1 Ang SIMULA

May narinig akung sumigaw kaya dali-dali akung tumayo at tinakbuhan kung saan nanggagaling ang sigaw na'yon.

Laking gulat ko nong nakita ko si Sandra na nakabulagta at duguan sa harap ng room namin.

CHAPTER I: Ang SIMULA 

Nag-pretend ako sa harap ni Ale nong tinanong niya ako na kung okay lang ako. I don't want her to be involve on my problem kaso lang 'di ko lang maintindihan kung bakit pinipilit niya na malaman kung anu ang problema ko, e sa alam kong hindi 'yon makakabuti sa kanya, nginitian ko siya at hinalikan sa noo at umalis. Doon naramdaman ko na alam niya na ayaw kung pag usapan ang bagay na iyon.

"Kuya!" Malungkot na pagkabigkas niya ng pangalan ko, "Sabihin mo naman sa'kin kung ano ang problema para naman hindi ako magmukhang tanga sa kakaisip ng problema mo," pagpapatuloy niya habang tumutulo ang luha nito.

"Ale, 'wag mo nang pilitin na alamin ang bagay na ito." tugon ko.

"Bakit?"

"Alam kong maiintidihan mo rin ako, hindi pa oras para sabihin 'to sa'yo, ayaw kong masaktan ka, at lalong-lalo na ayaw kong mawala ka sa'kin." Bulong ko sa sarili ko habang papalayo sa kaniya.

Hindi ako sumagot at minabuting umalis nalang para matapos na ang usapan, subalit rinig ko parin siyang sumisigaw ng mga katanungan tungkol sa problema ko.

Nasa k'warto na ako nang hindi ko namamalayan. Ilang oras din ako nag- isip sa bagay na iyon, 'di ko alam kung ano ang gagawin ko, basta't alam ko na kailangan kong sulosyonan iyon, kailangan kong kumilos at linisin ang kung ano ang nadungisan sa'kin. Hindi pa ito alam ni Ale at sana hindi niya ito malaman hanggang sa matapos ang gusot.

Kinaumagahan.

Nagising ako sa malakas na sigaw at katok.

"Kuyaa! kuyaaa! May mga pulis dito!" Sigaw ni Ale.

Nagulat ako sa sigaw ni Ale. Pulis? Bakit may pulis?

Dali-dali akung tumayo at tumakbo palabas ng room ko at pag-bukas ko..

SURPRISE! HAPPY BIRTDAY KUYA!

Nagulat ako at napaisip birthday ko pala ngayon. Nakalimutan ko na naman sa sobrang abala sa bahay at sa trabaho.

Ngunit hindi ko iyon pinahalata sa kapatid ko at nag kunwari nalang.

It was my 21st birth day simula nong namatay si mama at papa sa aksidente, ako na ang nagpaaral at nagtaguyod sa nakakabata kong kapatid at ito siguro ang dahilan kung bakit nakakalimutan ko ang araw kung kailan ako ipinanganak, pero alam kong hindi iyon ang tunay na dahilan. Subalit ipinagsawalang bahala ko nalang iyon datapwa't sinamahan ko si Ale na kainin nalang ang mga niluto niya para akin.

Makalipas ang ilang oras nagbihis na si Ale para pumasok ng school kasabay no'n ay niligpit ko ang pinagkainan namin.

"Kuya aalis na po ako. Mag iingat ka po. Mahal na mahal po kita at nagpapasalamat ako sa panginoon na ikaw ang naging kuya ko." 

"Ang arte mo, sige umalis ka na."

"Kuya 'di ba naalala mo pa ang sinabi ni mama sa'yo?" Tanong niya.

"Oo naman bakit!?" Tugon ko.

"Alam mo kuya, proud ako sa inyo kasi inalagaan niyo ako sa paraan na alam niyo, kuya maraming salamat sa pagtutupad ng pangako mo, lagi mong tatandaan mahal na mahal po kita, kuya."

"Haist! Tumigil ka nga, para kang timang sa mga sinasabi mo. Oh sige na umalis ka na baka malate ka pa."

"Okay po kuya, babye oppa! "

Nang naramdaman ko na wala na siya, do'n na tumulo ang luha ko sa mga sinabi niya, 'di ko man masabi sa kanya ng harap-harapan. Alam niya kung gaano ko siya kamahal.

FLASHBACK

August 21, 2012. Umalis kami nina mama, papa at Ale para i-celibrate ang kaarawan ko sa Aquarium City. That was my first time para pumunta do'n at masaya ako dahil kasama ko sila.

