1 Chapter 1. Ang Simula

agghhhh.aghhhh..

"sige ere pa lady Liane..malapit na konti nalang"

"ayan na lalabas na ang bata"

aggghhhhhhh..

"lalaki po ang inyong anak lady Liane lalaki po" tuwang tuwang sambit ng komadrona.

"pakiusap akin na ang anak ko"maluha luhang sabi ni lady Liane tuwang tuwa ito habang pinagmamasdan nya ang kanyang bagong silang na anak.

Pagkalipas lang ng ilang sandali ay dumating naman ang isang matangkad at matipunong lalaki na nagmamadali itong lumapit kay lady liane.

"mahal ko akin na ang anak natin gusto ko siyang makarga" hindi mapakaling wika ng lalaki.Kitang kita sa mga nito ang pananabik na makarga ang unang anak nila.

"hinaan mo lang ang boses mo arthur baka magising ang anak natin"sagot naman ni lady Liane.

"lalaki ang anak natin arthur at kamukhang kamukha mo siya"nanghihina pero malambing na saad pa nito.

"ang ganda ng mga mata niya mahal ko kasing bughaw ng kalangitan.Skyler ang ipapangalan natin sa kanya sapagkat kasing aliwalas ng langit ang kanyang mukha." nakangiting saad ni arthur sa asawa habang nakangiti.

Pero kung gaano kasaya ang mag asawa dahil sa pagsilang ng kanilang unang anak ay ganun naman ang pagkadismaya ng ibang mga clan leader.Wala kasing senyales na mayroong kapangyarihan ang anak nila arthur at lady liane ni katiting na Qi ay wala silang maramdaman sa katawan nito ibig sabihin isang ordinaryong bata lang ang anak nila.

Wala naman sanang problema dahil sa mundo nila karaniwan lang na magsilang ng isang ordinaryong bata.Ang kaso lang si arthur ay ang kasalukuyang patriarch o namumuno sa kanilang angkan - ang Blue Dragon clan - ang pinakamalakas ng angkan sa probinsya ng chu sa kaharian ng Han. At ang pagkakaroon nito ng isang inutil na anak ay nangangahulugang pagbagsak o paghina nang kanilang angkan kung wala silang gagawing hakbang.

Ito ang mundo ni Skyler, mundo kung saan kayang kontrolin ng mga tinatawag sa cultivator o adventurer ang mga elemento upang gawing sandata o magpagaling.Sa mundong ito lakas ang sukatan ng respeto walang kwenta ang kayamanan mo kung mahina naman ang iyong Qi at mas masaklap pa kung wala kang kakayahang gamitin ito.

Nahahati sa apat na kontinente ang mundong ito una ay ang Azure continent kung saan naroroon ang kaharian ng Han - ang kontinenteng ito ay tirahan nga mga tao.Ang tatlo pa ay ang Beastman Continent,Demon Continent at Dark Continent maliban sa pangalan ay wala ng nakakaalam pa kung ano talaga ang meron sa tatlong kontinenteng ito. Dahil bukod sa sobra ang layo nito mula sa Azure ay napakarami pang mga magical beast ang naninirahan sa karagatang nakapaligid sa bawat kontinente.

Binubuo ng mahigit 100 kaharian ang Azure continent na nahahati naman sa 4 na imperyo. Ito ay ang Fanlong Empire kung saan kabilang ang kaharian ng Han. Golden Lion empire na kilala sa mga magagaling na panday.Ang Emperyo ng Rowan at ang Imperyo ng Nuwa ang pinakamalakas sa apat.

Ayun sa opisyal na tala limang libong taon na ang nakakaraan ay iisang pamilya lang ang namumuno sa buong kontinente ng Azure pero sa hindi malamang dahilan ay bigla nalang nilang nilisan ang Azure at maliban sa mga kwento ng mga ninuno nila na nagsilbi sa pamilyang yun ay wala silang iniwan kahit anomang kasulatan tungkol sa kanila.Kaya misteryo pa rin ng para sa halos lahat ng tao kung ano ba ang totoong katauhan ng mga dating namuno sa buong Azure at ipinagbawal na rin kahit pa ang pagbangit sa pangalan ng mga ito.

At sa paglipas ng panahon ay tuluyan ng nakalimutan ng karamihan lalo na ng mga ordinaryong mamayan ang tungkol sa kanila.

Marami na rin namang sumubok na tumawid at pumunta sa kabilang ibayo kaya lang halos wala pang bumabalik ni isa sa kanila.Ang iilang nakabalik ay itinitago ang impormasyong kanilang nakalap siguro para na rin sa kapakinabangan ng angkan o kahariang kanilang kinabibilangan.

