Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?! Besides that, they even recruit those martial artists who have a decent talent in their ceremony. There are double-faced people wants to get those martial artists of Li Clan but what is the benefits for them? There's none and peace will never go on like this between these two parties.
Nagkaroon ng masinsinang pag-uusap ang mga martial artists na naririto sa daan patungo sa Red Cloud Sea. Kapwa seryoso ang mga mukha ng mga ito na animo'y hindi sila makapaniwala sa kanilang mga natuklasang mga bagay. Pilit pa ring idina-digest sa utak ng bawat isa ang katotohanan patungkol sa nasabing impostor na lider ng mga nabigong grupo ng mga martial artists na sana ay nandoon na sana sa mismong Red Cloud Sea ngunit ngayon ay nasa daan pa rin.
Kapwa tahimik ang lahat ng naririto habang nag-uusap sa kasalukuyan ang mismong tunay na lider ng nabigong grupo ng martial artists.
"Ano ang gagawin namin Ginoong Rong ngayong nandirito na kayo? Gusto niyo po bang umalis na lamang sa lugar na ito o magpapatuloy po tayo sa paglalakbay patungo sa baybaying parte ng Red Cloud Sea?!" Sambit ng lalaking Late Xiantian Realm. Masasabing isa siya sa tagapagsalita ng grupong ito noong wala ang nasabing lider nila. Si Ginoong Rong ang lalaking nakamaskarang itim na siyang lider nila.
"Ano pa ba, edi magpatuloy sa paglalakbay. Wala naman sigurong aatras pa sa inyo hindi ba?! Balita ko nga ay maaaring kahut sino sa inyo ay susuwertehin ns makakakuha ng mga pambihirang kayamanan sa outer part ng forbidden zone kung saan naroroon ang mismong bangkay ng pinanghihinalaang katawan ng ksang imortal." Seryosong sambit ng nakaitim na maskara si Ginoong Rong habang makikitang tila masaya ito.
Tila napasinghap naman ang lahat lalo na ang mga nabigong grupo ng mga martial artists. Sigurado silang maaari silang makakuha ng pambihirang kayaamanan sa lugar na mismong pupuntahan nila. Sino ba naman kasi ang hindi gugustuhing makakuha nun eh alam naman nilang lahat sila ay inaasam din na may maiuwi sila para sa kanilang sarili at pamilyang naghihintay sa kanila.
Hindi na rin mapigilan ng ilang mga nabigong grupo ng mga martial artists ang magsalita.
"Talaga po ba lider? Kung gayon ay nakumpirma niyo na po ang balitang dumating!"
"Kung siniswerte ka nga naman oh, talagang hindi pa rin sinasarado ng kalangitan ang lahat ng labasan ng grasya!"
"Sa wakas ay makakakuha ako ng kayamanang para sa akin!"
Ilan lamang ito sa pahayag ng mga nabigong mga martial artists. Napatigil ang lahat ng magsalita ang dalawang Peak Purple Blood Realm Expert na tila nakalimutan nila lalo na at mukhang hindi sila umiimik kani-kanina pa.
"Mauuna muna kaming maglakbay Ginoo Rong, kailangan na naming mahuli ang demonic path cultivator na iyon lalo na at mukhang may binabalak pa itong masama para sa lahat. Hindi ligtas ang paglalakbay niyo kung mauuna kayo. Mas mabuting sama-sama na lamang kayong maglakbay mamaya." Sambit ng napakagandang babaeng Peak Purple Blood Realm Expert. Makikita ang kulay puting robang kasuotan nito na bumagay sa maputing kutis nito. Aakalain mong parang normal na babae lamang ito ngunit ang lakas nito at abilidad ay siguradong may ibubuga rin
"Tama siya Ginoo Rong. Kayong lahat ay sununod sa mga lider niyo. Dapat ay nasa maayos kayong kondisyon bago kayo maglakbay dahil maaaring makasagupa kayo ng hindi maganda sa daan. Delikado pa rin ang paglalakbay niyo pero sisiguraduhin naming mahuhuli namin ang preskng nakatakas na iyon." Sambit ng isa pang lalaking Peak Purple Blood Realm Expert. Agad na pinalabas nito ang usang mahabang espada nito tsaka ibinato sa ere. Mabilis na tumalon paitaas ang nasabing lalaking Peak Pulse Condensation Realm Expert tsaka tumuntong ito sa isang espada na siyang isang pambihirang kagamitan na minsan lamang makita sa pampublikong lugar.