Nagtatravel na kami noon papuntang Aquarium ng biglang may truck na bumangga sa kotse namin. 

"Anak! Anak gising!" Familiar ang boses na 'yon sakin at tama nga ako, si mama, ginigising ako sa kawalan ng malay, pagmulat ng mga mata ko nakita ko si papa na nag aagaw buhay habang humihingi ng tulong. Nakita ko rin si Ale duguan at walang malay.

"Zack, kahit ano'ng mangyari 'wag mong pababayaan ang kapatid mo, maliwanag ba?" Habilin ni mama.

"Maliwanag ba!?"

"Op-po m-ma!" Utal na sagot ko. Do'n naramdaman ko nalang ang pagbagsak ng luha ko sa mga paa ko. 'Di ko alam ang gagawin ko.

Napabuntong hininga ako nong nakita ko na bumaba ang driver ng truck sa sasakyan niya, lumapit siya sa amin at waring naghahanap kung may buhay pa. Bumalik siya sa truck at kumuha ng tubo.

"Hayst! Mala-pusa ang buhay nito, bakit buhay ka pa!?" Saad ng driver.

Nagulat ako sa pagkakabigkas niya ng gano'n, natakot ako at nabahala subalit inisip ko nalang na magiging ayos ang lahat. Nang biglang binasag niya ang salamin ng sasakyan at pinaghahampas ang tubo na hawak niya sa mama at papa ko.

Bumilis ang tibok ng puso ko, si mama at papa pinatay niya!? Sumigaw ako ng tulong at nagbabasakaling may makarinig sa akin. Pero alam kong wala subalit nag-patuloy parin ako. Nakita kong nagulat siya sa narinig niya, tiningnan niya ako sa mata.

"Bakit!? Bakit may bata? Hayst! Ayos na sana kung 'di lang sa inyo. Wala sana akong balak na pumatay ng bata pero ayaw kung may matirang ebidensya."

Alam kung papatayin nya rin kami, ngunit nagulat ako nong 'di niya tinuloy ito bagkos tumakbo siya at waring may hinahabol. 

END OF FLASHBACK

Chapter 2: HAILE'S POV.

August 21,2012

"Maaa!payagan niyo na ako, para naman sa kinabukasan ko 'yon!." pagpupumilit ko sa kanya na pag aralin ako sa elite school.

Pakk*"tumigil ka nga, ang mahal-mahal ng tuition do'n,Oo para sa kinabukasan mo 'yon pero papatayin mo naman ako sa kakahanap ng pera para sa tuition mo!.Haist!.mag isip ka nga!".

"Mama naman eh! naiintihan ko naman 'yon pero 'wag mo na akung batukan!" saad ko habang kinakamot ang ulo ko sa sakit ng pagkakabatok niya sakin.

"o

Oh sya-sya, bumili ka muna ng noodles do'n kay Aleng Nina at para makakain na tayo."

"okie!"asar na sagot ko.

Habang naglalakad,nakasalubong ko si Bet na mortal kung kaaway noon pa,kinaiinisan ko siya dahil palagi niya akung sinisiraan sa school namin.

Subalit nagpatuloy lang ako at nag kunwari na 'di siya nakita. Habang naglalakad ramdam ko na nakasunod siya sa'kin kaya kinuha ko ang cp sa bulsa ng short ko at nag kunwaring may ka chat.

Nang nasa bandang kanto na kami may narinig akung malakas na ingay, alam kung may nagkabanggaan na naman sa Crossroad kaya dali-dali akung naglakad papunta do'n. Nakailang hakbang na ako ng biglang may sumigaw ng tulong, alam kung boses ng bata iyon kaya tumakbo ako sa kung saan nanggagaling ang boses na iyon.

Nangmakarating na ako sa lugar kung saan ang aksidenti nagulat ako sa nakita ko, isang lalaki na akmang hahampasin ang bata sa loob ng kotse. Wala akung maisip na paraan kundi kuhaan iyon ng litrato at sumigaw ng 'wag. Pagtingin ko sa lalaki kita ko ang pag ka gulat sa mga mukha nito at nagulat din ako sa sumunod na nangyari.

"Takboo!"Sigaw ni Bet sa'kin na halatang natataranta din.

Tumakbo ako nong nakita kung hahabulin kami ng lalake, hindi ko alam kung saan kami pupunta basta't alam ko na kailangan naming makalayo at makapagtago.

"Anu bang iniisip mo at bakit sumigaw ka pa!"paninisi sakit ni Bet habang tumatakbo kami.

