12 Chapter 12: Part I: Luna vs Maxine

LUNA'S POV

Mag-aalas onse na pero hindi na naman ako dalawin ng antok. Napabangon na lang ako sa kama at pinagmasdan sandali si Paulo na nahihimbing na sa pagkakatulog. Sari-sari na naman ang tumatakbo sa isip ko.

Kumuha muna ako ng jacket saka lumabas ng kwarto. Hindi ko na binuksan ang ilaw dito sa may salas. Nagtuloy na lang ako sa may terrace dito sa may harap. Medyo maliwanag naman dito dahil sa buwan. Napatunghay na lang ako at tumanaw sa malayo. Naalala ko nga pala si Azine, na kanina pa hindi nagpapakita sa 'kin. Medyo pasaway din kasi ang multong 'yon eh. Nayakap ko ang sarili ko nang biglang humangin.

"Bakit nandito ka pa sa labas?"

Tiningnan ko si Azine na biglang sumulpot. Tumayo din siya sa right side ko at tumanaw.

"Hindi ba halata na hindi pa ako dinadalaw ng antok?" Tiningnan niya ako ng masama gaya ng parati niyang ginagawa.

"Malamig dito pumasok ka na sa loob."

"Papasok din ako maya-maya."

"Tigas ng ulo."

Tumanaw na lang siya sa mga kabahayan. Sandali kaming natahimik.

"Tingin mo ba mananalo kami sa girlfriend mo?" Minsan niya akong tinitingnan at saka ibabaling sa labas ang paningin.

"Siguro. Ewan. Akala ko ako ang iniisip mo kaya hindi ka makatulog." Namilog na lang ang mata ko sa kaniya. Wala talagang kwentang kausap 'to.

"Alam kong hindi ka magpapatalo na lang basta, Luna. Galingan mo kasi manonood ako bukas, okay?"

"Tsk. Sino'ng ichi-cheer mo sa'min ni Max?"

"Syempre ang girlfriend ko."

I know.

"Nagtanong pa ako," bulong ko na lang.

"May magchi-cheer naman na kasi sa 'yo eh kaya hindi mo na ako kailangan bukas." Napatingin ako sa kaniya habang nangungunot ang noo.

"Sino?"

"Deny pa. Tsk!" Mahinang sabi niya pero dinig ko naman.

"Sino nga? Ahh... Sina Paulo ba? Oo, manonood daw sila."

"Hindi naman 'yon ang tinutukoy ko."

"Ano 'yon?"

Hindi ko na kasi talaga narinig this time kasi medyo mahina na ang pagkakasabi niya.

"Ang sabi ko pumasok ka na sa loob kasi malamig na dito sa labas. Isa pa may laro ka pa bukas kaya dapat natutulog ka na. Sumunod ka na sa 'kin."

Nauna na siyang umalis at lumusot lang sa pader. Napabuntong-hininga lang ako at sumunod na rin sa kaniya.

KINABUKASAN. Isang class lang ang pinasukan namin ngayon and afterwards 'yong game na. Kalalabas lang namin ng room.

"Luna." Napatingin kami kay Liezel na hawak-hawak ang phone niya.

"Diretso na daw tayo sa field, nag-chat si sir Andrew sa gc."

"Sige susunod kami magpapalit lang."

Sa may Educ Building na kami nagpalit at pagkatapos ay dumiretso na sa field.

MAXINE'S POV

Kakatapos ko lang magpalit. Nandito kami sa restroom nina Michaela, Reanne, Joyce at Maries.

"Oh my gosh!" Napatingin kami kay Joyce na nakatutok sa phone niya.

"What's wrong?" curious kong tanong.

"Bad news ba?" tanong ni Michaela na katatapos lang magpalit.

"Look, guys. I can't believe this."

Lumapit sa 'kin si Joyce at pinakita ang cellphone niya. Napalapit na rin si Reanne at Maries. Nagulat ako sa nakita kong mga pic na naka-post sa page ng school. Si Arif at si Luna na magkayakap sa may field? Ulit?

