webnovel

Chapter 21: The Real Zoid

 

Zai's POV

 

HaRaaayyy..

HangSakeet ng ulo ko!

Parang minamartilyo.

Asan na ba ko?

o__O

O___o

O____O

HUWAAAAAT??

WALA AKO SA KWARTO KO????

I looked around. Parang familiar sa'kin 'to ah.. Sa'n nga ba 'to?

"Buti naman at nagising ka na."

 

"AYY SHOMBA!!"

 

"Shomba?" nagtataka nyang tanong.

Infairness ah, ang cool nyang tignan ng nakatayo at naka-lean sa door ng room. Naka-cross arms pa. Naka-PJs lang sya tapos white na Sando, then naka-bedroom slippers pa.

So Kyuuuut *o*

Umupo ako sa kama. "Teka.... ba't ako nandito? Diba... Argh.... my head!" Napahawak ako sa ulo ko. Kumikirot.

"Wala ka bang matandaan kagabi?"

 

"Kagabi? Nung nasa restau bar tayo?"

 

He nodded. Ang hot pala tignan kapag naka-cross arms tapos tumatango na seryoso yung mukha. Kyaaa! Ewan ko lang kung ganun din sa ibang boys. Basta kay plaboy, BAGAY NA BAGAY ang ganung gestures <3

Teka, Bakit may  <3 ?

Naaa. Forget about it.

"Ahmm, Ang naalala ko lang kagabi ay.. yung lagi kong inaagaw yung alak mo tapos ako yung umiinom. Tapos...."

 

Nyaaayy. Napatigil ako ng maalala ko yung pinasayaw ko si Zoid sa mini stage ng restau bar. Kahit lasing ako nun, naaalala ko pa.

Patay! Baka kung ano na namang punishment ang ipagawa sa'kin ng playboy na 'to. NOOOO~

"Tapos?" Tanong nya ng nakataas ang isang kilay. Hindi pa rin inaalis yung pagkaka-cross nya ng  arms nya over his chest. Kahit ganyan ang pose nya, pwede ng cover sa magazine. Ang hot.

Enebeyen! Kanina kyut, ngayon naman, HOT!

Kasalanan mo 'to, Playboy! Ina-attract mo ko eh!

"O-oo! Yun lang ang naaalala ko."

 

I crossed my two fingers. I lied. Kunyari di ko naaalala yung pinasayaw ko sya sa stage. Hindi pa naman yan dancer.

Naglakad sya papalapit sa'kin. Nung nakalapit na sya sa'kin, tinukod nya yung palad nya sa may bed sa gilid ng legs ko, tapos inilapit sa'kin yung mukha nya. "Talaga? Wala ka na bang ibang matandaan?" He asked ng naka-smirk.

Sobrang lapit ng mukha nya sa'kin. Napatingin ako sa lips.

Reddish

Kissable

NOOO~

Napalunok ako. "O-oo nga! W-wala na kong matandaan! Yun lang t-talaga." sabi ko ng di maalis ang tingin sa lips nya.

Inaakit ako ng lips nya. Rawr!

"Oh, really? Did you also forgot what happened between us last night?" He asked then  he licked his lower lip.

Gulp.

So sexy.

Teka....

Ngayon lang nagsink-in sa utak ko yung sinabi nya na 'did you also forgot what happened between us last night'.

O___O

OMO! WAAAA~

My precious treasure!!

NOOO~

 

Alam ko lahat ng nangyari kagabi. Kahit lasing ako, alam ko na pinasayaw ko sya sa stage sa harap ng maraming tao. Akala ko ayun yung tinutukoy nya na may iba pa akong ginawa bukod sa pag-agaw ko ng alak sakanya. Yun pala hindi, ang tinutukoy nya ay yung .... NO...

Nagbibiro lang sya, kasi nga diba, alam ko ang mga nangyayari kagabi kahit lasing ako, except nung biglang akong nakatulog.

O___O

Di kaya, pinagsamantalahan nya ako nung nakatulog na ako?

WUAAAA~  

Tinulak ko sya ng malakas. Nahulog pa nga sya sa kama eh. Haha. Buti nga sakanya. "A-ano bang pinagsasasabi mo?"

"Ang alin? Yung kagabi? Bakit? Wala ka na ba talagang maalala? Enjoy na enjoy ka nga eh."

 

"A-anong enjoy? Ang huli kong naaalala, nasa restau bar pa tayo. Di ko nga alam kung pa'no ako nakapunta dito eh. Waaaa~ Minolestya mo ko! Hindi na ako.... *sniff* hindi na ako..."

