13 Chapter 13: Part II: Luna vs Maxine

AZINE'S POV

Hindi man lang ako kinausap ni Luna. Alam kong nakikita niya ako pero hindi manlang niya ako pinapansin hanggang ngayon na nakabalik na kami sa field. Ano'ng problema niya?

"Kumusta si Liezel, Luna?" tanong ni Jedda sa kaniya. Tinanong pa siya ng ilan niyang mga kaklase.

"Nagpapahinga na siya sa clinic kaya lang hindi na siya makakapag laro," nalulungkot niyang sabi.

"Pa'no 'yan? Sino'ng isa-sub?" tanong nitong si Glydel.

Mga kilala ko na tuloy 'tong kaklase niya. Actually, magaling ako sa memorization pero ang hindi ko lang maalala ay ang nangyari sa'kin.

"Ako daw eh."

Siya?

"Pa'no 'yong next game mo?" tanong ulit niya.

Nagkibit-balikat na lang si Luna.

"ATTENTION EVERYONE, LISTEN UP!" Panimula ulit nang teacher nila. Nakuha naman niya ang atensyon ng lahat.

"Itutuloy natin ang game pero hindi na si Liezel ang magiging Captain ball nila kundi si Luna na. Siya ang gusto ni Liezel na mag-sub sa kaniya tutal isa naman si Luna sa mga substitute nila." Sari-saring reaksyon.

"Ano na ba ang score natin?" si sir nila ulit.

"12-18 na po sir." Sagot no'ng scorers.

"So, 6 points na ang lamang ng Team ni Liezel. I mean Team Luna na ngayon." Pumito siya.

"Position, players. Let's continue." Nagsitayuan na sila.

"Luna, good luck." Sabi no'ng Glydel sa kaniya.

Dapat ba ako talaga ang nagpo-POV dito? Peace

"Salamat."

"Guys, isang malaking good luck para sa ating president." Pangunguna na naman ni Cedric na may hawak na phone.

I told you halos kilala ko na sila lahat.

"Good luck, Luna." Sabay-sabay na sabi nila.

"Salamat, guys. Gagalingan namin para sa inyo."

"Ano'ng para sa inyo? Farrah, para sa'tin. Guys..."

Inilahad na naman ni Cedric ang kamay. Ipinatong na rin ni Farrah ang kamay at sumunod sila.

"One for all." Pangunguna ulit ni Cedric.

"ALL FOR ONE!" sigaw nilang lahat.

"All for one." si Cedric ulit.

"ONE FOR ALL!"

"GO, LUNA! WHOAAAAA!" sigaw nina Paulo.

Tinawanan lang sila ni Farrah at nag-thumbs up dito. Pupunta na sana si Luna sa gitna pero hinarangan ko siya. Napatingin naman siya sa'kin.

"Good luck." Wala siyang reaksyon.

"Thanks," mahinang sabi niya.

"Luna, let's go. Position na tayo." Tawag no'ng babaeng kaklase niya.

Hindi na ako pinansin ni Luna at lumakad na.

Ano 'yon? Galit ba siya sa'kin?

"Kanino nga pala ang bola?"

May nagsasabing sa team ni Reanne at 'yong iba ay sinasabing sa team ni Luna.

"Kanino ba talaga?" naguguluhan na ring tanong nang sir nila.

Nakaramdam ako ng ibang presensiya kaya napatingin ako sa gilid ko. May ibang kaluluwa na pala akong kasama dito.

"Kanina pa kayo diyan?" tanong ko sa kanila.

"Ngayon lang. I'm Princess Ana Moreno."

"Azine." pakilala ko.

"Sino naman 'tong kiddo na 'to?" tukoy ko sa isang bata.

"Ako si Linda," pakilala niya sa sarili.

"Ahh. Ano'ng ginagawa niyo dito?"

May ibang kaluluwa pa na nanonood kay Luna pero hindi ko na sila pinangtatanong pa.