"What the hell! Sinabi ko na sa 'yo, Max eh may something sa babaeng 'yan." Nanggagalaiting sabi ni Reanne.

"Nililigawan ba ni Arif ang girl na 'to?" tanong ni Michaela.

"Di ba friend kayo ni Luna, Max?"

Never.

Tiningnan ko ng masama si Maries. Ano'ng ibig sabihin ng mga pic na 'yon?

LUNA'S POV

Marami na rin pala ang tao dito. Sina sir Andrew nandito na rin pati mga tourism. Nagtatakid pa lang naman sila ng net na gagamitin namin. Umalis sa tabi ko si Je at nilapitan ang iba ko'ng kaklase.

"Luna, catch." Sinalo ko 'yong bola na inihagis ni Liezel.

"Kahapon okay pa ako pero ngayon parang gusto ko ng umuwi," sabi ni Liezel nang makalapit siya sa 'kin.

Medyo natawa pa siya sa sinabi.

"Sino ba sa 'tin ang hindi kinakabahan?" biro ko din.

"Kaya niyo 'yan, guys 'wag kayong kabahan, okay." Napatingin kami sa lumapit na si Cedric.

"Kailangan marinig ko ang boses mo mamaya Cedric ha. I-cheer mo kami," natatawang sabi ni Liezel dito.

"Oo naman 'no kayo pa ba?" Natawa na lang kami kay Cedric.

"Hay naku tulungan mo na lang kaya si Aldrin na magbuhat ng mga mineral waters," suhestyon ni Je.

"Oo nga pala. Maiwan ko na muna kayo ha. Galingan niyo. Fighting, girls!" Umalis na ito at nilapitan si Aldrin.

"Wait lang Luna puntahan ko lang si Glyde," paalam ni Je.

"Sige." Umalis na rin siya.

Nilaro-laro ko 'yong bola pero biglang tumalbog kaya sinundan ko na lang. Pagkaabot ko nang bola nakita ko si Maxine na nakatayo sa may likod ko. Kitang-kita ang kagandahan at ka-sexy-han nito sa suot niyang kulay itim na sports bra at maiksing jersey. Nakapusod na rin ang buhok niya na mas lalong nagpa-blooming kay Maxine.

"Luna," tawag niya.

"Maxine."

"Maya-maya magsisimula na ang game." Panimula niya.

"Oo nga eh. Ang totoo niyan kinakabahan na talaga ako."

"Ikaw pa ba? Kayang-kaya mo 'yan, Luna. At saka 'wag kang kabahan, I think, mukha'ng sanay ka naman sa lahat ng bagay eh. 'Yong hindi nga kayang gawin ng iba nagagawa mo kaya bilib ako sa'yo."

Ano daw?

Hindi ko na lang pinansin ang mga sinabi niya kasi hindi ko naman na-gets pero parang may laman 'yong sinabi niya.

"Ang dami niyo pa'ng fans," dagdag ko.

Pareho kaming napatingin sa mga fans nga niya. 'Yong iba may banners pang dala.

"Yeah. For sure mamaya ang iingay lang ng mga 'yan." natawa siya.

"Mas masaya nga 'yon eh nakakaganang maglaro."

"Yeah, right gaganahan talaga ako mamaya." Napatawa pa ulit siya ng bahagya.

"Attention, everyone." Napatingin kami kay sir Andrew.

"Magsisimula na tayo, guys. Lahat ng players dito muna kayo sa harap ko," dugtong pa ni sir Andrew. Nagsilapitan na 'yong iba.

"Pa'no, good luck na lang sa'tin mamaya?"

Napatingin ako kay Max. "Oo."

"Sige."

Nauna siyang umalis bago ako sumunod.

Natahimik muna ang mga estudyante na kanina'y nagkakaingay. Lumapit na rin ang mga players kay Sir Andrew kasama na ako. Tumayo ako sa may tabi ni Je kasama sina Glyde at Liezel.

"Good morning again sa inyong lahat." Binati din namin siya pabalik.

"Mukhang handang-handa na kayong lahat kaya after ng mga sasabihin ko ay magsisimula na tayo pero bago 'yon mag-stretching muna tayong lahat," pagpapatuloy ni sir.

