9 Chapter 9: Pagliligtas

LUNA'S POV

FOOD COURT, OUTSIDE CAMPUS. Kumakain kami ng tanghalian nina Paulo at Je.

"Wait, order pa ako ng kanin." Habol tingin naman ang dalawa sa'kin.

"Ang takaw ni Luna ngayon." Hindi na makapagpigil na sabi ni Paulo kay Jedda.

"Pansin ko nga rin eh. Parang abot langit din ang saya niya ngayon, pansin mo?"

"Oo." Siniko ni Paulo si Je ng dumating ako. Kanina pa nila ako pinag-uusapan.

"Tama na ba 'yang kain niyo?"

"Oo, on a diet kami ni Paulo eh."

"Okay." Nagsimula na ulit akong kumain. Napansin ko si Paulo na matamang nakatingin sa'kin.

"Luna."

"Hmm?"

"May nangyari bang maganda sa'yo ngayong araw?"

"Meron, kaya nga masaya ako eh."

"Ano naman 'yon, Luna?" Tanong na rin ni Jedda.

"Kasi meron akong natulungan na kaluluwa at ngayon ay nasa langit na siya."

"Luna, kaluluwa na naman." Mas duwag pala 'tong si Je.

" 'Wag nga kayong matakot sa kanila kasi kapag nagpakita kayo ng takot mas lalo lang nila kayong paglalaruan. Tumingin kayo do'n sa may counter." Tiningnan nga nila ang tinuturo ko.

"Ano'ng meron do'n?" Lumapit na lang ako sa kanila at bumulong.

"May katabing multo si Kuya tindero. Akala ko nga kanina tao eh 'yon pala kaluluwa maaabutan ko pa sana ng bayad. Nakakahiya na naman sana ako."

"Luna, naman eh." Natawa na lang ako sa dalawa at kumain na ulit.

"Luna." Papasok na sana kami ng gate nang may tumawag sa'kin.

"Sir Alvin." Tiningnan ko sina Paulo.

"Mauna na kayo kakausapin ko lang si sir Alvin." Tinanguan lang nila ako at pumasok na.

"May gusto ka bang orderin?" Nasa Curba Grill ulit kasi kami ngayon.

"Hindi na sir kakakain ko lang po eh. Kayo po baka..."

"Busog pa din ako." Pinagmasdan ko si sir Alvin na maaliwalas ang mukha at may ngiti na rin sa labi.

"Honestly, pabalik na sana ako ng Maynila pero naisip kong daanan ka muna para makapagpasalamat. Luna, kung hindi dahil sa'yo baka hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang totoong nangyari kay Melissa. Sana nga lang masaya siya ngayon."

"Masayang-masaya po si ate Melissa, sir Alvin."

"Nakita mo ba siya?"

"Oho. Pinapasabi niya nga po pala na mahal na mahal niya raw po kayo at ikaw lang raw po ang lalaking minahal niya."

"Sana nakita ko rin siya pero masaya na ako sa sinabi mong masaya na rin si Melissa."

"Si Miss Valiree po pala...."

"Si Valiree pinadampot ko na siya sa mga pulis kanina."

"Sabi po ni Ate Melissa pinapatawad niya na raw po si Miss Valiree." Napahinga ng malalim si sir Alvin.

"Wala talaga akong masabi sa kabutihan ng puso ni Melissa."

"Totoo po 'yan."

Naglalakad na ako ngayon papasok sa school. After namin makapag-usap umalis na rin ito. Babalik na raw siya sa Maynila para ayusin ang tungkol sa kanila ni Miss Valiree. Ang mahalaga na ngayon ay na-solved na ang misyon ko kay ate Melissa at nasa langit na siya.

"HUY, LUNA." Narinig ko ang boses ni Azine kaya napalingon ako kahit naglalakad.

"Luna." Nagulat ako ng biglang may pwersang humawak sa bewang ko at hinila ako palapit sa kaniya. Pagtingin ko si Arif pala 'yon. Ang lapit namin sa isa't isa. Hindi niya kaagad ako binitawan at ng tingnan ko siya nakatingin lang din si Arif sa akin. Grabe, ang lakas ng tibok ng puso ko. At dahil nasa labas pa ako ng gate alam kong lahat ng student na dumadaan ay nakatingin sa'min kahit hindi ko pa tingnan.

