webnovel

Chapter 1

Irene's POV

*Kriiing kriiing*

"Arghh" tanging naiusal ko dahil sa ingay ng alarm clock ko, bumangon na ako dahil alam kong iingay ulit ang alarm clock ko kapag di pa ako gumayak, pumunta ako ng bathroom para maligo at gumayak.

Pag tapos ko lumabas na ako ng kwarto at pumunta sa kitchen ko, by the way i'm here at my apartment yes you read it right dahil namatay na ang parents ko noong 9 years old pa lang ako at sinisisi ko ang sarili ko kung bakit nangyari yun, dahil yun sa abilidad ko.

Yes, you read it right again, may kakayahan akong makaka kita ng nakaraan ng tao sa pamamagitan ng pag tingin sa mata nito at nakikita ko naman ang hinaharap nito sa pamamagitan ng pag hawak ng kamay ng tao.

Dahil dito natakot ako, kaya wala akong linalapitan na kahit sino.

Noong namatay parents ko lola ko na ang nag alaga sakin her name is Sarah wag niyo na alamin surnane masyado na kayong chismoso and also my mother and father's name is Aida and Jordan Sandoval.

Also, my name is Meira Irene Sandoval well, mabait naman ako tahimik pero may pagka masungit pero hindi yun ang dahilan kung bakit wala akong kaibigan, dahil yun sa kakayahan ko.

So back to the story, now papunta na ako sa sasakyan ko, hindi ko pa pala nasasabi sa inyo na isang business woman ang lola ko, at alam niya ang abilidad ko, actually siya lang ang nakaka alam.

Pagka park ko ng kotse ko lumabas na ako and oh hindi naman ako nerd dito, simple lang kaya wala nambubully sakin dito.

Kung tinatanong niyo pangalan ng school ko ay 'Devorá School' yan ang name ng school ko, wala na kasing maisip ang author niyo bobo daw kasi siya yaan niyo na.

While walking at the hallway may narinig akong tilian pag lingon ko andoon ang campus king kasama ang campus prince and i don't know their names wala rin akong balak alamin pero ang naririnig ko mabait daw sila lalo na ang king.

Nakita kong tumingin sa gawi ko ang king pero umiwas agad siya ng tingin, napa kibit balikat na lang ako at sinawalang bahala na lang ito at dumiretso na ng room and as usual may mga nag lalandian, may nag kukulitan at may mga nag babato ng mga bilog na papel na merong mga scatch tape naka gawa na ako ng ganun at mabigat ito.

Umupo na ako dun sa upuan ko dun sa pinaka dulo at yun ang pinaka gusto kong pwesto dahil kaunti lang ang naka upo.

Habang nag babasa tumunog na ang bell hudyat na simula na ang klase at kasabay nun pumasok na first subject teacher namin sa Math at mayroon siyang kasamang babae and i think transferri.

"Okay class we have a new student let's welcome her, please introduce yourself" ani ng aming gurong lalaki.

"Good morning everyone my name is Janella Competente nice to meet the all of you" pag papakilala ni Janella well maganda siya, sexy at cute.

"You may now take a sit Ms. Competente so that we can start our class.

Kinabahan ako dahil dito sa gawin ko ang punta niya at hindi nga ako nag kamali dahil umumupo siya sa tabi ko kaya umusog ako palayo sa kanya ng kaunti at tumingin siya sa gawi ko.

"Hi my name is Janella and you are?" Tanong niya.

"Meira Irene Sandoval" pag papakilala ko ng hindi tumitingin sa mata niya dahil sa takot at ilang.

"Pwede makipag kaibigan ren ren? Please please please?" Puppy eyes na tanong niya kaya napangiti ako ng pilit.

"Yehey!" Napal lakas ang sambit niya dito kaya napatingin sa gawi namin si sir.

"Ms. Sandoval and Ms. Competente are you with us?" Tnong nito.

"Yes sir" sabay naming sambit.

•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•

*Ring~Ring*

Natapos na ang morning class namin kaya nag ligpit na ako ng gamit. Nakita ko namn si Janella na tumayo at humarap sa akin.

"Sabay na tayo sa canteen Ren Ren!" Galak niyang sambit.

"Sorry pero sa ibang lugar ako kakain at ano ang tawag mo sakin?" pag papaumanhin ko, yes di ako sa canteen kumakain dahil maraming tao dun at umiiwas ako sa kanila.

"Ayyt saan ka naman kumakain? Dun na lang tayo! At ang tawag ko sayo Ren Ren, maganda naman diba? Galing dun sa name mo na Irene" Pag pipilit niya pa rin at pahayag niya sa nickname niya sakin.