Nag-stretch kami ng mga 15 minutes yata bago muling magpatuloy si sir sa sinasabi niya.

"So, alam niyo naman na siguro na dito ko kukuhanin ang mga grade ninyong lahat sa P.E 3. Don't worry, guys kasi hindi ko naman kayo bibigyan ng red na grade. Isinagawa lang natin ang larong ito para ma-test na rin ang pagiging competent niyong lahat. Through volleyball game, gusto kong matutunan ninyo kung paano ipaglalaban ng bawat leader at bawat members ang kanilang teams. Meron na akong list ng mga teams na maglalaban."

Pinakita ni sir 'yong hawak niyang isang pirasong bond paper.

"Unang team na sasalang, Team Glydel vs Team Michaela." Napatingin ako kay Glydel na nakatayo malapit lang sa akin. Napatingin din siya sa'kin.

"Kaya niyo sila." Napatango lang si Glyde.

Kinakabahan talaga siya. Kaniya-kaniyang reaksyon din 'yong kabilang teams.

"Sunod, Team Reanne vs Team Liezel."

Nag-thumbs up lang ako kay Liezel at nginitian siya. Kanina pa nga yan kinakabahan. Napagawi ang tingin ko kay Maxine at bahagya itong napangiti sa akin. Oo nga pala siya ang makakalaban ng team namin. Ginantihan ko na lang siya saka ibinaling ang atensyon kay Je na tinabig ang braso ko.

"Team pa ni Max ang makakalaban natin, Luna." Kinakabahang sabi niya.

"Oo nga eh."

"Tingin mo kaya natin sila?"

"Hindi ko din alam."

Hindi na siya ulit nagtanong nang nagpatuloy muli si sir Andrew sa pagsasalita.

"And lastly, Team Maxine vs Team Luna. So, kayo ang mga teams na maglalaban-laban sa game na ito."

Sandaling walang imikan tapos maya-maya biglang nag-ingay ang mga fans ni Max. Sinenyasan naman sila ni sir Andrew na tumahimik muna.

"Bago ko nga pala makalimutan, kapag halimbawa naka-2 points ang BS Tourism o ang BS Public Administration sila na ang mananalo. If tie ang naging result ng score kailangang maglaban ulit ang mga winners. Tandaan niyo sa inyong mga players nakasalalay ang grades ng mga kaklase niyo. Class, observe sportsmanship. Laro-laro lang tayo 'wag masyadong dibdibin. Okay?"

"Yes, sir," korus naming lahat.

"Then, let's start the game. Team Glydel and Team Michaela, get ready guys. 'Yong iba tumabi na muna."

"Good luck, Glyde." Pagpapalakas ng loob ko kay Glydel.

"Thanks."

"Dito muna kami sa gilid." paalam ko.

"Sige."

Tumabi na muna kami'ng mga hindi maglalaro. Paupo pa lang kami ni Je sa may carabao grass nang marinig ko ang boses nina Paulo, Elay, Chendy at Aliya. Natawa kami dahil may dala silang banner namin ni Je. Napatayo muna kami at sinalubong sila.

"Nahuli ba kami?" Tanong ni Elay na humihingal pa dahil sa kachi-cheer habang papalapit sa 'min.

"Sakto nga ang dating niyo eh magsisimula pa lang ang game." si Je na ang sumagot.

"Hay, mabuti naman pala. Ito kasing si Aliya hinintay pa namin kasi tinapos pa 'yong klase."

"Oo na po ako na may kasalanan." si Aliya. Napatawa na lang kami.

"Akala ko hindi na kayo manonood eh," sabat ko.

"Pwede ba 'yon? Alangan namang hindi ko mapanood ang game ng best friend ko. After all magiging masaya 'to lalo na at narinig namin na si Max ang makakalaban ng team niyo. I'm so excited. Hihiyaw talaga ako ng bongga mamaya. Sasapawan ko ang boses niyang mga fans ni Max." si Paulo.

