11 Chapter 11: Practice with Selos Mode

LUNA'S POV

"Totoo ba 'yang sinabi mo?" Hindi rin makapaniwalang tanong ni Paulo matapos kong sabihin sa kanila ang napag-usapan namin ni Sir Andrew. Napatango na lang ako. Nagkukwentuhan na lang kami dito sa salas dahil katatapos lang naming kumain.

"Inform lang kita, Luna, nasa Tourism ang magagaling na player ng volleyball at isa na si Max do'n." Napatingin ako kay Elay.

"Si Maxine?"

"Aha." Nawalan na lalo ako ng pag-asa.

"Bakit ba kasi pumayag ka sa suggestions no'ng tabachoy na 'yon, Luna?" Sabat ni Chendy na ang tinutukoy ay si Sir Andrew.

"Hindi pa naman ako totally pumapayag, sabi ko sa kaniya kakausapin ko muna 'yong mga kaklase ko."

"Grade niyo pa naman ang nakasalalay diyan." Singit ni Aliya.

"Eh, kaya niyo ba namang talunin sina Max? Nanood ako ng game nila kanina at panalo ang team nina Maxine. Plus teams pa nina Michaela at Reanne."

"Feeling ko hindi?"

"Kapag natuloy 'yan manonood talaga ako." Excited na sabi ni Elay.

"Kailan ba 'yan?" Tanong ni Aliya.

"Sa Friday."

"Tingin ko magiging masaya ang laro na 'yan kaya manonood din tayo Aliya." Aya ni Chendy.

"Pwede, si Luna naman ang panonooran natin eh." Sang-ayon din nito.

"Syempre ako din support ko ang friendie ko eh." May pa-cheer agad na sabi ni Paulo.

"What if matalo ng team nina Luna sina Max?" Napatingin ako kay Aliya.

"Hindi siya magpapatalo dahil hindi pa siya natalo kahit kailan." Sagot ni Elay. Nakikinig lang naman ako sa kanila.

"So, paano kung matalo nga?" Tanong ulit ni Aliya.

"Malalaman natin 'yan after the game." Sabi ni Paulo. Paano na 'to?

"Congrats, Luna!" Pagbukas ko nang pinto ng kwarto nabungaran ko kaagad si Lolo na maluwang na nakangiti sa'kin.

"Lolo." Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya.

"Good job, ija." Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya.

"Lolo, natulungan ko si ate Melissa na makaakyat."

"Alam ko. Magaling ang ginawa mo."

"Masaya po pala kapag nakakatulong sa mga kaluluwa, Lolo."

"Oo naman, ija. Basta, 'yong paalala ko sa'yo, ha mag-iingat ka palagi."

"Opo."

AZINE'S POV

Nakita ko si Luna na naglalagay ng kung anu-ano sa mukha nang sumulpot ako sa kwarto niya. Pabagsak akong nahiga sa kama niya. Napansin niya naman kaagad ako kaya napatayo ito at lumapit sa'kin.

"Ano'ng ginagawa mo?"

"Nakahiga lang."

"Umalis ka na diyan matutulog na kami ni Paulo." Bumalik ulit siya sa may salamin. Napabangon naman na ako sa kama.

"Ahhhh! Nakakainis siya." Tiningnan ako ni Luna.

"Sino'ng kausap mo?"

"Sarili ko lang." Inismiran niya lang ako at nagpatuloy sa ginagawa niya.

"Alam mo kung kaya ko lang baka naupakan ko na ang lalaking 'yon."

"Sino'ng tinutukoy mo?"

"Sino pa, eh 'di ang mayabang na Arif Zamora na 'yon."

"Si Arif? Ano na naman ang ikinaiinis mo sa kaniya?"

"K-Kasi nilalapitan niya si Max k-kaya naiinis ako sa kaniya." Natawa siya sa sinabi ko.

"Bakit ka tumatawa?" Tumayo siya at may kinuha sa damitan niya.

"Nagsiselos ka kay Arif?" Tanong ni Luna habang may kinukuha pa rin sa cabinet.

"Hindi, 'no. Bakit naman ako magsiselos sa kaniya? Walang-wala kaya siya kumpara sa kagwapuhan ko." Napailing si Luna na ngayon ay nagsusuot ng jacket. Naupo ulit siya sa may harap ng salamin.

"Umandar na naman ang pagkamayabang mo. Sige, sabihin na nating lamang ka sa kagwapuhan pero mas lamang pa rin siya sa'yo dahil buhay siya, ikaw patay na, okay." Bigla akong nalungkot dahil sa sinabi ni Luna.