Kaya napa buntong hininga na lang ako at isinama siya sa garden dun sa likod ng school dahil wala na rin akong magagawa dahil alam kong kukulitin ako nito.

"Wow dito ka pala tumatambay!" Mangha niyang sambit.

"Ah oo" tipid kong sambit at umupo sa ilalim ng puno, sumunod naman siya kaya napa layo ako sa kanya ng kaunti

"Huii kanina ka pa layo ng layo sakin, wala akong virus ah" natatawa niyang saad.

"Ah eh" wala akong masambit.

"Ih oh uh" facepalm niyang saad. Kaya napa tawa ako ng mahina, dahil dun napa ngiti siya ng parang baliw.

"Waah! Ang ganda mo ngumite pakshet kaa! Pero bakit ka nga lumalayo sakin tas di ka pa maka tingin ng diretso sakin?" Ang kaninang ngiti niya ay napitan ng kuryosidad, lah? Bipolar?.

Dahil dun tinignan ko siya straight to the eyes, ngayon ko lang napansin ang ganda ng mata niya para siyang doll eyes pero nagulat ako sa nakita ko, nasa isang kwarto siya pinalili butan siya ng tatlong kalalakihan umiiyak siya at punit punit ang kanyang damit, rinape siya.

"Na rape ka" gulat kong usal. Pati siya nagulat sa sinabi ko at napa iwas ng tingin.

"P-pano mo nalaman?" Utal niyang tanong.

"Nakita ko" gulat ko pa ring sambit. Dahil dun nahuluhan siya.

"H-huh?" Tanong niya.

Napabuntong hinga ako kaya wala na akong magagawa kung hindi ikwento sa kanya.

"S-so you mean may ganun kang abilidad? Sheet ang astiiig!" Mangha niyang saad. Pero gusto kong malaman ang buong kwento kung sino ang nang rape sa kanya at kung paano siya na rape.

"Pwede ba malaman kung paano at sino nanrape sayo?" Napa iwas siya sa tanong ko na yun, alam ko hindi pa siya handa sabihin yun.

"Okay la-" naputol niya ang dapat kong sabihin.

"Nag simula yun nung umuwi ang kuya ko galing states, simula nun lagi niya akong binabastos, tinakot niya ako na papatayin niya ang parents namin kapag hindi ko sinunod ang gusto niya, takot na takot ako nun Ren kaya wala akong magawa kundi sundin siya at nung gabing ika labing tatlong kaarawan ko tapos na ang party at nag papahinga na ako ng marining kong bumukas ang pinto ng kwarto ko naaninag ko ang kuya ko kasama ang dalawa niya pang kaibigan at amoy na amoy ko ang alak sa kanila kaya kinabahan ako at dun nila ginawa ang kababuyan nila, takot na takot ako di ko alam ang gagawin. Kinabukasan di ko na kinaya kaya sinumbong ko na sila sa parents ko dahil dun nagalit sila at pinakulong sila kuya" nanginginig at takot na takot na kwento ni Janella.

Kaya napa akap ako sa kanya at inalo siya.

"Shh sige na Ella tumahan ka na" pag alo ko.

"E-ella?" Taka niyang tanong. Kaya napa ngiti ako at tumango.

"Hindi pwede ikaw lang ang may nickname sakin, hindi maka tarungan yun" ngiti kong pahayag. Dahil dun napa yakap ulit siya at humagulgol ng iyak.

Pag tapos ng iyakan session ay kumain na kami at kwentuhan ng ibang bagay ng may marinig kaming kaluskos. Kaya napatahimik kami, ako na ang nag presinta tumingan at   napatili ako sa susunod na nangyari.

"Ahhh" tili ko ng may tumalon ng may tumalon na rabbit sa harapan ko.

"HAHAHAHA PUCHA RABBIT LANG YAN REN NATAKOT KA PA HAHAHA" tawa niyang saad kaya sinamaan ko ito ng tingin.

"Malamang sinong di magugulat kung may tatalon na kuneho sa harapan mo" mataray kong sambit dito at kinuha ng rabbit, sheet ankyut niya lalo na ng Author.

Nang makuha ko ito bumalik ulit ako sa pwesto ko at ilinapag ang kuneho sa lap ko. Kakaiba ang kulay nito, kulay berde subalit hindi nito mapipigilan ang kakyutan nito.

"Ang cute mo naman anong pangalan mo?" Parang tangang tanong ko dito.

"Jiji"

"Hanla?" Nagulat ako ng may sumagot, narinig ko naman na tumili si Ella at may tinitingnan sa may harapan kaya napatingin ako, nagulat ako kung sino ito. Si king.

