webnovel

2

Let us take a look back on how destiny played its part with the lives of the characters within the story:

Ten Years Ago

Approx., Mid-Summer

Control Tower, Near the Central Shore of the Great Center, Planet Nirnyaw

Time: Unknown

This is it! The hot weather, those enchanting waves of the flaring seas, those sexy bods flaunting their rights on the great shore on this very central part of this Planet—Planet Nirnyaw.

Sadly, walang panahon para sa mga gan'yan ang ating mga bida sa kadahilanang ang mga trabaho nila'y isa sa mga pain-in-the-*ss sa kasalukuyang panahon. They've got to work harder for the economy (char!) pati na rin sa mga bulsa nilang parang dinaanan ng bagyong Yolanda (as coined from the typhoon name on a certain place in the Planet Earth).

As in, every character in this very story has its own struggle kasi ngayong buwan ay masarap magbabad sa sikat ng araw at ng karagatan. Pero sino nga ba sila na magreklamo dahil tinambakan sila ng pile of worksh*ts na hindi nila malaman kung saan nanggaling at kung sinong walang hiya ang gumawa nito sa kanila. Kung alam ba nilang ang Managing Director ang nag-assign sa kanila dito'y makakaapila ba sila? Hindi. Purong hindi. Bakit nga ba sila puro na lang reklamo sa kanilang mga isipan at hindi na lang nila ipahayag ang kanilang damdamin sa Managing Director ng kanilang kumpanya? Simple. Puro lang naman sila salita ngunit wala gawa. Paano nila mapapahayag ang kannilang pagkadisgusto sa mga ginagawa sa kanila kung puro naman sila mga cowardly *ss?

Hindi naman applicable sa kanila ang kasabihang "Action speaks louder than words." Ano kayo ngayon? May sumasalungat sa dati nang trend, at saludo ako sa mga ito.

W E N G K O Y

On a certain spot within the Central Shore of the Great Center, Planet Nirnyaw

Isang nakatayong pigura ang makikita sa kalagitnaan ng napakainit na disyerto (para sa kan'ya). Although napakainit ang kinatatayuan niya'y napakahibang n'ya na rin upang magsuot ng sando! Hindi ba n'ya alam na it's harmful to his health?!

Wala na rin tayong magagawa dahil ano pa bang option ang natitira sa kanya? Kung magsuot naman siya ng patong-patong na damit, siya lang rin ang maiinitan tapos kapag sando naman, although medyo refreshing, ay ang haring araw ang makakalaban niya!

Hais. Okay, aalis na lang nga ako.

"Anong araw ang pinakamainit? Mainit? Mainit? Anong araw? Araw-araw!" pakantang sinasabi ni Wengkoy ang mga salitang ito dahil sobrang buryong na s'ya sa mga ginagawa n'ya sa buhay. Akala niya'y noong magkatrabaho siya'y magiging maayos ang buhay niya. Magu-umpisa siya sa pinakamataas na posisyon sa isang kumpanya pero wala eh, h'wag na tayong mag-expect dahil kinalaunan, ang bagsak niya ay isang errand boy. Ewan nga ba kung errand boy and maitatawag doon pero ang ginagawa niya'y walang sawang pag-i-stapler ng mga papeles na kakailanganin ng buong departamento, maski ang mga walang kwentang bagay na pwede namang gawin ng mag-isa'y inaasa pa sa kan'ya. Pero 'di lang 'yon ang catch, 'di lang ata buong departamento nila ang gustong gawin siyang alipin pero maging ang mga taga-ibang departamento pa! Pinagkaisahan siya at hindi niya alam kung magagalit ba siya o iiyak na lamang sa inis!

"Kailan ko nga ba matitikman ang sarap ng buhay? Ang magkaroon ng tagapagsilbi na walang reklamo sa kung anumang gusto kong ipagawa sa kanya?" iilan lamang 'yan sa mga tanong ni Wengkoy na maski siya'y hindi niya alam kung masasagot pa ba sa tanang buhay niya.

Sa pagiging errand boy niya, siya ang naatasang magbantay sa napakainit na disyertong ito—bilang lifeguard! Para sa kanya'y isa itong disyerto pero para sa karamihan, isa itong paraiso! Sino nga ba ang hindi mahuhumaling sa makintab na dagat na wagas makahalina sa mga tumitingin? Sino nga ba kung hindi si Wengkoy na sobrang sawa na sa dagat!