"Manonood kami ng game ni Luna. Ichi-cheer namin siya," sagot nitong si Princess na sinigawan si Luna at kumaway dito.

Napatingin naman si Luna sa may pwesto namin at gumanti ng kaway.

"Wow! I can't believe this. Bakit ako hindi niya pinapansin kanina pa tapos kapag sa inyo may pakaway pa?"

"Siguro may kasalanan ka kay ate Luna," sabat nitong bulinggit.

"Wala, 'no."

Kasalanan? May nagawa ba ako' ng kasalanan?

MAXINE'S POV

Tiningnan ko si Arif na nakatingin lang pala kay Luna. Nangunot ang noo ko no'ng sundan ko ng tingin ang kinakawayan niya. Wala namang ibang estudyante na kumakaway sa kaniya at lahat sila ay may kaniya-kaniyang pag-uusap.

"Sino'ng nginingitian at kinakawayan ni Luna do'n?" 

Napatingin sa'kin si Arif dahil sa tanong ko. Mukhang 'yon din ang ipinagtataka niya.

"Huh?" gulat din siya sa bigla ko'ng pagtanong.

"Look at Luna. Sino'ng tinatawanan niya?" Tiningnan niya ulit si Luna.

"Sa mga friends niya."

"Are you sure?"

Pagtingin ko sa mga friends ni Luna kinakawayan na nga siya ng mga ito.

Impossible!

"Pero kanina-"

"Max, mabuti pa tumayo ka na diyan at puntahan mo na ang mga kaklase mo kasi magsisimula na yata ang game."

Napatayo na ako at hindi na lang siya pinansin. Sinulyapan ko ulit si Luna.

Weird.

AZINE'S POV

"Mag-toss coin na lang ulit tayo." Suhestyon ng sir nila.

"Heads sa team Luna then tail sa inyo."

Nanalo ang team ni Reanne kaya sa kanila ang bola. Nagsimula na naman ang sigawan. Kaniya-kaniyang cheer na naman sa bawat teams. Napatingin ako kay Maxine at abala siya sa pag-aasikaso sa mga kaklase niya.

"Ano'ng ginagawa na naman nang asungot na 'yon dito?"

Nakita ko na naman kasi 'tong si Arif na nakaupo sa may pwesto ni Max kanina.

"Kanina pa ba siya do'n? Tsk."

Bigla akong na-guilty kasi nawala sa isip ko si Maxine. Tiningnan ko si Luna na naglalaro na.

LUNA'S POV

Nakita ko ang score board at 19-23 na pala ang score. 2 points na lang at kami na ang mananalo. Medyo humina na ang sigaw no'ng mga fans ng tourism. Ilang service pa ang lumipas at last 1  point na namin para kami na ang manalo. Ako na ngayon ang magsi-service.

"WHOAAAAA! GO, LUNA! WHOAAA!" nakakabinging hiyaw ni Azine.

Kanina ko pa naririnig ang boses ni Azine. Parang megaphone ang bibig niya. Kanina ko pa siya hindi pinapansin. Nakikisigaw na rin sina Princess at 'yong bata. May ilang kaluluwa pa akong nakikita na nagchi-cheer din sa'kin. Plus, ang mga maiingay pa na sina Paulo at mga kaklase ko.

Pumito na si sir Andrew kaya nag-served na ako. Ilang beses nagpasahan ng bola. Muntik ng ma-miss ni Carla ang bola mabuti na lang nakalapit kaagad ako kaya nasalo ko ito at naipasok sa kabila. Nakuha nina Reanne ang score. Another set at mabilis naming nakuha ang points kaya ngayon ay last 1 point na lang kami. Napapansin ko na beast mode na 'yong kabila especially si Reanne at Maxine unlike kanina na sobrang sasaya. Sobrang ingay na ulit nila.

"Last na tayo, guys. Ipanalo na natin 'to," sabi ko sa mga kasama ko.

"Tama ka nga, Luna makakapaglaro talaga ang team niyo," masayang sabi ni Kat.

"Hindi pa nga talaga tapos ang laban."

Nagkakatawanan na lang kami at napatingin kay Cedric na nagvi-video gaya ng utos ng kaibigan niya.

ARIF'S POV

Ang galing talaga ni Luna maglaro ng volleyball. Last score na ang team nila at tingin ko sila na ang mananalo. Nagsimula na ulit sila. Napagawi ang tingin ko kay Sir Andrew at tutok na tutok siya sa naglalarong si Luna. Maya-maya nakakabinging sigawan na lang ang narinig ko dahil nakuha nina Luna ang score. Napangiti ako ng bahagya.

She's good.

"What's funny?" Tiningnan ko si Maxine na napasalampak ng upo sa isang bangko katabi ko. Napailing na lang ako at kinuha ang tubig niya.

"Magpalamig ka muna mukhang mainit 'yang ulo mo." Kinuha niya sa 'kin at uminom.

"Why are you still here?" tanong niya sa'kin matapos uminom.

"Panonoorin nga kita, di ba."

"Ako ba talaga, o si Luna?" Nangibit-balikat ako.

"Walang masama." Napasimangot na lang siya.

LUNA'S POV

"Tubig, Luna."

Inabot ko ang bottled water kay Cedric.

"Salamat."

Nilingon ko ang mga ka-team ko-team ni Liezel at kaniya-kaniyang hanap sila ng mauupuan sa damuhan. Pinawi nila ang uhaw at pagod ng tubig na inaabot ni Cedric. Pinagmasdan ko sila na masayang-masaya sa pagkapanalo namin.

"Congrats, Luna."

Napatingin ako sa sumulpot na si Princess pala kasama 'tong bata.

"Ang galing mo kanina, ate."

"Salamat sa inyong dalawa."

Nasa'n si Azine? Tiningnan ko siya sa kinapupwestuhan nila kanina pero hindi ko na siya nakita do'n. Titingin pa lang sana ako sa pwesto ni Maxine para malaman kung nando'n siya pero hindi ko nagawa dahil nagsalita ulit si Princess.

"Hinahanap mo ba si Azine?" usisa niya.

"Hindi," agad na tanggi ko.

" 'Yong ibang kasama niyo ang hinahanap ko. Nasaan na sila?" pagdadahilan ko.

"Ahh. Umalis na sila pero pinapasabi na congrats din daw." si Princess.

"Gano'n ba?"

"Luna." Napatingin ako sa tumawag na si Paulo.

"Halika dito," tawag niya.

"Sige na tinatawag ka na ng mga kaibigan mo, Luna. Aalis na kami." paalam nila.

Nginitian ko sila. "Sige. Salamat sa pag-cheer niyo."

"Good luck sa isa mo pang laro mamaya. Hindi na kami makakanood kasi tutulungan ko pa 'tong si Linda sa paghahanap sa nanay niya."

"Thank you." Naglaho na ulit sila.

Papahakbang pa lang ako nang ma-realized ko 'yong sinabi ni Princess.

"Linda? Parang familiar sa 'kin ang pangalan na 'yon. Saan ko nga ba 'yon narinig?" usap ko sa sarili ko.

Pinilit kong maalala pero wala talaga.

"Luna," tawag muli ni Paulo.

"Oo, nandyan na."

Winaglit ko na lang muna sa isip ko at lumapit na lang sa kanila.

"Maupo ka dito," utos ni Paulo.

Naupo ako sa tabi niya. Nakagitna ako sa kanila ngayon.

"Galing mo pala maglaro eh."

"Hindi naman masyado, Aliya."

"Pa-humble 'tong friend natin," dagdag pa ni Paulo.

Pinaypayan ako niya ako ng dala niyang pamaypay. Baklita kasi.

"Sarappp."