"A-ahhm b-bakit po kayo nandito? Kilala niyo po ba ang kunehong ito?" Utal utal kong tanong sa kanya. Alanganin naman siyang ngumiti ng tipid at tumango.

"Ahh bibi gurl i think kelangan ko muna umalis" pag papaalam nitong tarantadong kasama ko, de joke lang hehe.

"U-uii baki--" bago ko pa matapos ang sasabihin ko eh lumayas na ang gaga. Kaya napatingin ako dun kay king.

"A-akin yang kuneho na hawak mo" utal niyang sambit. Ah sa kanya pala.

"Ayy sorry po, ito oh nakita ko lang kasi dyan sa tabi kaya kinuha ko. Uhhm pwede ba matanong kung bakit berde ang kulay ng kunehong ito?" Inosente kong tanong.

"A-ahh k-kasi y-yung m-mga k-kaibigan ko p-pinag tripan yang kuneho k-ko k-kinulayan nila ng berde" utal utal niyang pahayag. Pero, bakit siya nauutal?

"Bakit ka nauutal king?"

"A-ahh w-wala, s-sige a-alis na a-ako" utal niya pa ring paalam at kinuha si Jiji.

Luh?

Tinignan ko kung anong oras na at M-MAG TITIME NAAAAA! BWISET!

Kaya dali dali akong tumakbo papunta ng classroom at buti na lang wala pa ang next subject teacher namin. Nakita ko naman si Janella na ngingiti ngiti kaya inismiran ko ito at nanahimik. Kala niya di ko malilimutan pang iiwan sakin niya kanina ah tsk tsk.

Lorcán's POV

Bwiseeet! Bat ako nauutal sa harap niya! Nakaka inis!

"Uii bro para kang tanga dyan, bat sinasabunutan mo sinasabunutan sarili mo" natatawang saad ni Justine Carlo Cusipag, bud ko isa sa Campus Prince.

At nandito kami sa tambayan namin, ako nga pal ang may ari ng skwelahan na ito, kaya nagpa gawa ako ng simpleng parang bahay dito malayo ng kaunti sa school pero nasa loob pa rin ito ng Campus

"Oo nga bruh dahil ba yan sa girl? Or kay Meira?" Nanunudyong tanong naman ni Mark Jonathan Salveda isa rin sa Campus Prince. Kaya naman sinimangutan ko ang dalawa.

"Mga sira! Manahimik nga kayo!" Inis kong saad sa kanila. Hindi tulad ng ibang Campus King at Campus Prince mababait kami at hindi babaero-- ay mali si Mark pala ang tanging babaero samin eto naman si Carlo tinamaan ata dun sa transferri yung kasama ni Meira, Janella ata ang pangalan.

At oo, may gusto ako kay Meira, matagal na di ko lang maamin eh sa natotorpe ako eh wala kayong magagawa. Habang nag iisip ako bigla. Naman sumingit si Mark.

"Eh kung kaibiganin mo kaya siya para mapalapit ka sa kanya, hindi yung ganyan na natotorpe ka na parang tanga" saad niya. Okay na sana kaso di ko nagustuhan ang huling sinabi niya tsk gago talaga.

"Nays may utak ka pa pala pareng Mark" tapik ni Carlo sa balikat ni Mark kaya inambahan nito ng suntok ni Mark kaya napa iwas si Carlo.

"Easy easy di naman toh mabiro"

"Tskk tangina mo ka pree aminin mo lang na may gusto ka dun kay Janella" untag ni Mark sanhi ng pag iwas ng tingin ni Carlo at mamula, parehas naman kami napa ngisi ni Mark.

"U-uii mga deputa kayo pinag tutulungan niyo ako" puppy eyes ni Carlo. Tsk kala naman niya kina gwapo niya.

"So back to the topic, ano bro lapitan mo na" pag babalik ni Mark sa topic. Pinag isipan ko ito ng mabuti at tama nga siya, dapat hindi na ako maging torpe, baka may bumukod pa dun mahirap na.

"Tama ka rin, pwede, kung kaya ako"

"Ano? Taena mo pree ayusin mo nga pag sasalita mo bangasan kita dyan eh" simangot ni Mark. Kahit si Carlo napa simangot sa sagot ko.

"Ayys ewan bahala na bukas!" At itinuon ulit ang pansin kay Jiji. Naaalala ko nanaman si Meira, nung nasa garden siy habang hawak hawak niya si Jiji at dahil dun napangiti ako, nabalik ako sa ulirat ng may narinig akong bulungan.

"Bro okay lang ba si Jasiel?" Mark.

"Di ko rin alam bro, parang nabaliw na" Carlo.

