webnovel

Chapter 01: Betrayed

Abala si Alliah sa mga papeles na hawak nito dahil marami pa siyang dapat pirmahan at kailangang i-compile.

"Bebs, mauuna na kami umuwi ni Jojo, may mag susundo ba sa iyo?" Tanong ng katrabaho nito

"Oo meron si Mark, parating na din iyon"

Sagot nito habang nakatingin sa mga papeles at pinipirmahan ito isa-isa.

Umalis na ang mga katrabaho nito at ang naiwan na lamang ay si Alliah.

Natapos siya ng 6:30 P.M at hanggang ngayon walang Mark na dumating. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa nito at bumungad sa kaniya ang text galing kay Mark.

"sorry can't make it tonight, masama pakiramdam ko"

Bakas sa mukha ni Alliah ang pagkadismaya nito

"again?"

Hindi niya alam kung itinuturing pa ba siya ni Mark na girlfriend nito, kapag magpapasundo si Alliah palaging masama ang pakiramdam ni Mark pero kapag niyaya naman ito uminom ng mga kaibigan niya ay kaagad naman sumasama si Mark.

Sa loob ng isang taon nilang relasyon ay ni minsan hindi naging sweet ang lalaki tanggap niya iyon dahil mahal niya naman talaga.

"Oh Alliah nandito ka pa pala? Akala ko wala ng tao muntik ko nang patayin ang aircon tapos ka na ba?" Tanong ng janitres

"Opo manang Lolit tapos na, halika sabay na po tayo bumaba" pag-aaya nito.

Tuwang-tuwa si Lolit at sabay na silang bumaba ng hagdan. Dumeretso silang dalawa sa paborito nilang kainan- sa Tapsilogan.

"Neng may ipagtatapat ako sa iyo, eh.. Ayoko naman na magbulag-bulagaan na lang"

"Ano po iyon?"

"Si Mark, nakita ko bumaba sa magarbong kotse may kasama siyang seksing babae"

Naibaba ni Alliah ang mga kubyertos, naghahalo-halo na ang kaniyang mga emosyon at lumalaki na ang hinala niya sa lalaki. Hindi isa o dalawang beses na may nagsasabi sa kaniya tungkol dito ngunit hinahayaan na lamang niya ito dahil mas pinaniniwalaan niya si Mark.

"Baka namalik-mata lang po kayo" ipinagpatuloy nito ang pagkain.

Inilabas ni manang Lolit ang isang litrato na kuhang-kuha na si Mark nga ang lalaki na iyon na may kasamang babae na walang iba kundi si Angeline.

"Salamat manang aalis muna po ako, manong bayad po pakibigay na lang sa kaniya ang sukli" iniabot niya ang buong P1000.00 sa tindero at saka ito umalis.

Tinawagan niya si Mark ngunit out of coverage ito. Pinuntahan niya ang kanilang apartment ngunit wala din doon ang boyfriend niya.

Habang nagpapalit si Alliah ng damit ay nakatanggap siya ng tawag mula sa bestfriend nito na si Michelle.

"Beb, kasama mo ba si Mark?' -Michelle

"H-hindi bakit?"

"Ha?! Naku beb! Nakita ko si Mark dito sa Romance Hotel! Akala ko ikaw ang kasama niy---"

Hindi niya na pinatapos magsalita si Michelle at dumeretso ito sa nasabing hotel.

Pagkarating niya sa Romance Hotel ay sumalubong sa kaniya ang bestfriend nito na punung-puno ng pag-alala.

"Where is he?" Blangko ang mukha nito at nanginginig ang mga kamay

"Where is the fucking guy name Mark Santos?" Bulyaw ni Michelle sa reception.

"Sorry mam, we cannot disclose any information"

"Putang-ina! Niloloko na ang kaibigan ko! Kapag hindi mo sinabi kung anong room ng hayop na yan ay ipapasara ko itong hotel niyo! Hindi mo ba ako kilala? Ako si Michelle Wlliams !

Nataranta ang lahat dahil narinig nila ang buong pangalan ng shareholder ng company nila. Namukhaan siya ng isang manager na galit na galit kaya naman lumapit agad ito kay Michelle.

"Madam, pasensiya na po sa nangyari ano po ang gusto niyong gawin ko" Tila umamo ang mukha ng manager ng makilala niya si Michelle Williams.

"I need the room number of Mr. Fucking Mark Santos! Bilis!"

"Yes madam!"

"Room 143 po!"

Agad na sumugod si Alliah kasama si Michelle at inihanda niya na ang kaniyang iphone 14 promax 1TB para makakuha ng ebidensiya.

Nakarating sila sa pintuan at kumatok ng tatlong beses si Michelle, bumukas ang pinto at bumungad sa kaniya ang isang babae na suot-suot ang dress na niregalo niya para kay Alliah.

Kinuhaan niya ng maraming litrato ang babae saka naman sumugod si Alliah at sinampal ito.

"Ang kapal ng mukha mo Angeline! Boyfriend ko pa talaga ang pinatos mo!" Ngumisi lang ito kay Alliah at nang nakita ni Michelle iyon ay agad naman niyang sinampal si Angeline.

Lumabas si Mark mula sa cr na tila katatapos lang maligo. Tumakbo ito patungo sa amin at niyakap niya si Angeline.

"Ang kapal ng mukha mo Mark! Bakit at paano niyo nagagawa ito sa akin!"

Humarap si Mark at nagpaliwanag.

"I don't like you! You look so plain!, Hindi mo ba na fe-feel na cold ako sayo its because I dont want to have a relationship with you?"

"Okay naman tayo ah? Tanggap ko naman na cold ka sa akin! Ginagawa ko naman lahat Mark!"

"No.. Do not tell me that you did everything Alliah. I am a man and I have needs too but you can't provide kasi dapat kasal muna. So, you made me this" ngisi nito.

"Ang sama mo! Ang sama niyong dalawa! Mga manloloko!"

"Alliah!" Sigaw ni Michelle ngunit hindi niya na ito pinakinggan pa at kaagad itong tumakbo palayo sa kanila.

Tumakbo si Alliah palabas ng hotel at ang buwan ay naging pula, natatakot ang lahat ng mga tao dahil ngayon lamang sila nakakita ng pulang buwan,

"Mag-iingat kayo para walang madisgrasya!" Sigaw ng pulubi.

Walang pakealam si Alliah sa kaniyang paligid at nagpatuloy siyang tumakbo nang bigla siyang tumawid sa kabilang kalsada at nabangga ng rumagarasang truck

"Oh my Ghad! Yung babae nabundol ng truck!"

Unti-unting nawala ang kulay pula sa buwan at naging puti na ito.

"Tumawag kayo ng ambulansya bilis"

Next chapter