1 Simula

Naghahanda ang lahat para sa darating na anunsyo ng aking Ama para sa tatanghaling bagong reyna na pamumunuan ang buong siyudad ng Iscola. Inaayos ng mga soltera ang aking malaki at mabigat na pansermonya. Hindi ako galak at kailanman hindi ako magiging galak para sa araw na ito, isang kahibangan ang magkaroon ng bagong reyna. Bagama't tutol ako sa naisip ng mahal na hari ay wala akong magagawa dahil ama ko siya. Pinagmasdan ko ang aking sarili sa antigong salamin, inalala ang mga nakaraan kung paano sinira ng panahon ang aking opurtunidad na makasama ng matagal ang aking Ina. Nawala ang pag-iisip na iyon ng bumukas ang malaking pinto at pumasok doon si Elizabeth, ang anak ng magiging bagong reyna.

Isang ngiti ang kaniyang ibinigay sa akin ng pagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa at kasabay non ang pagbago ng ekspresyon ng kaniyang mukha. Walang emosyon ko siyang tiningnan, "napaka ganda mo naman, konting oras na lang ay magiging isa na tayong pamilya." Napangisi ako sa kaniyang sinabi, parang gusto kong sumuka ng banggitin niya ang salitang "pamilya". Lumapit siya sa akin at may isinuot itong kwintas.

"Ipinagbili ko iyan sa Espanya, sana nagustuhan mo. Dumalaw lang ako upang makita ka." wika niya at sabay tumungo at maglalakad na sana palabas.

Nagsalita ako at saka siya napatigil sa paglalakad "Ano sa tingin mo ang mangyayari sa Iscola sa oras na maging reyna ang iyong Ina?" Isang ngiti lamang ang kaniyang sagot at pagkatapos non lumabas na siya ng silid.

Nang matapos ang mga soltera sa pagaayos ng aking panseremonya ay humayo na ako sa terasa. Maraming mga tao ang naghihintay sa anunsyo ng mahal na hari, lahat sila ay galak. Punong-puno ng mga rosas ang paligid na ginamit na pang-disenyo, may lumapit sa aking utusan at ibinigay sa akin ang magandang pulang kahon. Nang buksan ko ito nakita ko ang isang kumikinang na porselas. Maganda ito at mamahalin, narinig ko pa na iilan lamang ang may ganitong porselas maliban sa akin.

"Nagustuhan mo ba, Victoria?" Tiningnan ko ang nagsalita.

"Salamat sa regalo, Veronica."

Ang susunod na reyna ang nagbigay ng regalong ito sa akin. Ayoko sanang tanggapin ngunit ayoko naman maramdaman niya ko sinasang ayunan ang pagiging reyna nya.

"Alam kong nangungulila ka pa rin sa iyong Ina," inilagay ko muna sa aking tabi ang pulang kahon at tinignan siya. "alam ko kung gaano kahirap ang mawalan ng Ina kaya't kung kailangan mo ng presensya ng isang Ina, 'wag mo sanang kalimutan na nandirito ako." at kasabay non ay tumingin din sya sakin at binigyan ako ng isang ngiti at hinawakan ang aking kamay.

Nawala ang pokus ko sa kanya ng biglang maghiyawan ang mga indibidwal ng magsalita ang aking Ama. Kahit kabado ako sa aking kinauupuan ay nanatili akong kalmado, parang hindi ko kayang masaksihan ang mga mangyayari.

"Isang napaka-saya ang araw na ito para sa ating lahat. Maraming pagsubok ang ikinaharap ng siyudad ng Iscola sa mga nagdaang panahon at natutuwa ako na kasama namin kayo hanggang dito upang suportahan ang magiging bagong reyna,"

Sumenyas ang aking Ama na pumunta sa harapan si Veronica upang magbigay ng isang talumpati.

"Alam kong marami sa inyo ang nagulat at nagduda sa aking kakayahan pero hayaan ninyong ako tumayo at gampanan ang aking responsibilidad para sa Iscola, hindi ko kayo bibiguin. Salamat."

Nagpalakpakan ang mga tao at pagkatapos non nag-simula na ang seremonya. Kung ano-anong mga ritwal ang isinagawa sa magiging bagong reyna. Habang ako ay tahimik na pinagmamasadan ang ekpresyon ng kaniyang mukha.

Upang matawag na totoo at buo ang aming pamilya, kailangang sugatan namin ang aming mga sariling palad at pagsasamahin ang aming mga dugo at iaalalay iyon sa abo ng mga nagdaang hari at reyna ng palasyong ito. Ayoko mang gawin pero tradisyon iyon sa amin.

Naghiyawan ang lahat ng masuot na ng tinanghal na reyna ang kaniyang korona. Muling naghagis ng mga rosas ang mga tao at tumugtog naman ang mga musikero. Nagtungo sa akin si Elizabeth at niyakap ako ng mahigpit. "Ako'y natutuwa dahil magka-dugo na tayong dalawa," niyakap niya ako ng mahigpit, ramdam ko ang pagka galak nya. Kahit anong kabutihan ang ipakita ng mag inang ito ay hindi ko maramdaman na iyon ay totoo.