Lifeguard pa ang nais ng mga taga-higher ups! Bakit pa kasi ako nag-volunteer na mag-ganito ganito? Ni hindi ko na nga mabantayan 'yung bahay ko tapos 'yung buhay ng ibang tao, babantayan ko pa kaya? At saka naman, oo, baka ma-turn off 'yung mga babes d'yan sa tabi tabi kapag tinanggal ko 'yung sando ko! Ang hirap naman kasi sa katawan ko na ito, kahit anong papayat ko, kahit anong work-out ko, diet ko, wala pa ring nagagawa! Wala pa rin akong siks paks aaaabss! Wala! Wala!

Sinumpa ata kami. Ako, si Nanay, si Tatay, at ang buong pamilya. Bakit ganito ang nangyayari sa amin? Gusto mong mag-show off, 'di mo magawa! Gusto mong maging conservative, 'di mo naman magawa! Anong buhay nga naman!

Hais. Tama na nga! Wala na rin akong magagawa kahit anong gawin ko. O siya, bahala na!

Maglalakad na muna tayo rito, sa tabi-tabi lang. Baka makita ako ni supervisor na nags-slacking kuno tapos baka akalaing wala akong ginagawa na matino pero sa totoo nama'y marami. Sobrang bored na nga ako't 'di pa ako pinapauwi! Hay, buhay!

Lagi naming gano'n 'di ba? Kapag marami kang ginawa, tapos, gusto mong magpahinga, tapos nakita ka ng head mo o 'di kaya ng nanay mo na umuupo-upo lang sa tabi, sasabihin agad na wala kang ginawa buong maghapon. 'di ba pwedeng nagpahinga lang? Pero, ikaw naman itong 'di makasagot dahil mas mataas nga sila sa 'yo, mas pipiliin mo na lang na manahimik kaysa naman sa mapahaba pa ang diskusyon n'yo.

Sa kalayuan ng baybay ay may isang cliff: Mataas, matarik at sure death ang abot mo kung ika'y sumubok umakyat o kung ikaw nama'y nagpadala sa mga asar ng barkada mo na, "kung ikaw nga ay tunay na matapang, akyatin mo nga 'yan!"

Tiningnan lamang ni Wengkoy ang taas na parte nito dahil sa hindi malamang dahilan ay hindi n'ya mapigilang maging curious sa kung ano ang nasa tuktok. May mga nagsasabing may pugad daw doon ng isang mythical beast tapos raw, matagal na itong inabanduna. May nagsasabi rin na may nakita raw silang babae doon na nakaupo sa tuktok—nagmamasid at nakapangalumbaba, baka may hinihintay s'ya na hindi s'ya sinipot.

Ilang minuto na ring nakatingin si Wengkoy hanggang sa naramdaman n'ya na lamang na ang tubig dagat ay malapit nan umabot sa kan'ya. Ay mali. Umabot na pala sa paanan n'ya!

"Nanay ko po!" napatalon na lang si Wengkoy dahil sa takot. Ano ang kinakatakutan n'ya? Ang tubig. Napaka-ironic 'di ba? Lifeguard s'ya sa isang sikat na beach resort pero takot dito o maski sa anumang body ng tubig.

Umusod-usod ng kaunti si Wengkoy. Umusod naman papalapit 'yung tubig. Umusod ulit si Wengkoy. 'yung tubig, hinabol na naman s'ya. Aaaand the cycle goes on and on again!

Hanggang sa may marinig s'yang sigaw na nagpatuon ng kanyang atensyon sa nilalang na nasa medyo malayong parte ng karagatan.

"Help mah byutipul selp! Help!" mangiyak-ngiyak na sigaw nang nilalang na…...nalulunod?

Hindi alam ni Wengkoy ang kan'yang gagawin kung maiiyak ba s'ya sa inis o matutuwa na lamang sa nagaganap sa kanyang harapan. Imaginine n'yo ang isang tao/hayop/kung ano man 'yan, tapos nasa gitna s'ya ng karagatan (not totally gitna but considered na rin 'yun na gano'n) tapos 'yung lebel ng tubig sa nasa mga bandang bewang lang tapos humihingi 'yung taong 'yun ng tulong, anong mararamdaman n'yo? Parang gano'n din kay Wengkoy 'di ba? Ang sarap kutusan sa ulo ng mga gano'ng klaseng nilalang! Pero baka naman may ibang meaning 'yung mga gano'ng moves! Pwede rin naman!

Napasabunot na lamang s'ya sa kan'yang malapit nang mapanot na buhok at tinakbo ang kan'yang poste kanina upang kuknin ang salbabida. Tinalian n'ya ito at tinakbo ulit ang distansya mula sa kan'ya at ang nalulunod na wala s'yang magawa kun'di sagipin. Inikot ikot n'ya ito sa kan'yang ulo na parang lalaki sa isang pelikula na kung saan ay sisiluin n'ya ang isang nagiinit nab aka para mahuli. Inihagis n'ya ito malapit sa nalulunod at nagtagumpay naman s'ya!