"Luna, bumitaw ka na nga sa lalaking 'yan." Naiinis na utos ni Azine na nakalapit na rin sa'min. Kumalas naman ako kay Arif.

"B-Bakit bigla mo na lang akong hinila?" Nabubulol ko pang tanong. Ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko.

"Muntik ka na kasing mahulog." Tiningnan ko ang sinasabi niya. Hindi ko napansin na may maliit na kanal nga pala dito.

"S-Salamat."

"Ingat ka na sa susunod." Iniwan niya na ako.  Tiningnan naman ako ni Azine na parang may nagawa akong masama.

"You better cover your face. Nagba-blushed ka na kasi, Luna." Hindi ko siya pinansin at umalis na.

"Sandali lang."

MAXINE PANGANIBAN'S POV

Napatayo ako sa kina-uupuan ko at tiningnan sina Arif at kung hindi ako nagkakamali ay si Luna ang babaeng 'yon na kayakap niya kanina. Narito kasi kami sa labas para bumili ng maiinom. Ano'ng meron sa kanilang dalawa? Marami ko ng rumors na naririnig about sa kanilang dalawa, and I can't believe na totoo nga ang lahat ng 'yon. Hindi kasi ako naniwala dahil akala ko ibang Luna ang tinutukoy nila.

"Max, siya 'yong girl na sinasabi ko sa'yo na lumalandi kay Arif. Ayaw mo kasing maniwala na siya 'yong babaeng kumakausap sa'yo eh." Napatingin ako kay Joyce.

"Nililigawan ba siya ni Arif? Hindi naman siya 'yong type of girl ni Arif, 'di ba?" Singit ni Maries. Ano nga kaya ang relasyon nilang dalawa?

LUNA'S POV

Napatigil ako sa paglalakad at tiningnan ng masama si Azine.

"Bakit mo ako sinusundan? Matapos mo akong asarin diyan."

"I am not teasing you, nagba-blushed ka naman talaga kanina eh."

"Bakit naman ako magba-blushed? Huy, wala po akong gusto do'n."

"Eh, 'di mabuti naman."

"Ha?"

"Ayoko kasi sa lalaking 'yon." Natawa ako sa sinabi niya.

"Kung makaayaw ka naman parang ikaw ang nagugustuhan ni Arif." Naglakad na ulit ako.

"Siguro gusto mo talaga siya ano, umamin ka?" Sumulpot siya sa una ko at paatras na naglakad.

"Wala ka na do'n."

"Huy!"

"Huy? Luna ang pangalan ko."

"Whatever. Basta, kung siya lang din ang magugustuhan mo 'wag na lang. Okay lang na maging single ka na forever."

"Ang sama mo sa love life ko ha."

"Seryoso nga. May kakaiba kasi sa lalaking 'yon eh, sa ngayon hindi ko lang masabi kung ano. Tingin ko gusto ka ng lalaking 'yon pero 'wag siya ang gawin mong boyfriend ha."

"Tatay ba kita?"

"Hindi...ah, kaibigan...tama, kaibigan mo 'ko kaya dapat makinig ka sa akin." Nahinto ako sa paglalakad. Natawa na lang ako sa kaniya.

" 'Wag mo nga akong tawanan diyan."

"Luna." Napatingin ako sa tumawag sa'kin na si Je pala.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko kaagad nang makalapit siya sa'kin.

"Wala tayong klase may lakad si sir Barumbado."

"Na naman? Hindi na tayo nakakapagklase ng maayos sa subject no'n ah."

"Kaya nga eh."

" Two and half hours na naman tayong tambay."

"Eh, di gala tayo."

"Saan?"

"Kahit saan. Let's go." Nagpadala na lang ako kay Jedda. Paglabas namin may nakapila naman ng tricycle. Nakaupo na ako sa loob nang biglang sumulpot si Azine.

"Saan kayo pupunta?"

"Hindi mo ba narinig 'yong sinabi ni Je, basta daw." Nakita ko si Jedda na nakayukod na at papasok na sana pero natigilan ng mapansin na may kausap na naman akong multo.

"Sakay na."

"Dito na lang ako sa-" Hinila ko na siya papasok. Naglaho naman kaagad si Azine.

