webnovel

KABANATA 1

L-Love?

Ha???

Ano yun?

Is it a medicine that changes and makes people do stupid things such as forgetting their worth?

If it is then I don't want it.

IF ONLY

KABANATA 1: WHO ARE YOU

1 year before....

NATHANIEL'S

Pag-ibig?kung ano man yan wala na akong time para alamin yan.Magmamahal ako?para ano? iyakan ko ng paulit-ulit?tsss gagaya mo pa 'ko sayo.Sasabihin mong di mo na mahal,mag mo-move on ka na tapos nag view lang sa myday mo nag react lang sa posts mo mahal mo na ulit?! MARUPOK!

Pero kung may isa man akong natutunan yun ay ang wag na wag kang maiinlove sa mga pangalang nagsisimula sa letter " J ".May sumpa mga yan.Mga paasa.Mapanakit.Not to discriminate pero yun ang totoo.

Ang magrereklamo magkakaroon ng balat na kulay rainbow sa pwet.

PANATA NG KARUPUKAN

Panatang Karupukan

Iniibig ko ang aking iniibig

Sa aking puso't isipan

Na siya lagi ang laman.

Sa susunod na ako'y iyong sasapian

Sana ay may pa hotdog sandwich ka naman.

Sa susunod na ako'y iibig

Sisiguraduhin kong sa di mabaho ang bibig.

Kung ako'y muling paaasahin

Siya'y aking ilulublob sa asin.

Okay ayoko na ituloy sa susunod na lang pag bored ako.Sa ngayon,focus muna ako sa pag arte at sumali rin ako sa theater club ng school namin.Minsan pag free time ko nagbabasa ako ng mga libro.Ay teka may gagawin pala kami ngayon.

Pupunta na ako sa avr dahil may pag me-meetingan raw kami tungkol sa nalalapit na play namin.Sinundo ko muna si Carl sa dorm niya sabay na raw kami.Mabuti na yun para di ako mukhang ewan.Iniwan na nga magmumukha pa kong ewan.Di pwede yun.

"Ano tol game ka ba mamaya?" tanong niya habang naglalakad kami.

"Saan?"

"Sa usual hangout place na pinupuntahan natin."

"Ah sure sure.Libre mo ba?"

"Birthday ni Troy mamaya,libre niya.Nakalimutan mo na ba?hahaha."

Ah oo nga pala birthday niya.Troy ang mukhang putotoy.

"Hindi ko nakalimutan dre,kala ko manlilibre ka na hahahaha!" pagkukunwari ko.

"Maraming chicks doon.Tagal ko na ring hindi nakaka-score."

"Lakas mo magpaka playboy liit naman ng t*ti mo! HAHAHA!" asar ko kay Carl.

"Ulul baka pag nakita mo 'to ikaw na mismo tumuwad sa harap ko!"

"Pre."

"Pre..."

Nagtawanan na lang kami hindi namamalayang nakarating na kami sa theater room.Tahimik silang lahat habang nakatingin,pinagmamasdan ang pagpasok namin.Hindi pa man sila nagsasalita pero kita ko na ang mga nagtatanong na mata nila.Sandali kaming natigilan.

"Nat,bakit ganiyan sila makatingin satin?" bulong niya saakin.

"Ganon talaga Tol." ani ko sa pinakamahinang boses ko para di nila marinig habang nananatiling nasa bulsa ang mga kamay habang naka-awkward smile.

"Anybody will stare in awe because of my handsomeness." nakangising dagdag ko.

Natawa naman siya. "He's Into Her na libro ka ba?" tanong niya saakin.

Kumunot ang noo.Saang sulok ba ng utak niya naisipan itanong saakin 'yon? tsss hahaha.

"Hindi." sagot ko.

"Bilis na kase! He's Into Her na libro ka ba?" pag-uulit niya sa tanong.

"Bakit?"

"Kasing kapal kasi ng amatz mo eh."

A-Amatz? what's that? is it posporo? a-matz.

Tssss corny na kung corny atlis masarap.

Sumeryoso kami nang sumipol ang Direktor.Halatang inis na dahil salubong na naman ang mga kilay niya. Mukha siyang nakakilay na hatdog.

"Eunice hayaan mo na.Baka may ginawa lang sila.Ngayon deadline nila para sa research title." pagpapakalma ni Mike--ang tunay na Direktor.Sandaling napatigil si Eunice at nagbago ang ekspresyon sa mukha.Kanina galit ngayon mukhang maamong hatdog na ulit.

Prostitute lang kasi si Eunice,wait prostitute ba yun?yung pansamantala?ay ewan!

Basta 'pag wala si Mike siya ang pumapalit dati kaya ayun napagdesisyunan ng mga professors na gawin siyang Assistant Director.

Everytime na mapapahamak ako andiyan lagi si Mike para saluhin ako.Not in a romantic way dahil hindi naman siya yung bidang mamamatay--este hindi siya yung bida sa kwentong 'to.Siguro tinatanong nyo kung bakit?