"Kung kaya mo," tukso ni Elay. Natawa na lang kami.

"Maupo na tayo at magsisimula na."

Naupo ako sa pinakagilid katabi ni Je. Sa kabila naman nakaupo 'yong apat sa tabi ni Jedda. Nasa una lang kami kasi kailangan ko silang i-coach kahit papaano. Nakapwesto na 'yong mga maglalaro at go signal na lang ni sir Andrew ang hinihintay. Siya na rin ang magri-referee kasi hindi ko nababanggit siya ang may hawak ng volleyball game sa university na 'to. Kilala ko si sir Andrew at fair naman siya sa lahat kaya, I know, hindi niya papaboran ang mga tourism kahit nando'n ang mga players niya.

Nag-toss coin muna sila at sa team ni Glydel napunta ang bola. Kaniya-kaniyang sigaw na ang naririnig ko mula sa fans ng mga tourism. Pero syempre hindi naman papatalo ang mga kaklase ko na nagsisigawan na rin para i-cheer sina Glydel.

After ng isang oras at kalahati yata parang tinamlay ang mga kaklase ko dahil 'yong team ni Michaela ang nanalo. Pagkatabi nina Glydel inasikaso kaagad sila ng mga boys.

"Okay lang 'yan, guys. Cheer up!" Pagpapalakas ng loob ni Cedric sa mga ito. Nilapitan ko sina Glyde.

"May dalawang game pa tayo kaya 'wag kayong mawalan ng pag-asa."

"Sorry, guys hindi namin nakuha ang puntos," nanlalatang sabi ni Glyde.

"Ano ba kayo okay lang 'to,"  singit ni Aldrin.

"May Team Liezel at Team Luna pa, okay? Ano man ang maging resulta walang problema 'yon sa'min. Napag-usapan na natin 'to, guys 'wag tayong papaapekto sa isang talo," pagpapatuloy niya.

"Tama silang dalawa," pagsang-ayon ko sa kanila.

"TEAM PUBLIC AD, HINDI PA TAPOS ANG LABAN." Natawa kami kay Cedric na sumigaw pa talaga.

"Mala-FPJ lang ang dating Cedric ah." Natatawa ko pang sabi dito.

"Oo. Eh, di ba favorite mo naman si Da King, Luna?"

"Paano mo naman nalaman, Cedric? Stalker?" pang-aasar ni Je dito.

Oo na ako na 'yong old fashion.

Lately, palagi na lang nag-aasaran 'tong dalawa na 'to. Napatingin kami kay Sir Andrew nang tawagin ulit nito ang atensyon namin.

"Okay, so, sa first match ang team ni Michaela ang nanalo. Meaning, may isang puntos na agad ang BS Tourism. Class, kapag nanalo ang team ni Reanne sila na ang winner sa game na 'to at 'yong team ni Luna at Maxine, wala ng chance na makapaglaro." Natahimik kaming lahat.

"Sana pala nauna kayong naglaro, Luna," sabi ni Glydel.

"Makakapaglaro kami 'wag kang mag-alala." Napangiti siya ng bahagya. 

" 'Yong next team maghanda na dito." Nagsitayuan na ang team ni Liezel. Nilapitan ko naman sila.

"Liezel, kapag gusto niyong magpa-sub magsabi lang kayo, okay? Kapag hindi niyo na kaya magta-time out ako. Signalan niyo lang ako, guys."

"Oo, Luna." si Liezel

"Sige."

"GOOD LUCK, GUYS," sigaw ni Cedric na parang ang layo ng kausap.

"Salamat, Ced," sabi ni Liezel dito.

"Teka." Napatingin kami kay Aldrin na napatayo at lumapit sa'min.

"Buong Public Ad dito muna tayong lahat." Nagsilapitan na silang lahat at nag-formed kami ng circle.

"Gusto kong sabihin ulit na manalo o matalo walang pagsisising magaganap. Alam namin na ginagawa niyo ang mga best niyo sa bawat laro kaya we're proud of you, guys." Pinalakpakan namin ang sinabi ni Aldrin. Napaalakbay naman itong si Cedric kay Aldrin.