TT____TT

WUAAA.. HUHUHU....

Bigla naman akong nakaramdam ng hampas ng unan. Ang lakas nun, ha!

"HA HA HA HA HA HA HA HA."

 

"Ano na namang nakakatawa? Minolestya mo na nga ako eh! Huhu. TT___TT"

 

"Nakakatawa yung itsura mo! Ha ha ha ha ha."

 

"Sige lang. Tumawa ka lang ng tumawa, hanggang sa mamatay ka. Kung makatawa ka, parang wala kang asthma ah? Kapag ikaw namatay, walang kikilalaning daddy ang bunga ng pangmomolestya mo sa'kn. Litsi ka!!"

 

"HA HA HA HA HA HA . Ayoko na ngang tumawa. Baka nga mamatay pa 'ko. Haha."

 

Tumayo sya tapos lumapit ulit sa'kin. "Naniwala ka naman na may nangyari sa'tin kagabi? Haha."

 

"Ibig mong sabihin... hindi totoo yung mga sinabi mo kanina?"

 

YESSS!! Nasa sa'kin pa rin ang aking precious treasure <3

"Oo naman. Asa ka naman! Don't worry, di ko magagawa yun sa'yo. I respect you so much. Kahit makita pa kitang fully-naked, di ko talaga gagawin sa'yo yun. Unless, uutusan mo ko. Hahahaha."

 

Nakahinga ako ng malalim. Atsaka, wala naman akong nararamdaman na masakit except sa ulo ko.

Pinagti-tripan lang talaga ako ng mokong na 'to =___=

 

"Baliw ka talaga! Lagi mo nalang ako ginu-good time!" sabi ko sabay sapok sa braso nya.

"Nakakatawa kasi yung reaction mo eh. Lalo akong nai-inlove."

 

>//////<

"Ewan ko sa'yo! Teka, anong oras na ba?"

 

"Ayun oh." Tinuro nya sa'kin yung wall clock.

O____O

"10:30 NA? HALA~ MAY PASOK PA TAYO!!"

 

"Calm down. Di pa naman tapos ang foundation week. Pwede tayong umabsent ngayon. May pupuntahan tayo."

 

"LAGOT AKO KAY MOM---"

 

"Don't worry, tinawagan ko kanina yung mommy mo. Nagpaalam ako. Sabi ko, kasama mo naman dito si Yat."

 

"Paan---"

 

"At kung inaalala mo si Yat, kinausap ko na rin sya.  Sya na bahalang gumawa ng excuse sa mom mo. Ayoko sanang magsinungaling sa mommy mo, kaso ang pangit naman pakinggan kung tayong dalawa lang dito sa unit ko. To think na lasing ka pa. Mamaya... ako molestyahin mo eh. Hahahah."

 

"Tumigil ka na nga!"

 

Infairnes, na-touch ako sa ginawa  nya ^o^

"Sa'n ka natulog kagabi?" I asked.

"Dyan sa couch."

 

"Buti nakatulog ka ng maayos dyan."

 

"Di nga ako nakatulog ng maayos eh. Di ako maka-kilos."

 

"Eh dapat kasi, dito ka na sa kama, katabi ko. Diba, sabi mo naman na di mo magagawa sa'kin yun?"

 

"Oo nga. Pero syempre, lalaki pa rin ako. Nate-tempt ako. Baka kapag tumabi pa ako sa'yo..."

 

"Okay. Enough na. Kumain na tayo. Nagugutom na ko eh."

Pinutol ko na yung usapan namin. Baka kung sa'n pa mapunta eh. Haha (^___^)

 

Ang dami naming pinagk-kwentuhan habang kumakain kami. Nandyan yung sinukahan ko daw sya kagabi. Haha. Buti nga sakanya.

Sobrang dependent nya. Kasi, sya halos ang gumagawa dito sa unit nya. Kahit ang yaman nila, ayaw nyang kumuha ng house helper o personal chef. Sariling gawa lang talaga sya.

Sobrang nag-enjoy ang breakfast and lunch ko at the same  time. Hindi lang dahil sa masarap ang luto nya. Kundi ang sarap nyang kausap. Parang saglit na nawala yung galit ko sa playboy na 'to.

Nung natapos na kaming kumain, pinainom  nya ako ng gamot pampawala ng hang-over.

Bago kami pumunta dun sa 'pupuntahan' daw namin, dumaan muna kami sa bahay. Magpapalit ako ng damit. Buti na nga lang at andun yung ninang ko. Nagtsi-chismisan sila ni mommy, kaya hindi na sya nakapagtanong pa sa'kin. Buti naman :DD

Philos Orphanage

 

Sa orphanage lang pala kami  pupunta. Akala ko naman kung saan.