LUNA'S POV

Napatingin ako kay Azine na biglang natahimik. Nasaktan ba siya sa sinabi ko? Bigla naman akong nakonsensya.

"Ahm... Sorry. Ang ibig kong sabihin sa sinabi ko-"

"Tama ka naman eh." Sandali siyang napahinto sa pagsasalita at nagpatuloy rin.

"Wala akong laban kay Arif dahil isa lang akong kaluluwa, multo pa nga sa paningin ng iba." Natawa pa siya ng bahagya.

"Kaya ano nga ba ang laban ko sa kaniya kung sakaling magustuhan siya ni Max? Ni hindi nga ako marinig ng girlfriend ko kahit sumigaw pa ako. 'Yong Arif Zamora na 'yon nakakausap niya si Maxine, nahahawakan, nakakasama, samantalang ako heto wala ng halaga. Tapos nagiging sakit pa ako sa ulo mo kaya dapat siguro-"

"Hindi totoo 'yan." Putol ko sa mga sasabihin pa niya. Tiningnan niya ako.

"Oo, masungit ako sa'yo minsan pero hindi totoong sakit ka ng ulo ko. At hindi maganda na i-compare mo ang sarili mo sa iba kahit patay ka man o buhay."

"Lamang naman talaga siya sa'kin eh."

"Tingin ko mas maswerte ka pa rin."

"Paano naman naging swerte ang isang patay na?"

"Kasi nakakausap mo ako." Natawa siya bigla sa sinabi ko. Sinabayan ko na rin siya sa pagtawa.

"Bakit ka tumatawa nababaliw ka na ano?" Sabi ni Azine sa pagitan ng pagtawa.

"Eh, bakit ikaw tumatawa rin 'di ba nagdadrama ka kanina? Baliw ka na rin." Napailing na lang ako sa kabaliwan niya.

LUNA'S POV

SCHOOL CAMPUS, CLASSROOM.

"Ano sa palagay niyo?" Hinayaan ko muna sila na makapag-usap. Sinabi ko na sa kanila ang sinabi sa'kin ni sir Andrew kahapon about nga sa game.

"Luna." Napatingin ako kay Liezel na napatayo na. Napatingin na rin 'yong mga kaklase ko kay Liezel.

"Liezel."

"Nabalitaan ko na teams nina Maxine, Michaela at Reanne ang nanalo kahapon. Luna, magagaling silang lahat at sigurado matatalo lang tayo." Sumang-ayon na rin sa kaniya ang iba naming mga kaklase.

"Oo nga, Luna." Sabat ni Glydel. Nanalo din ang team nila. Ang team ko, ni Liezel at ni Glydel ang maglalaro sa win-win.

"At kapag natalo tayo, paano na ang grade natin?" Pagpapatuloy ni Glydel.

" 'Yon na nga rin ang naisip ko eh kaya sinabi ko kay Sir Andrew kahapon na kakausapin ko muna kayo bago ako mag-decide. So, ano na ang final decision natin?" Nag-isip muna sila sandali.

"Excuse me lang, guys." Napatingin kami kay Cedric na nakaupo pa rin. Napatingin kaming lahat sa kaniya.

"Bakit hindi niyo kaya subukan?"

"Seryoso ka, Cedric?" Hindi makapaniwalang tanong ni Liezel dito.

"Oo naman. Hindi niyo ba alam kung gaano kasaya kapag natalo niyo sila? Panigurado marami ang manonood sa inyo sa Friday."

"Kung matatalo nga namin sila. At paano kung hindi? 'Yong grade nating lahat paano?" Sagot ulit ni Liezel.

" 'Wag niyo ng isipin ang grade natin, guys." Napatingin kami kay Aldrin.

"Hindi duwag ang buong Public Ad para umatras sa laban. Guys, kaya natin silang talunin basta maniwala lang tayo na kaya natin 'to. Magpapatalo ba tayo sa mga Tourism?" May ilang sumang-ayon kay Aldrin. Natahimik naman sina Liezel at Glydel.

"Liezel, Glydel, nasa inyo pa rin ang desisyon kasi kayo ang Captain ball ng mga teams na lalaban." Sabi ko sa dalawa na nag-iisip pa.

"Eh, ikaw Luna ano'ng desisyon mo?" Tanong ni Je na nakikinig lang kanina pa.