"Wala na akung maisip na ibang paraan, iyon lang ang alam kung paraan para mailigtas ang bata." hingal na sagot ko sa kanya.

"Ligtas? Neh hindi mo panga alam kung papatayin niya 'yon, tapos yon lng ang alam mong paraan? wala ka talaga utak!"

"Bet!" hinatak ko si Bet sa malaking puno sa lugar na iyon. Do'n kami nag tago at nagmasid sa lalaki pero laking gulat namin nong nag salita siya sa likuran.

"Hoy mga bata! Pinahiranpan niyo ako don ha, hindi ko naman to gustong gawin e kaso nakialam kayo kaya kailangan ko kayong dispatsahin pasensya na pero 'di ko lang gusto na mag iwan ng kung anu mang ebidensya." sabay taas ng tubong hawak niya na akmang ihahampas niya sa amin.Subalit natigilan iyon no'ng narinig namin ang Sirena ng mga rescuer.

"hayst! Lintik na araw to! Ma swerte kayo mga bata, wala na akung oras para sa inyo, pero itong tatandaan n'yo! Pag may nakaalam nito papatayin ko kayo at pati ang mga pamilya n'yo!"Pagbabanta niya sa amin.

"Maliwanag ba!?"pagpapatuloy niya.

"Opp-ppo opppo!"takot na sagot namin ni Bet.

Kinagabihan.

Binalita sa TV ang aksidenting nangyari kanina, ipinalabas na aksidenti lang ito, subalit inilalaban ng bata na hindi aksidenti ang lahat ng iyon. Kaya nagpasya ang pulisya na imbestigahan ang tunay na nangyari.

Napaisip ako nong napanood ko iyon, hindi ko alam kung anung gagawin ko, nagdadalawang isip ako kung mag susumbong ako kung hindi.

Natatakot ako na baka papatayin n'ya ako at si mama hindi ko gusto na mangyarin iyon.

Kinaumagahan.

Pumunta ako sa TV station upang sabihin ang totoong nangyari,nag suot ako ng mask at sombrero para 'di makilala, pero sa oras na iyon pumapasok sa isip ko ang mga sinabi ng lalaki kaya hindi ko tinuloy ang pagpasok sa station sa halip umupo ako sa hagdan at nag isip.

Sa ilang minutong pag-iisip nakita ko si Bet na waring spy sa kabilang kanto, nakasuot siya ng jacket at nakatakip ang mukha gamit ang mask kaya tumayo ako at pinuntahan ito.

"Bet!" sabay hawak sa balikat nito.

"ahhhhh!" sigaw niya sa pagkagulat.

"oh!ikaw pala, anung ginagawa mo dito?magsusumbong karin ba?"takang tanong niya.

"Oo!" Ha? nagulat ako sa sinabi ko

"bakit ako nag Oo?"Bulong ko sa sarili ko.

"e-ikaw,susumbong ka rin ba?"

"Syempre! Kung susumbong ka,bukas ng umaga mga 9 am magkita tayo sa loob ng station, pero! Pero syempre hindi na ako aasa na darating ka pa, alam mo kung bakit? kasi duwag ka!" tiningnan n'ya ako mula ulo hanggang paa at umalis.

"haist!nakakainis! Demonyetang babae!haist!."gigil na sabi ko sa sarili ko.

"kung 'di kalang anak ng nanay mo matagal na kitang sinakal! haist! Demonyetang walang modo! Tingnan lang natin bukas kung sino ang di pupunta!" bulong ko sa sarili ko.

Pagkatapos namin magkita ni Bet ay nagdesisyon na akung umuwi para do'n nalang pag isipan ang sasabihin ko bukas sa media. Alam kung maghahanda 'yon kaya sisiguraduhin kung tama ang lahat ng sasabihin ko para di mapahiya sa kanya at matigil na ang pangbubulabog n'ya sa buhay ko.

Sumakay ako sa traysikel pauwi sa bahay subalit hindi ako nagpahatid sa harap mismo ng bahay namin sa halip bumaba ako sa may kanto at nag disesyon na maglakad para hindi mahalata ni mama na malayo ang pinanggalingan ko. Habang naglalakad kinuha ko ang mask na suok ko at nilagay ito sa bulsa ng short ko at pagkatapos kinuha ko ang earphone at cp ko sa bag ko at nagpatugtog ng paborito kung kanta.

Hindi pa man ako nakarating sa bahay ay may naramdaman akung kakaiba.