---------‐----------------------------------------------------------------------------‐-‐‐---

Napakaganda ng sikat ng araw abalang abala ang mga mamamayan sa nasasakupan ng Blue Dragon clan dahil anihan na sa panahong ito. Ang mga binata naman ay abala din sa pangangaso ng mga magical beast sa gubat pag ganito kasing panahon ng anihan ay maraming mga batang magical beast mas madali yung hulihin kaysa mga malalaki na.

Ang mga kabataan naman na nasa edad 5 hanggang 8 ay abala din sa pag aaral at pagsasanay sa kanilang mga kapangyarihan.Maliban nalang kay Skyler nasa 5 taon na siya pero kung papansinin mo ang kanyang mga kilos at sinasabi aakalain mong hindi bata ang nasa harapan mo.

Nakaupo siya ngayon sa ibabaw ng isang malaking bato sa tabi ng lawa malapit sa bahay nila.

"sabi ko na nga ba nandito ka lang"lady liane sa anak nya.

"anong iniisip mo anak? may problema kaba?sabihin mo lang sa amin para matulungan ka namin ng yung ama?

may pag aalalang tanong ng kanyang ina.

"wala po akong problema ina,iniisip ko lang kasi kung papaano ako lalakas kahit wala akong kakayahang gumamit ng Qi.Gusto ko po kasing ipagmalaki nyo ako ni ama ayoko po kasing pinagtatawanan nila kayo patalikod ng dahil sa akin"

Halos mapaiyak si lady liane sa sinabi ng anak.kahit sa murang edad nito ay alam nya na ang mga nagyayari sa piligid nito.Oo alam nilang mag asawa na sa tuwing nakatalikod sila ay kinukutya sila ng ibang mga clan leader dahil nga ganun ang kanilang anak pero hindi nila ito ipinapahalata dahil ayaw nilang malaman ito ni Sky.ayaw nilang masaktan ito.Kaya naman nagulat siya sa sinabi ng anak nya.

"anak ipinagmamalaki ka namin ng ama mo dahil matalino ka at gwapo pa" pilit na ngumiti si liane habang yumayakap sya sa anak nya.

"hayaan mo ng ang ibang tao anak titigil din yan. Tsaka marami namang paraan para hangaan ka nila kahit hindi ka isang adventurer. Pwede kang maging doktor o kaya inhinyero." dagdag pa nito.

"Ina balang araw pangako titingalain nila kayo ng ama,makikilala nila ako sa buong kontinente ng Azure at makikilala din nila kayo na aking mga magulang"determinadong sagot ni Sky.

Uunahin ko ang mga kadugo natin gugulatin ko sila sa darating ng kumpetisyon sa ating angkan sinisiguro ko yan.Ito ang nasa loob loob ni Sky habang yakap yakap siya ng kanyang ina.Para kay Sky ang kanyang mga magulang ang pinakamahalaga sa kanya wala siyang hindi kayang gawin para sa kanila.

"nga pala anak naluto ako ng paborito mo tara umuwi na tayo ng makakain kana?"

"talaga po?yung litson na trihorn blood boar po ba?ayoooos!! pasigaw na wika ni Sky habang hila hila ang kamay ng kanyang ina sa kakamadaling umuwi.

-------

Limang taon ang mabilis na lumipas.

Payapa ang teritoryo ng Blue Dragon clan walang nangangahas sa lugar nila kahit ang mga bandido pa sa mga karatig na probinsya dahil bukod sa pagiging malakas ay kilala rin kasi ang angkan ni Skyler sa pagiging matulungin kaya magaan ang loob ng mga tao sa kanila. Matagal na panahon na rin nung huling may umataking magical beast sa lugar nila.

Masasabing napakapalad nang maituturing ang kalagayan ni Skyler kahit wala siyang Dantian ay meron naman siyang mga magulang at pamilyang nagmamahal sa kanya.Maliban sa pinsan ng kanyang ama- ang tiyuhin nyang si Lee na wala na atang alam gawin kundi laitin ang kanyang Ama ng patalikod dahil sa pagkakaroon nito ng inutil na anak.Pero hindi na nila ito binibigyang pansin pa.

Ang kanilang angkan kay nakatira sa paanan ng isang kabundukan at kagubatan na kung tawagin ay "Thanatos Forest" na ibig sabihin ay ang kagubatan ng kamatayan.Wala naman panganib sa kagubatang ito kung sa gilid ka lang ng lugar dahil puro mahihina lang ang mga magical beast dito at karamihan ng hayop na makikita mo ay mga ordunaryong hayop lang.

Pero sa kalooban ng kagubatan ay napakaraming warrior at earth rank beast ang naninirahan at kung mamalasin ka baka isang sky rank beast pa ang makasalubong mo.Ito ang dahilan kaya nakuha ng kagubatang ito ang kanyang pangalan.Gayunpaman maraming adventurer ang pumapasok sa kagubatang ito upang magsanay o mangaso dahil malaking halaga ang kikitain kahit pa sa isang maliit na warrior rank magical beast lang ang mahuli mo.

