webnovel

Ring

Habang naglalakad kami ni Dawn, parang gun machine ratatat combat bibig nya kung makadaldal ng kung anu-ano. Pero di naman ako nagsawang makinig. Mayamaya ay napatingin sya sa kung ano at bigla na lang ako hinila sa isang shop.

"D-Dawn, ano ba yan. Muntikan na ko madapa."

"Eheheh sorry." Aniya.

"Ano ba kasing bibilhin mo dito?"

"Singsing lang naman." Napanganga lang ako, then kinausap nya yung babae sa counter at pinakuha yung napili nyang singsing. After nya mabayaran yung singsing ay dinala nya ko sa may garden ng mall. "P-Para sa'kin yun Dawn?"

"Ay hindi, para sa akin yun." Pamimilosopo nya.

Napa-irap lang ako.

Nang tumigil kami sa isang magandang pwesto ay napaluhod sya sa harap ko at kinuha ang kamay ko. I began to feel emotional again, "Joke lang yung kanina, para sayo talaga 'to."

Natawa ako. "Yeah, alam ko."

"Hahaha..." then he quickly kissed my hand before showing the ring he bought for me. "Bea, you----aray tang*na!" Maganda na sana yung moment namin ng may epal na lalaking nakabangga kay Dawn.

"S-Sorry!" Sabi nung lalaki kay Dawn.

"Gago ka ah, alis ka na nga dito!" Inis na sabi ni Dawn dito.

Natawa lang ako dahil nabadtrip talaga si Dawn, napatingin ako sa lalaki at nanghingi din ito ng sorry sa akin. Nang magkatinginan kami, parang pakiramdam ko ay nakita ko na ito dati pa.

He looked so familiar, did i met him before?

Pagka-alis nung lalaki ay tumayo si Dawn, "Bwisit naman yun, panira ng moment."

"Sinabi mo pa." Pero natawa na lang ako.

"Okay, okay! Take two..." lumuhod sya ulit at sinabi na ang gusto nyang sabihin. "Bea... you're the first girl i ever loved like this. I wish you could always remember me. I wish to stay in your heart forever. I love you, Bea." Naluha ako ng isuot nya ang singsing sa akin.

Pagkatayo nya ay may dinagdag pa sya. "Although i'm not the one for you, i hope this ring reminds you how much i love you. Celia Beatrix Montemayor, bhebhe qoh, labyu."

"Pfft, i'll never forget you Ludwig Dawn Salazar."

"Thankyou..." at nagyakapan nanaman kami.

"So, is this the best date you ever had so far?" He asked.

"Well, yeah. Ito kaya ang first date ko noh." Sabi ko sa kanya.

"Naks, ako pala first date mo hehehehehe." Nabatukan ko sya sa maloko nyang hitsura.

"Hay nako, di mawawala ang kalokohan sayo."

"First love mo din ba ko?"

"Hindi ba obvious?"

"Ay ayiiiiiieeeeh!" Parang naging bakla si Dawn at napa-ipit ng invisible hair sa tenga nya. "Tama na nga Bea, kinikilig ako masyado."

"Hahaha! Whatever." Napa-iling na lang ako kay Dawn, parang isip-bata talaga amp.

"Tara na nga't makapag-lunch na tayo." Aya nya.

"Libre mo ah," paalala ko.

"Lagi naman eh, tara na nga." At naghanap na kami ng makakainan namin.

Habang naglalakad kami, di matanggal sa labi ko ang ngiti ko para kay Dawn. I'm still kind of unsure of my feelings for Dawn, everything was too quick for me pero right now... masaya akong kasama ko sya. Right now, i'm happy... we're happy. And i guess that's all that matters right now.

"I'm gonna miss you Dawn." Yun lang ang nabulong 'ko, alam kong mamaya aalis na si Dawn. Iiwanan na niya ko dahil kailangan na niyang bumalik sa panahong pinanggalingan nya. Mamimiss talaga kita Dawn.

  

END OF BEATRIX POINT OF VIEW

Next chapter