"Mukhang may laban ka naman pala mamaya kay Max," sabi ni Chendy.

"Mukha lang." ngingiti kong sabi.

"Can't wait sa game niyo." Nai-excite na namang turan ni Elay.

"Nga pala may sasabihin kami sa'yo."

Napatingin ako kay Paulo na nagseryoso na.

"Ano 'yon?"

"Kanina kasi habang kinakawayan mo 'yong mga 'cannot be seen' eh matamang nakatingin sa 'yo si Max. Gurl, baka naman pagkamalan kang baliw no'n."

Tiningnan ko si Maxine na kausap ang mga kaklase niya.

"Mabuti na lang matalas 'tong mata ni Aliya kaya ang ginawa namin kanina kahit hindi kami ang kinakawayan mo eh nakikaway na rin kami," sabat ni Chendy.

" 'Yan na nga ang palagi naming sinasabi sa 'yo Luna eh. Hanggat maaari i-secret mo na lang ang pakikipag-usap sa mga multo na 'yan. Hindi lahat ng tao sa campus ay alam na may third eye ka." si Je naman ang nagsalita.

"Hindi naman sila multo, kundi mga kaluluwang naliligaw." paliwanag ko.

"Gano'n na rin 'yon," depensa ni Paulo.

"Pero, thanks sa inyo, huh."

"Hayy naku! Change the mood na, guys. Basta, good luck sa inyo mamaya," sabi ulit ni Paulo.

Napatingin na lang ako sa pwesto nina Maxine. Nakita ko si Azine do'n saka nando'n rin pala si Arif. Baka nagsiselos na naman 'yon.

Tsk!

"CLASS, LISTEN! EVERYBODY, LISTEN UP." 

Napatingin kami kay Sir Andrew na nagsalita ulit makalipas ang fifteen minutes break.

"Itutuloy na ba natin ngayon ang laro ng Team Max at Team Luna o mamaya na lang after lunch?" tanong ni sir.

"Sir, ituloy na po natin," suhestyon nila.

"Oo nga sir matataas pa po ang energy ng lahat eh," singit ni Cedric.

"Let's ask the players. Max and Luna?" Napatingin sila sa'kin.

"Kung ano pong decision nila okay lang po sa'kin," sagot ko.

"Max? Si Maxine nasa'n?"

Binalingan nila si Max na kasama si Arif at si Azine na ako lang ang nakakakita.

"Sir?" Napatayo si Max at medyo lumapit.

"Itutuloy ba natin ang game o after lunch na lang?"

"Sir, mas maganda kung ituloy na lang po natin ngayon. May class pa po kasi kami mamaya eh."

"Okay sige. Itutuloy na lang natin ngayon."

Kaniya-kaniyang hiyawan na naman silang lahat no'ng sumalang na kami sa field. Akala ko maingay na 'yong kanina pero mas maingay pa pala ngayon.

"Team Maxine vs Team Luna. Again, pareho na kayong may tig-iisang puntos ngayon, Public Ad at Tourism. Class, ang mananalo sa game na ito ang siyang champion. Good luck! Let's start, guys," paliwanag ni sir.

Nagsi-ingay na naman sila ulit. Biglang dumami na rin ang nagchi-cheer sa 'min. Kinakabahan ako pero hindi ko na lang pinahalata sa mga ka-team mates ko. Baka kabahan din sila at mawala sa focus.

"LUNAAAAA! GALINGAN MO, GURLLLLLL! I LOVE YOU, FRIENDDDD!" Naririnig ko'ng sigaw ni Paulo habang hawak ang tarpaulin. Plus ang sigaw pa nina Elay, Chendy at Aliya. Nginitian ko lang sila.

"GO, JEDDAAAAA! FRIEND KO DIN 'YAN. WHOAAA! GALINGAN NIYO, MGA FRIENDIEEEE!" pahabol pa ni Paulo.

