2 Chapter 2

I can still recall the moment I clicked the button that sent me out to the non-magic world. I still remember everything. I didn't regret anything, I didn't regret leaving my Mom and Dad, I didn't regret leaving the magic world but the thing is... sana sinama ko si Knox. Yung pusa ko.

Matapos ang pangyayari na yon, nagising na lang ako sa isang kwarto kasama ang isang babae. Hindi ko na naisip na mag tanong kung sino siya, pero sigurado ako na hindi ko siya katulad. Hindi siya mage. I don't know why... pero parang kilala niya ako. Parang matagal na ako nag e exist sa buhay niya. Parang matagal niya na ako nakakasama.

Hindi niya naman siguro alam na isa akong mage na aksidentent napunta lang dito sa mundo nila. Mas mabuti na rin 'to, na walang nakakaalam sa katauhan ko.

While looking back at my past, a girl with an orange curly hair called me. "Lunox!" She said while waving her hands at me. It's her. Guinevere. Ang pinaka unang tao na nakilala ko the moment I was sent out in this world.

Tumayo ako mula sa pagkaka upo ko sa bench at nilapitan siya.

Aside from my past, natatandaan ko pa rin kung paano ko siya naging kaibigan, I can still recall my rudeness.

Flashback

Sitting and ignoring my noisy classmates, nag iisip ako kung paano ako makikipag halubilo sa mga tao na 'to.

Hindi ko naisip na ganito ang itsura ng mga tao.

Ibang iba sila sa mga nababasa ko sa mga libro. Nakalagay pa doon na under lang ng aliens ang mga tao sa mundong 'to. Sa mundo namin, fantasies lang ang mga normal na tao-pero alam kong totoo sila-while sa mundo naman na ito, fantasies lang ang mages and magics.

"Lunox!"

Napalingon ako sa babae na tumawag sa akin. As far as I know, Guinevere ang pangalan niya. Yun kasi ang tinatawag sa kaniya ng iba.

Hindi ko pa rin alam kung bakit ako nagising na kasama siya sa iisang bahay. Nagulat na lang ako na pagka gising ko, this girl was shouting at me and saying that we are already late. I know we're roommates but since when? Tsaka... hindi ba siya nagtataka sa biglaang pag exist ko sa buhay niya? Well, mukha namang hindi. Mas mabuti na rin 'to.

I've decided that I won't tell my real identity to others. I won't tell anyone about me, being a mage.

Ayoko pa. Ayoko pa bumalik sa mundo namin. Hindi pa ako handa harapin si Aurora at Franco sa kapabayaan na ginawa ko kung paano ako napunta dito.

I know I'll have a hard time communicating with humans but I know I can handle it. Ako pa?

As much as possible, ayaw ko rin makipag kaibigan sa kahit na sino. Magiging komplikado lahat. What if napalapit ako sa kahit isa sa mundong ito? Tapos pinabalik ako sa tunay kong mundo? It will be hard for me. Sobrang masasaktan ako. Yes I know hindi pa ako nagkakaroon ng kaibigan pero I know the feeling na mawalan ng malapit sayo. Like my cat. I miss her.

At saka wala naman akong pake sa babae na yon. Kay Guinevere. I'm not friendly, kahit na sa magic world. Hindi ako magaling mag approach at makipag kaibigan, paano, palagi akong kinukulong sa kwarto ng mga magulang ko. Basta wala akong pake sa kaniya. Ang mahalaga, nakatakas na ako sa mundo ko. Bahala na kung anong mangyari sa akin basta makatakas ako sa walang katapusan na kautusan ni Aurora at Franco.

Lumapit papalapit sa akin si Guinevere. "Hoy, Babae! Magsisimula na yung program." Hinawakan niya ang kamay ko. "Wag ka na mag daydream d'yan, tara!"

"No, I won't attend to that-" before I could finish talking, nagsalita ulit si Guinevere at tinakpan ang bibig ko.

Sumeryoso ang mukha ni Guinevere at tumingin sa akin ng diretso. What now? "Anong 'no' ha?! Anong 'no'?! Hindi pwedeng hindi!" She said before grabbing my hands again.

Ano ba yan, simpleng word na "no" hindi alam? No. No means hindi. Gusto ko sana sabihin, kaso nakakatamad mag salita.

I can't complain anymore kasi sobrang mapilit 'tomg babae na 'to. Ilang beses ba 'to iniri at ang kulit?

Pagkadating namin sa lugar na pag gaganapan raw nung program na sinasabi niya, umupo kami sa may bandang unahan.

"Dito tayo sa unahan para masaya." sabi ni Guinevere habang nakangiti.

Umirap ako. "Ikaw lang naman nasasayahan."

Natawa si Guinevere sa sinabi ko kahit wala namang nakakatawa. "Ang sungit mo naman." sabi niya at tumawa ulit.

Seryoso, pag may naamoy akong mabaho, itong babae na 'to sisisihin ko.

"The program is about to start, students," sabi nung tao sa stage na may hawak na.. hindi ko alam kung anong tawag dun. Basta parang mahaba na may bilog tapos may kakayahan yon na palakasin yung boses niya. Ewan.

"Edi mag simula kayo, sinong may pake?"

Pagkatapos ko sabihin yan, tinakpan ni Guinevere ang bibig ko kasabay ng pagtinginan ng mga tao sa akin.

Anong problema nila?

Binitawan din ni Guinevere ang bibig ko at sinenyasan ako na tumahimik.