"Guys," inilahad niya ang kamay sa gitna namin.

"Remember, Public Ad tayo. One for all..." Nauna na akong maglagay ng palad saka sumunod sila hanggang sa lahat na kami.

"ALL FOR ONE!" sigaw naming lahat.

"ALL FOR ONE! ONE FOR ALL!" Ulit naming lahat.

"Go! Go, Team BPAd! Good luck, girls!" sabat ni Cedric.

Nagsimula na ulit ang laro. Sina Reanne ang magsi-service. Naging maganda ang laban at lahat ay ginaganahan. Sobrang ingay na rin dito ngayon kumpara kanina. Lamang na kasi ng 2 points ang team ni Liezel.  Tumayo na ako at pumwesto malapit lang sa kanila. Si Reanne na ulit ang magsi-service.

"Guys, focus sa bola," sabi ko.

" 'Wag niyong hayaan na bumagsak ang bola sa ground niyo. Carla, tingin ko sa 'yo ibabato ni Reanne ang bola." Nasa una kasi 'tong si Carla at pansin ko'ng medyo mahina siya.

"Kapag sa 'yo nga ibigay mo kay Liezel, siya ang sasalo, okay? Medyo umatras ka mamaya sa una para makuha ni Liezel ng maayos ang bola." Nag-thumbs up lang siya. Umagree din naman si Liezel sa set up. Siya kasi ang nakapwesto sa likod. Pansin ko kasi bawat serve ni Reanne palaging kay Carla binabato. Napansin niya siguro na medyo takot kumuha ng bola 'tong si Carla kapag galing sa service.

Pagpito ni sir Andrew nag-served si Reanne at kay Carla nga niya binigay. Ginawa nila 'yong set up na sinabi ko. Luckily, effective at nakuha ng maayos ni Liezel ang bola hanggang sa ma-missed ng kalaban ang bola. Lamang na ng 3 points ngayon ang team ni Liezel. Nangangalaghati pa lang ang laban.

"WHOA! GO, TEAM LIEZEL!" Sabay na sigaw nina Aldrin at Cedric.

" 'WAG NA KAYONG MAGPAPAHABOL NG SCORE, GUYS," sigaw pa nila.

Ilang laban pa ulit ang lumipas at humingi muna ako ng time out kay sir Andrew. Nagsitabihan muna sina Liezel. Nagsi-apiran sila sa'min pagkalapit.

"Ang gagaling niyo, guys." Papuri ni Aldrin sa kanila na panay ang paypay sa mga ito.

"Mabuti na lang kamo at may magaling tayong coach." Tiningnan ako ni Liezel.

"Sus! Kayo talaga ang magagaling."

"12-17 NA ANG SCORE NATIN, CLASS. LAMANG NA NG FIVE POINTS ANG TEAM NI LIEZEL," announced ni sir Andrew.

Pagtingin ko sa kabilang side medyo tense na rin sila pero hindi lang pinapahalata. Si Maxine naman ang nagha-handle sa kanila kanina pa. Nagsihiyawan naman ang side namin kasama na sina Paulo na kanina pa hiyaw ng hiyaw. Nagpunta muna ako kay na Paulo.

"Girl, ang galing mong mag-coach."

"Slight lang." Naupo ako sa tabi ni Aliya.

"Ano, ready ka na ba?" Napatingin ako kay Paulo.

"Saan?"

"Sa match niyo ni Maxine, girl. 'Day, kaloka ka ako ang kinakabahan sa'yo."

"Kapag nanalo sina Liezel makakalaban namin sila."

"Tingnan niyo 'yong mga tourism, guys," sabi ni Aliya kaya napatingin kami sa kabila.

"Kanina pa sila sinisermunan ni Max. Hindi halata pero galit na 'yon dahil nalalamangan na sila."

"Huy, Luna galingan mo later, okay? Hindi ko alam kung ano mafi-feel ko if matalo niyo sina Max," nai-excite na saad ni Elay.