Nakakarindi ang boses niya. Nagkatawanan na lang kami ni Je.

Taong bundok talaga.

Ilang sandali pa at nagsimula na nga ang game. Kami ang nanalo sa toss coin kaya ako ang magsi-service. Hindi pa din nawawala 'yong hiyawan at mas lalo pa nga'ng lumakas. Pagka-served ko ng bola bumalik kaagad ako sa gitna. Hindi namin hinayaang ma-miss ang bola. Mabuti na lang medyo magagaling naman ang team namin kaya mukhang may laban naman kami kay na Maxine ngayon.

AZINE'S POV

"GO, BABE!" cheer ko kay Max na para bang maririnig niya ako.

Napatingin ako kay Luna. Ang galing niya nga ring maglaro. Napatingin ako sa mga nagchi-cheer sa kaniya at napasimangot ako. I'm happy na marami niya ng fans ngayon pero mas maraming boys na humihiyaw sa name niya. Okay lang sana kung si Paulo lang eh o kaya ako pero hindi ko kayang marinig na sinisigaw ng ibang lalaki ang pangalan ni Luna.

Wala ito, huh.

"Ano ba 'tong iniisip ko." Napailing na lang ako.

"Nice one, Luna."

Sino'ng nag salita?

Napatingin ako sa tumabi sa 'kin na si Arif Zamora pala kaya mas nainis ako. Akala ko si Maxine ang chini-cheer niya pero si Luna pala. Pumwesto pa talaga siya dito sa side ng mga tourism.

Traidor!

"You're playing so well, Luna. That's good." dagdag pa niya kaya mas nainis ako.

Mataman siyang nakatingin kay Luna while saying those words. Napapasigaw pa siya kapag napupunta at naipapasok ni Luna ang bola.

"Ang galing mo talaga, Luna."

"Kanino ka ba talaga kampi? Kung gusto mo'ng i-cheer si Luna do'n ka sa may side nila," inis kong sabi dito pero syempre hindi naman niya ako maririnig.

"Luna. Luna. Luna."

Paulit-ulit na banggit niya sa pangalan ni Luna.

"Huy! Tigilan mo nga ang pagbanggit sa pangalan ni Luna. Wala kang karapatan sa kaniya, okay? Akala ko ba si Max ang chini-cheer mo? Ay hindi, hindi rin pala pwede si Max."

Sobrang inis na talaga ako ngayon dahil sa lalaking ito. Parang sinasadya niya talaga akong asarin. Bwisit!

Feeling close!

LUNA'S POV

Sasaluhin ko na sana ang bola no'ng biglang sumulpot si Azine sa harap ko kaya tuloy hindi ko nakuha. Nakapuntos tuloy ang Tourism. Nagtaka naman sila. Nakabusangot ang mukha niya.

"Sorry, guys."

"Ayos lang, Luna," sagot nila.

Tiningnan ko ng masama si Azine.

"Ano'ng ginagawa mo dito? Pwede, mamaya ka na manggulo?" Pasimpleng kausap ko sa kaniya.

Napatingin naman sa 'kin si Je. Alam niyang may kinakausap akong multo.

"Stop playing now."

"Ano'ng sinasabi mo? Umalis ka na muna naglalaro kami eh," pakiusap ko.

"Sir."

Narinig kong tawag ni Je kay Sir Andrew. Humingi siya ng time out at pinayagan naman kami.

"Luna." Pinasaringan ko lang si Azine at hindi pinansin. Tumabi na lang din muna ako.

"Ang galing niyo, guys. Tubig muna kayo."

"Thanks, Ced," sagot ni Je.

Naupo ako sa may gilid ni Paulo.

"Luna, tubig oh."

Inabot ko 'yong tubig na inaabot ni Je at naupo din sa may unahan ni Paulo. 

"Ano'ng nangyari sa'yo, Luna? Na-missed mo 'yong bola." tanong ni Paulo.