"Okay lang sa'kin kahit ano ang desisyon niyo basta dapat lahat tayo ay magkakasundo para anuman ang mangyari wala tayong sisihan." Sumang-ayon sila sa sinabi ko.

"So, ano na?" Tanong ko ulit.

"Na-realized ko 'yong sinabi ni Aldrin. Hindi tayo duwag para atrasan sina Maxine. Lalabanan natin sila." Sinang-ayunan nila ang sinabi ni Liezel.

"Naka-support kami sa inyo, guys. Kaming mga boys na ang bahala sa inyo." Singit ulit ni Aldrin.

"Ako na lang ang water boy." Natawa kami kay Cedric.

"Or pwede niyo rin akong gawing taga-punas ng inyong mga pawis."

"Puro ka talaga kalokohan, Cedric." Sabi ni Je dito kaya natawa ulit kami.

"Ano, tatanggapin natin ang challenge?" Sabay-sabay silang umo-o sa'kin.

"Okay. Pupunta na ako sa faculty ni sir Andrew at sasabihin ko sa kaniya na pumapayag na tayo. 'Yong free time nga pala natin ngayong buong araw, Liezel at Glydel, gagamitin natin sa pagpa- practice. Guys, specially 'yong mga win-win players, 'wag munang uuwi ha practice tayo mamaya." Sumang-ayon naman sila sa'kin.

Pabalik na kami ni Je sa classroom dahil nasabi ko na kay sir Andrew ang napag-usapan namin.

"Kinakabahan ako sa game na 'to. Sana matalo natin sila." Sabi ni Jedda habang naglalakad kami.

"Sana."

"Luna." Naramdaman ko na siniko ako ni Je kaya napatingin ako sa kaniya.

"Bakit?" Napanguso siya kaya tiningnan ko na lang. Nakita ko si Maxine na nakatayo 'di kalayuan  kasama ang dalawang barkada niya.

"Hi, Luna." Bati nito nang makalapit kami sa kanila. Nasa tapat na pala kami ng SBM Building.

"Maxine."

"Can we talk for a while?" Tiningnan ko muna si Je na wala namang imik. Nagpunta kami sa medyo walang estudyante.

"I heard pumayag daw kayo sa challenge ni sir Andrew sa'tin." Kami lang dalawa ni Maxine dito ngayon.

"Hindi na nga sana eh kasi alam naman namin na kayo 'yong magagaling sa volleyball game."

"Hindi naman, Luna." Natawa pa siya ng bahagya.

"Ngayon pa nga lang nafi-feel ko na matatalo na kami."

"Ha-ha! Fighting spirit lang, Luna. Honestly, I'm afraid na baka matalo niyo kami."

"Naku, wala nga kami kumpara sa galing niyo." Natawa ulit siya.

"Anyway, may gusto sana akong itanong sa'yo eh." Tiningnan ko siya.

"Ano 'yon?"

"About kay... Arif?"

"Kay Arif? Ano'ng tungkol sa kaniya?"

"Ahm... Ano ba ang relationship niyong dalawa?"

"Ha?"

"Kasi madalas ko kayong makita na magkasama ni Arif. Hindi ka naman siguro niya nililigawan, 'di ba?"

"H-Hindi. Hindi siya nanliligaw sa'kin." Agad na sagot ko kay Maxine. Ano ba ang mga sinasabi niya? Kung magtanong siya para siyang nagsiselos na girlfriend.

"Bakit mo nasabi 'yan?"

"Wala naman. Nevermind."

"Ahh."

"Sige, thanks sa time, Luna. Good luck na lang sa'tin sa friday."

"Sige." Iniwan niya na ako. May gusto ba siya kay Arif? Kaya naman pala nagmamaktol si Azine kagabi. Baka lang naman meron.

CAMPUS FIELD. After ng class namin dito na kami dumiretso para makapag-practice. Kasalukuyang nagtatakid ng net sina Cedric, Aldrin at iba pa naming boys. Kadarating din lang naman nina Glydel na may dalang bola pang practice.

"Ano'ng gagawin niyo? May game kayo?" Tanong ni Azine na sumulpot sa gilid ko. Hindi na ako nagugulat sa kaniya nasanay na rin ako.

"Magpa-practice lang."

"Kailangan niyo pa ba 'yon eh sigurado namang ang team niyo na ang mananalo bukas." Hindi ko pa rin siya tiningnan.

"Talaga? Tingin mo mananalo ang team namin kayna Maxine?"