Napatango naman ang dalawang lider ng dalawang grupo rito. Makikitang mayroong respeto ang dalawang lider ng dalawang grupo sa babae at lalaking Parehong Peak Purple Blood Realm Expert.
Lumutang na rin paitaas ang magandang babaeng Peak Purple Blood Realm Expert papunta sa tabi ng lokasyon ng lalaking Peak Purple Blood Realm na kasalukuyang nakasakay na sa Flying sword nito.
"Mag-iingat kayo Binibining Niu at Ginoong Ping sa paglalakbay niyo. Sana maging ligtas kayo!" Sambit ni Ginoong Rong habang nakatingin sa papaalis na nilalang na kapwa niya kalebel ng Cultivation ngunit sa lawak ng hawak ng mgs ito na responsibilidad at kakayahan ay siguradong matatalo lamang siya ng mga ito.
Napatango na lamang ang dalawang Peak Purple Blood Realm Expert na sina Binibining Niu at Ginoong Ping. Mabilis na din silang umalis patungo sa Red Cloud Sea.
Napagdesisyunan ng dalawang grupo na magsama na lamang sa dalawang grupo pero makikita pa rin na hindi pa rin komportable ang mga ito sa isa't-isa lalo na at talagang nagkaroon ng komprontasyon ang dalawang grupo. Tanging ang mga Xiantian Realm Expert lamang ang nag-uusap sa mga ito maging ang dalawang Peak Purple Blood Realm Expert na siyang tumatayong lider nila.
Ginamot na rin ang ibang mga napinsala at nagcultivate na rin ang mga iba pang martial artists dito upang maging maayos ang lagay nila. Nakakapagod din kasi ang paglalakbay dito at hindi sila maaaring manghina mamaya lalo na at pagdating nila roon ay siguradong paunahan na lamang at paswertehan na lamang kung makakatagpo sila ng mga pambihirang mga bagay at kayamanan doon which is ang mga cultivation herbs na minsan lamang makita ng iilan. Kung susuwertehin sila ay baka makatagpo sila ng mga rare at premium herbs. Naiisip pa lamang ito ng lahat ay parang Nabubuhayan na ang dugo nila para makamit ng mga pambihirang bagay at kayamanang ito.
...
BANG! BANG! BANG!
Sunod-sunod na iniwasan ng huwad na nakaitim na maskara ang mga tila nakatanim na mga trap sa daang tinatahak niya.
Hindi maipagkakailang natamaan at napinsala ang kaliwang balikat nito nang matamaan ito kani-kanina ng tila pambihirang bagay sa loob ng puno.
"Hmmp! Sinong mag-aakalang may magtatanim ng pambihirang talisman dito sa lugar na ito, bwiset!" Sambit ng impostor na si Ginoong Rong. Makikitang hawak-hawak pa nito ang kaliwang balikad nito na napinsala. Magkahalong kulay itim at kulay pula likido ang lumalabas sa balikat nito. Kahit na magkagayon man ay makikita na napangisi pa ito ng malademonyo.
Iniisip nito na hindi siya nagkakamali at isang pamilyar na ideya ang pumasok sa utak nito. Masasabing hindi din pwedeng balewalain ang mga palantandaan na kaniyang naiisip.
"Alam ko na, ang pesteng craftsman lamang ang maaaring gumawa nito hehehe! Hindi ka makakatakas sa akin!" Malademonyong sambit ng impostor na anyo ng nilalang na ito. Inaalala pa nito na isa pa rin siyang preso ngunit masasabi nitong kailangan niyang magpalakas pa lalo at maging Middle Purple Blood Realm Expert sa madaling panahon. Sigurado siyang nakatunog na ang Dou City Prison Chamber sa pagkawala niya.
