4 Chapter 4: Mission Accepted

LUNA'S POV

"Pansinin mo naman ako. Hey!" Kanina pa 'to dada nang dada nakakarindi na ang bibig. Gwapo nga pero napakaingay.

"Hey!" Hinarap ko siya.

"Pwede ba tumahimik ka dahil kung hindi ipa-packing tape ko 'yang bibig mo." Napalakas yata ang pagkakasabi ko kaya napatingin 'yong ibang estudyante na dumadaan.

"Ano'ng problema mo miss? Hindi naman kita kinakausap ah." Inis na sabi sa'kin nitong lalaki na kaharap ko.

"Sorry hindi ikaw 'yong kinakausap ko. Pasensiya na."

"Baliw." Iniwan na ako nito. Napahiya yata.

"Nagalit sa'yo." Inismiran ko siya.

"Dahil sa'yo." Tinalikuran ko na ulit ito at hinanap 'yong dalawa. Nasa'n na ba kasi 'yon?

"JEDDA. PAULO." Sigaw ko sa dalawa na nakita ko dito sa may student lounge katapat ng building nang mga IT students. Patakbo na sana sila pero mabuti na lang naabutan ko kaagad kaya hinatak ko na lang ulit paupo. Dito kami naupo sa may shed. Naupo din naman itong multo na 'to sa may tabi ko.

"Bakit ba kayo tumatakbo?"

"Luna." Tiningnan ko si Paulo na yapos-yapos pa ang sarili.

"Bakit?"

"Nandito ba 'yong mga multo? Katabi ko ba?"

"Wala."

"Hay salamat."

"Katabi ko kasi siya."

"HA?"

"ANO?" Napatayo na 'yong dalawa at paalis na.

"Hep!" Napahinto sila pareho.

"Kapag umalis kayong dalawa sasabihin ko sa mga multo na takutin kayo gusto niyo ba 'yon?" Napabalik sila sa pagkakaupo.

"Luna alam mo namang takot ako sa multo eh."

"Bakla ako din."

"Bakit ba kayo natatakot hindi niyo naman sila nakikita eh."

"Kahit na kinikilabutan pa rin ako." Sabi ni Jedda na dumikit pa kay Paulo.

"Ano ba'ng itsura nila nakakatakot ba? 'Wag mong palalapitin sa'kin 'yan ha." Tiningnan ko 'tong katabi ko.

"Tutulungan mo ba ako ha? Please? Ikaw lang ang nakakakita sa'kin eh. Sige na Luna. Luna ang pangalan mo 'di ba?" Tiningnan ko ulit 'yong dalawa na takot pa din. Kung alam lang nila kung gaano kagwapo 'tong katabi ko baka sa halip na matakot ay yakapin pa nila 'to.

"Alis na ako may klase pa ako eh."

" 'Wag mo naman akong iwan dito Paula."

"Bye, guys!" Umalis na kaagad siya.

"Luna alis na rin ako kasi may klase pa 'ko eh."

"Magkaklase kaya tayo."

"Ay oo nga pala."

"Uy Marlyn may laro tayo sa P.E 3 'di ba?" Tanong ko sa classmate ko na papadaan. Nakapagpalit na pala siya.

"Oo sa field tayo."

"Okay thanks." Tiningnan ko si Jedda.

"Tara na do'n. Sa may field na lang tayo magpalit." Tumayo na ako at nagsimulang maglakad. Nakasunod lang sa'kin 'tong lalaking 'to. Napansin kong wala si Jedda sa tabi ko kaya nilingon ko siya.

"Huy! Dito ka sabay tayo."

"Luna kasi a-alam kong may kasabay kang mu-multo eh. Mauna na kayo nakasunod lang naman ako eh." Lumapit ako kay Je at ikinuwit ang braso ko sa braso niya.

"Hayaan mo siya."

"Natatakot ako."

"Hindi naman siya nakakatakot nakakainis lang."

"Uy! Grabe ka sa'kin ha hindi naman ako nakakainis eh." Sinimangutan ko na lang siya. Asungot.

CAMPUS FIELD. Nakita ko si Jedda na papalapit sa'kin.

