webnovel

MY CHILDHOOD FRIEND

I have a childhood friend, his name is Justin, half japanese siya, sa mother side, matangkad, maputi, singkit, mukhang hapon period. And I am Shey, weirdo, matakaw, madaldal, adik sa mga gwapo period.

Hindi naman namin kagustuhan maging magkaibigan, nagkataon lang na magbff ang mga nanay namin so karga karga kami lagi sa mga hangouts nila. Mahilig sya sa sports, ako naman sa anime, movies, series in short nakatutok lang ako lagi sa screen ng phone ko. Aso't pusa kami, ako ang makulit, sya ang mapang asar. Ganun kami hanggang highschool.

Section 1 siya, section 3 ako, matalino sya tamad ako. Everyday nakatambay sya sa room namin, mas matagal pa ata yung pagtambay nya samin kesa sa pag aattend ng class nya sa room nila. Sa sobrang close namin, tinutukso kaming magjowa, ako AMINADO, yes sino ba naman hindi magkakagusto sa kanya, lahat ata ng babae sa classroom namin gusto sya, pero sya MU, malabong usapan. Pero never ko pinaramdam or pinakita yung nararamdaman ko sa knya, gusto ko na sya since gradeschool pa.

Magbibigay ako ng ilang mga rason kung bakit ako nahulog sa knya.

1. Gwapo sya given na yun.

2. Yung ngiti nya na nakakatunaw ng Magnum.

3. Yung hilig nyang makipagholding hands sakin, nkakabuset. Sobrang hilig nya hawakan yung kamay ko, npapasma na nga ko sa kakahawak nya. Pag naglalakad kami, nakatambay sa playground, nanonood ng movie, natutulog, sa halos lahat ng moment ng buhay naming magkasama, nakahawak sya sa kamay ko. And to think na sa kamay ko lang sya ganun, NAFALL AKO.

Next chapter