"Nakuu iba talaga nagagawa ng pag ibig noh" Mark.

"Oo nga, nakaka takot siya" Carlo.

At dahil dun ibinato ko sa kanila ang throw pillow.

"Mga tarantado lumayas na kayo dito!" Inis kong sambit sa kanila dahilan para kumaripas sila ng takbo palabas.

"AHH TANGINA PREE TUMAWAG NA TAYO NG 911?!?!" sabay nilang sigaw.

Tskk tskk mga gago talaga. Tska bumalik ulit ako sa pag daday dream, ang ganda talaga niya at napa tawa na lang ako.

Irene's POV

Tapos na ang klase at ngayon ay nag aayos na ako para umuwi pero hanggang ngayon ay di ko pa rin pinapansin si Janella, wala trip ko lang pakipot kumbaga mukha na nga siyang maiiyak ih, de charot lang HAHAHA

"Uii Ren Ren naman ih pansinin mo na akooo"

"Libre muna" ngiting sagot ko.

"Ayy alis na pala ako" pag iiwas niya, tsk nakuu.

"Edi walang pansinan, hanap ka bago mong besprend ah?" ngiti ko pa ring saad.

"Putangina mo na namang maderpaker ka!" Busangot ni Ella kulot. Kulot kasi buhok niya na mas nagpa bagay sa figure niya, actually pwede na siya maging model niyan.

"Edi libre mo na ako para bati na tayo" inosente kong tugon.

"Gago ka langya ka rin eh noh may pera ka naman ah!" Maktol niya.

"Kuripot ako ngayon ih" saad ko.

"Sige na nga!" Pag suko niya kaya napa talon ako sa saya.

"Immature lang ghorl?" Ani niya at mahahalata mo dito ang pagiging sarcastic.

"Oo" ngiti ko kaya napa roll eyes na lang siya.

"Tara na nga!" At hinaltak na niya ako pero sa braso lang at pumunta kaming mall.

"Saan mo gustong pumunta?" Tanong niya. Nag isip ako kung saan ko gustong pumunta ng maisip ko na biglang kuminang mata ko.

"JOLLIBEE?!" halos pa sigaw ko ng saad kaya napa tingin ang mga tao samin kaya napa peace sign na lang ako.

"Yan kasi katangahan, tara na nga dun kay bubuyog!"

Pag tapos namin kumain nanood kami sine tas arcade at bumili rin kami syempre ng mga damit ang also some sandals at habang nag lalakad kami naka salubong namin sila king. Pero hindi ako maka tingin sa kanila ng maayos kasi nga diba, halos lahat naman talaga lahat ng madadaanan namin ni Janella di ko tinitignan sa mata ih kasi nga natatakot ako.

"Uyy! Diba ikaw si Meira?" Tanong ng isang lalaki na nasa kanan ni king.

"A-ahh o-oo" alanganin kong sambit.

"Kumain na ba kayo girls?" Tanong naman ng nasa kaliwa ni king pero naka tingin siya dito sa kasama ko na si Janella, hmm i smell something fishy.

"Hindi pa ih hehe" sabi ni Janella.

"Oh really? Sabay na kayo samin kakain rin kasi kami" untag ng nasa kanan ni king, si king naman palinga linga hindi maka tingin ng diretso sakin.

"Saan niyo gusto kumain, our treat" ngiti ng nasa kaliwa ni king kaya naman kuminang mata ko.

"Jollibee!" Sabat ko.

"Depungal ka kakajollibee lang natin kanina jollibee naman ngayon? Magka pakpak ka na sana bruha ka" segunda ni Janella.

"Edi Shakey's"

"Okay, then tara na?" Aya ng nasa kaliwa ni king. Sumunod naman kami sa kanila, at habang papunta kami dun parang may pinag uusapan sila, at syempre hindi mawawala ang mga haliparot.

'Waaah sis ang gwapo ng tatlong guy noh?'

'Oo nga sarap ikama'

'Ang gwapo ng nasa gitna, i'm he's the leaders'

'Pero sino yung dalawang girl na kasama nila?'

'Baka maid nila?'

'Ata ampanget nila ih'

At dahil sa hindi papatalo itong kasama ko ay linapitan niya ang dalawang haliparot na kung makipag bulungan ay parang bubuyog.

"HOII ANONG SINASABI NIYONG PANGET KAMI, POR YOR IMPORMEYSHON WALA PA KAYO SA KALINGKINGAN NAMIN AT WAG KAYONG MAG BULUNGAN DYAN DAHIL RINIG NA RINIG NAMIN PINAG SASABI NIYO MGA ENGOT?!" sigaw ni Janella kaya naman napunta sa kanya ang atensyon ng nakaka rami at kung titignan mo ang dalawang haliparot ay parang mga maaamong palaka pft.