Bumaba na kami ng tricycle at nagtuloy sa Plaza dito sa bayan. Marami rin ang tambay dito mostly mga estudyante. May Court dito at saktong may naglalaro kaya hindi kami maiinip ni Je.

Papunta pa lang kami dito may mga kalukuwa na agad akong nakikita. Mabuti na lang hindi nila ako sinusundan at ginugulo. Paupo na sana ako sa may stage dito ng hilahin ako ni Jedda.

"Bili muna tayo ng pagkain." Sumunod na lang ako sa kaniya. Nakakairita 'yong tingin no'ng mga lalaking tambay dito. May food court dito sa likod ng Museum kaya dito na kami bumili para mas malapit. After naming bumili bumalik na kami sa may court at naghanap ng mauupuan. Kumain na lang ako ng Piatos at hindi pinansin ang paligid. Si Je naman ay nakiki-cheer sa mga naglalaro na hindi naman niya kilala.

"Whoa! Nandito lang pala kayo." Naupo si Azine sa tabi ko na bigla na namang sumulpot.

"Napagod ka?" Pilosopo kong tanong habang patuloy pa rin sa pagkain. Napatingin sa'kin si Je pero hindi niya na lang ako pinansin.

"Hindi naman kunti lang." Assuming. Luminga-linga din siya sa paligid.

"Umalis na kaya kayo dito."

"Bakit naman?"

"Ang daming lalaki. Tingnan mo 'yong mga lalaki do'n." Sinundan ko 'yong tinutukoy niya. May nakita akong apat na lalaki na nag-uusap at nakatingin sa amin.

"Type mo 'yong isa?" Hindi niya pinansin ang pang-aasar ko. No effect?

"Ikaw ang type no'ng naka-black na damit. Kanina pa 'yon tingin nang tingin sa'yo tapos tinuturo ka pa."

"Paano mo naman nalaman?"

"Alam ko lang. Hindi mo naitatanong pero talented akong multo." Namilog na lang ang mga mata ko sa kayabangan niya.

"Balik ka na sa school, Luna. Mag-stay ka na lang sa dorm mo."

"Gusto ko gumala eh, bakit ba? Ikaw kaya ang bumalik na do'n baka hinihintay ka na ni Maxine."

"Mabuti pinaalala mo manonood nga pala ako ng presentation niya ngayon."

"Okay, alis na." Lumapit sa'kin si Je at bumulong.

"Luna, hinaan mo lang 'yang pakikipag-usap mo diyan sa multo kasi...alam mo na ang ibig kong sabihin." Tiningnan ko si Azine.

"Ano'ng ibig niyang sabihin?"

"Nababaliw na ako."

"Miss." Pareho kaming napatingin ni Azine sa lalaking student na tumatawag sa'kin.

"Bakit?"

"May kilala akong magaling na psychologist baka gusto mo lang magpa-consult kasi mukhang malala ka na eh."

"Bakit kaya hindi ikaw ang magpa-consult, kuya? Pakailamanin 'to sa buhay ng may buhay." Tiningnan ko si Azine na tumatawa.

"It's all your fault. Puntahan mo na nga ang girlfriend mo."

"Sorry, may third eye 'tong friend ko kaya nakakausap niya ang mga multo." Paliwanag ni Jedda sa lalaki.

"Bakit ka ba nagpapaliwanag diyan? Sanay naman na ako na sinasabihang baliw eh."

"Sorry miss." Umalis na lang ito.

"Nagsasabi lang naman siya ng totoo eh, baliw ka naman talaga."

"Kapag hindi ka pa umalis hindi na kita tutulungan kay Maxine." Naiinis ko ng sabi.

"Oo, aalis na nga." Naglaho na agad siya. Napainom na lang ako ng juice.

"Ano'ng ibig mong sabihin?" Tanong ni Je na kumakain ng burger.

"Saan?"

"Binanggit mo kasi si Maxine."

"Ah. Si Azine kasi..."

" 'Yong multo?"

"Oo. May gusto siya kay Maxine." Natawa si Jedda sa sinabi ko.

"Pati ba naman multo nagkakagusto kay Maxine? Grabe ang karisma niya ha. Ha-ha! Lakas niyang humatak ng mga patay. May juice ka pa ba?"

"Wala na."

"Wait, bibili lang ako. Diyan ka lang ha." Umalis na siya. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain ng chips.