-___-

I hate kids. They're so annoying yet irritating.

"Ate, diba gelpren ka ni Kuya Zoid?" tanong sa'kin ng batang mukhang 6yrs old.

 

"Yep. Why?"

 

"Eh bakit andyan ka? Diba kapag magsyota, lagi kayong magkasama?"

 

Magsyota talaga?

Nandito lang kasi ako sa isang tabi, habang si Zoid masayang nakikipaglaro sa mga bata.

Di ako nakasagot sa tanong nung bata.

"Ate, sali na kayo sa game namin."

 

"Hehe. No thanks."

 

"Sige na kasi~~"

 

"I said NO!"

 

"UWAAAAA~"

 

O____O

Ang oa naman nitong batang 'to! 6yrs. old na, naiyak pa. To think na lalaki pa sya, ha?

Napatingin naman sa'kin lahat ng bata, pati si Playboy.

He gave me a 'what did you do?' look.

Well, I just rolled my eyes.

Wala naman akong ginagawa diba?

"WUUUUAAA~"

 

"Haist. Fine! Sasali na ko. Iyakin kang bata! Bakla ka ba?"

And with that, lumapit na 'ko kila playboy.

"Ang init ng ulo mo! Meron ka ba?" -playboy.

Hinampas ko nga sya sa braso.

"Ayiiie... LQ." Sabi ng mga bata.

Paluin ko kayo dyan eh! Joke.

"Ate, bakit ang sungit mo?"

 

"Di ako masungit. =___="

 

"Weh masungit ka eh."

 

"DI NGA! KULIT MO!"

 

"Children, wanna play?" -Playboy. Pwede na syang maging clown sa mga children's party. Haha.

"OPO, KUYA ZOID!!" They answered in chorus.

"Okay. Laro tayo ng hide and seek. Sinong taya?"

 

"Si ate. Masungit naman sya eh." sabi nung babaeng naka-piggy tail.

Okay. Ako na masungit >.<

"Taya ka daw." -playboy

"Bakit ako?" -ako

"Sige na. Pagbigyan mo na yung mga bata. Parang di ka dumaan sa stage na pagiging bata ah?"

 

"Psh. Oo na. Game."

 

Humarap ako sa wall ng nakapikit.

"Walang lalabas, okay? Dito-dito lang pwedeng magtago. Kung sino ang lumabas, sya taya."

 

"Opo kuya."

 

"Okay. Hide!"

 

Nakarinig ako ng mga kalabog.

Mga bata talaga.

"Eight."

 

"Nine."

 

"Ten."

 

"Game."

 

I opened my eyes the looked around.

I chuckled. Nakakatawa kasi magtago yung mga bata eh. Yung kaninang naka-pony na piggy tail, nagtatago sa ilalim ng round table na puno ng mga coloring books at crayons. Nagtago pa sya eh kitang-kita naman yung paa nya.

Pero dahil girl sya, hindi muna sya ang uunahin ko. Boys muna. Haha.

Naglibot-libot pa ako. I giggled nung nakita ko yung 6yrs old na batang lalaking iyakin. Nasa corner sya, tapos nagsuot ng malaking pantalon. Tapos ginawa nyang takip sa half body nya yung malaking jacket.

Kung engot ka, parang damit na nakakalat lang sya. Haha.

"Taya!" sabi ko sabay tapik sakanya.

Sinunod ko yung babaeng naka-piggy tail, tapos yung iba na sama-samang nagtatago sa gilid ng pinto. Actually, magaling silang magtago. Di ko nga sila nakita, kaso narinig ko silang nagtatalo. Kaya ayun, nahuli ko kung nasaan sila nagtatago.

"Ate, si kuya nalang." sabi nung bata na naka-braid.

"Oo nga eh. Nasan na kaya yun?" hingal na hingal kong sabi. Lahat na ng bata, nahuli ko na. Sya nalang ang hindi ko pa natataya.

Sa'n naman kaya lumusot yung lalaking yun?

*BLAAAAG*

 

Araayy naman.

Bigla ba naman may bumagsak. At alam nyo kung ano yun? Este sino yun? Si PLAYBOY!

Nadaganan ba naman ako matapos tumalon mula sa hindi ko alam kung saan.  XDD.

Tumayo sya agad sabay lapit sa wall at sinabing, "Base." Nagsunuran naman ang mga bata.

Inuna pa talaga yun, kesa sa tulungan ako. Grr.

"Taya ka ulit." sabi nya ng papalapit sa'kin, tapos tinulungan akong makatayo.