Tinanaw ko ito subalit wala akung nakita kaya nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Nakailang hakbang na ako ng may narinig akung yapak ng tao. Alam kung tao 'yon kaya tinanaw ko ulit ito subalit wala parin akung nakita. Bumilis ang tibok ng puso ko at dinig tibok nito. Marami ang sumasagi sa utak ko

(paano kung may tao nga tapos siya 'yong lalaki na humabol sa'min ni Bet. Pa'no kung rapist tapos dalhin niya ako sa masukal na lugar at do'n pagsamtalahan at patayin! My gosh ayaw kung mamatay lalaong-lalo na sa ganoon paraan!)

Kaya binilisan ko ang paglalakad hanggang sa makaabot ako sa gate ng bahay namin. Tiningnan ko uli kung may nakasunod sa'kin subalit wala parin akung nakita nang ano-ano'y paglingon ko'y may nabangga akung tao.

"Whaaaaa! layuan mo ako 'wag po! Maawa po kayo, bata pa po ako ayaw ko pang mamatay! Mamaa! Mama tulong!"pikit na sigaw ko habang nagmamakawa sa tao.

Paaak* "hoy bata ka, anung maawa po kayo? Bata pa po ako, ayaw ko pang mamatay? Bakit aanhin ba kita? Ano ako mamamatay tao? Haist! Tumigil kadyan sa kadadrama mo at baka masakal kita!" takang tanong nang mama ko.

"Ha!? Si Mama!? Haist! Nakakahiya naman 'to putiks apakamalas ko ngayon ha."bulong ko sa sarili habang pikit ang mata ko. Pagmulat ko nangmata ay nakita ko si Mama at napatawa nalang ako. "hahaha! Ma ikaw lang pala akala ko kung sino na" pabirong sabi ko habang kamot-kamot ang ulo ko.

"Ano bang ginagawa mo d'yan at ganon nalang reaksyon mo? Baliw ka ba!? Pakkkk!" takang tanong nya sabay batok sa'kin.

"aray naman Ma! Sabi ng wag ako batukan e. Wala! hindi ako baliw!Nagpapraktis lang ako, mag o-audition kasi ako bilang artista sa PBB." pagsisinungaling ko para maiba ang kwento.

"artista? Bakit maganda ka ba? alam mo 'wag kang assuming nak! Haist! Oh sya-sya pumasok kana at mag saing do'n punta lang akung tindahan para bumili ng uulamin natin."

"okie!" asar na sagot ko.

"ay ma! Wait lang,sama ako sayo." pagpipigil ko.

"At bakit naman!? D'yan kanalang para makalinis ka ng bahay at makapag saing kana."

Pagpipilgil ni mama sa akin.

"Pero..."

dipaman ako nakatapos ng pagsasalita ay pinutol na niya ito at umalis.

Pumasok nalang ako ng bahay at isinarado ang gate subalit sumasagi parin sa utak ko ang nangyari kanina sa daan.

Wala namang nangyari kaya ipanagsawalang bahala ko nalang iyon at inisip na imahinasyon ko lang.

Kinabukasan.

Lunes-August 23, 2013(two days after the accident of Zack's Family)

Nagising ako na sumasakit ang ulo ko. Sanhi ng gabi na ako nakatulog sa kakaisip ng sasabihin ko mamaya sa harap ng Media.

Hindi alam ni mama na may alam ako sa aksidenting nangyari do'n sa may cross road nong isang araw dahil ayaw kung mag aalala siya sa'kin, kaya minabuti kung itago nalang ito sa kanya at dahil alam ko din na pipigilan niya akung ilathala ang katutuhanan tungkol sa aksidenti kung sasabihin ko ito sa kanya.

Umalis ako ng bahay na buo ang loob ko na sabihin ang totoong nangyari. May kaba man subalit iyon ang tangin paraan para matapos na ang imbestigasyon sa aksidenti.

ilang minuto ang nakalipas.

Nakatayo ako sa harap ng TV station,tinanaw ko ito hanggang sa itaas ng gusali.

Hindi ko alam kung nasaloob na si Bet pero kapag siya kasi ang nagsabi tutuparin niya ito kaya nagdesisyon na akung pumasok.

Habang nilalakbay ko ang Hall way papasok ng gusali sumagi uli sa utak ko ang mga sinabi ng lalaki. "pag may naka alam nito? Papatayin ko kayo at pati ang pamilya niyo!" at don nakaramdam ulit ako ng takot at kaba subalit nagpatuloy lang ako at nag isip ng sasabihin.

avataravatar