SKY 'GRIM RIPPER' MATEO'S POV

"Sino ba 'yong susunduin natin?" Tanong ko kay Cloud, isang tagasundo rin ng mga kaluluwa. Tiningnan niya 'yong mapa. Ako naman ay naupo muna sa nakita kong bangko. Nandito kasi kami ngayon sa may kalsada.

"Dito tayo maghintay kasi sabi sa mapa dito mamamatay sa kalsada 'yong susunduin natin. Ako ang susundo sa kaniya tapos ikaw naman ang naka-assigned sa evil spirit." Kaya pala naka-fully black ako ngayon tapos naka-white naman si Cloud.

"Maaaksidente ba siya?"

"Siguro."

"Sino ba 'yan? Ano'ng pangalan?" Binuklat niya 'yong makapal na libro na hawak niya. Nilalaman ng libro na 'yon ang mga pangalan ng tao sa daigdig at doon din namin malalaman kung sino ang mamamatay.

"Maria Luna Del Mundo, 20 years old. Mamamatay siya sa isang aksidente, pero makalipas pa ng tatlong minuto."

"Ano'ng sinabi mo? Luna? Maria Luna Del Mundo?" Napatayo ako at hindi makapaniwala sa sinabi ni Cloud.

LUNA'S POV

Napatingin ako sa ibaba sa may gilid ng kalsada malapit sa'kin at nakita ko ang isang batang babae na matamang nakatingin sa'kin. Parang grade schooler lang ito at hindi gano'n katangkad. Nakatingin siya sa kinakain ko. Dinampot ko 'yong burger na hindi ko pa nakakain at iniabot sa kaniya.

"Gusto mo ba?" Tiningnan niya lang ang inaabot ko.

"Sa'yo na lang oh." Napailing siya at tumakbo.

"Bata." Napatayo ako at sinundan ito. Hindi naman siya gano'n kabilis tumakbo kaya nasa huli niya lang ako.

"Bata, sandali. Bata!" Sinundan ko lang siya hanggang sa nakaabot na kami sa may highway. Natigilan ako sa paghabol at napatingin sa left side ng kalsada saka muling tiningnan 'yong bata. May truck kasi na padaan at sa palagay ko ay masasagasaan siya.

JEDDA NERVAEZ'S POV

Hindi pa man ako nakakalapit sa may kinauupuan namin napansin ko agad na wala doon si Luna. Lumapit agad ako at tiningnan siya sa paligid. Binaba ko na muna ang binili kong juice at nilapitan 'yong mga lalaking nakaupo malapit lang sa amin.

"Kuya, napansin niyo ba 'yong babaeng kasama ko dito?"

"Parang do'n nagpunta." Tiningnan ko 'yong tinuturo niya na papuntang kalsada.

LUNA'S POV

"BATA, TUMABI KA DIYAN. BATA!" Tumakbo na ako ng mabilis para mailigtas siya pero nasa kalagitnaan pa lang ay napahinto na ako at tiningnan ang truck na bumubusina. Kahit tumakbo ako hindi na rin abot dahil masasagasaan pa rin ako. Maya-maya naramdaman ko na lang na may biglang yumakap sa'kin kaya napakapit ako sa kaniya at napapikit. Nakarinig na lang ako ng malakas na tunog na parang may nabundol. Hindi muna ako kumibo dahil parang naparalisado ang buong katawan ko sa sobrang takot.

JEDDA'S POV

Hindi pa man ako nakakagalaw nakarinig na kami ng malakas na tunog na parang may nagbungguan. Pati 'yong mga tao dito ay nakuha ang atensyon, tumayo at pumunta na sa may kalsada. Nag-ingay na rin ang paligid.

"May na-aksidente yata." Sigaw no'ng Marine student na narito.

"Aksidente? Hindi naman si Luna 'yon, 'di ba?" Kinuha ko na ang bag namin at pumunta na doon.

LUNA'S POV

"Buhay pa ba ako?"

"Imulat mo kasi 'yang mga mata mo." Utos nitong taong nakayakap pa rin sa'kin. Pagmulat ko tiningnan ko kaagad siya.

"Grim Ripper?"

