1 Love at first sight?

Nag-lalakad si andy papuntang school Nang------ baaaam!!, nabangga sya ng isang lalaking nakasakay sa bisikleta. Natulala si andy nang nakita nya ang napaka-gwapong mukha ng lalaki. Ilang beses ng kumaway ang lalaki sa harap ng kanyang mukha ngunit di parin ito natanggal sa pag-katulala. Sya kinalabit ng lalaki at napatingin sya sa lalaki. Sinabi ng lalaki na:

Lalaki- " Miss, tumutulo na yung laway mo"

Andy- "ahh! Nakakahiya!!

Pabulong na sinabi ni andy at nang pupunasan na nya ito ay pinunasan ito ng lalaki.

Lalaki- "akin na nga"

Andy- "ahh! Salamat"

Lalaki- "ano nga pala ang pangalan mo?"

Andy- "aahh! Ako si Andy!, Andy Mae Dela Cruz. Ikaw anong pangalan mo?"

Lalaki- "ako si Dustin!, Dustin Dhy Vargas"

Andy- "bagay sayo yung pangalan mo"

Dustin- "salamat yung sayu rin"

Tapos nun ay inalok ni dustin si andy na umangkas sa kanyang bisikleta dahil nakita nyang pareho sila ng suot na uniporme. Pumayag na lang si andy ng makita nyang mahuhuli na sila sa klase. Dumating ang dalawa sa klase at nalaman nilang mag-kaklase silang dalawa. At dahil first day of school yun nagpakilala muna sila sa buong klase.

Andy- "ahh!! ahh! A-ako n-nga--"

Nang makita ni dustin na kinakabahan si andy hinawakan nya ang kamay nito at bumulong:

Dustin- "kaya mo yan nandito lang ako"

Namula ang mukaha ni andy dahil dun at nilakasan nya ang loob nya at nagpakilala.

Andy- "ako nga pala si Andy Mae Dela Cruz, Ako ay 17 years old na at sa octubre 28 ang aking kaarawan. Sana lahat kayo ay maging kaibigan ko."

Teacher- "magaling iha, ikaw naman iho"

Dustin- "ako si Dustin Dhy Vargas, ako ay 17 years old na at sa octubre 13 anga king kaarawan. Salamat!"

Teacher- " sige maupo na kayong dalawa"

Naupo na sila andy at dustin ng magkatabi at nag-umpisa na ang klase.

avataravatar
Next chapter