Hindi ko siya sinagot at uminom na lang. May binulong si Je sa kaniya kaya hindi na ito nagtanong.

"Tie lang ang scores ng dalawang teams. Sa ngayon, 20-20 na ang score dahil nakahabol ng isang point sina Max," announced ni sir Andrew.

Naramdaman ko ang pagsulpot ni Azine sa tabi ko pero hinayaan ko lang siya.

"Luna." Hindi ko siya nilingon.

"Hey. Luna, are you mad at me?" Deadma ulit.

"Luna. Huy! Maria Luna Del-"

"Ano ba'ng problema mo?" inis na sabi ko sa kaniya. Mahina lang naman ang pakikipag-usap ko sa kaniya.

Sandaling napatingin sa 'kin si Paulo tapos silang dalawa ni Je ang nagkatinginan. Hinayaan na lang nila ako kasi napansin yata nila na bad mood na ako.

"Galit ka ba sa'kin?"

Nagtatanong pa talaga. Kapag multo ba walang pakiramdam? Wala na silang tumitibok na puso. Ahhh.

"Luna naman eh. Sige na nga sorry na, kasi dahil sa 'kin hindi mo nakuha 'yong bola. Nakahabol tuloy sina Max. Sorry."

Hindi ko pa rin siya pinansin. Hinayaan ko lang siya.

"Uy, sorry na nga oh. K-Kasi naiinis lang ako kay-kay Arif Zamora na 'yon. He keeps calling and saying your name earlier." Do'n ako napatingin sa kaniya.

Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa dahil sa sinabi niya.

"Sorry na please? Huh? Bati na tayo?" Napailing na lang ako.

"Para kang bata," napapailing ko'ng sabi

"Uy, napangiti siya. Bati na tayo? Luna? Huh?" nagpa-cute pa siya.

"Tigilan mo nga ako."

Uminom na lang ako ulit ng tubig. Nakakatawa talaga siya.

"Luna. Luna. Luna. Maria Luna Del Mundo. Maria Lu-"

"Tigilan mo nga 'yan para kang baliw."

"Bakit ba? Gusto kong sabihin ng paulit-ulit ang pangalan mo eh masama ba? Luna. Lu-"

"Tama na nga sabi. Baliw!"

"Siguro si Arif ang gusto mo'ng bumanggit sa pangalan mo, ano? Umamin ka." Sinamaan ko siya ng tingin.

Tsk!

"Hindi ba mas maganda kung ako ang bumabanggit sa pangalan mo, Luna? Naiinis ako kapag binabanggit ng ibang lalaki ang pangalan mo lalo na sa Arif Zamora na 'yon. Ako lang ang pwedeng tumawag sa pangalan mo ng paulit-ulit."

Napatingin ako sa kaniya pero sandali lang dahil feeling ko ang pula ko na. He made me blushed.

Ano ba kasi'ng sinasabi niya?

Hindi ba alam ni Azine ang mga sinasabi niya? He's like possessing my name. Ipinagdadamot niya ang pangalan ko sa ibang lalaki and that made me blushed. Parang nabuhay 'yong mga butterflies ko sa tiyan.

Bolero.

"Huy, Luna."

Natigilan ako no'ng hawakan niya ang mukha ko. Para akong na-freeze nang dahil kay Azine.

"Bakit ang pula ng mukha mo? Okay ka lang? Pagod na pagod ka na ba? Sobrang init na ba? Baka naman magkasakit ka niyan." Pag-aalala niya.

Tumigil ka na, Azine. 'Wag ka'ng pa-fall!

"O-Okay lang ako." Mahinang sabi ko at sabay bawi ng mukha ko.

Napayukod na lang ako sa sobrang ilang na naramdaman ko kay Azine. Napatingin ako sa ibang direksyon pero sakto namang nahagilap ng mata ko si Grim Ripper.

"Ano'ng ginagawa niya dito?" bulong ko.