"Ano?" Pumunta siya sa may harapan ko.

"Sina Max ang makakalaban niyo?" Tinanguan ko siya.

"Kaya kailangan naming mag-practice." Iniwan ko na siya at nilapitan sina Cedric.

"Ayos na ba?" Bumaba muna si Cedric mula sa pagkakapatong sa bangko bago ako sinagot.

"Oo. Pwede na kayong magsimula."

"Sige."

"Luna, kaya niyo sila."  Tiningnan ko si Azine.

"Saan ka ba kampi, sa girlfriend mo o sa amin?" Sabi ko habang naglalakad. Lalapitan ko kasi sina Liezel.

"Sa...sa girlfriend ko syempre."

"Bakit nandito ka?"

"W-Wala lang."

"Liezel, Glyde, magsimula na tayo." Sabi ko sa dalawa nang makalapit ako. 'Yong iba naming kaklase ay nakaupo lang sa carabao grass habang nag-uusap at 'yong iba ay nakatayo at nag-uusap din. Nandito sila para suportahan kami. Nagsitayuan na ang mga players na lalaban.

"Luna." Hinarap ko muna siya.

"Puntahan mo na lang muna si Max busy pa ako ngayon eh."

"Ang totoo nagpapa-practice din sila ngayon."

"Nagpa-practice din sila?" Kailangan pa ba nila ng practice?

"Oo."

"Eh, 'di panooran mo siya, o kaya i-cheer mo."

"Dito muna ako. Ikaw na lang muna panonooran ko."

"Bahala ka." Lumapit na ako sa kanila at nagsimula na kaming mag-practice.

AZINE'S POV

Naupo na lang ako sa may damo at pinanuoran si Luna habang nagpa-practice. Magaling si Luna kaya lang pakiramdam ko mas lamang sina Maxine. Paano 'pag natalo sina Luna? Mga kalahating oras yata silang nag-practice at nagpahinga muna. Nakita kaagad ako ni Luna kaya sa may pwesto ko siya papalapit.  Medyo malapit na si Luna sa akin nang harangin siya ng isang lalaking kaklase niya yata at binigyan siya ng tubig nito.

"Uminom ka muna." Napatayo ako at nilapitan sila.

"May gusto ba 'to sa'yo?" Hindi ako pinansin ni Luna.

"Salamat, Aldrin." Kinuha niya ang tubig at naupo sa may kinauupuan ko kanina. Sinundan ko lang naman siya na umiinom na.

"Pawis na pawis ka ah." Sinubukan kong kunin 'yong towel sa backpack niya pero hindi ko magawa.

"Huy!" Napamaang na lang ako nang may biglang kumuha sa towel. Isang lalaki ulit na kaklase ni Luna. Lumapit ito kay Luna kaya napasunod na lang ako.

"Ibigay mo sa'kin 'yan." Sigaw to sa lalaki na hindi naman ako naririnig. Natatawa lang naman si Luna.

"Gusto mo punasan ko ang pawis mo?"

"At bakit mo gagawin 'yon? Boyfriend ka ba niya?" Naiinis kong sabi dito na tumatawa-tawa pa. Sakto naman ang paglapit ni Jedda kay Luna. Kinuha nito ang tubig kay Luna, naupo sa tabi niya at uminom.

"Siraulo ka talaga, Cedric." Kinuha ni Luna ang bimpo at pinunasan ang sarili.

"Cedric, ako na lang ang pagsilbihan mo bilis." Sabi ni Jedda dito. Napanguso naman si Cedric.

"Okay." Nilapitan niya si Jedda. Naupo naman ako sa tabi ni Luna. Maya't maya naman ang away no'ng dalawa.

"Ano'ng problema ng lalaking 'yon?"

"Gano'n lang talaga si Cedric."

"Tapos na ba practice niyo?" Binalik niya na ang towel sa bag.

"Hindi pa."

"Manonood ako bukas ha." Tiningnan niya ako.

"Manonood ka para asarin lang ako, gano'n?"

"Hindi ah."

LUNA'S POV

Nagsilapitan sa'kin sina Glyde, Liezel at mga players.

"Luna." Banggit ni Glyde sa pangalan ko. Napatayo  muna ako para makausap sila ng maayos.

"Dahil ikaw naman talaga ang magaling sa volleyball, nag-decide kaming lahat na ikaw ang maging coach namin." Sabi pa ni Glydel.

