53 Chapter 53

Natapos nila ng walang imikan ang kanilang pagkain. Si Axel ay hindi man lang nalasahan ang sarap ng pagkain. Si Dani naman ay hindi nagalaw ang tinadtad niyang pagkain sa kanyang plato. Ang tatlong bodyguards lamang at si Leo ang nag-enjoy sa kinain pero ramdam nila ang tension sa pagitan ng dalawa. Tumayo na si Dani kaya sumunod na din ang limang lalaki.

"Dalton, give me your keys." Sabi ni Dani na halatang iritable. Tumingin si Dalton kay Axel at umiling ang binata. Lalong nainis si Dani. "Ibibigay mo ba ang susi o maghahanap ako ng ibang motor na masasakyan?" Mataray na sabi ni Dani. Walang nagawa si Dalton kundi ibigay ang susi sa dalaga. Agad namang pinaandar ng dalaga ang motor at dali-dali umalis ng lugar. Sinundan naman agad siya nila Axel.

Nakahinga ng maluwag si Axel ng sa hotel dumiretso si Dani. Ang akala niya ay kung saan pa pupunta para magpalipas ng galit. Pagpasok ni Dani sa hotel ay diretso ito sa kanilang kwarto. Nakasunod naman sa kanya si Axel ngunit ng papasok na siya ay biglang sinarado ni Dani ang pinto at muntik na siyang tamaan sa mukha.

"Mahal?" Tawag ni Axel sa dalaga pero wala siyang nadinig na tugon. Maya-maya ay bumukas ang pinto. Maluwang na ngumiti si Axel pero ang kumot at unan niya ang sumalubong sa kanya. Muling sinarado ni Dani ang pinto at nilock pa. Kakamot-kamot ng ulo si Axel at yun ang inabutan ni Dalton pagpasok niya sa loob.

Nakita ni Dalton ang hawak na kumot at unan ni Axel at nangiti siya. "Outside the kulambo, Sir?" Nakangiting sabi ni Dalton. "Oo. Ngayon lang nagalit sa akin si Dani." Sabi ni Axel na bumuntong hininga. "Lilipas din yun, Sir. Hayaan nyo munang humupa saka kayo magpaliwanag." Sabi ni Dalton at tumango naman si Axel.

Lumipas ang buong hapon pero hindi lumabas si Dani sa kwarto. Nag-alala si Axel kaya kinatok niya ito.

"Dan, ok ka lang?" Tawag niya sa dalaga pero walang sagot. Kinatok niyang muli at doon lang bumukas ang pinto. Halatang bagong gising ang dalaga. Ngumiti si Axel pero isang irap lang ang sinagot ni Dani. Lumabas si Dani para kumain dahil gutom na gutom siya. Nakasunod sa kanya si Axel na kala mo anino. Nagtimpla siya ng kape at pagharap niya ay nagulat siya dahil nasa likod niya si Axel. Tumapon sa harapan ni Axel ang bagong kulong tubig. Napangiwi si Axel. Nag-alala naman si Dani at hinila ang binata sa CR para banlawan ang napasong tiyan ng binata.

"Hubarin mo iyan, bilis!" Sabi ni Dani. Sumunod naman ang binata at hinubad ang t-shirt. Nakita ni Dani ang namumulang tiyan ng binata. "Pati iyan, mababasa yan." Sabi ni Dani na nakaturo sa pantalon ni Axel. Huli na ng mapagtanto ni Dani na mali ang inutos niya sa binata. Kitang kita ni Dani ang ganda ng katawan ni Axel. Namula siya pero ng makita ang namumulang tiyan ng binata ay binuksan niya ang shower at pinatapat doon ang binata.

Nakita ni Dani na nangiwi si Axel. "Masakit ba?" Tanong niya at tumango ang binata. "Bakit kasi di ka nagsasalita? Di ko alam na nakasunod ka sa akin." Sabi ni Dani. "Galit ka kasi sa akin." Sabi ni Axel. Bumuntong hininga ang dalaga. "Papabili lang ako kay Dalton ng ointment." Sabi ni Dani at aktong lalabas na ang dalaga pero hinila siya ni Axel na naging dahilan para mabasa na din siya.

"Ano ka ba? Tingnan mo nabasa na ko. Kainis ka talaga!" Sabi ni Dani at pinaghahampas si Axel. Nahuli naman ni Axel ang mga kamay ng dalaga. Sinandal siya sa pader at tinaas ang mga kamay sa ulo niya. "Ano bang ginagawa mo? Bitiwan mo nga ako!" Sabi ni Dani na pilit kumakawala sa pagkakadagan sa kanya ng binata.

"Sabihin mo muna ang dahilan bakit ka nagagalit? Nagseselos ka ba?" Nakangiting tanong ni Axel. Basang basa na ang damit ni Dani kaya halos nakabakat na din ang magandang hubog ng katawan niya na nagdadala ng kakaibang pakiramdam kay Axel. "Bakit naman ako magseselos? Mas maganda ako sa kanya!" Sagot ni Dani na ikinatawa ni Axel. "Eh bakit ka nagagalit?" Muling tanong ni Axel. "Wala!" Maikling sagot ni Dani. "Bitiwan mo na nga ako. Giniginaw na ako." Sabi ni Dani pero sa totoo lang ay may kakaiba na din siyang nararamdaman dahil nakadikit sa kanya ang basang katawan ni Axel at ramdam din niya na may tumatayo na din kay Axel.

Pinatay ni Axel ang shower pero hindi niya binitawan si Dani. Tiningnan niya ng seryoso ang dalaga. "Bakit!?" Tanong ni Dani na naiilang sa mga titig ni Axel. "Dan, ikaw lang ang mahal ko. Ang mga babaeng nagdaan sa buhay ko ay part na ng past ko. Tapos na kami. Wala na akong connection sa kanila. Ikaw lang, Dan, ikaw lang ang babaeng gusto kong makasama sa araw-araw. Ikaw lang ang gusto kong makita, mahawakan, mahalikan, mayakap. Kaya, please, huwag ka ng magalit. Hindi ko alam ang gagawin pag galit ka eh." Sabi ni Axel. Kinilig naman si Dani at ngumiti.

"Di ka na galit sa akin?" Tanong ni Axel at tumango ang binata. "Yes!" Sabi ni Axel at binuhat si Dani. "Baba mo nga ako. Yung paso mo." Sabi ni Dani. "Di na masakit. May mas masakit sa akin eh." Sabi ni Axel na binaba si Dani. Kitang kita ni Dani na nagmamalaki na sa kanya ang pagkalalaki ni ng binata. Napalunok siya at namula. Natawa naman si Dani.

"Lumabas ka na at magbihis. Baka magkasipon ka pa." Sabi ni Axel. "Eh, ikaw?" Tanong ni Dani. "Papalipasin ko lang muna ang galit nito kasi baka magpakilala sa iyo eh matakot ka pa." Sabi ni Axel na nakangisi. Lalong namula si Dani. "Gusto mo ba siyang makilala?" Panunukso ni Axel. "Ayaw! Bastos!" Sabi ni Dani sabay takbo palabas ng CR. Isang malakas na halakhak ang sagot ni Axel.

Hirap na hirap si Axel sa pagpipigil pero ayaw niyang pilitin ang dalaga. Gusto niya ay kusang loob na ibigay ni Dani ang sarili sa kanya. Maghihintay siya hanggang dumating ang araw na iyon.

avataravatar
Next chapter