Dahil na rin sa kahihiyan ay hinila ko na siya papuntang Shakey's at humanap na ng mauupuan at ang napili namin ay ang animan na pwesto umupo na kami dun sa sofa na upuan at sa harap namin ay ang tatlo.

"Ako na mag oorder, ano gusto niyo?" boluntaryo ng isa sa kanila.

"Kahit ano" sabay naming ani ni Janella.

"Hmm okay" aniya at pumunta na ng counter.

"Soo girls bat ulit kayo nandito?" tanong ni prince di ko alam name.

"Wala naman po prince" ani ko ng hindi tumitingin sa mata niya.

"Haha no need for the formality just call me to my name" ngiti niya.

"Hehe di ko po alam name ninyong tatlo ih" kamot batok ko dito.

"What? Seriously?" di makapaniwalang sabi nito.

Nang maka hupa ay nagpa kilala na ito.

"Okay, I'm Justine Carlo Cusipag and this is Jasiel Lorcán Devorá also the guy who ordered our meal is Mark Jonathan Salveda saming tatlo siya lang ang playboy, now you girls know us" pag papakilala niya.

"Yeah" tipid kong ngiti dito.

"Hey beautiful, what's your name?" tanong ni Justine dun kay Janella.

"Janella Competente, beket?" Pabebe nitong pahayag, ayy abat iba rin.

"Ehem" napatingin ako sa harap ko ng may tumikhim at nakita ko si king pero di ko ito matingnan ng maayos dahil na rin sa abilidad ko.

Ngumiti ako sa kanya at nag wave ng kaunti.

"H-hi" nahihiya nitong bati.

"Bakit ka nauutal dyan?" Kunot noo kong tanong.

"A-ah eh w-wala" sabi niya at parang may linulunok kaya nakita kong bumaba't tumaas ang adams apple niya.

"Uhhm anyway, can we be friends?" Tanong nito. Ngumiti naman ako at tumango.

"Oo naman"

"P-pwede ba manligaw?" Nagulat naman ako sa naging tanong niya, kakatanong pa nga lang niya kung pwede akong maging kaibigan tinanong naman niya agad kung pwede manligaw like wut da? Pero i think mabait naman siya kaya pag bigyan na, marupok ako ih.

"Ahhm, oo" tango ko at ngumiti ng alanganin, kasi naman! Siya pa lang ang unang nanligaw sakin!

Lorcán's POV

"Ahhm, oo" dahil sa sinabi niyang yun ay hindi ko mapigilang ngumiti.

"Pwede ba kitang ihatid mamaya?" Tanong ko ulit. Tumango lang siya at ngumiti, pero pansin ko na umiiwas siya ng tingin sakin pero sinawalang bahala ko na yun.

"Tangina nawala lang ako saglit nag landian na kayo diyan" maktol ni Mark.

"Dami mo ngang flings kada araw, nag reklamo ba kami?" Asar ni Carlo kaya napa busangot naman si Mark.

Pag tapos ay kanya kanya na sila, ako naman ay nag cecelphone pero paminsan minsan ay sumusulyap ako kay Meira na tahimik na nag babasa ng libro niya, ang ganda talaga niya. Ilang minuto ay dumating na ang order namin kya kumain na kami.

After we eat nauna na si Mark dahil susunduin niya pa ang fling niya at sigurado akong katarantaduhan nanaman yan. Si Carlo naman ay nag presinta ng ihatid si Janella at syempre ako ang mag hahatid kay Meira.

Habang nasa byahe ay nag kwentuhan kami about sa sarili naming buhay tipid siyang mah salita at masasabi mong napaka hinhin niyang babae minsan naman may pagka hyper siya pero di masyado.

Nang makarating na kami ay ako na nag tanggal ng seat belt niya at ng umangat ulo ko ay bumilis kabog dibdib ko dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa kaya bigla akong napa layo.

"A-ahh t-thank y-you" utal utal niyang pasalamat at lumabas na nakita ko pa siyang nag blush

Dali dali naman akong nag drive, huminto ako sa may tabi ng puno ng maka layo na ako at hinawakan ang dibdib ko kung asan ang puso ko na ambilis ng tibok.

"What was that?" Wala sa sariling bulalas ko at napingiti na lang na parang baliw. Mas maganda siya sa malapitan.

°End of Chapter 1°

Ps. Una ko itong pinublish sa facebook at hindi apartment ang tinutuluyan ng ating bida kundi Condo hehe.