"Kumapit ka!" sigaw ni Wengkoy

"at h'wag kang bibitaw! Nandito lang ako!"

Wow! Parang isang scene sa pelikulang dati'y napapanood sa telebisyon! Napaka--!

Hindi alam no'ng sasagipin ni Wengkoy kung kakapit ba s'ya o hindi dahil sa isip-isip niya'y may syota na s'ya! At ayaw n'ya kay Wengkoy! Pangit nga raw sa kan'yang paningin pero—nalulunod na s'ya! Wala s'yang magawa kun'di kumapit!

KUMAPIT

NG

MAHIGPIT

AT

HUWAG

BUMITAW

NA

PARANG

GINAWA

N'YA

SA

'YO

Kumapit lang! Ayan ang nasa isip no'ng babaeng pangalanan na lang nating Shy, dahil mahiyain s'ya kuno tapos ayan 'yung mga pangalan hindi naman dapat binibigyan ng mga linyang mahahaba dahil ekstra lang s'ya sa kuwentong 'to.

At kumapit na nga s'ya doon sa salbabida at unti-unting hinila ni Wngkoy si Shy.

Ang bigat naman nito! Reklamo ni Wengkoy sa isip-isip n'ya. Full force kung humila si Wengkoy dahil naman sa may katabaan din itong si Shy. Pagkatapos n'ya itong hilain papuntang pampang ay sobra siyang nanghina! As in!

Nakapatihaya si Shy at nakapikit. Unti-unti n'yang minulat ang mata n'yang kanina'y isinarado nang makasalubong n'ya ang matinding sinag ng araw. Iginilid n'ya ang kan'yang ulo tapos nagsalita ng, "Maraming salamat Manong Lifeguard! Hinding-hindi ko po makakalimutan ang iyong mabuting kalooban!" at sa kan'yang bibig ay sumilay ang pinakamatamis na ngiti na kan'yang igagawad kay Wengkoy.

Napilitang ngumiti si Wengkoy at saka nagsabing, "O s'ya, mauuna na ako. Sa susunod ay huwag kang lalangoy kung hindi mo naman kayang panindigan ang mga kalakip na panganib na dulot nito. Sa susunod muli! Nawa'y hindi ko na makita ang pagmumukha mong kaawa-awa!" at s'ya'y tumalikod na at kumaripas patakbo papuntang opisina nila dahil...out na! yes!

----

"Magandang hapon Sir!" bati no'ng Manong Sekyu kay Wengkoy. Dahil good mood si Wengkoy sa kadahilanang out na kasi, ay bumati rin s'ya kay Manong Sekyu pabalik. "Magandang hapon din, Manong!" sabay saludo na may halong ngiti sa kanyang labi.

Pasipol-sipol na pumasok si Wengkoy sa opisina kung saan mag-o-out. Nakapamorma pa rin s'ya ng pang-Lifeguard. Hindi alintana ni Wengkoy ang mga tinging pinupukol sa kan'ya ng mga nakapaligid dahil wala naman silang magagawa kung nadirito s'ya nagtatrabaho, 'di ba?

Tuloy-tuloy pa rin siya sa paglalakad at saktong nandoon na siya sa mismong spot kng saan mag-oout ay may biglang sumingit sa pila! Napakabastos naman ng nilalang na ito! Nako!

Tiningnan ito ni Wengkoy ng matalim pero halatang manhid ang isang ito dahil hindi niya nahalata ang mga tinging ipinupukol sa kanya ni Wengkoy. Manhid ata ang isang ito, ani Wengkoy sabay nagpakawala ng isang malalim ng hinga.

"Tao nga naman. Minsan, hindi alam kung anong ginagawa nilang masama kaya sige, sugod lang nang sugod kahit may nasasaktan." Isa pang buntong hininga ang pinakawalan ni Wengkoy. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang siyang nakaramdam nang pagod at pagkagustong umuwi na lamang ng matiwasay.

Hindi na niya inabala ang sarili sa pag-iisip kung ano baa ng meron sa nauna sa kanya. Nanahimik na lamang siya at itinuon ang sarili na pagpipindot ng kanyang hintuturong darili sa finger print scanner upang siya'y makatala na nang kanyang paglisan.

Umuwi siyang hindi alam kung paano siya nakauwi. Pagkatapos ay inabala niya ang kanyang sarili upang ayusin ang kama para humiga at magmuni-muni.

Lumipas ang oras.

Hindi pa rin siya makatulog kahit anong gawin niya.

I REALLY NEED THE ITALIC AND BOLD FUNCTION. I KENNAAAAAAT. HAHAHAHA

camsyyycreators' thoughts
Next chapter