webnovel

2 - Arthur

Celestine's Pov

Eksaktong 4pm ng hapon ng makarating ako sa Bus station sa Dau Mabalacat Pampanga.

Mabuti nalang at hindi pa puno ang bus na sasakyan ko pa Manila. Konting oras nalang ang hihintayin ko bago mapuno ang bus at aalis na kami.

Maya maya lang ay may umupo sa tabi ko na lalaki. Naka salamin na pabilog at naka face mask din. (Hindi padin tapos ang pandemic kaya required padin ang naka face mask.)

Napansin kong parang hindi mapakali yung lalaking katabi ko. Napapaisip tuloy ako kung okay lang ba siya dahil sa hindi siya mapakali at palingon lingon sa mga kasama namin sa loob ng bus. Medyo nag aalala nadin ako kaya kinalabit ko na siya at halatang nagulat siya.

"Ummm..I'm sorry for bothering you po pero you seemed tense. Okay kalang po ba?" tanong ko

Mga ilang segundo din bago siya sumagot.

"Ah-I'm fine. Thanks for asking." Mahinang sagot niya.

Napakurap kurap ako nung narinig ko boses niya.

He sounds familiar..

Parang narinig kona ang boses niya.

San ko nga ba narinig? Teka.. mali lang siguro ako ng dinig.. Sabi ko sa sarili ko.

"O-kay... N-napansin ko lang kasi medyo namumutla ka kaya naisipan kong itanong kung okay ka lang." Nahihiyang sagot ko

"Thanks for your concern Miss.

Pero okay lang talaga ako.

I'm really fine."

Matipid niyang sagot

Grabe! Ako na nga tong concern ako pa susungitan. Napaka suplado naman nito. Sayang mukhang cute ka panaman sana!

