56 Chapter 56

Pagkatapos ng engagement ng dalawa ay naging busy na ang lahat. Pinagpatuloy ang paggawa sa second branch ng Karozza. Napa-bless na din ang Ragazzo na clothing line ni Blaze. Muling naging cover ng magazine ni Dion sila Axel at Dani na ang tema ay ang nalalapit nilang kasal at katulad

noong una ay sold out muli ito.

Ayos na lahat mula bridal gown, mga abay, invitations, souvenirs, caterer, photographers, videographers, at kung anu-ano pa. May isang bagay lang na hindi pa alam ni Dani hanggang ngayon. Bukas na ang pinakaiintay na araw pero hindi niya pa alam kung saan gagawin ito.

Pagnagtatanong naman siya sa iba ay hindi siya sinasagot, pati ang invitation ay hindi ipinakita sa kanya. Naiinis na siya pero wala ni isa ang gustong magsabi sa kanya.

"Ano ba yan? Ako ang ikakasal pero hindi ko pa alam kung saan." Pagmamaktol ni Dani. Natatawa lang si Axel sa kanya. "Saan ba kasi?" Pangungulit muli ni Dani. "Secret!" Sagot ni Axel. "Hhhmmmppp!" Inis na sabi ni Dani. Niyakap siya ni Axel at saka hinalikan sa noo. "Matulog na tayo. Kailangan natin magbeauty rest." Nakangiting sabi ni Axel. Tinalikuran naman siya ni Dani. "Don't worry, bukas malalaman mo and I'm sure you will love the place." Sabi ni Axel. Humarap sa kanya si Dani at nagpacute. "Saan?" Sabi ni Dani at natawa si Axel. "Bukas na." Sabi ni Axel. Walang nagawa si Dani. Sumiksik na lang siya sa katawan ni Axel at maya-maya ay pareho na silang nahimbing ng tulog.

Ang araw na pinakahihintay ng lahat. "Monteclaro-Monteverde Nuptial." Lahat ay naka-ayos na. Ang red carpet ay nakalatag na. Ang mga puting rosas ay nakaayos na. Ang mga bisita ay isa-isa ng nagsisidatingan. Dahil malayo ang lugar, masisiguradong solemn ang magiging kasalan dahil walang mga reporters na makakasama. Mga malalapit lang na kaibigan at pamilya ng dalawang ikakasal ang makakadalo pero hindi pa din nawala ang mga bodyguards. Ang kaibahan lang ay hindi nakaitim ng damit si Dalton kundi naka Americana dahil isa siya sa mga abay kasama nila Blaze, Jax, Roco, at si Dion na nung una ay ayaw pa dahil ang gusto niya ay nakagown pero ng sabihin nila Axel at Dani na hindi mag photo shoot para sa sa susunod na magazine ni Dion na ang tema naman ay ang pagbubuntis ni Dani ay saka lang napapayag ito.

Sila Aubrey, Cleo, Sydney, at Phoebe naman ang mga abay na babae. Ang mag-asawang Arthur at Esther at ang mag-asawang Benjamin at Eleonor naman ay mga batang bata ding tingnan sa mga suot nila. Sila Tatay Boy at Aling Susana kasama si Mang Rodolfo ay mga nakabihis din.

"Kailangan pa ba talagang may takip ang mata ko? Masisira ang make-up ko." Pagmamaktol na naman ni Dani. "Kaya nga may make-up artists di ba?" Sabi ni Aubrey. "Bilis na, tayo na lang ang iniintay." Sabi ni Cleo. Walang nagawa ang dalaga. Nilagay na ang takip ng mata niya at umalis na sila papunta sa isla.

"Hindi nyo pa ba tatangalin ito?" Tanong ni Dani. "Mamaya pa anak." Sagot ni Esther. "Mommy naman, pati ikaw kasama sa kalokohan ni Axel!" Sabi ni Dani. Natawa si Esther. "Mag-intay ka lang diyan." Sabi ni Arthur.

Tumugtog na ang wedding march. Naunang maglakad si Axel kasama nila Benjamin at Eleonor. Nagsimula ng maglakad ang mga flower girls, ring bearer, coin bearer, at bible bearer na mula sa mga piling bata sa Holy Angels Orphanage. Sumunod ang mga Principal Sponsors na kinabibilangan ni Tatay Boy at Nanay Susana at ni Mang Rodolfo. Kasama din ang mga magulang ni Blaze. At ang mga abay na mga kaibigan ng dalawang ikakasal. At ang "last but not the least, si Dani na kasama sila Arthur at Esther.

Tinanggal na ni Esther ang takip ng mata ni Dani. Dahil medyo natagalan ang panyo sa kanyang mga mata ay medyo malabo ang paningin ni Dani noong una pero ng magliwanag na ay nagulat siya sa kanyang nakita. Tumingin siya sa buong paligid at nagsimula ng mangilid ang luha niya. Lalo siyang naiyak ng makita ang bahay sa harapan niya. Tumingin siya kay Axel. Ngumiti ang binata.

"Tama na, masisira ang make up mo." Sabi ni Esther. "Mahal na mahal ka ng asawa mo kaya mahalin mo din siya tulad ng pagmamahal niya sa iyo." Sabi ni Arthur at tumango si Dani. "Tara na, naiinip na ang groom." Sabi ni Esther at naglakad na sila papunta sa altar na inilagay sa harapan mismo ng bahay.

"Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo..."

"Misis ko matagal ka pa?" Tanong ni Axel. "Sandali na lang mister ko." Sagot ni Dani. Nasa loob na sila ng kanilang kwarto. Nagmagsialisan ang kanilang mga bisita ay hinila agad ni Axel si Dani sa kwarto.

Excited na umayos si Axel sa kama. Nang lumabas si Dani mula sa CR ay halos tumulo lahat ng laway ni Axel sa kaseksihan ni Dani. Si Dani naman ay ilang na ilang sa suot. Gusto niyang sabunutan si Aubrey sa inihandang damit sa kanya.

Lumapit si Axel kay Dani at inalalayan na makaupo sa kama. "Mahal na mahal kita misis ko." Sabi ni Axel ay hinalikan na ang dalaga. Nagpaubaya naman si Dani at ng hubarin ni Axel ang kanyang damit ay hindi siya tumutol. Naging mainit ang bawat sandali at ng alam na ni Axel na handa na si Dani na ibigay sa kanya ang sarili ay hindi na siya nagpatumpik tumpik pa.

"Aaaaaaaaahhhhhhhhhh!!!!!! Ang laki!!!!!!!"

😱😱😱😱😱😱😱😱😱😱😱😱😱😱🀫🀫🀫🀫🀫🀫🀫🀫🀫🀫🀫🀫🀫🀫😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍

Maraming maraming salamat po sa pagsuporta sa unang tagalog novel ko. Sana po sa muli kong pagsulat ay nandiyan pa din kayo para muling magbasa. Kita-kits po ulit. 😘😘😘

avataravatar