webnovel

Chapter 52

Matapos silang kumain ay nagdala ang waiter ng alak para sa kanilang dalawa. Noong una ay ayaw uminom ni Dani dahil naalala niya ang nagawang kalokohan sa harap ni Axel noong nalasing siya. Pero ng sabihin ng binata na mababa lang ang alcohol content ng alak ay saka lang tinikman ito ng dalaga.

Tumayo si Axel at pagkatapos ay inilahad ang kamay kay Dani. Kumunot naman ang noo ni Dani na nakatingin kay Axel. "May I have this chance to dance with my lovely girlfriend?" Nakangiting sabi ni Axel. Luminga linga si Dani at nakita niya na may mangilan-ngilan na naglalakad sa paligid. "Dito?" Takang tanong ni Dani at tumango si Axel. "Pero..." Nag-aalangan sabi ni Dani pero hinila na siya ni Axel kaya wala na siyang nagawa kundi ang makipagsayaw sa binata.

Sweet music ang madidinig sa paligid. Nakahawak si Axel sa bewang ni Dani samantalang nakapatong naman ang mga kamay ni Dani sa balikat ni Axel. Ang mga nadadaan sa lugar nila ay hindi maiwasang mapatingin at ngumiti. "Ang sweet naman nila." "Nakakainggit!" "Sana ganyan din ang boyfriend ko." Mga salita ng ibang nadadaan.

Hinapit ni Axel palapit sa kanya si Dani kaya ngayon at nakayakap na siya sa dalaga. Ang ulo naman ni Dani ay nakasandal sa dibdib ni Axel. "Dan?" Tawag ni Axel. "Hhhmmm?" Sagot ni Dani. "Mahal na mahal kita." Sabi ni Axel. Ngumiti si Dani at tiningala si Axel. "Mahal na mahal din kita." Sabi ni Dani at muli ay naglapat ang kanilang mga labi.

Ikalawang araw nila sa Batanes at maaga pa lang ay nasa labas na ng hotel si Leo at iniintay sila. Ngumiti ito ng makita na silang palabas ng hotel.

"Saan tayo ngayon, Leo?" Tanong ni Axel. "Kaya nyo po bang magmotor?" Tanong ni Leo at tumango si Axel. "Eh sila po?" Tanong ni Leo na tinuturo ang mga bodyguards. Tumango naman ang tatlo. "Tara na po at libutin natin ang buong Batanes." Aya ni Leo na excited pa din kahit dito na siya nakatira.

Nag-rent sila ng apat na motor. Hindi pumayag si Axel na magdrive din si Dani kaya naka-angkas na lang ang dalaga sa binata.

Una nilang pinuntahan ang Mt. Iraya pagtapos ay ang Naidi Hills kung saan makikita ang Basco lighthouse. Sumunod ang Malboro Country kung saan naglalakad-lakad sila at namangha sa ganda ng kapaligiran.

"Ano na nga pa lang balita doon sa private island ng kaibigan mo?" Tanong ni Dani ng maalala ang mangga at matakam dito. Ngumiti si Axel. "Nakausap ko na yung kaibigan ko at sinunod niya ang suggestion mo." Sabi ni Axel. "Ha? Suggestion ko?" Takang tanong ni Dani. "Sabi mo di ba na maganda na bahay ang ipatayo kaya ayun, kinabukasan, inasikaso na ni Mang Rodolfo yung pagpapatayo ng bahay." Sabi ni Axel. "Wow! Ang yaman talaga niya. Kailan mo ba siya ipapakilala sa akin?" Nakangiting tanong ni Dani. "At bakit mo naman siya gusto makilala?" Tanong ni Axel na nakataas ang kilay. "Manghihingi ako ng mangga." Sabi ni Dani na ikinatawa ni Axel. "Don't worry, pagkatapos ng bahay ay babalik tayo doon." Sagot ni Axel na ikinatuwa ni Dani.

Sumunod sa itinerary ni Leo ay ang dalawa sa kilalang simbahan sa Batanes. Ang St. Dominic de Guzman Cathedral at ang San Carlos Borromeo Church. Pagpasok nila sa St. Dominic ay may kasalukuyang kasal na nagaganap. Naupo sila dahil gusto ni Dani na manood. Wala pa kasi siyang nakikitang kasal sa simbahan dahil wala pa naman kinakasal sa mga kaibigan niya.

Iiling-iling si Axel dahil nakikita niya na tutok na tutok si Dani sa pari at sa kinakasal. Hinayaan lang niya ang dalaga na manood. Nang matapos ang kasal ay lumabas na din sila matapos magdasal sandali.

Kumakalam na ang tiyan nila pare-pareho kaya dinala sila ni Leo sa isa sa kilalang restaurant sa lugar, ang Pension Ivatan Restaurant. Tiningnan ni Axel ang menu at nag-order ng tatlong serving ng best-seller ng restaurant, ang Ivatan Platter.

Habang nag-iintay sa kanilang pagkain ay nagkwekwentuhan sila ng may tumawag sa pangalan ni Axel.

"Axel, darling!" Sabi ng isang babaeng halos kulang na lang ay ilitaw na ang lahat sa katawan niya. Pati ang dalawang bodyguards na kasama nila ay lumuwa ang mata. Si Axel at Dalton lamang ang hindi naapektuhan sa babae. "Odette?" Tanong ni Axel. Tumaas ang kilay ng babae. "Sa dami namin ay hindi mo na ako maaalala." Kunwaring pagtatampo ng babae. "At Palawan, remember, we shared a wild night there!" Bulalas ng babae na ikinasamid ni Axel. Tumaas naman ang kilay ni Dani. "Paktay!" Bulong naman ni Dalton.

Uminom ng tubig si Axel. Nag-umpisa na din siyang pagpawisan ng malamig. "Naalala mo na? Then, we stayed there for three days." Patuloy ni Odette. Nasamid na naman si Axel. "Hey, are you alright?" Tanong ni Odette sabay hagod sa likod ni Axel. Kumuyom ang kamay ni Dani. Lumayo naman si Axel para makaiwas sa kamay ni Odette.

Tumayo si Dani para pumunta sa CR. Kapag hindi siya umalis ay baka makasabunot siya ng babaeng haliparot. Saka lang napansin ni Odette si Dani at nakaramdam siya ng inggit. "You're Daniella Monteverde, right?" Tumingin si Dani kay Odette saka pilit ngumiti. "You're really beautiful. Hindi nakakapagtaka na sa iyo mahulog ang isang katulad ni Axel Monteclaro." Sabi ni Odette. "Thank you." Maikling sagot ni Dani. Ramdam ni Odette ang tension kay Dani kaya nagpaalam na siya sa grupo pero bago siya lumayo ay nagsalita muna ang babae. "Bye, Axel. See you around." Sabay kindat. Tango lang ang sagot ni Axel. Ramdam niya ang galit ng katabi kahit hindi ito nagsasalita. "Mahaba-habang paliwanagan ito." Sabi ni Axel sa sarili.

Binaba na sa mesa ang kanilang pagkain. Enjoy na enjoy sila Leo at Dalton pati ang dalawang bodyguards sa pagkain. Si Axel ay hindi halos malagok ang pagkain. