaaah~!! Ang Hoooot ng boses niyaaaa!!"

"Pooooogiiii!!!"

"QUIEEEEETT!! Patapusin nyo nga muna siya! Aba'y!!" galit ng bulyaw ni Ma'am Santos. Haha! Buti nga sa kanila!

"Please proceed Iho."

"Opo Ma'am. *clears-throat* Goodmorning everyone! I am Henry Madrigal, 18 years old. And just like what Ma'am Santos said earlier, I am a transferee from Davao City."

"Single ka ba kuyaaa? Yieee"

"Uhh .. Yes. I am single."

"UWUUUUUUU!!"

"YIEEEEEE"

At nag-ingay na sila ng sobra. -_-!

"I hope we could all get along well, pleased to meet you all." matapos niyang mag-bow at tumayo ng mabuti bigla siyang nakatingin sakin with matching smile pa yan ha!

Mabuti nalang at nagsalita kaagad si Ma'am .. "Diba may kasabay ka Henry? Di mo ba sya kasama ngayon?" pagtatakang tanong ni Ma'am Santos. Okay! So dalawa sila. Nice! Mas magkakagulo room namin neto eyy! -_-

"Ay. Oo Ma'am. Bakit di pumasok yun? Teka muna Ma'am, papapasukin ko muna. Saglit lang po." at lumabas nga siya sa room.

Maya't-maya ..

"Nandito na po siya Ma'am." biglang sulpot ni Henry kasunod ang isa ding lalaking transferee din ata.

"Halaaaa!! Mamamia! Umulan ata ng kagwapuhan ngayong araw ah!"

"Hooolooo! Sino sa dalawa ang pipiliin ko? Pede both? Ang popogi nyo parehooo!"

Nakakabingi na talaga tili ng mga talandot kong classmates dito. -,-! dumagdag pa tong si Iona na napakalaki ng bunganga! Haaayyss.

Nang humarap na ng maayos ang dalawa, bigla akong nagtaka kase parang pamilyar ang isa. Nang maaninag ko ng maayos pagmumukha niya .. bigla nalang kumulo dugo ko't napatayo nalang bigla sabay sigaw ng "IKAAAAAAAWWWWW??!!!!!"

o_____O'!!!

CHEER ME UP! Nawawalan nako ng gana na ipagpatuloy toh. Huhue! T_____T

CHARLAAAANG!! Hahaha! Mga Silent Readers diyan mag-ingaaaaay naman kayoooo! Kahit vote lang. Hihihi ^-^ Gusto ko malaman reaction nyoo baaah! Ahoooooy! ^O^

I'll promise to keep you entertain :* <3

FIGHTIIIIING~!!

TimmyKiddoocreators' thoughts