Ibig sabihin... No! Nilinga ko muna ang buong paligid. Sinuri ang lahat ng estudyante saka ako napatayo para lapitan siya. Tinawag pa ako ni Azine pero hindi ko siya pinansin.

"Sandali," tawag ko sa kaniya no'ng medyo malapit na ako. Nilingon naman niya ako.

"Ano'ng ginagawa mo dito?" tanong ko no'ng tuluyan na akong makalapit.

"Ano pa ba ang gagawin ng isang Grim Ripper dito?" balik tanong niya sa 'kin.

Nilingon ko ulit ang paligid at wala naman akong nakitang kaluluwa dito.

"Siya nga pala ang galing mong mag-."

"Nasa'n 'yong susunduin mo?" putol ko sa sasabihin niya. Seryoso ako.

Pareho kaming napatingin kay Sir Andrew nang magsalita ito.

"OKAY! CLASS, MAGSIMULA NA TAYO. KAYA NA BA?" binalingan ko si Grim Ripper.

"Nasa'n nga?"

"Bakit ka ba interesado sa kung sino'ng susunduin ko?"

"Gasto ko lang malama-"

Natigilan ako sa pagsasalita at napatingin sa mga nagkakagulo sa timbon ng mga nagchi-cheer kanina. May sumisigaw na at may narinig pa akong umiiyak. Kinabahan ako.

NO!

"SHALEA! PLEASE, TUMAWAG KAYO NG AMBULANSYA. SHA! SINO'NG MAY NEBULIZER?" sigaw no'ng isang lalaki.

Nagkatimbunan na sila. Si Sir Andrew nanguna na rin.

"Tumawag kayo ng ambulansya. Huwag niyong harangan, class. Bigyan niyo ng hangin," sigaw na rin ni sir.

"Ano'ng nangyayari do'n?"

"Hinika eh."

"Diyos ko kawawa naman. Tara tingnan natin," dinig kong usapan no'ng mga nagchi-cheer.

Nagsilapitan na sila do'n. Gusto ko na din lumapit pero binalingan ko muna si Grim Ripper.

"S-Siya ba?"

Hindi pa siya nakakasagot nang may lumabas na namang white folded paper na naglalaman ng pangalan ng susunduin niya.

"Siya na nga siguro."

Nauna na siyang maglakad papalapit doon. Napasunod na rin ako. Napaiwas ako ng tingin sa babae dahil nahihirapan na itong huminga.

"SHALEA! Sha, 'wag kang bibitaw." Mangiyak-ngiyak ng sabi nitong lalaking kasama niya. Mukhang mag-jowa yata.

"Tulungan mo siya." Pagmamakaawa ko kay Grim Ripper. Wala na aoo'ng pakialam kung may nakakarinig man sa akin.

"Please naman tulungan mo siya." Pinagmasdan niya lang ang babae.

"Hindi ko pwedeng gawin 'yon, Luna," pagmamatigas niya.

"Maawa ka naman, please? T-Tinulungan mo ako kaya bakit siya hindi mo pwedeng tulungan? Sige na naman, maawa ka sa kaniya. Please, baka mamatay na siya."

Mukha namang nahabag na siya dahil sa pagmamakaawa ko. Papalapit na sana siya nang biglang may sumulpot na usok at naging tao. Mukhang Grim Ripper din pala ito dahil pareho sila ng suot.

"Sky." Napahinto si Sky pala at tiningnan ang kasama.

"Cloud."

"Ano na naman ang binabalak mong gawin?"

"Uhm..."

Siya ang nilapitan ko. "Grim Ripper ka din ba? Wala ba kayong konsensya? Please, tulungan mo na siya kasi baka-"

"Hindi mo alam ang sinasabi mo, miss. Hindi kami pwedeng makialam sa buhay ng mga tao. Kapalaran ng babaeng 'yan na mamatay ngayon at 'yon ang nakatadhana para sa kaniya."

