webnovel

1.1

Chapter One

Space Time /1/0/0/M/

Planet Nirnyaw

Somewhere along the Great Iceberg, South Ville, South of the Planet

"Ang lamig naman!" Nakabalot sa mahigit sampung kumot na maninipis ang nagrereklamong nilalang na ito. Kung bakit nga ba s'ya pinatapon dito sa mahabaging lugar na ito ay hindi n'ya alam at kung pwedeng umalis na'y dati n'ya pa nanaisin na umalis.

Hindi naman sa pinatapon siya o ano pero ito ay parte ng kan'yang misyon na mula pa sa kataas-taasang Heneral sa planetang ito. Obviously, puro sila mga feline na nandirito sa planetang ito and like any other, ang mga kalaban nila'y may kinalaman rin sa kanilang uri.

Ang kan'yang misyo'y puksain ang gumagalang South Ville Snake. Ang ahas na ito'y hindi pangkaraniwan dahil kung ito'y karaniwan lang, bakit pa siya idi-dispatch dito upang puksain ang normal na ahas? Pwede namang pagtulungan ito ng mga residente na nakatira sa lugar na ito—oops, wala na pala sila rito dahil kinain na sila ng ahas. Kawawang mga nilalang. Hindi n'ya alam kung bakit nakain sila nang wala man lang laban! May kahina-hinalang pangyayari ang tiyak na naganap!

Ang ahas na ito'y hindi pangkaraniwan at dahil dito ay, maihahalintulad ito sa mga halimaw na matatagpuan sa pinaka-siyudad ng planetang ito. Ang pabuyang makukuha ng kung sinumang makakapaslang dito'y tumataas sa araw-araw na ginawa ng kanilang diyos.

Of course, he's into the money. Ang tataas na kaya ng bilihin! Pero hindi n'ya naman akalain na pagkalamig-lamig naman ng napuntahan n'ya! Mabuti na nga lang ay nakagawa s'ya kahit papaano ng bonfire pero malapit na rin itong maupos.

Moommmyyyy! Help!

He wanna scream for help but then again hindi n'ya pwedeng i-drop itong case dahil nga'y misyon n'ya ito. His pride and morale would be downgraded if he didn't finish the mission within the due time.

Sabi ng kan'yang Supervisor, "Private Vizor, hindi naman sa pagmamayabang ngunit malaki ang patong sa ulo nitong ahas na 'to. Kung magtatagumpay ka man—sa awa ng ating panginoon na si Kutzy, at maibigay mo ang ulo ng ahas o kaya nama'y may patunay ka na ikaw nga ang pumaslang sa ahas, tiyak, mayaman ka na. Syempre hindi naman ito patungkol lamang sa pera ngunit ang maganda pa rito'y ma-i-aangat ka na sa posisyon. Gusto mo 'yon 'di ba? Ang tagal mo na ring nag-apply para dito. Huwag mong sasayangin ang oportunidad na inihain na sa iyo." Sabay ngiti nito kay Private Vizor

Hay, nagpadala na naman s'ya. Hindi mapigilang umiling ni Private Vizor dahil sa padalos-dalos na desisyon nito. Ano kayang ginagawa ko ngayon kung hindi ko tinanggapa ng misyon na ito? Tanong niya sa kaniyang sarili. Malamang sa malamang ay mahimbing ang kan'yang tulog o 'di nama'y nagbabasa siya ng mga papeles habang umiinom ng kape. Pero wala siyang magagawa, nandito na s'ya eh. Pinapanalangin n'ya na lang na sana'y magtagumpay s'ya sa misyon n'ya na ito.

Inusod n'ya ang natitirang stick para naman kahit papaano'y mabuhay ang bonfire na ginawa n'ya. Bigla na lamang mas lalong tumahimik ang dating tahimik na kapaligiran. Inalerto niya ang kaniyang pakiramdam dahil nararamdaman niyang nalalapit na ang kanilang pagtutuos ng tinaguring South Ville Snake.