"Nakapagpalit ka na agad? Bakit 'di mo ako sinama Je?"

"Coincidence lang bumili kasi kami ng mineral water ni Marlyn eh dala ko naman 'tong bag ko kaya nagpalit na rin ako."

"Ayos lang dito na ako magpapalit tabunan mo ako."

"Sige. Ako na kukuha nang pampalit mo."

"Salamat."

"Dito ka magpapalit? Ang daming lalaki dito oh."

"Damit lang naman ang papalitan ko dahil suot ko na 'yong jersey kong short."

At saka ano ba'ng pakialam mo?"

"Magpalit ka na Luna mag-i-start na tayo." Kusa naman siyang umalis. Buti hindi siya manyak na multo. Nakapagpalit naman ako agad dahil tinabunan ako ng ilan ko pang kaklase. Isa pa naka-sports bra naman ako eh.

"Ayos na."

"Okay na ba meron na ba kayong mga teammates?" Tanong ni Sir Andrew teacher namin sa P.E.

"Okay na po sir six teams po kami lahat." Sagot ko kay sir Andrew. Ako kasi ang president ng class namin. Maglalaro kasi kami ng volleyball ngayon.

"Okay. Mag-start na tayo. 'Yong mga leader lumapit dito para makabunot kayo kung sino ang makakalaban niyo para makapagsimula na tayo."

"Sino'ng leader natin?" Tanong ko sa mga ka-teammate ko.

"Ikaw na Luna." Sabi ni Marlyn at ng ilan pang ka-teammate namin.

"Sige." Pahakbang pa lang ako ng humarang sa'kin ang multo na 'to.

"Bago ka maglaro sabihin mo munang tutulungan mo ako." Hindi ko na siya pinansin. Pang second game kami. Nag-cheer lang kami sa kanila. Nanalo 'yong team nina Liezel.

"Team namam ni Luna at Riza. Get ready guys." Napatayo na kami.

"Go, Luna. Galingan mo ha. Go! Go!" Cheer niya. Nakakatawa siyang multo.

"Galingan natin guys." Nagsimula na kaming maglaro. Buong laro namin boses niya ang naririnig ko. Ang ingay niya talaga.

"Luna sa'yo."

"Okay." Naipasok ko ang bola sa kalaban at sa huli nakuha namin ang puntos. Ang daming nagchi-cheer kasi marami na rin ang nanonood sa'min.

"Ikaw na ang magsi-service Luna."

"Okay." Kinuha ko na 'yong bola at pumwesto. Pagpito sinerved ko na agad kaya lang nakuha ng kalaban pero ilang pasahan pa at na-missed nila ang bola kaya kami ulit ang naka-score. Hindi naman sa pagmamayabang pero medyo magaling ako sa paglalaro ng volleyball.

"Last na tayo Luna tapusin mo na." Narinig kong sabi ni Je kakampi ko kasi siya.

"LUNA ANG ANG GALING MO. WHOAAA!" Hindi ko na lang siya pinansin at nag-served na. Bumalik na ako sa pwesto ko. Napunta sa kalaban ang score.

"Okay lang 'yan isang point na lang naman hinahabol natin eh." Sabi ko sa kanila.

"Mag-set tayo. Luna ikaw ang papalo."

"Sige." Ginawa nga namin ang plano.

"YESSSS! ANG GALING MO TALAGA LUNA." Kami na ang nanalo.

"Ang galing natin, guys. Congrats."

"Magaling kasi ang Captain ball natin." Sabat ni Jedda.

"Hindi magaling tayong lahat. Hindi pa tapos ang laban meron pa tayong win-win sa Friday. Galingan natin."

"Go team Luna. Ha-ha-ha!" Nagsiyakapan kami at nakipag-kamay sa team ni Riza saka tumabi na dahil may isang team pa na maglalaro.

"Congrats Luna ang galing mo palang maglaro."

"Salamat." Tiningnan ko si Jedda na biglang tumago sa may likod ko. Umalis din naman ito at uminom ng tubig.

"Uy! Tirhan mo ako."

"Sorry naubos ko na sobrang uhaw kasi eh."

