Lunes ng umaga ngayon at ibig sabihin ay simula nanaman ng school days kaya labag man sa loob ko ay bumangon parin ako at dumiretso na sa banyo para maligo .
Ilang oras ang nakalipas at nakarating narin ako sa university at sa palagay ko masyado pang maaga kaya naman binagalan ko lang ang lakad ko inaantok pa kase ako eh , pero nanlaki ang mata ko at para bang tumalon ang puso ko dahil sa pagkagulat nung may sumagi sakin .
Kaya naman binilisan ko ang paglalakad ko para maabutan yung taong bumunggo sakin .
" Hey " tawag pansin ko dito sabay hawak sa braso nito
" What is it? " gulat na tanong nito
" Nabunggo mo ko kaya kailangan mong magsor- " putol nito sa sasabihin ko
" Im sorry , pasensya na nagmamadali lang talaga ako . See you" nagmamadali ngunit nakangiting aniya nito
" Tss " napairap na ani ko
Napailing na lamang ako dahil sa binata na nakasalumuha ko , di ako makapaniwala sa ugali nito matapos nyon ay nagpatuloy na ako sa paglalakad pati tuloy ako ay nagmamadali narin , nasira na tuloy yung araw ko ng dahil sakanya .