He awe me a lot.A LOT. Yan yung lasa ng asin.

Kidding aside,he really awe me a very huge favor.Noong third year highschool kami mag girlfriend ako.Si Jasmin.

Awww inggit ka na naman.Wag ka mag-alala darating rin yung taong--paiiyakin ka ulit HAHAHAHA!

Everything's going well between us but suddenly a snake entered the garden and teased her to bite the apple.She ate it and swallowed everything down to her small intestine next to the large intestine down to her anus.She tried to digest it for me not to know it but maybe the snake put poison to the apple first so in the end she vommited.

To make everything short,she cheated on me.And the snake? nobody else but Mike,who turned out to be my bestest friend since we were elementary.

Hayst.Akala ko nga iiyak ako noong mga panahon na 'yon eh.Well umiyak nga ako.Nagmahal.Nasaktan.Nag move on.

It's easy to love someone but what's hard is forgetting.In order to move on you have to move forward.It hurts because we promised each other forever.But even gold crashes.And So promises.

They say promises are not meant to be broken,we're not promises,we're people.So we are meant to be broken.

"Ikaw Nat,any suggestions?violent reactions?" nakangiting tanong saakin ni Eunice dahilan para bumalik ako sa huwisyo.Umiling ako at ngumiti.

"So as I was saying,this coming friday na ang ating theater play and we have the support of everyone in the school.Maraming ininvite si Mam Eugenio from different fields just to watch us and I am expecting to give your best.Makakaasa ba ako?" tanong ni Mike.Tumango naman ang lahat,nakangiti na at excited.

Sa halos isang buwan namin na practice masasabi ko na we are so ready.Kahit extra lang ako.Pero pangako ko na sa susunod na play namin gagawin ko ang lahat para makuha ang bidang role.Last na namin yun bago grumaduate.At ngayon pa lang,ramdam ko na ang pressure.

"After the play,mga next week mag rerecruit na kami ng bagong casts para isalang sa audition.Only two months left bago ang ating final play." nagpatuloy lang siya sa pageexplain at nag practice rin kami ng onti.Hapon na nang matapos kami.Nagpaalam muna ako kay Carlos na bibili muna ako ng regalo para kay Troy at magkita na lang mamaya sa the usual hangout place.

KINAGABIHAN,naghanda na ako para sa celebration ng birthday ni Troy.Naligo muna ako siyempre at nag toothbrush.Habang nag sesepilyo tinanggal ko muna ang tuwalya na bumabalot sa katawan ko tutal ako lang naman mag-isa dito sa dorm.Dumiretso ako sa cabinet ko at nagsuot ng boxers.Isinabit ko ang tuwalya sa balikat ko.

*TOk-ToK-TOk-TOK!*

Nagulat ako nang makarinig ng tatlong magkakasunod na katok mula sa pinto.Ang aga naman yata ni Carlos sabi ko doon na lang kami magkita eh.

"SANDALEEEE!!!" sigaw ko at mabilis na lumapit para buksan ang pinto."Sabi ko doon na tayo magkita diba----" napatigil ako nang dali-dali akong hinila papasok ng isang babae at sinara ang pinto.Tinulak niya ako papunta sa sofa.

"Shhhhhh." sabi ni Angel na mala-demonyo ang ugali.

"A-Anong kailangan mo?" nauutal na tanong ko at ang sumunod na ginawa niya ang nagpatibok ng mabilis sa puso ko.

Tinanggal niya ang tuwalya na bumabalot sa katawan ko at inihagis sa sahig.My body is now half naked,thanks for my boxers.

"A-Ano bang ginagawa mo?!" kunwaring naiinis na tanong ko habang kinakabahan pa rin.Oo kunwari.Kasi merong parang kumikiliti saakin na kunwari di ko alam pero alam ko na na hindi ko talaga alam.Gets mo?!

Ganoon na lang ang gulat ko nang pumatong siya saakin habang nakahiga ako.Damn.Inilapit niya saakin ang mukha hanggang sa ilang distansya na lang mahahalikan na niya ako.

Bumulong siya saakin, "Resorts World Manila." sabay kindat at tawa ng malakas.

WTH....What the hatdog.

"Pinapasundo ka sakin ni Kuya HAHA!" sabi niya habang gumugulong sa sahig kakatawa.Tumayo ako at pinulot ang tuwalya.

"Bakit wala ba akong sasaktan?" tanong ko at dumiretso ako sa cabinet para pumili ng susuotin.

Wala naman talaga akong sasakyan ako kasi lagi yung sinasakyan. *wink

"Arte mo.May binisita lang akong kaibigan malapit dito eh malungkot naman pag mag isa lang ako papunta doon mamaya." paliwanag niya habang inaayos ang sarili sa salamin.

"Pero yung ginawa mo kanina nagulat talaga ako bwiset ka," natatawang ani ko habang sinusuot ang pantalon. "Kung hindi ka lang kapatid ni Troy papatulan talaga kita."