"Hay! Wala na ba?"

"Wala na eh. Ibibili kita."

" 'Wag na pagod ka din eh."

"Ako na lang ang bibili." Tiningnan ko siya ng masama.

"Paano ka makakabili sige nga?"

"Ewan."

"Tumahimik ka na lang?"

"Sino'ng kinakausap mo?" Tanong ni Cedric na nakalapit na pala sa'kin.

" 'Yong multong sumusunod sa'yo." Bigla naman siyang natakot.

"Congrats nga pala ang galing niyo kanina."

"Salamat." Umalis na rin ito kaagad.

"I think you're very thirsty. Get this and have some drink." Napatingin ako sa bottle ng mineral water saka sa nag-aabot nito.

"At sino naman 'to Luna?" Hindi ko pinansin ang tanong niya. Naramdaman kong sinundot ni Jedda ang tagiliran ko pero hindi ko pa rin siya pinansin. Nakatingin na rin sa amin ang lahat ng mga babaeng narito. Medyo tumahimik din ang paligid.

"Hindi mo ba kukunin? Wala namang gayuma 'to eh." Natawa siya sa sarili niyang joke.

"Hindi kasi ako tumatanggap ng kahit ano mula sa kung sino lang." Natawa ulit siya.

"Kung sino lang Luna? Si Arif Zamora 'yan girl." Bulong sa'kin ni Jedda. Siya nga si Arif Zamora ang campus heartthrob ng MSU. Marami namang gwapo dito pero mas lamang talaga siya. Bukod sa ubod ng gwapo ay mayaman pa.

"Sige na kunin mo na para mapawi 'yang uhaw mo." Kinuha ko na lang ayoko namang mapahiya siya dito.

"Salamat."

"You're welcome." Paalis na siya pero hinarap ako ulit.

"Bye the way, ang galing mo kanina." Umalis na siya Umalis na siya ng tuluyan.

"Sino ba 'yon? Ang yabang akala mo kung sinong gwapo."

"Grabe ang lucky mo naman Luna napansin ka ni Arif. Ang gwapo niya talaga."

"Bakit kilig na kilig 'tong kaibigan mo eh hindi naman gwapo 'yon eh maputi lang." Tiningnan ko 'yong tubig na binigay niya.

"May gusto ka do'n ano?"

"Papatayin na kita."

"Matagal na akong patay." Oo nga pala.

"Magpapalit na ako."

"Samahan na kita. Ako na kukuha nang bag mo." Tumayo na si Jedda.

"Sasama na rin ako."

"Magpaiwan ka na lang dito."

"Ayoko nga."

SCHOOL CANTEEN.

"Salamat naman at dumating na kayong dalawa gutom na gutom na ako eh." Reklamo ni Paulo.

"Palagi ka namang gutom eh." Pang-iinis ni Jedda. Pagkatapos umorder ng pagkain nagsikain na rin kaming tatlo. Napansin ko siya na sinusubukang damputin ang fried chicken.

"Ano'ng ginagawa mo?" Napatigil sa pagkain 'yong dalawa at napatingin sa'kin. Pareho nilang tiningnan ang kinakausap ko na hindi naman nila nakikita. Nakaupo din siya sa bangko.

"Sinusubukang kumain." Inirapan ko lang siya at kinuha ang chicken.

"Akin 'yan." Reklamo niya.

"Ikaw ba magbabayad nito?"

"Hindi." Kinain ko na lang at hindi siya pinansin.

"Ang takaw mo." Tiningnan ko 'yong dalawa.

" 'Wag niyo kong pansinin kumain na kayo."

"Luna, tingnan mo sila." Napatingin ako sa kabilang table. 'Yong kumakain malapit sa'min nakatingin sa'kin at nagbubulungan.

"Siguro iniisip nila na nasisiraan na ako ng ulo."

"Tumpak." Sabi ni Paulo.

"Kasi naman Luna pasimple mo na lang kausapin 'yang multong kasama mo. Iisipin talaga nila na nababaliw ka na."

"Kunti na lang mababaliw na talaga ako." Tinuloy ko na lang ang pagkain.

