1 Prologue

Have you ever loved me?

Have you ever thought of me?

How can you leave me easily?

How could you...

"Tapusin na natin 'to." Madiing sabi ni Art kay Hillary ngunit hindi siya nito pinansin at nagpatuloy lang sa pagkain.

"Hillary, makinig ka sa'kin." Seryosong sabi ni Art kay Hillary na naging rason kung bakit napatingin si Hillary sa mga mata ni Art.

"Ang tagal na natin. Sawa na ako." Blanko ang ekspresyon na pinapakita ni Art. Walang emosyon at parang walang paki sakaniyang binibitawang salita.

Tumayo siya at iniwan si Hillary na wala ring reaksyon ang mukha. Maya maya pa ay unti-unting tumulo ang luha ni Hillary nang mag-sink in sakaniya ang sinabi ng kaniyang matagal ng karelasyon.

Naisipan niyang habulin si Art ngunit hindi niya na ito naabutan. Nagsimula nang umulan ng malakas, kasabay nito ay ang pagtulo ng mga luha mula sa mga mata ni Hillary na matagal niyang kinimkim.

Hindi niya maiwasang magtanong kung bakit ganito ang ginawa ni Art sakaniya. Hindi niya rin maisip kung saan siya nagkulang.

avataravatar
Next chapter