Hinayaan ko na lang siya since mukhang hindi siya kumportableng nakikipag usap. I started minding my own business. Nilabas ko ang phone ko to reply on Vienne's messages at para i-update nadin sina Mama at Papa na paalis na ang bus na sinasakyan ko.

~~~

HIS POV

Patakbo akong sumakay ng Bus pa Manila since may mga fans na narinig kong tumatawag sa pangalan ko.

Parang may nakaalam na nandito ako. Siguradong pagagalitan nanaman ako ng manager at producer ko nito kapag lumabas ang balita.

Mas pinili ko kasing mapag isa

at mag commute pabalik ng Manila kaysa sumabay sa mga kasama kong naimbitahan din na kumanta para sa event sa loob ng Clark Pampanga kahapon. (Aurora2022)

Matagal tagal na din na hindi ako nakasakay ng bus at nakapag solo ng ganito. Minsan talaga may mood ako na gusto kong mapag isa lang muna.

I really need this break.

Lalo na at sunod sunod mga invitations sakin dito sa Pampanga o sa ibang lugar para kumanta at mag mall shows para ma meet ang mga fans ko na nagmamahal sa akin.

Hindi naman sa pagmamayabang pero isa ako sa mga sumisikat at kilalang singer sa henerasyon ngayon.

Nag umpisa ang career ko under OC Records nung 2019.

Pagkatapos nun ay sunod sunod na ang pag rerelease ko ng kanta at nang album.

Mas kilala na ako ngayon kaya kailangan mas maging maingat ako. Hindi ko napansin na masyado akong kinabahan kanina nang may mga nakakilala sa akin na mga fans kahit naka disguise na ako at naka facemask pa. Dagdag pa na wala pa akong maayos na pahinga at tulog dahil sa gabi na nang matapos ang event kahapon kaya nakakaramdam ako ng pagkahilo.

Laking gulat ko nung bigla akong kinalabit ng katabi ko dito sa bus. (Don't tell me nakilala din ako ng katabi ko.)

"Ummm..I'm sorry for bothering you po pero you seemed tense. Okay kalang po ba?" Tanong sa akin ng babaeng katabi ko.

"Ummm..I'm sorry for bothering you po pero you seemed tense. Okay kalang po ba?"

Hindi ako kaagad nakasagot sa tanong niya. I was speechless. Mas kinabahan ako nung narinig kong tinatanong niya ako. Nakilala din kaya ako ng

babaeng ito?

Tila nagsisisi ako sa desisyon ko na mag bus pauwi ng Manila.

"Ah-I'm fine thanks for asking."

Tipid na sagot ko

O-kay... N-napansin ko lang kasi medyo namumutla ka kaya naisipan kong itanong kung okay ka lang." Dagdag pa niya

Mukhang hindi niya ako nakilala. Kung isa siya sa taga hanga ko panigurado ay nakipag selfie o nagpakilala na siya sa akin. Mabuti nalang at hindi niya ako nakilala. Pero hindi mawala sa isip ko kung bakit mababakas sa mga mata niya ang pag aalala. Pero kaagad kong inalis sa isip ko iyon at kailangan kong putulin agad ang pag uusap namin.

"Thanks for your concern Miss. Pero okay lang talaga ako. I'm really fine."

Matipid kong isinagot sa kaniya.

This time hindi na siya sumagot at inalis na ang pagkakatitig sa mga mata ko.

Sinimulan nalang niyang mag tap sa phone niya habang ako naman sumandal sa aking kinakaupuan at ipinikit ang aking mga mata. Hindi padin mawala sa isip ko mga titig sa akin ng babaeng katabi ko.

Ang mga mata niya na nagpapakita ng pag aalala kanina.. pati na ang mahaba niyang mga pilik mata na binabagayan ang mahaba niyang buhok.

Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung ano ang kabuuan ng kaniyang itsura lalo na kung wala ang face mask na kaniyang suot ngayon..

Manipis kaya ang mga labi niya? Ano nga kaya kabuuan ng itsu-- Wtf! Ano nangyayari sakin bakit ko iniisip lahat to? Focus..Focus Arthur! Tigilan mo pag iimagine at magrelax ka! Huwag na huwag kang magririsk! Sulitin mo na lang ang oras na ito para sa sarili mo. Pilit na sabi ko sa sarili ko.

Sunod sunod naman ang pag vibrate ng cellphone ko at alam kong tinatadtad nako ng messages at tawag ng manager ko at ng producer ko. Siguradong alam na nila na hindi ako sumabay sa iba na umuwi pa Manila gamit ang aming mga kotse.

I really need this break.

I need this time for myself kahit saglit lang.

Pero hindi ko din natiis na huwag silang replayan ay dali dali kong kinuha ang aking cellphone at mabilis na nag update ako sa kanila na safe ako at pauwi nadin ako ng Manila. Pagkatapos nun ay tinurn ko sa silent mode ang cellphone ko para makapagrelax.

Mga kalahating oras na din siguro simula ng umandar ang bus. Pasimple akong nakikinig sa mga kanta na pinapatugtog ng konduktor ng bus. Mabuti na lang at puro opm ang nasa playlist nila. This is my jam!