"Sa dorm muna tayo." Aya ko kay Je. Isang subject lang ang meron kami ngayong hapon at pagkatapos ay lumabas na kami ng school. Si Paulo naman ay mamaya pa ang uwi.

"Luna uwi na muna ako maglalaba pa ako eh."

"Sus! Ang sabihin mo natatakot ka lang. Wala naman akong kasamang multo ngayon eh." Mabuti na lang tinigilan na ako no'ng makulit na multo na 'yon. Napagod yata sa kakasunod.

"Kahit na. Sige ha. Ba-bye! See you tomorrow." Sumakay na siya ng tricycle. Nag-wave na lang ako sa kaniya.

"Wala ka ng klase?" Tanong ni Chendy na nagla-laptop dito sa study area na pwede ring gawing kainan.

"Wala na. Hay! Gusto kong matulog." Pumasok na ako sa kwarto ko. Binaba ko na lang ang bag ko at nahiga sa kama. Papatulog na sana ako nang marinig ko ang boses niya. Andito na naman siya. Napabangon na lang ako.

"Paano mo 'ko nasundan dito?"

"Ako pa ba multo kaya ako."

"Ikaw ha bakit ka ba basta-basta na lang sumusulpot diyan para kang tae?"

"Hindi ako tae kaluluwa ako."

"Pwede ba umalis ka muna dahil gusto kong matulog."

"No. Dito lang ako hindi ako aalis."

"Sige bahala ka basta ako matutulog na." Nahiga ako at nagtabon ng kumot. Napabangon naman ako ulit dahil mukhang kailangan kong mag-cr, kanina pa kasi ako naiihi.

"Saan ka pupunta?"

"Iihi sasama ka?" Pilosopo kong tanong sa kaniya. Lumabas na ako ng kwarto.

"Akala ko matutulog ka?" Tanong ni Chendy na nagla-laptop pa din.

"Naiihi ako."

"Wala yatang available diyan naliligo 'yong taga room D. Sa kabila ka na lang magbanyo."

"Mabuti pa nga ihing-ihi na ako eh." Habang papalapit sa may cr naramdaman ko kaagad na may ibang presensya dito. Babalik na sana ako kaya lang baka makaihi naman ako dahil lang sa takot. Pumasok na rin ako sa banyo at umihi. Pagkatapos napatayo na ako para sana lumabas na kaya lang napahinto ako. Feeling ko hindi na ako nag-iisa dito. Nananayo na ang balahibo ko at ang lakas na rin ng tibok ng puso ko. Gusto ko ng kumaripas ng takbo. Dahan-dahan akong napatingala at sana hindi ko na lang 'yon ginawa dahil may babaeng nasa itaas at para siyang gagamba na nakadikit ang mga paa sa kisame. Nakakatakot ang mukha niya. Siya 'yong tipo ng multo na kapag nakita mo ay hihimatayin ka. Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa. Napakuripas na lang ako ng takbo pabalik sa kwarto ko. Ni-locked ko kaagad ang pinto at sumampa sa kama bago nagtalukbong ng kumot.

"Ano'ng nangyayari sa'yo?" Tanong nitong multo na 'to. Ano na ba'ng nangyayari bakit napapalibutan na ako ng mga multo?

"Luna, what's happening to you?" Nagulat pa ako sa bigla niyang pagsulpot sa loob ng kumot.

"Ano ka ba sabi ko sa'yo 'wag kang basta na lang susulpot, 'di ba?"

"Eh, bakit kasi nagtatago ka diyan?"

"May-May multo kasi do'n sa...sa cr."

"Ah siya ba? Nandito na siya sa room mo."

"ANO? Paalisin mo siya please. Nakakatakot siya."

"Hindi siya aalis kagaya ko. She needs you too."

"Bakit ang dami naman ng tutulungan ko?"

"Luna." Narinig ko ang boses ni Lolo. Nabuhayan ako ng loob.

"Luna, ija." Pag-alis ko ng kumot una ko pang nakita 'yong multo sa cr kaya napatakbo ako kay Lolo na nakaupo sa bangko na nasa may harap ng salamin.