Gusto kong tumayo at bumalik na lang sa classroom namin at mag-mugmok mag isa but I can't. Sobrang higpit ng hawak ni Guinevere sa kamay ko na para bang ayaw ako pakawalan. Hindi ko magawang makapag reklamo because everytime I was about to speak, Guinevere keeps on shutting me up. I couldn't do anything while this girl is too happy  sitting beside me. Ang saya niya na nauto niya ako na sumama sa kaniya.

I pity myself.

Sino ba kasi 'tong babae na 'to? Close ba kami? Kung makakapit kasi akala mo naman childhood friends kami.

I am in the middle of ranting Guinevere in my mind when a loud song started to play at the same time, a boy wearing shorts and is shirtless entered the stage.

Girls inside the venue started shouting, "VALE!" that made me cover my ears to avoid deafness. Sino ba 'tong Vale na 'to? Anong pinakain niya sa mga babae dito para kiligin sila at halos sambahin na nila yung Vale na yan.

Napatayo na rin si Guinevere sa sobrang excite at nakisali na rin sa mga babae na naghihiyawan habang ako parang wala lang. Pake ko sa kanila?

"OMG ang gwapo naman niya"

"Oo nga, eh! Naniniwala na ata ako sa love at first sight!"

"Love at first sight?"

"Oo, girl! Bugso ng kalandian at first sight!"

Napangiwi ako sa narinig kong usapan ng dalawang babae sa likod ko. Girls will always be girls. Makakita lang ng gwapo, love at first sight na?

Iniwas ko ang tingin sa stage. I hate this kind of scene. I hate crowded and full of shout places. I hate everything but of course, except me.

But... how can a person be so handsome by just wearing a short? Fashion style ba yan sa mundong 'to?

I made a grimace when Guinevere held my face at pinaharap 'yon sa stage, napansin yata niya na hindi ako nanonood.

"What the hell?!" I complained.

Finally, nakapag reklamo na rin ako. Kanina pa ako walang magawa kundi umirap sa ginagawa ni Guinevere.

"Ih!" Pumadyak pa si Guinevere na parang bata na ayaw bilihan ng candy ng kaniyang mga magulang. "Tingnan mo naman si Vale!"

"Wala akong pake."

Umirap na lang si Guinevere at binitawan ang pisngi niya.

Napatingin naman ako dun sa tinatawag nilang Vale. He will perform, I don't know what it is. Pero yun ang sabi nung nagsasalita na may hawak ng pampalakas ng boses. Well, magsisinungaling ako kung sasabihin ko na hindi siya gwapo. Hindi naman siya titilian kung wala siyang itsura. He's attractive enough to make those girls shout and cheer for him. Except me.

Wala namang ibang bagay na magugustuhan ko kundi ang sarili ko lang din. I am dissimilar to those girls na makakita lang ng gwapo, yun na agad. Boom. Bugso ng kalandian at first sight na agad. May pa slow motion effect pa nga. Tapos mapapasabi pa na "Ikaw na ata ang icing sa ibabaw ng cupcake ko." But no. No way. Kadiri lang.

I am uninterested when it comes to boys.

The program ended, and Guinevere is still holding my hand tightly while grabbing it palabas ng venue.

"Hindi ka man lang ba mag rereact sa mga nangyari?" Guinevere asked while looking at me.

"No."

Ano bang dapat ireact? Wow amazing wonderful. Ganon?

"Hindi no man lang ba tatanungin yung pangalan ni Vale?"

Wait... what?

Bakit pa kailangan tanungin kung nasabi na niya?

Anong klaseng kabobohan ito?

"No," sabi ko.

"Ano ba yan!" Napamasahe si Guinevere sa sintido niya. "Napaka emotionless mo naman."

"Sino ka ba? Bakit ka ganyan?" Lumuwag ang pagkakahawak ni Guinevere sa kamay ko kaya ginawa ko itong pagkakataon para tanggalin ang pagkakahawak dito ni Guinevere. "Bakit mo ba ako kinukulit? We're not even close for you to act like this." Sinabi ko na lahat ng gusto ko tanungin kanina.

I am a quiet type of person. Kahit sobrang dami ko nang reklamo sa buhay, wala silang maririnig na reklamo galing sa bibig ko unless sobrang napuno na ako. Pag nainis ako, lahat ng nasa loob ko, ilalabas ko without noticing it.

Isang malakas lang na tawa ang binigay sa akin ni Guinevere.

Ano bang problema niya?

"Easy ka lang," sabi niya habang naka taas ang kamay, sign for surrender. "Kinukulit kita kasi gusto ko. Hindi tayo close kaya let's be friends!"

No. No way. Kakasabi ko lang kanina na iiwasan ko 'to.

"Ayoko."

"Anong ayoko?"

Pangalawa na yan, ha. Pati ba naman ayoko hindi niya alam meaning. Nag aaral ba 'tong isang 'to?

"You don't even know me."

"Ikaw si Lunox," she said. "Ang babaeng magulo ang personality. Isang masungit at suplada na babae. Hindi friendly at hilig ako itaboy, sobrang sungit yung tipong huminga lang ako, aawayin mo na agad ako. Hindi ba?"

Napa irap na lang ako sa sinabi nitong hindi naman masyado totoo.

"Anyway, kahit anong gawin mo at sabihin, kaibigan mo na ako." Pumalakpak siya ng parang bata.

End of Flashback

After that, palagi na siya nakasunod sa akin. Sabay umuwi, kumain, lahat. I know this will be hard for me kapag bumalik ako sa mundo ko at mapalayo sa kaniya but I won't regret anything. Hindi ako nagsisi na nakilala ko si Guinevere. Napalapit na ako sa kaniya and I am very thankful na dahil sa pag hila niya sa akin sa program na yun, naging magkaibigan kami.

avataravatar