"SHA! SHA, GUMISING KA! SHAAAA!"

Napatingin ako sa lalaking humahagulhol na ng iyak. Nakita ko kung paano humiwalay 'yong kaluluwa no'ng babae sa katawan niya. Gaya ni sir Carlito pinagmasdan niya rin ang katawan at ang lalaki. Kahit kaluluwa nakita ko pa rin na napaluha siya.

"Agga. Agga, nandito ako. Agga, pakinggan mo ako"

Sinubukan niyang hawakan ang lalaki pero hindi niya magawa.

"Agga! I'm sorry! I'm really sorry." Naiyak na rin ako dahil sa nasaksihan ko.

"Paano niyo..."

Hindi ko na maituloy ang sasabihin ko. Kahit sino ang nasa sitwasyon ko ay mararamdaman kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Parang ako 'yong mas nalulungkot at mas nasasaktan. Kinuha niya kay Sky ang papel at nilapitan si Shalea. Napatingin naman ito sa Grim Ripper.

"Shalea Peñaroyo, 19 years old. Died on this day of September 8, 2020 at exactly 12:23 PM. Sumunod ka sa'kin."

"S-Sandali lang." Napalingon ulit siya kay Shalea.

"Kahit sandali lang, please hayaan mo muna ako sa tabi ng boyfriend ko. Hindi ko pa siya kayang iwan." Pagsusumamo nito.

"Hindi pwede. Sumunod ka na sa'kin."

Wala na siyang nagawa at kahit ayaw ay sumunod na din siya kay Cloud. Hinarangan ko si Cloud nang medyo nakalayo na sila sa nagkakagulong mga estudyante.

"H-Hindi mo man lang ba siya mapagbibigyan? Wala ka bang awa? Bigyan mo naman siya ng oras para makasama ang boyfriend niya kahit sandali lang."

Hindi niya ako pinansin. "Tayo na."

Tinalikuran niya na ako. Tiningnan lang ako ni Sha at sumunod na rin. Napahinto si Sky sa harap ko.

"May mga sinusunod din kaming batas kagaya niyo, Luna."

Umalis na din ito at sumunod sa mga kasama saka naglaho. Nahahabag ako sa iyak ni Agga. Ayokong makarinig ng gano'n.

"Luna."

Napatingin ako kay Azine. Napaluha na naman ako.

"Tahan na. Sadyang malupit talaga ang buhay, Luna, at kailangan mong masanay do'n. Luna, dapat mong matutuhan na sa buhay ng tao natural nang may nawawala o namamatay. Kailangang tanggapin ng tao 'yon kahit masakit."

Hindi! Ayoko!

Kahit gustong-gusto ko ng umuwi sa dorm dinaanan ko pa rin muna si Liezel sa clinic. Pinilit ko munang kalmahin ang sarili ko. Hindi ko kasama si Je kasi nauna na siya'ng umuwi sa akin. Ewan ko kung ano ang nangyari do'n parang naapektuhan din yata sa nangyari kanina.

Nabungaran ko ang ang isang nurse pagpasok ko sa clinic.

"Nurse, nasa'n po si doc?"

"May urgent si Doc eh." Napatango ako.

Baka ang urgent na sinasabi niya ay ang nangyari kanina sa field.

"Kumusta po si Jedda-'yong kaklase ko po na na-injured kanina?"

"Si Jedda? Ahh, nakauwi na siya kanina pa. Sinundo siya ng papa niya."

" Gano'n po ba?"

" Yeah."

" Sige po." Lumabas na ako ng clinic.

Ang bigat na talaga ng pakiramdam ko.

__________________________________________________

Thank you so much, guys. Love ya'll 💙💙💙

Anyways,' wag ninyong kalimutan na mag-FAN sa' kin, VOTE, and SPREAD THE STORY.

Please, mahalaga po ang VOTE niyong lahat.

MARAMING SALAMAT! ☺️

avataravatar
Next chapter