Biglang lumapag ang demonic path cultivator na ito sa lupa. Makikita ang kakaibang ngising hindi matanggal-tanggal sa mukha nito. Nagpalabas ito ng kakaibang enerhiya sa katawan nito na siyang bigla na lamang nagpawala at nagpahilom sa natamo nitong sugat. Parang kusang sumarado ang natamong sugat nito at gumaling.
"Pagbabayaran ng nilalang na ito ang pagkabulilyaso ng mga plano ko maging ang pagkakapinsala ko ngayon. Maraming blood essence ang nawala sakin kYa pagbabayan niya ang laaht ng ito ng sariling buhay nito!" Sambit ng demonic path cultivator na ito sa malalim na tono ng boses. Isa ito sa epekto ng paggamit i pagsunig nito ng sarili niyang blood essence. Alam niyang ang talisman na nakatama sa kaniya ay may halo ng isang napakapurong blood Essence mula sa Blood Gem Crystals ngunit isa itong uri ng lason dahil sa kakaibang paggamit ng craftsman sa nasabing Blood essence sa loob ng Blood Gem Crystals.
Ang awra at enerhiya ng hindi pa kilalang demonic path cultivator na ito ay bigla na lamang mas tumaas at naging nakakatakot tandang gagawa ito isang pambihirang demonic skill. Nakapikit ang mata nito sa buong durasyon ng pagsasagawa nito ng skill.
Maya-maya pa ay bumukas ang dalawang pares ng mata nito. Bumungad ang dalawang pares ng purong itim na mga mata niti ba animo'y parang hindi sa tao. Nakangisi pa ito na siyang mas magbibigay kulabot sa makakakita nito. Isa ito sa palantandaan na gumagamit ng Forbidden Skill o Demonic Skill ang isang nilalang.
<Demonic Skill: Demonic Shadow Eyes>
Nakita na lamang ng demonic path cultivator ang daan pasulong. Sinuyod nito ang daan sa mabilis na pamamaraan. Nakita nito ang lahat ng mga halimaw na pagala-gala kung saan ay hindi niya pinansin.
Sinuyod ng sinuyod nito ang bawat lugar hanggang sa makita niya ang tila blurry figure ng isang nilalang na nakasuot ng kayumangging roba na mabilis na lumilipad sa pagitan ng mga matataas na puno.
"Sa wakas ay nahanap na rin kita. Hindi ko aakalaing ang matandang lalaking hukluban pala ang craftsman na ito. Matanda na ang nilalang na ito at hindi ko na rin mapapakinabangan pa ito. Kaya papaslangin na kita gamit ang pambihirang demonic skill ko na ito!" Puno ng panggigigil na sambit ng demonic path cultivator habang malapit na nitong maabot ang mismong likuran ng matandang lalaking hukluban na steady lamang ang phase ng paglipad nito.
...
Kasalukuyang lumilipad ang batang si Li Xiaolong. Pansin niyang tila may parang sumusunod sa kaniya. Kanina niya pa napapansin ang tila kakaibang enerhiyang bigla na lamang sumulpot dito.
Agad na napalingon ang batang si Li Xiaolong sa likuran niya at napansin niya ang tila parang anino ng isang nilalang na siyang labis na ikinapagtataka at ikinabalisa nito.
Bigla na lamang itong sumulpot sa gilid niya at mabilis na iwinasiwas ng anino ang parang kamay nitong napakatulis.
Ngunit huli na ang batang si Li Xiaolong uoang magawa pa nitong iwasan ang atake dahil inatake na siya ng nasabing kakaibang pigura ng nilalang na gawa sa anino.
Agad na inilagay ng batang si Li Xiaolong ang braso nito sa kaniyang harapan upang masangga ang atake ng nasabing anino.
Naramdaman na lamang ng batang si Li Xiaolong ang napakalakas na pwersa ng atake ng misteryosong anino sa kaniyang braso.
Agad na nawalan ng balanse ang batang si Li Xiaolong sa paglipad at parang papel itong bumulusok pailalim.
BANG!
Isang malakas na pagsabog ang nangyari kung saan ay tila walang kalaban-laban ang batang si Li Xiaolong sa paunang atake ng nasabing misteryosong aninong umatake sa kaniya.
....