"Lolo. Mabuti po at nandito kayo. Paalisin niyo po sila Lolo sige na po." Nagbago ng anyo 'yong babae kaya medyo nawala 'yong takot ko. Napatingin ako sa nagsulputan na sina ate Melissa, Mike at Princess.

"Lolo, ang dami na po nila. Hindi na po normal ang buhay ko my God."

"Ito ang sinasabi ko sayong bagong mundo, Luna. Dapat masanay ka na dahil kasama na sila sa pang-araw araw mong buhay."

"Pero Lolo."

"Luna, tandaan mo na ang misyon mo ay tulungan ang mga multong lumalapit sa'yo dahil kung hindi mo sila tutulungan hindi ka rin nila lulubayan. Ang misyon mo ay dalhin sila sa liwanag upang manahimik ang kanilang mga kaluluwa dito sa lupa."

"Mukhang hindi ko na po 'to maaatrasan, Lolo. Sige po tatanggapin ko na ang misyon kahit natatakot ako pero alam ko naman pong masasanay din ako sa mga multo kahit nakakatakot talaga. Kung hindi ko sila tutulungan isa-isa baka sundan ako ng maraming multo. Iniisip ko pa lang naninindig na ang balahibo ko."

"Paano maiwan na muna ulit kita ha."

"Lolo-" Bigla na lang siyang naglaho. Engkantado nga si Lolo.

"Bakit ako pa ba ang nabigyan ng misyon na 'to?" Mahinang sabi ko. Ang dami naman kasi talagang iba diyan eh bakit ako pa? Kabayaran na siguro ito dahil sa mga kapilyuhang ginawa ko noon hanggang ngayon. Napaupo ako sa kama at huminga ng malalim.

"Tingin ko hindi ko na kayo matatakasan kaya sige tutulungan ko na kayo para naman matahimik na rin ang mga kaluluwa niyo."

"Maraming salamat Luna."

"Walang anuman ate Melissa. Kaya lang hindi ko kayo lahat mapapagsabay-sabay kaya isa-isa ko kayong tutulungan, okay?" Nagsitango lang sila.

"Salamat ate Luna sa wakas may pag-asa na akong makaakyat sa langit." Tuwang-tuwa na sabi ni Princess.

"Pero teka sino ka naman po?" Turo ko sa multo na galing cr. Tingin ko nasa singkuwenta na ang edad niya.

"Ako si Emilda."

"Emilda po?" Naalala ko 'yong kwento-kwento tungkol sa naglalabas nga dito sa dorm namin na si Aling Emilda nga na ngayon ay kaharap ko na.

"Kayo po si Aling Emilda?"

"Siguro ay narinig mo na ang tungkol sa akin dahil ilang beses na akong nagpapakita sa mga boarders dito."

"Oo nga po kayo pala 'yong naglalabas dito."

"Luna ako na lang muna ang tulungan mo." Singit nitong multong maingay na 'to.

"Wala ka bang manners nag-uusap po kami. Okay para walang gulo ang una ko munang tutulungan ay ang una kong nakita. Si ate Melissa. Oh kaya kung kaya ko pagsasabayin ko na lang kayo. Basta."

"Aasahan ka namin Luna." Napatango na lang ako. Nagsialisan na sila maliban sa lalaking makulit na 'to.

"Oh ano pa ang ginagawa mo dito?"

"Sabi ko sa'yo 'di ba dito lang ako kaya hindi ako aalis."

"Ewan ko sa 'yo."

"Luna-"

"Tumahimik ka na muna, please. Ikaw...teka nga ano ba'ng pangalan mo?"

"I'm Azine. Azine Vergara. Ang gwapo ng pangalan ko 'no kasing gwapo ko." Inismiran ko siya.

"Yabang. Multo na nga nagyayabang pa."

________________________________________________

Thank you so much, guys. Love ya'll 💙💙💙

Anyways,' wag ninyong kalimutan na mag-FAN sa' kin, VOTE, and SPREAD THE STORY.

Please, mahalaga po ang VOTE niyong lahat.

MARAMING SALAMAT! ☺️

avataravatar
Next chapter