3 CHAPTER 2

Chapter 2

"Tara na, sasakyan ko na lang gamitin natin",pag-aaya ni Jake. "Pa'no yung red baby ko?,iiyak yan pagnahiwalay sa'kin",sagot naman ni Patrik na ang tinutukoy ay ang sasakyan niya. "O sya,dahil may kanya-kanya naman tayong kotse, ang mabuti pa, mag racing nalang tayo", suhestyon ni Jack. "Game!", sabay na sagot ng dalawa. "O sige, ang maunang makakarating sa bar, mananalo ng 10k",ani Jack habang tinataas ang pera na nasa kamay nya. "Haha, ayus!", nakangising tugon ni Jake.

Mabilis ang pagpapatakbo ni Jack, maliban sa ayaw nyang matalo ay kailangan din niya ng pera. Hindi kasi alam ng mga kaibigan niya na naglayas siya sa kanila, at kailangan niya ng pera para sa pang-araw-araw na gastos niya. *phone ring* "Bwesit,sino ba yang wrong timing kung tumawag?", inis na saad niya ng mapansing tumunog ang cellphone niya. "Teka, asan ba yung earphone ko?", bulong niya habang kinakalap ang earphone niya. Sasagutin na sana niya ang tawag ng biglang nalaglag mula sa tenga niya ang earphone. "Badtrip ang put**', inis na saad ni Jack. Mabilis ang pagpapatakbo niya at dahil na din sa pagmamadali ay hindi na niya naisipang ihinto pa ang sasakyan. Sa wakas ay nakita na niya ang earphone na nalaglag, na nasa paanan niya napunta.Aabutin na sana niya eto ng biglang napatingin siya sa harap. "Put** may tao!",kabadong sambit niya at agad-agad na tinapakan ang brake ng sasakyan.

"Hoy,bess gising na aba!", humahagulgol na sabi ng isang babae sa 'kin. "Teka, asan ako? bakit amoy alcohol na ewan ang paligid? Hala, yung pera ko!", napabalikwas ako ng bangon. Kinakapa ko ang bulsa ko, bakit wala dito? Natalo ba ako? "Hay salamat at gising ka ng bruha ka, kinakabahan ako sa'yo!", humahagulgol na pa ding sabi ng babae sa tabi ko. (Bruha? kung makabruha ang po***, mas mukha ka pang bruha kesa sa'kin) "Dito ka lang ah, tatawag lang ako ng nurse", tugon ng babae bago pa tumayo at umalis. (Nurse? nasa hospital ba ko? Hospital ba 'to? Anung hospital to, kurtina lang ang pagitan ng mga pasyente) (Tsaka makabess naman yung babae, kala mo naman close kami, magc-cr na nga lang muna)

Papunta na sa cr si Jack ng mapansin niya ang suot niya. "Hahaha, ang baduy, bakit ako nakapalda? Pinaprank na naman siguro ako ng mga mukong na yun", natutuwang bulong niya. "Waaahhh!", biglang sigaw niya ng makita ang reflection niya sa salamin. "Hindi, hindi, mali, hindi ako yan, baka may tao lang sa likod nyan, hindi ako yan", pagkukumbinsi niya sa sarili. Chinicheck nya ang mukha nya, nagwacky pa siya pero yun din ang nakikita niya sa salamin. Umalis siya sa harap nito at bigla ding babalik, pero yun pa din ang mukhang nakikita niya."Hindi, 'wag kang magpanic Jack, panaginip lang 'to, guni-guni mo lang, ok?",pagpapakalma niya sa sarili. Chineck nya muli ang buong katawan niya, nakapangbabaeng uniform sya, at nakapalda, mabaha ang maalon-alon na buhok. "Waaaahhhhhh, hindi pwede 'to",parang batang bulyaw niya. Kung anu-anong kulam o mahika ang pumasok sa isipan niya. "Pinakulam niya kaya ako dahil sa masasakit na nasabi ko?", tanung niya sa sarili. "Pero parte lang yun ng plano ko, para layuan na niya ako at pati yung mga mokong na yun na kung makatingin sa kanya, kala mo may nakitang pagkain", dugtong niya."Pero pa'no ako? Pa'no yung pangbayad ko ng bahay? Pa'no yung club? Pa'no yung pag-aaral ko? Tsaka,pa'no ako papasok? Magpapalda ako? Waaahhhhhh…", bulyaw niya na halos halikan na ang buong silid sa kakaikot. Tiningnan niya muli ang repleksyon sa salamin. "Bakit 'yan? Bakit 'yang mukhang 'yan?", halos maiyak na na tanung niya sa repleksyon niya. "WAAAHHHHHHHHHHHH….. MAUREEEEEENNNNNNNNNNNNNNN",ubos hiningang sigaw niya.

"Uy pre, kamusta?", saad ng isang lalaki sa'kin habang sinuntok bahagya ang dibdib ko."Aray!" "Hahaha, ang sensitive naman neto, para kang babae", sambit naman ng kasama niya na nakangisi mukha namang tipaklong."O,ano? Papasok ka ba bukas?", tanung ng naunang lalaki. "Ewan, baka hindi muna", sagot ko. "Buti na lang nakabreak ka kaagad, kundi baka napatay mo 'yung babae", dugtong ng mukhang tipaklong. (Ba-babae? Ako? Ako ba yung tinutukoy nila? Ibig sabihin, si Ja-Jack pala ang muntik ng makabangga sa 'kin? Hindi kaya-) "Hoy!" Nagulat ako ng magsnap ng daliri si tipaklong. "H-ha?" "Hahaha, nasa mars ba isip mo pre?", ani ni Patrik. "Sabi ko, hinahanap ka ng mga chikas,hoooo ang hot pa naman ni Ellaine.", nakangising dugtong niya. (Ang mamanyak ng mga tuko na 'to) "Hays, lumayas na nga kayo, ang iingay nyo", sambit ko sa kanila. "Suss, ang init ng ulo, daig mo pa nanay ko eh, oh sya,alis na kami pre ah, pahinga ka muna para makapasok ka bukas,hehe kinakamusta ka nga pala ni Ellaine", nakangising saan ni Jake bago pa sila tuluyang lumabas ng silid. "Haysss, kadiri yung tipaklong na yun, makangisi, daig pa asong ulol, haysss ang mamanyak talaga", inis na sambit ni Maureen.

"Pero teka, saglit lang, napunta ako sa katawan ni Jack, hindi kaya-", napatakip na lang ng bibig si Maureen. "Nako, kelangan kong umuwi",pagmamadaling bangon niya.

avataravatar