1 1: Dapit-hapon

Pagod,

Sa maghapong pakikibaka sa buhay mang-gagawa

Uhaw,

Sa panahong makapagsaya ng walang inaalala

Hinto,

Halos ayaw ng magpatuloy...

Subalit,

Humahakbang parin.

Inaangat ang mga paa pasulong sa bukas

Lalaban pa rin.

Mangangarap ng higit na mas matayog.

At kikilos upang marating ito.

At ng sa ganun, ako'y hindi manghihinayang

Sa buhay na aking hiram

Dumating man ang

Dapit-hapon.

avataravatar