webnovel

1. SISIDLAN NG PAGMAMAHAL

Tinatangay ng hangin ang damdamin

Mula sa'yo patungo sa akin

Ngunit nararamdaman ay hindi maamin

Kaya ipapaling sa ibag bagay ang tingin

Ang bawat galaw, sa bawat ngiti

Sa bawat salitang nagmumula sa'yong labi

Sumasaya ako, nabubura ang pighati

Puso kong marupok, tumitibok unti-unti

Damdami'y ikukubli sa sisidlan ng pagmamahal

Hindi na lamang ilalabas kahit gaano katagal

Pagkat sa nararamdama'y mundo ay aangal

Talaga nga bangang ganito kasakit ang magmahal?

Sa araw-araw na tayo ay magkasama

Lalong yumayabong ang aking nadarama

Sasabihin ko ba? Matatanggap mo kaya?

Kahit kasarian natin ay hindi magka-iba?

Sisidlan ng pagmamahal ay tila napupuno

Sasabog na ba ang sikretong tinatago?

Kailangan nabang ihanda ang aking puso?

Sa pagkawasak at bantang pagdurugo

Next chapter