Mga limang minuto na din akong nakikinig sa mga kanta. Pero hindi ko naiwasang magulat ng ilipat ng konduktor ang kanta.

Pinatugtog sa bus ang kanta ko na may title na "HIGA". Hanggang ngayon hindi padin ako makapaniwala na naririnig at nakikita kona ang sarili ko sa mga Tv, Cellphones, o sa mga streaming apps katulad ng youtube, facebook, tiktok, spotify at iba pa.

2019 nung nagstart ang career ko sa musika.

Una kong nirelease ang kantang Life Puzzle.

Minahal ako ng mga tao lalo na sa kakaibang istilo ko ng pagkanta. Masasabi ko na napaka suwerte ko at heto ako tinutupad na ang pangarap ko. At nakikita ko na proud na proud sa akin ang Mama ko at ang mga kapatid ko.

The Lord blessed me with this unique voice and talent that I'm already using for a living and  for a steady career.

I am sharing this wonderful gift to inspire my fans and to take care of my family that truly cares about me.

Araw araw ako nagdadasal na gabayan niya ako all throught out my career.

Napapa sabay ako sa sarili kong kanta habang nakapikit ang mga mata ko.

I'm already vibing with my own song nang biglang narinig kong mahinang kinakanta nadin ng babaeng katabi ko ang kanta ko.

"At dahan-dahang ihiga ang katawan

Nang 'yong malamang 'di ka nag-iisa

Halika na't 'di kailangang pilitin

Dahil para sa 'kin ika'y mahalaga

Ika'y mahalaga" ♬♬♬

Hindi ko napigilang mapatingin sakaniya.

Nakatingin siya sa nadadaanan naming

tanawin habang umaandar ang bus.

Napakaganda din ng boses niya. Kumakanta din kaya siya? Narinig ko ang pagkanta niya..hindi pilit at effortless ang pagbigkas sa bawat salita ng aking kanta.

She can even make a cover of my song if she wants to. Madalas kaya niyang kinakanta ang kanta ko?

"Gusto mo din ba ang kantang iyan?"

Hindi ko napigilang

itanong sa kaniya

Nagulat siya nang tanungin ko siya saka humarap sakin. Para akong tanga na napapatulala sa mga titig niya.

"Oo naman. Sino ba ayaw sa kanta ni Arthur Nery hindi ba?" She replied

"Oo. Kakaiba nga boses niya." sagot ko

Kung alam mo lang na ako mismo ang kausap mo.

Paano kaya kung tanggalin ko ang facemask ko at pakita ko sakaniya na ako to? Ano kaya ang magiging reaksiyon niya? natatawa kong sabi sa sarili ko.

"I know right?? The way he hits the notes idagdag mopa ang mga perfect na riffs and runs niya Ugh! Napaka husay na singer hindi ba?" Sagot niya

I'm getting more curious about this woman. The way she praises me hits different. Kung puwede lang talaga na sabihin ko sakaniya na kaharap niya ako.

"Oo nga. Sabi nga nila magaling siyang kumanta." Nahihiya kopang sagot

"Actually naririnig kong pinapatugtog ng mga kapatid ko ang mga kanta niya.. kahit nga sa workplace ko pinapatugtog din ang mga kanta niya. Alam naman nating pareho na isa siya sa mga rising OPM singers sa taon na ito. Tiyaka idagdag mopa yung kanta nina Zak Tabudlo tiyaka yung Adie ba yun?" Masaya niyang tanong sa akin.

She must really like music.

Kahit ang mga kaibigan kong sina Zak at Adie ay kilala din niya.

Natutuwa ako sakaniya kasi napaka daldal niya at mukhang napaka masayahin niyang tao.

"Kumakanta ka din ba? Kasi narinig kitang sumabay sa kanta ni Arthur Nery kanina. napakaganda din ng boses mo." sabi ko

"Kumakanta kanta pero hindi ako singer ha? Pero mahilig akong makinig sa musics lalo na mga OPM songs.. Iba din kasi nagagawa ng musika sa akin. Lalo na kapag naguguluhan ako o may pinagdadaanan. Idinadaan ko sa pakikinig ng musika o sa pagkanta.. Sorry ha? Ang daldal koba?"

Natatawa niyang tanong.

Hindi ko napigilan na isipin na may pagkakahalintulad kaming dalawa.

Ang pinagkaiba lang namin ay Napaka positive ng energy na nanggagaling sa kaniya.

Madali siyang maka cope sa mga conversations dahil nga may kadaldalan siya while I'm more of a shy and silent person. Nahihiya akong makipag usap sa ibang tao lalo na kung hindi ko lubusang kilala. Pero may kakaiba sa babaeng ito na hindi ko mapigilang hindi makinig sa mga kuwento niya.

Then our conversation went longer and more interesting.. Nung una puro music ang pinag uusapan namin hanggang sa mga lugar na sa Pampanga pinag usapan namin. Hindi siya nawawalan ng topic at hindi ako nainip na kausap siya. I've never been this comfortable with stranger before.. But this woman is really different..