"Ngayon natin malalaman kung ano ang magiging reaksyon ni Maxine sakaling matalo niyo nga sila," singit ni Chendy na kanina'y nakikinig lang. Mga ilang minuto pa nagtawag na si sir Andrew para magsimula na ulit.

"Maiwan ko muna kayo." Tumayo na ako at nilapitan sina Liezel na papunta na sa gitna.

"Guys, tandaan niyo sa bola palagi ang focus, okay?"

"Yes, coach Luna." Natawa ako sa asar nila.

"Gagalingan namin lalo na at naka-refilled na kami ng energy," biro pa ni Liezel.

"Good luck!"

Pumito na si sir Andrew hudyat para magsimula na ulit. Sigawan na naman ang pumuno sa buong field. Ngayon ko lang napansin na mas lalo na palang dumami ang mga nanonood. Hinanap ng paningin ko si Azine na natagpuan kong nakatayo sa tabi ng girlfriend niya. Hindi ko na lang siya pinansin at nag-focus na sa laro. Tourism ang nag-service at nakuha naman ito nina Liezel. Ilang beses nagpalipat-lipat ang bola pero ang ending kay na Liezel pa rin napunta ang score. Sineswerte talaga sila ngayon.

Maya-maya lahat kami nagulat nang bumagsak si Liezel sa ground. Nagsilapitan kami sa kaniya na sapu-sapo ang kaliwang paa. Dumadaing din siya sa sobrang sakit yata.

"Ano'ng nangyari?" Nag-aalalang tanong ni sir Andrew na kakalapit lang.

"Liezel, okay ka lang?" tanong ko na din.

"M-Masakit 'tong...paa ko. Nabali yata eh," daing niya.

" 'Wag niyong gagalawin. Boys, tulungan niyo ako dalhin natin siya sa clinic." Sina Aldrin at Cedric na ang bumuhat kay Liezel.

"Dahan-dahan lang, boys."

"Class, dumito muna kayong lahat. Walang aalis, okay? Babalik din ako. Maxine at Glydel, kayo muna ang in charge sa mga kaklase niyo." Sinamahan ko na sila sa clinic.

AZINE'S POV

Napatingin ako sa kabila nang may ma-injured na player mula sa mga kaklase ni Luna. Naglaho agad ako at lumitaw sa tabi ni Luna. She's really worried. Kanina ko pa siya tinitingnan kahit nasa kabilang side ako and she's good of handling classmates. While si Max naman ay kanina pa bad mood and honestly ngayon ko lang siya nakitang gano'n. Hindi ko ginulo si Luna pero sinundan ko pa rin siya papuntang clinic. I'm nervous akala ko si Luna na ang na-injured.

ARIF'S POV

Kanina pa ako nanonood sa kanila mula dito sa may building namin. Tanaw naman kasi dito ang field. Bumaba lang ako no'ng napansin kong may naaksidente yata. Pagdating ko sa field na-stop na ang laro at 'yong mga players ay nasa tabi lang lahat at nagpapahinga. Nilapitan ko si Maxine na nakaupo sa bangko at nag-a-apply ng sunblock cream.

"Gusto mo ako na maglagay?" Inismiran niya ako. I know kanina pa siya naiirita.

"Akala ko hindi ka manonood eh."

"Pwede ba'ng hindi? Nagpa-late lang ako kasi alam kong pang last pa ang game mo. Ano'ng nangyari dito?" Nagpatuloy siya sa paglalagay ng cream.

"Na-injured 'yong Captain ball nila."

"Ah." Hinanap ko si Luna pero hindi ko siya makita dito.

"Sino'ng hinahanap mo?" Nangungunot-noong tanong ni Maxine habang matamang nakamasid sa 'kin.

"Wala naman. I heard makakalaban daw ng team niyo sina Luna?"

"Yeah, 'yon ay kung mananalo sila sa game na 'to."

"That will be fun." Tiningnan niya ako ulit.

"Fun? Yes, this will gonna be fun."

"I knew how she played volleyball and I can say she's a bit good."

"Compared sa'kin? Let's see, Arif." Napatawa pa siya but I know she's challenged.

"Aren't you afraid?"