Space Time /1/0/0/0/M/

Planet Nirnyaw

Somewhere along the East Alt, East Ville, East of the Planet

"Oh, Boss?" itinapat ni Burwik ang kan'yang cellphone sa tapat ng tainga nito. Hindi uso sa kan'ya ang holographic screen dahil aniya, "Eh sa gusto kong maging makaluma eh. Ano? Papalag ka?"

"May customer, Brk," Nice. Napangiti s'ya dahil sa sinabi ng kan'yang Boss. Isang mahabang gabi na naman ito para sa kan'ya!

"Paano ba Boss ang kalakaran? Dating gawi ba?" tanong ni Burwik sa kausap n'ya.

"Dating gawi, Brk. Ti-triplehin daw ng customer natin ngayon ang bayad, kaya dapat malinis at walang sabit ah?" paninigurado ng Boss niya. Doon naman s'ya magaling eh, sa malinis at walang sabit. Gustong-gusto n'yang nakikitang masaya at satisfied ang customer kaya naman ang ending ay marami na ring nagrerekomendang customer nito sa iba pa nilang kaibigan.

"Oo naman Boss," may ngisi sa kan'yang labi habang sinasabi ito. Saka nito ibinaba ang selepono't pinakatitigan muna ang screen ng kan'yang cellphone.

Ang swerte ko talaga ngayong gabi! May pang-ulam na naman!

Pumanhik siya paitaas ng kanilang bahay. Dalawang palapag na katamtaman lang ang laki para sa isang pamilya. Nang siya'y makapanhik ay tinungo n'ya ang kwarto nila ng kan'yang Misis at doon pinakatitigan ng husto ang napakagandang mukha nito.

"Aalis muna ako, baka matagalan pa bago ako makauwi. Ikaw muna bahala sa mga anak natin," mahinang sabi ng Burwik sa Misis niya saka niya ito hinalikan ito sa noo na punong-puno ng pagmamahal.

Isinabit niya sa kaliwang balikat ang jacket na itim at saka dahan-dahang umalis. Siniguradong sarado ang pintuan at saka nagmaneho papunta sa destinasyon niya.

Space Time /7/0/0/M/

Planet Nirnyaw

Somewhere along the Prime Rain, North Ville, North of the Planet

"Hay buwisit! Kung kailan naman nasa mood akong pumunta dito sa tambayan, wala naman siya! Buhay nga naman oh!" inis na wika ng isang nilalang na naka-t-shirt at khaki shorts na pinaresan ng gladiator shoes.

Kasalukuyang nasa isa s'yang parang isang pangkaraniwang mini-van kung makikita mo sa labas; pero iba na ang magiging depinisyon mo rito kung makakapasok ka sa loob. Iilang tao lamang ang pupwedeng pumunta rito at isa na siya—ang lalaking kanina pa'y naiinis.

Paano ba naman, pinadalhan n'ya ng mensahe ang natatangi niyang kaibigan tapos umoo rin ito sa kan'yang paanyaya, pero ang magaling, inidian s'ya nito! Inindian nga ba? Pero 'yun ang alam n'ya!

Pambihira! Sino nga bang hindi maiinis sa aktong 'yon 'di ba?

Sa inis niya'y hindi niya mapigilang sipain ang upuan na korteng baul na medyo parihaba. Hindi naman s'ya gaanong nasaktan ngunit may narinig siyang tunog na nagmumula sa loob nito. Dali-dali s'yang nagtago sa isang shelf na naglalaman ng maraming aklat na halos lahat ay nabasa na ng kaniyang kaibigan.

Bumukas ang baul.

Bumukas

at

kinakabahan

na

siya.

"Ay peste! Sino 'yan?" medyo may pagalit na tono't may halong kagigising lang na sabi no'ng nasa baul.

Patay!

Hindi naman sa pagmamayabang pero mayabang lang talaga siya kapag wala 'yong kaibigan n'ya pero kapag nand'yan na—patay. Gyera na 'to ngayon!

