webnovel

I LOVE YOU SEATMATE (Tagalog)

She is a good girl, who lives to impress and not to express. She is Miss no-lates-and-absences, 'yong tipong aakalain mong sipsip sa guro pero sadyang matalino lang talaga. Sinusunod niya ang lahat ng gusto ng Mama niya just to live up with her expectations, and all her life, she simply just want something: ang ma-maintain ang inaalagaang pagiging Rank 1 ---- at siyempre, ang mapansin ng kaisa-isa at kauna-unahang love of her life---- ang gwapo, mabait, at inosente niyang seatmate na si Jayvee Gamboa.

Ayradel · General
Not enough ratings
133 Chs

Mira

Katulad ng plinano ni Mama ay kasama namin sina Tita Vivian at Jayvee nang sumapit ang October 31 ng gabi. Walang dinadalaw sa sementeryo sina Tita Vivian, kaya naman sinamahan na lang nila kami sa puntod ng lola ko na si Lola Mira.

Nanatili lang akong nakadikit kay Papa dahil siya lang ang mas feel kong kasama. Pakiramdam ko kasi, si Mama ay nasa side na ni Tita Vivian, na kahit magalit ako, siya ang kakampihan nito.

Pinagmasdan ko kung paano nagtirik ng kandila si Mama sa puntod na kinahihimlayan ni Lola. Bakas sa mukha ni Mama ang lungkot, ang pangungulila. Dinaluhan siya ni Papa pati na rin ni Tita Vivian, at naiwan kami ni Jayvee sa likuran nila.

Saglit kaming nagkatinginan dahil ako ang unang umiwas ng tingin. Hindi ko rin alam kung maibabalik pa ba ang pagkakaibigan naming dalawa ni Jayvee.

"Shh, okay lang 'yan, Myr."

Nadako ang paningin ko kay Mama na ngayon ay umiiyak na pala. Bahagya itong napatawa, at nagpunas ng luha sa pisngi.

"Pasensya na, nadala lang." aniya saka napatingin sa akin. "Halika rito, Ayra, anak!"

Nagitla naman ako kaya katulad ng sinabi niya ay lumapit ako. Bahagya niya akong inakbayan, pagkatapos ay saka nagpakawala ng buntong hininga.

"Sayang at hindi mo man lang naabutan ang Lola Mira mo. Ang lola mong napakabait... walang inisip kung hindi ang kabutihan ng iba."

Marahan kong tinapik ang likod ni Mama dahil parang nagbabadya na naman ang luha niya. Nakitapik rin si Tita Vivian, at bakas na bakas sa mukha niya ang pagaalala.

"S-sorry, M-Myra..." ani ni Tita Vivian, at kumunot ang noo ko nang makita kong umiiyak na rin siya. "Sorry, hindi iyon sadya—"

"Shh, ano ka ba, Viv!" ani ni Mama. "Wala kang kinalaman sa pagkawala ni Nanay. Hindi kita sinisisi!"

"T-talaga? Hindi ka na galit sa a-akin?"

"Bakit ako magagalit sa 'yo?" sagot ni Mama. "Hindi ikaw ang sinisisi ko kundi ang kapatid mo. Ang kapatid mong walang puso!"

Laglag ang panga ni Tita Vivian, kasabay ng pagkunot ng aking noo. Napalingon ako kay Jayvee at kay Papa, at mukhang ako lang naman ang naapektuhan sa narinig ko.

Sino naman ang kapatid ni Tita Vivian?

Nanatili akong tahimik at nakikinig.

"H-hanggang ngayon pala... g-galit ka pa rin k-k-kay—"

"Hindi ko siya mapapatawad." matigas na sagot ni Mama. "Pasensiya ka na Viv, pero kahit kailan ay hindi ko mapapatawad ang kapatid mo kahit na wala na siya ngayon."