"For where?"

"Matalo. What if matalo ka ni Luna?"

Malaking WAR 'to.

"That will never gonna be happen because I will not let that happen. You know me better than anyone else, Arif. Hindi ako talunan ng kahit sino lang." Nangibit-balikat na lang ako.

Yes, I really know you, Max.

"Let's see." Halatang naiinis siya sa sinabi ko. Napangiti na lang ako ng bahagya.

LUNA'S POV

Ginamot kaagad ng doctor si Liezel pagkadating namin sa clinic. Napapasigaw si Liezel dahil sa sobrang sakit marahil ng paa niya. May pinainom din ito sa kaniya. After magamot hinarap naman kami ni doc.

" 'Yong part sa may sakong niya ang na-sprain kaya mas masakit pero pinainom ko naman na siya ng pain reliever. I suggest dalhin niyo rin siya sa hospital kasi baka may kung ano pa'ng naapektuhan sa paa niya maliban sa na-sprain ito. At 'wag mong pipwersahin 'yang paa mo, ija kasi mas lalong hindi 'yan gagaling kaagad."

Lumapit ako kay Liezel at hinagod ang likod nito para kahit papaano ay gumaan ang loob nito.

"Doc, paano 'yan makakalakad ba siya agad? Tingin niyo ilang araw kaya bago gumaling itong si Liezel?" si sir.

"Honestly, not days sir, I think, one month pero kung susundin niya 'yong payo ko na 'wag niyang pipwersahin na ilakad at saka dapat ipahinga niya lang 'to eh madali siyang gagaling. Dahil kung hindi matatagalan ang paggaling niyan. Ija, magpahinga ka lang dito, okay?" Tinanguan lang ni Liezel si Doc.

"Dito lang ako, sir."

"Thanks, Doc."

"Pa'no 'yong game, sir?" tanong ni Cedric.

"Itutuloy pa rin natin ang laro."

"Pero hindi na po makakasali si Liezel."

"May substitute naman eh or pwede ring isa sa mga captain balls ang pumalit sa kaniya. Sino ba ang gusto mong ipalit ko sa'yo, Liezel?"

"Si Luna na lang po, sir."

"May kasunod siyang laro, di ba?"

"Ayos lang po sa 'kin sir tutal isa naman po ako sa mga sub ng team niya."

"Okay, sige. Hay! Akala ko laro-laro lang 'to pero seryoso pala kayong lahat."

"Syempre naman po, sir Andrew. Kapag ang grade at course na po namin ang nakasalalay seryosohan na po 'yon." Singit ni Aldrin.

"Pa'no 'to, Liezel kailangan mong maiwan dito pero hindi naman pwedeng mag-isa ka dito."

"Okay lang po ako, sir 'wag niyo po akong alalahanin. Bumalik na po kayo do'n. Luna, galingan mo ha."

"Oo naman para sa'yo."

"Sir, ako na lang po ang maiiwan dito," suhestyon ni Aldrin.

"Mabuti pa nga."

"Tol, videohan mo 'yong game ha gusto kong mapanood pagkatapos."

"Oo ba."

"Siya sige bumalik na tayo sa field. Liezel, pahinga ka muna dito, okay? Kapag may masakit pa sa'yo sabihin mo lang kay Doc. Aldrin, ikaw na bahala dito kay Liezel."

"Yes, sir. Luna, galingan mo ha."

"Salamat." Hinarap ko si Liezel.

"Alis na muna kami, Liezel. Pahinga ka lang dito babalik ako mamaya."

"Sige."

Bumalik na kami sa field. Kaniya-kaniyang tanungan ang mga kaklase ko kung kumusta ba si Liezel. After no'n hiningi na ulit ni sir Andrew ang atensyon ng mga players.

__________________________________________________

Thank you so much, guys. Love ya'll 💙💙💙

Anyways,' wag ninyong kalimutan na mag-FAN sa' kin, VOTE, and SPREAD THE STORY.

Please, mahalaga po ang VOTE niyong lahat.

MARAMING SALAMAT! ☺️

avataravatar
Next chapter