1 Prologue

"CPA. Armendaiz, Seina Rain! Congrats gurl!" Natawa naman ako sa kaibigan ko. "Nakapasa ka grabe hindi ko akalain whahahaha" Inirapan ko naman yung panlalait niya sakin.

"Alam mo panira ka" Tinawanan niya lang ako. Nilibot ko naman yung paningin ko sa lugar na pinagwo-work niya. Sobrang ganda.

"Maganda talaga toh Gurl. Sikat na kompanya eh. Our dream company." Napangiti naman ako.

Calixta Guerrero Jarez. Harez pronounce ng surname niya. My childhood bestfriend, sister not in blood, and College buddy.

"Akin na yung resume mo gurl at ako na bahala. Urgent yung paghahanap ng Head Accountant dito eh." Nanlaki naman yung mata ko.

"Gurl hindi nga seryoso ka?" Inirapan niya naman ako at hinaltak yung resume ko. "Baka naman naghukos pokos ka diyan ah. Ayoko naman makapasok dito dahil lang sa koneksyon."

"Wag ka nga madrama. Hindi lang naman ako mag a-agree kung pasok ka hahaha." Tumango naman ako sa kanya. "Tska tara na buti naman at naka formal attire ka."

Napatingin naman ako sa damit ko. Typical outfit ng mga nag a-apply. Yung buhok ko ay nakabun para malinis tignan naka pencil skirt above the knee, white blouse and blazer. At black heels. Dumaan lang talaga ako dito dahil sabi ni Calixta gusto niya daw kami mag kita. Maghahanap rin kasi ako ng trabaho.

"Gurl lunchtime pa naman kaya doon muna tayo sa office at isisingit ko tong resume mo hahaha."

"Ewan sayo isa kang demonyong HR Manager."

"Thank you for the compliment gurl." At tumawa na naman. "Ayy oo nga pala bakla" Sumeryoso naman yung mukha niya ng slight. "Dadating yung bagong CEO kilala mo ba?" Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Ako ba nagtratrabaho rito? Ikaw ang dapat nakakilala."

"Ikaw ang chismosa satin." -Calixta

"Ikaw ang demonyo." Natawa naman siya.

"At alagad kita." Natawa naman kami. "Pero seryoso hindi mo kilala?" Umiling naman ako. "Lahat ng Architecture Company alam mo kasi may iniiwasan ka."

"Oh please Cali wag mo na ipaalala."

"Sabi nung iba hot daw at masarap yung CEO na bago. At alam mo yung mga masasarap at hot na CEO ng mga architecture company."

"Kung galing ibang bansa at ngayon lang lilitaw malamang hindi ko alam."

"Paano kaya kung-"

"Wag mo na ipapalala."

Natawa naman siya. Lakas talaga mang asar nang bruha na toh.

"5 years hindi parin move on gurl? Masyado ba masarap?" Sarap bigwasan eh.

"Oo ikaw masarap." Ngiti ngiti naman siya. "Sarap bigwasan" At inirapan niya ko.

Nang makarating kami sa office niya ay naupo naman ako. Maganda yung office niya. Mukhang maayos sila sa mga empleyado kaya ganto na lang sila kasuccess kasi magaling sila mag alaga sa empleyado.

"Gurl diyan ka muna ah. Tawagin na lang kita. Doon kasi kami sa CEO office mag hahire. Maarte daw kasi yun pag dating sa accountant." Tumango naman ako. Medyo nakaramdam naman ako ng kaba.

Maarte daw yung CEO aba paano yan wala pa naman ako masyadong kasikat na experience. Hindi naman masyado kasing kilala yung mga kompanyang pinangalingan ko.

Binuksan ko naman yung pouch ng make up ko. Tinignan ko naman sa salamin ng foundation yung mukha ko. At naglagay ng konti. At liptint lang na pink.

I look so innocent.

Natawa naman ako.

May kumatok naman at umayos ako ng upo.

"Ms. Armendaiz?" Tumango naman ako.

"Pinapatawag na po kayo sa CEO Office." Tumango naman ako at sumunod sa kanya.

"Miss nakita mo na ba yung CEO?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi pa. Kakadating niya lang kasi at hindi pa naman siya napapakilala." Tumango naman ako sa kanya.

Pumasok naman kami sa office ng CEO pero walang tao. Lumiko naman siya sa isang pinto at binuksan. Mini board room pala. Nakatalikod naman yung swivel chair sa harap. Napatingin naman ako kay Cali na pilit ang ngiti.

Anong meron? Hinayaan ko na lang at ngumiti naman ako.

"Good Day Everyone." Ngumiti naman yung iba.

"So your the one who got the 1st place in CPA board exam?" Bakas sa boses ng medyo may edad na babae.

"Yes Ma'am"

Hindi parin siya humaharap.

"How old are you? You look so young."

"27 years old."

Bakit ang ikli ng sagot ko!! Kinakabahan ako.

"How did you know that were hiring?"

Tinignan ko naman si Calixta. Tumango naman siya.

"Because of Ms. Jarez. I'm just here to visit her. And then she grab my resume and now here I am."

Natawa naman sila.

"So your in the on the spot job interview."

"Yes"

"Why should we hire you?" Tanong ng nasa swivel chair. Bigla naman may bumara sa lalamunan ko. I won't forget his voice.

"Ms. Armendaiz?" Tawag sakin nung kaninang nagtanong sakin na babae.

"Why should we hire you?" At humarap na nga siya.

Oh God Rain! Hindi ako pwede mapahiya dito. Kinalma ko naman yung sarili ko at hindi pinahalata na aapektohan ako sa kanya.

"Because I'm a person who will not stop reaching my goals. I will do my best just to have my dream in my hand. And if you hire me I won't stop doing my best and be a part of the success in the company."

Tinignan ko naman siya. Walang bakas na kahit anong emosyon.

Bakit Rain ano bang gusto mo makitang emosyon? Ngumiti siya? Matuwa siya sayo?

May ibinigay naman na papel kay Cali at lumapit sakin si Cali.

"Goodluck and Congrats."

"Read the details and signiture. I forgot to introduce myself. I am the Head Finance in this company. Call me Mrs. Vira." Siya yung nag tanong sakin na una. Tumayo naman yung CEO at umalis na ng board room. "He is the CEO of the company. Engr. Henriques" Nginitian ko naman si Mrs. Vira.

Gusto kong sabihin 'I know Ma'am'

Nang matapos yung contract signing lumapit naman sakin si Cali.

"Ayos ka lang gurl?" Pag aalala niya.

"Wala ko magagawa. Kailangan ko rin naman tong trabaho."

Nalala ko naman sila Mama at ang kapatid ko. Si Mama may sakit at yung kapatid ko bata pa kailangan ko mag ipon para sa pag aaral niya.

Lumabas naman kami sa board room. Nakita ko naman siyang nakatayo sa may malaking bintana na tanaw yung iba't ibang building. Kaso naulan. May hawak siyang baso at may lamang alak ata. At nakatitig lang siya sa ulan.

Naalala niya pa kaya ako?

Natawa naman ako.

Naramdaman ko naman pag hawak ni Cali sakin. At hinatak ako paalis ng office ni Ray.

Maxton Ray Frisco Henriques.

The man whom I love the most.

avataravatar
Next chapter