"Pinuno nakakahiya naman po at nag abala pa kayong sumama sa aming pangangaso"saad ng isang malaking lalaki sa isa sa mga kasama nya.

Lima silang naglalakad sa loob ng kagubatan habang may dala dalang mga magical beast na napatay nila.

"Gusto ko ring mag unat unat ng katawan paminsan minsan Gabriel,kinakalawang na ako kakaupo dahil puro nalang pagpupulong ang ginagawa ko.hahahaha" natatawa pang sagot ni arthur ang pinuno ng Blue dragon clan.ang kausap nya ay si Gabriel isa sa mga komandante ng mga mandirigma smng kanilang angkan.

Tawa nalang din ang isinagot ni gabriel sa saad ni arthur gayun din ang mga kasama nya.Habang naglalakad sila at balak ng umuwi ng biglang;..

"Aaaahhhhhhhhhhh"

hiyawan ng tatlo nilang kasama tumilapon ang mga ito at ng lingunin nila kung anong nangyari tumambad sa kanila ang isang napakalaking itim na tigre na may pulang paguhit sa katawan.

"Masama ito isang black king tiger ang makakalaban natin,,ihanda mo ang iyong sarili gabriel"

Mabilis na tumalon pataas ng puno ang dalawa para iwasan ang malaking tigre na nasa harapan nila..

"Makakaya kaya natin yan pinuno nasa 10th level earth rank na ang isang yan."kabadong saad ni gabriel habang inaalala ang mga kasamang hindi na gumagalaw sa kinalalagyan nila.

"Wag kang mag alala kahit nasa 4th at 9th level earth rank lang tayo mas malakas parin tayo sa actual na labanan,lamang tayo dahil ang alam lang ng mga hayop na yan ang umatake"sagot naman ni arthur.

" Tama ka pinu-"sasagot pa sana si gabriel ng bigla siyang tinalon ng tigre buti at nasanay na ang katawan nya sa pakikipaglaban kaya mabilis siya nakailag.Ginamit nya ang kanyang technique na Thunder Steps para makakilos siya ng kasing bilis ng kulog.

Nang makita ni arthur na wala ka kanya ang atensyon ng tigre ay bigla siyang sumugod gamit ang kanyang sibat..

"Lightning Strikes"

Ang ataking yun ang sadyang napakabilis at kung isang ordinaryong tao ang makakakita ay aakalain niuang umuulan ng sibat patungo sa tigre..

"Aarrrgghhkkkkkkkkk"

Atungal ng Black kingtiger habang pabagsak ito sa lupa.Hindi ito nasugatan sa atake ni arthur pero nabali naman ang mga buto nito sa katawan.Akmang tatayo na sana ang tigre at aalis na ay biglang sumugod si gabriel..

"Ako naman"

Biglang tumalon ng napakataas si gabriel at sumigaw..

"Yama's Wrath"

Parang lumaki at nag aapoy ang palakol ni gabriel at buong lakas niya itong itinaga sa tigre na wala ng nagawa kundi tumingin nalang sa papalapit na atake,para bang tanggap niya na ang kamatayang papalapit sa kanya..

"Boom"

Isang nakakabinging tunog ang nilikha nito nang tumama ito sa tigre.Lumikha rin ito ng isang malaking hukay pero nakakamangha na bagamat patay na ang tigre at sumuka ito ng dugo ay wala itong sugat sa katawan.Siguro kung isang warrior rank beast ang tinamaan nang ataking yun ay kahit bakas ay siguradong walang matitira.

Nilapitan nila arthur ang katawan ng tigre at nagpasalamat dito dahil tiyak malaki ang magiging pakinabang ng katawan nito sa kanilang angkan.Masustansya ang karne ng black kingtiger samantalang ang balat nito ay maibebenta sa malaking halaga dahil sa taglay nitong tibay. Nagkamalay na rin ang mga kasamahan nilang inatake ng tigre maliban sa bali sa tadyang at braso ay wala namang malubhang naging pinsala sa kanila.

Pagkauwi ng grupo nila ay nagkaroon agad ng kasiyahan sa kanilang nayon masaya ang lahat dahil sagana ang kanilang pag aani sa taong ito at marami rin ang huli nila sa pangangaso at mayroon pa silang nahuli na isang magical beast na nasa tuktuk na ng pagiging earth rank..

Hangang hanga ang mga myembro ng angkan ng blue dragon sa pinuno nila dahil sa lakas nito. Halos lahat ata ng bata sa angkan nila ay iniidolo ang kanilang pinuno..Kahit si Skyler ay iniidolo ang kanyang ama, pangarap niyang maging kasing galing ng kanyang ama n,alam niyang imposible itong mangyari dahil isa siyang inutil pero hindi siya susuko alam niyang may paraan para lumakas siya hindi pwedeng wala..

‐---‐--------------------------------------------------------------------

avataravatar
Next chapter