"ANONG PAPATULAN?! HOY KAHIT CRUSH KITA NEVER AKO PAPATOL SAYO YUCK EEEEW!" sabi niya at umaarteng diring-diri saakin.

Oo crush niya ako,happy crush lang ganon.Inamin niya saakin noong nasa bahay nila kami.At sa tuwing naaalala ko yon natatawa ako.Normal na yang ginaganiyan niya ako.Meron pa nga isang beses sinubukan niya akong halikan talaga kaso di niya ginawa kase diring-diri siya.May pagka-tomboy kasi siya.

Pagkatapos ko magbihis umalis na kami agad.Kagaya nang pag-iwan niya sayo.

Tahimik kaming nakarting sa Resort's World Manila na pag ma-may-ari nila Troy.Sinalubong kami ng mga bodyguards na pormal na pormal ang suot,aakalain mong sila ang sikat na mga businessman rito dahil doon.Nang makapasok kami,sinundan lang namin sila ni Angel hanggang sa makapasok kami sa isang kwarto na napaka-engrande ng pinto dahil doble ang tangkad nito saamin at gawa ito sa..kung di ako nagkakamali sa puno ng narra.Papasok na sana ako nang may naalala ako.Ang regalo ko.

Hiniram ko ang susi ng kotse ni Angel at pinauna ko muna siya sa loob.Dali-dali akong tumakbo palabas,walang pake sa suot ko na kulay black na turtleneck na pinatungan ko ng kulay asul na coat.

Paglabas ko,nagulat ako nang makita ang isang babae at lalakeng nakasandal sa likod at hayok na hayok sa paghahalikan.Kulang na lang magkant*tan,tsssss.

"Maghihiwalay rin yan." bulong ko sa sarili ko.Hindi ako bitter,nagsasabi lang ng totoo magkaiba yon.

'Di bale na nga,mamaya ko na lang ibibigay paglabas.Pagtalikod ko bigla akong hinila ng isang lalakeng hindi ko naman kilala.

K-KIDNAPPER??? ay teka di na ako kid. A-ADULTNAPPER?????

Nakaipon ako ng sapat na lakas sapat para matanggal ko ang pagkakahawak niya sa mga kamay ko.Galit na galit ko siyang tinignan.Andito pa rin kami sa parking lot pero medyo malayo mula sa entrance.

"S-SINO KA BA?ANONG GINAWA MO? TATAWAG AKO NG PULIS WAG KANG AALIS-----" napatigil ako nang bigla niya akong itulak sa pader sa likod ko at i-korner niya.

Naka listerine moutwash ata to ah.Ay teka teka ano bang iniisip ko? MAG ISIP KA PANO TATAKAS BOPOLS.

"Napaka-ingay mo.Nararapat ka nang patahimikin." sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko.

Unti-unting niyang nilalapit ang mukha niya hanggang sa isang daliri na lang ang distansya ng mga mukha namin sa isa't isa.Akmang hahalikan na niya ako nang biglang sipain ko siya sa betlog niya at tumakbo ako nang mabilis.

"Anong akala mo makakatakas ka huh?" sabi niya nang maabutan niya ako at sipain ang paa ko dahilan para matumba ako.

At..siya rin....sa ibabaw ko.

Ilang segundo kaming nagkatitigan nang makarinig ako ng mga pamilyar na boses.

"Tama na Jerald.Akala namin di mo kaya yung dare pare HAHAHAHA" nakangiting sabi ni Troy.SInabayan ng pagtawa ni Carlos at Angel at ng iba pa naming kaibigan na inimbita niya.

"Dare?" naguguluhang tanong ko habang pinapagpag ang suot.Tinignan ko yung lalakeng Jerald pala ang pangalan.

"Nainip kasi kami kaiintay sayo kaya ayun naglaro kami ng spin the bottle at hindi niya kayang sagutin yung tanong kaya ayun,dare ang ginawa niya." pagpapaliwanag ni Troy.

"At bakit ako ha?" pinipigilan ko ang sarili kong matawa dahil ako na naman ang nabiktima.Ako na naman ang late.

"Kasi itong kapatid kong si Jerald---" hindi na natapos ni Troy ang sasabihin nang takpan ni Jerald ang bibig niya.

T-Teka? Kapatid? Siya na ba yung kalaro namin dati noong maliit pa kami at nagpapalakihan pa kung sino may malaking putotoy?Wow.Di ko siya nakilala,ibang-iba na.

"Tol ikaw pala yan," tuwang-tuwa ko siyang nilapitan at nakipag handshake pa, "Kamusta ka na?Di kita nakilala."

"Ayos lang naman,akala ko nga hindi na kayo magkakilala nitong kapatid ko ngayon pero tignan mo nga naman,sabay pa kayong graduating hahaha." sabi niya habang naglalakad kami papasok.

"May girlfriend ka na 'no?" tanong ko.

"Wala 'no.NBSIMY." sabi niya.

Anong N-B-S-I-M-Y????????