"Teka lang.... hinihingal na 'ko... mamaya naman."

 

"Oo nga. Pagod na rin me eh." -girl

Umupo muna kami sa couch. Yung mga bata naman, tuloy pa rin sa paglalaro. Parang walang kapaguran.

"Napagod ka?" tanong nya sa'kin.

"Obvious ba?"

 

"Ha Ha. Oo nga. Obvious na obvious. Ang init ng ulo mo eh."

 

"Ikaw? Di ka ba napagod?"

 

"Hindi. Nagtago lang naman ako eh."

 

"Buti naman."

 

"Atsaka, di ako magpapagod. Ayokong mag-alala sa'kin yung MaGirl ko. Pa-kiss nga."

 

Lumapit sya sa'kin at akmang hahalikan ako, pero pinigilan ko sya.

"Manahimik ka nga! Ang daming bata oh." Tinuro ko pa yung mga batang nagtatakbuhan.

Tapos yung iba naman, naglalaro ng luto-lutuan.

"Children."

Tinawag nya yung mga bata. Ano na naman kayang pinaplano nito?^^

"Cover your eyes." utos nya sa mga bata.

Mga uto-uto naman at sumunod sa playboy na 'to. They covered their eyes using their hands.

Obvious naman na may gap. =___= Naku naman.

"Don't try this at your young age, okay?" -playboy.

Nag-nod naman yung mga bata habang may nakatakip pa rin ang mga mata na may GAP!

"Ano ba'ng pinagsasasabi mo sa mga bat--- *tsup*"

 

"Hehe (^__^) May takip naman mga mata nila eh."

 

Tumingin ako sa mga bata. Mga wala na silang takip sa mata.

"Ate... wala po kaming nakita, pwamis!"

 

"Opo, ate! Di po namin nakita!"

 

"Di po namin nakita na nag-kiss kayo... OOOPSS" Bigla nyang natakpan yung bibig nya sa kadaldalan nya.

I glared at the guy right next to me, si Playboy.

(^__^)V <-- gumanyan pa sya.

Di bagay -.-

"Pizza delivery."

 

"PIZZA!!!"

At nagtakbuhan sila papunta sa pinto.

Kung itatanong nyo kung nasaan yung mga bantay ng mga bata dito sa orphanage, simple lang ang sagot.

Pinaalis lang naman muna ni Zoid. KAMI na daw muna bahalang magbantay. Tsk >>.<<

Inabutan ako ni Playboy ng pizza sa isang plate. Syempre, nag-thank you ako sakanya.

"Ang hilig mo pala sa mga bata." -ako

He just smiled.

"Kuya pogi. Dinrowing ko po kayo ni ate ganda oh." -sabi nung batang babae na naka-braid.

Kinuha naman ni Playboy yung bond paper na may drawing daw.

"Kuya pogi daw eno? Haha." natatawa kong sabi, pero napatigil ako nung napansin kong seryoso syang nakatingin sa drawing.

"Ba't ganyan yung mukha mo? Patingin nga nyan." Inagaw ko sakanya yung bond paper.

Base sa drawing nung bata, may isang lalaki (gayang-gaya talaga yung hairstyle ni Playboy. Magaling mag-drawing. May Future ^__^) na may katabing babae. (Obvious na ako yun kasi mahaba yung buhok.) Tapos ang daming bata sa tabi namin na naka-drawing. May background pa na bahay. In short, family picture ang dinrowing nung bata.

"Ang cute naman." sabi ko.

"Alam mo, ang swerte ng mga batang yan." He said out of the blue.

"Bakit naman? Eh, wala naman silang magulang."

 

"Kahit na. Swerte pa rin sila. ...

 

Kasi makakasama pa nila yung mga mahal at mamahalin nila ng matagal."

 

Huh?

Parang ang lalim naman nun.

Minsan ang weird nitong lalaking 'to eh. Bigla-bigla nalang magsasalita ng mga ganyangbagay. Parang sobrang mature na nyang mag-isip kapag sobrang seryoso. Ganun ba talaga ang epekto ng mga babae nya?

Pero isa lang ang masasabi ko sainyo ngayon. Sa dalas naming magkasama, unti-unti kong nakikilala si Playboy, the REAL ZOID.

Parang nawala bigla yung image nya na 'playboy' nang makita ko syang masaya kanina nung nakikipaglaro sya sa mga bata.

Sige na nga, di ko na sya tatawaging playboy sa isip ko.

Zoid na.

Or much better, MaBoy or Louie Ko.

What do you think, readers? :))

 

Next chapter