Hinanap no'ng nasa baul kung sino ang sumipa pero nando'n pa rin ang antok kaya naman hindi siya makapag-focus ng maigi. Babalik na sana siya sa pagkakahimbing ngunit may aninag siyang pigura na malamang sa malamang ay isa sa dalawa lang sa pupuwedeng pumasok dito sa mini-van na ito.

Ah, sino na nga ito? Pinilit niyang pasingkitin 'yong mata niyang mahirap ipasingkit para matukoy kung sino ang nagtatago sa likod ng koleksyon n'ya ng mga aklat.

Si Wengkoy!

Aruy, patay! Mukhang namumukhaan niya ako! Ani Wengkoy sa kan'yang isipan. Magdadasal na ba ako nito tapos tatawag ng kung sinong santo? Dagdag n'ya pa. Jusko po! Ano na naman kayang magiging kahihinatnan ko nito?

Takot siya sa kaibigan 'di dahil sa katakot-takot ito ngunit dahil sa mga pinanggagagawa nito sa kan'ya. Minsan na ngang na-trauma si Wengkoy dahil miminsan na siyang iniwan ng kaibigan sa kumpulan ng mga wirdong nilalang at hindi na binalikan. Sa huli ay isang hinang-hina at malapit nang masiraan ng bait na Wengkoy ang naabutan ng kan'yang kaibigan.

Ayan na naman ang mga nakapapatindig balahibong tingin n'ya. Hindi mapigilang magkomento ni Wengkoy sa kan'yang sarili pero kamangha-mangha naman talaga ang mga mata ng kan'yang kaibigan. Madalas ay tampulan ito ng tukso ngunit para sa kan'ya, ang mga mata nito'y parang may sariling mundo na hindi niya mapasok-pasok.

"Wengkoy? Ikaw ba 'yung sumipa?"

"A-ah eh, y-yung multo sa gilid ng tinutulugan mo! S-siya 'yung sumipa! Hindi ako ah! Hindi ako ang sumipa kasi naman naiinip na ako kahihintay sa 'yo!" depensa ni Wengkoy sa kan'yang kaibigan.

Isang ngiti ang iginawad pabalik ng kan'yang kaibigan. Hindi niya matukoy kung ngiting tunay ba ito at nagsasabing naniwala siya sa kung anumang ibinato nito sa kan'yang mga salita o isang ngiting pinapaniwala siya na naniniwala ito sa mga kasinungalingan hatid niya.

"A-ay teka nga! Ano bang ginagawa mo diyan sa loob ng parang huling himlayan mo? Nakalimutan mo na ba 'yung usapan natin?" pag-u-usisa nito sa kaibigang kagigising lang. "Ang tagal-tagal mo kayang dumating! As usual, anong maaasahan ko sa 'yo e parati kang late sa bawat gala natin?" Kumunot ng noo ang kan'yan kaibigan at saka nag-cross arms.

Patay, naiinis na ito.

"He he. P-pasensiya?" sabi naman ni Wengkoy dito. Isang masamang tingin ang binigay ng kaibigan ni Wengkoy na dahilan upang ito'y matigil sa kinalalagyan ng kahit dalawang segundo.

"Hay naku. Heto na naman tayo," kinusot-kusot muna no'ng nilalang na nasa loob ng baul ang kan'yang mga mata at unti-unting nagse-seryoso.

"Wengkoy," may halong kaseryosohan ang salita nito kay Wengkoy. Napalunok naman si Wengkoy sa iisang salitang isinambit ng kan'yang kaibigan.

"B-bakit?" may utal na sagot nito. Sana naman hindi 'o magalit o kaya nama'y may good news. Pero may nagsasabi sa likod ng aking isip na may kinalaman ito sa kan'ya.

"Pinababalik na niya tayo, Wengkoy. Tama na raw ang paglalaro," Patay.

Isang salita niya lang, dapat kaming sumunod dahil s'ya ang aming batas.

Mga gawa niya'y tila walang kapintasan. Lahat ng gagawin nami'y may kinalaman sa kan'ya.

Ang nag-iisa naming pinuno.

accidentally clicked the male lead ._.

i don't want to live anymore ~~

*flips the table*

xD

camsyyycreators' thoughts
Next chapter