BUONG GABI ay laman ng isip ko ang mga sinabi ni Mama. Hindi ko alam kung bakit naging interesado ako doon at gusto kong malaman ang lahat. Sino ang kapatid ni Tita Vivian na may kinalaman sa pagkamatay ni Lola Mira?

Kahit kailan ay hindi nakwento sa akin ni Mama kung bakit namatay si Lola. Ang buong akala ko naman ay dahil sa sakit dulot ng katandaan, pero mukhang may mas malalim pang dahilan.

Nakatulugan ko na lang mga gan'ong isipin.

Lumipas pa ang mga araw, at natapos ang sembreak... ibig sabihin ay balik eskwela na naman. Unang bumungad sa akin pagkababa ko ng sala ay si besty na handang-handa na sa pagpasok.

"GOOD MORNING BESTY!" aniya at tumakbo palapit sa akin upang ibeso ako. Ngumiti na lang ako ng tipid saka dumeretso sa kusina para humalik kina Mama at Papa.

"Tara na," sambit ko saka tamad na lumabas ng bahay.

"Problema mo bakit busangot na naman yang mukha mo?" tanong ni besty.

"Wala, siguro ang panget lang ng gising ko."

Bukod sa wala akong ganang pumasok, ay hindi pa rin nagpaparamdam sa akin si Richard, mga tatlong araw na. Naiinis ako kapag gan'on... hindi ko alam ang gagawin. Hindi ko alam kung tatadtarin ko ba siya ng chats and texts or maghintay na lang dahil baka mairita siya sa akin.

Ang hirap.

Bakit ba kung kailan naging kami, doon pa siya nawala sa Tirona High.

Nakarating kami ni besty sa Tirona High ng sapat lang na oras. Napatingin ako sa upuan ko kung saan ako nakaupo at kung saan nakaupo si Richard. pero iba na ang lahat dahil si Jayvee na muli ang nakaupo rito.

Walang gana kong ibinaba ang bag ko saka tahimik na umupo. Ramdam ko ang tingin ni Jayvee sa akin sa peripheral view ko, ngunit hindi na rin siya nagsalita at nagpatuloy na lang ulit sa pagbabasa katulad ng palagi niyang ginagawa.

Nagpanggap akong walang katabi at walang naririnig sa tuwing nagsasalita siya.

Wala pang masiyadong klase, puro subject introduction pa lang ang dinidiscuss ng mga guro. Lunch break nang mapagpasiyahan kong pumunta sa canteen mag-isa, since si Besty ay kasama ni Suho.

Mukhang nagkakamabutihan na yung dalawa kaya naman mas nauna na ako, bago pa ako mapansin ni besty, at bago pa niya mapagpasiyahang ako ang samahan sa Lunch.

Gusto ko  rin kasing mapag-isa.

Gusto kong magmuni-muni. Parang masiyadong magulo ang utak ko kahit wala naman akong iniisip. Nakakairita lang.

Nasa hallway na ako ng building namin, nang mapansin ko na naman si Mrs. Soriano na may bitbit na napakaraming papeles. Lumapit ako sa kanya upang tulungan siya.

"Oh, hija!" aniya. "Maraming samat at tinulungan mo na naman ako!"

Ngumiti ako at binitbit ang isang bundle ng papeles. Bibitbitin ko sana yung isa pa, nang may ibang kamay ang kumuha rito.

"Tulungan ko rin po kayo, Ma'am!"

Bahagya akong natigilan, habang nakatingin ako sa ngiti niya.

"Ay! Hijo! Salamat, salamat! O sige, dalhin niyo iyan sa 4th floor ng Imelda Building, 408."

"Okay po, Ma'am!" aniya.

"O siya! Dito muna ako sa itaas at may pakay akong isang teacher pa ha? Salamat ulit neneng at totoy!"

"Sige po Ma'am!" aniya pa ulit, at nang mawala sa paningin namin si Ma'am Soriano ay napadpad sa akin ang tingin niya.