"At your service." Napangiti pa ito. Umalis na ako sa pagkakahawak sa kaniya at tiningnan ang paligid. Nagkakagulo na silang lahat. Pagtingin ko sa truck para itong nabunggo dahil nayupi ang unahan nito. Mabuti na lang wala namang nasaktan. Teka, 'yong bata. Tiningnan ko kaagad ito at nakita ko naman sa tabing kalsada. Nagulat ako no'ng nakita ko itong nakatawa sa'kin pero mas nagulat ako no'ng malampasan siya no'ng isang dumaang lalaki na nakiki-isyuso.

"Kaluluwa pala siya?" Bulong ko sa sarili ko. May lumapit sa'kin at pinagmasdan ako. Pabalik-balik lang ang tingin nila sa'kin at sa truck na nayupi. Siguro nagtataka sila. Nawala naman na pala si Grim Ripper dito.

"Miss, ayos ka lang? Nasaktan ka ba?" Tanong sa'kin nitong lalaki.

"Ayos lang po ako. Sorry po."

"Bakit bigla ka na lang tumawid, ija?" Tanong naman no'ng isang babaeng matanda.

"Luna."

"Jedda." Niyakap niya ako paglapit niya sa'kin.

"Ano'ng nangyari, Luna? Ayos ka lang ba?"

"Ayos lang ako." Hinila na ako ni  Je matapos humingi ng paumanhin sa mga tao do'n. Pinara niya na kaagad ang tricycle na dumaan pabalik sa school. Diretso kaagad kami sa dorm.

"Ipaliwanag mo nga 'yong nangyari kanina?" Naupo muna ako. May ilan-ilang ka-dorm ako na narito.

"Do'n tayo sa kwarto mag-usap." Sumunod lang siya sa'kin. Lutang akong naupo sa kama. Tumabi naman sa'kin si Je.

"Muntik na akong mamatay kanina."

"Hindi ko talaga ma-gets 'yong kanina eh. Paanong walang nangyari sa'yo, hindi naman sa ano ha, pero kasi kitang-kita ko nayupi 'yong unahan ng truck. So, paanong...ipaliwanag mo nga naguguluhan na talaga ako eh."

"Tinulungan ako ni..."

"Ni?"

"Tinulungan ako ng Grim Ripper."

"Grim Ripper? Seryoso ba 'yan?"

"Oo nga. Mabuti na nga lang nando'n siya kung hindi nabundol na ako no'ng truck na 'yon." Nanlalatang napahiga si Je sa kama.

"Ako yata ang mababaliw na. Alam mo simula nang mabuksan 'yang third eye mo parang 'yong buhay ko mala-movie na." Tiningnan ko si Je.

"Ikaw pa talaga ang nagsabi niyan ha. Hindi ba dapat line ko 'yan?"

"Eh, sa akin binigay ng author eh." Nahiga na lang din ako katabi niya.

SKY 'GRIM RIPPER' MATEO'S POV

"Ano'ng ginawa mo kanina? Bakit mo niligtas ang babaeng 'yon?"

"Naawa ako eh."

"Kailan pa nakaramdam ng awa ang mga Grim Ripper? Kapalaran ng babaeng 'yon ang mamatay ngayong araw pero dahil nangialam ka hindi nangyari 'yon. Alam mo naman siguro ang parusa kapag nangialam ang mga katulad natin sa buhay ng mga tao, 'di ba?"

"Alam ko."

"Sky, pinapaalalahanan kita, I am warning you, 'wag mo ng uulitin ang ginawa mo kanina."

"Ano'ng mangyayari kay Luna?"

"Gaya ng nakatakda, mamamatay siya."

"Ano?"

"Kapag sinubukan mo pa ulit siyang iligtas tayo na ang mananagot. Sky, 'wag mong sayangin ang mga pinaghihirapan natin. Malapit na tayong mabigyan ng second life. Si Luna, hindi siya mamamatay binibiro lang kita pero nakadepende pa rin 'yan sa Boss natin. Halika na umakyat na tayo sa Paraiso, kanina pa naghihintay si San Pedro." Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko mamamatay na si Luna.

__________________________________________________

Thank you so much, guys. Love ya'll 💙💙💙

Anyways,' wag ninyong kalimutan na mag-FAN sa' kin, VOTE, and SPREAD THE STORY.

Please, mahalaga po ang VOTE niyong lahat.

MARAMING SALAMAT! ☺️

avataravatar
Next chapter