"Mabuti naman kung ganoon," tumungo ako, "paumanhin ngunit kailangan ko ng umalis," hindi ko na hinintay na magsalita siya at dali-dali akong umalis sa terasa.

Agad akong dumiretso sa aking silid at nagpalit ng suot. Masyadong makapal at mainit ang ipinasuot sa akin ng mga soltera. May kumatok sa pinto at kasabay non ang pag-bukas nito.

"Mahal na prinsesa, ipinatatawag po kayo ng inyong ama." sabi ng dalagang katulong sa palasyo.

"Bakit raw?" sabi ko ng hindi siya nililingon.

"Dumating po ang hari at reyna ng Borca at gusto raw po kayong makita." sa pagkakataong iyon tinignan ko ang dalaga.

"Sabihin mo sa hari at reyna ay hindi ako interesado na makita sila," nakita ko naman kung paano nag-alala ang mukha niya. Alam kong siya ang masisisi kapag hindi ako sumunod sa utos ni Ama. Lumapit ako sa kaniya at ibinigay ko ang isang daang gintong barya. "Ako ang bahala sayo, sabihin mo lang sa kanila ang sinabi ko." tumango naman ang dalaga. Walang salita itong lumabas ng aking silid.

Alam ko naman ang dahilan ng pagpunta ng hari at reyna ng Borca. Gusto lang nila akong kausapin dahil matagal na kaming ipinag-kakasundo ng kanilang anak. Kahit kailan ay hindi ako papayag na matali sa mayabang at walang galang nilang anak.

Nagmamadali akong lumabas ng silid, pumunta ako sa likod ng palasyo dahil wala namang tao roon ang tanging mga kawal lang na tinitignan ko ng masama kapag lalapit sila sa akin upang pigilan akong lumabas.

"Ihanda ang aking kabayo," utos ko sa kawal.

"Mahal na prinsesa, hindi po pwede."

"At bakit naman hindi? Anak ako ng hari kaya sundin ninyo ako." singhal ko sa kawal.

"Utos po iyon ng hari. Paumanhin po." hindi ko siya pinakinggan, sumakay ako sa kabayo at mabilis na pinatakbo ito. Wala namang nagawa ang mga kawal.

Kagabi pa lang ay sinabihan ko na ang aking kaibigan na si Katerina na magkita kami ngayong araw. Kauuwi lang niya galing Gresya upang dalawin ang kaniyang mga magulang. Walang dugong maharlika si Catherine ngunit galing siya sa isang napaka-mayamang pamilya sa siyudad ng Iscola. Ipinagbabawal ng aking ama na makipag-kaibigan sa mga taong walang dugong maharlika pero dahil tutol ako ay sinuway ko.

Isang makapal na panlamig ang aking isinuot, kahit hindi nagyeyelo o umuulan ng nyebe ay sobrang lamig ng hangin. Sinabi ko na magkita kami sa kakahuyan, may isang bahay na bato roon na nakita ko noong isang araw habang naghahanap ako ng kakaibang halaman na ibibigay ko sana sa puntod ng aking ina.

Habang tumatakbo ang aking itim na kabayo ay tanaw ko na ang puting kabayo ni Katerina Kumaway ito sa malayo, nang makalapit ay hinagis ko ang isang tsokolate.

"Mabuti naman at nakawala ka sa palasyo mo," agad na sabi nito ng mabuksan niya ang tsokolate. Inirapan ko siya.

"Mabuti naman at nakauwi ka ng hindi luhaan dito. Nasan na ba ulit ang kasintahan mo?" Sumama bigla ang kaniyang tingin na tinawanan ko naman.

"Huwag mo ng ibalik ang nakaraan, Victoria." tinawanan ko siya, ayaw niya talaga ungkatin ang bagay na iyon. Itinali namin ang aming mga kabayo sa likod ng bahay na bato at sabay pumasok kami sa loob. Gumawa naman ng maiinom ng tsokolate si Katerina.

"Ang tagal na din simula ng makapunta ulit ako rito." kwento nito at sabay inilapag ang baso na may tsokolate.

"Kumusta naman ang pag-aaral mo ng medisina sa Gresya?"

ngumiti siya, "mahirap pero masaya." nginitian ko rin siya. Alam ko kung gaano niya kagusto na matapos ang kanyang pag-aaral kaya naman natutuwa ako na masaya siya.

Biglang sumeryoso ang kaniyang mukha dahilan para mabasa ko ang nass isip niya.

"May nakalap ka bang impormasyon sa kanila?"

Umiling-iling siya.

"Ayaw nilang mag-salita, ginawa ko ang lahat para pagsalitain sila ngunit sadyang matigas ang kanilang mga dila." nag-init ang aking ulo sa aking narinig. Nakakainis!

"Iharap mo sila sa akin, Katerina."

"Masyadong malaki ang ibinayad ng nag-utos sa kanila, tapat ang kanilang serbisyo sa tao na iyon."

Alam kong may mali sa pagkamatay ng aking Ina at nalaman ko iyon simula ng mabasa ko ang sulat na naiwan niya. Pinagplanuhan nang kung sino man ang pag paslang sa kaniya upang mapa bagsak siya sa kaniyang trono.

avataravatar
Next chapter