"Ikaw na rin ang mag-handle sa lahat ng teams." Singit ni Liezel. Hindi ako makapaniwala sa sinabi nila nakakatunaw ng puso.

"Nakakahiya naman kung ako saka--"

"Luna, ikaw ang inaasahan naming lahat. Alam naming kaya mong ipanalo ang game na 'to laban sa kanila." Napahinga na lang ako ng malalim. Grabe ang expectation ng mga 'to sa'kin ha.

"Sige, tinatanggap ko. Ako ang magko-coach sa'tin. Salamat sa tiwala niyo."

"Salamat, Luna." Matapos ang pag-uusap na 'yon bumalik na sila sa kaniya-kaniyang pwesto kanina.

"Sabi ko sa'yo ikaw ang pinakamagaling dito eh." Sabi ni Azine na hindi pa rin pala umaalis. Hindi ko siya sinagot at paupo na sana ulit nang tawagin ni Je ang pangalan ko.

"Ha?"

"Si Arif papalapit yata sa'yo."

AZINE'S POV

Tiningnan ko ang way na tinitingnan ni Jedda at nakita ko nga si Arif na papalapit na sa'min. 'Yong mga kaklase ni Luna sa may pwesto na rin namin nakatingin. May kasama siyang isang lalaki na barkada niya yata.

"Ano'ng ginagawa ng lalaki na 'to dito?" Naiinis na tanong ko kay Luna habang nakatingin pa rin ako sa nakalapit ng si Arif.

"Hi, Luna." Napatayo si Luna at hinarap siya.

"Bakit ka...n-nandito?" Naiilang niya pang tanong sa bwisit na lalaking 'to.

"Ahm...naisip ko kasi baka naubusan ka na naman ng tubig kaya dinalhan kita. Here." Tiningnan niya ang inaabot nitong bottled water.

"Kunin mo na." Natawa pa si Arif ng bahagya kaya mas nainis ako. Kinuha naman ni Luna ang inaabot nito.

"Salamat."

"Ano ba talaga'ng gusto mo kay Luna, ha? Luna, 'wag ka ngang magpapadala sa pang-uuto sa'yo ng lalaking 'to." Inis na sabi ko. Kapag nakikita ko siya laging kumukulo ang dugo ko. Wait, wala na pala akong dugo.

"Nabalitaan ko na may game daw kayo sa Friday at makakalaban niyo sina Maxine. Totoo nga pala talaga."

"So? Ano'ng pakialam mo?" Singit ko ulit.

"Oo eh. Kailangan naming mag-practice kasi alam mo na magagaling sila."

"Tingin ko naman kaya niyo silang talunin."

"Sana nga." Tiningnan niya ang mga kaklase ni Luna.

"Mukhang kanina pa kayo nagpa-practice ah."

"Mga half hour pa lang siguro, nagpahinga lang kami saglit." Tiningnan niya si Luna.

"Ayoko ng tingin mo kay Luna, okay." Nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Hinawi niya kasi 'yong hibla ng buhok ni Luna na nakalaglag sa may pisngi nito. 'Yong mga kaklase niya sa may pwesto lahat namin nakatingin. Hindi na ako naiinis, sobrang inis na inis na ako sa mayabang na lalaking 'to.

"ANO'NG GINAGAWA MO?"

Hinila ko si Farrah and I can't believed na nahila ko siya papalayo kay Arif. Kaya lang mas lalo akong nagulat sa sunod na nangyari. Dahil bigla ko siyang nahila kaya medyo na-out of balance si Luna. Ito namang nakakainis na lalaking ito ay to the rescue at nahila kaagad si Luna papalapit sa kaniya. Ang ending parang ako 'yong dahilan para mayakap nitong lalaki na 'to si Luna. Tiningnan ko silang dalawa na hindi pa rin gumagalaw. Tiningnan ko ang paligid at nasa kanilang dalawa na ang atensyon ng lahat. Napansin kong nagba-blushed na naman si Luna. Napatingin sa'kin si Luna kaya nagkasalubong kami ng tingin. Nag-disappeared na lang ako sa eksena. Nakakahiya naman sa dalawa baka masira pa ang moment.

__________________________________________________

Thank you so much, guys. Love ya'll 💙💙💙

Anyways,' wag ninyong kalimutan na mag-FAN sa' kin, VOTE, and SPREAD THE STORY.

Please, mahalaga po ang VOTE niyong lahat.

MARAMING SALAMAT! ☺️

avataravatar
Next chapter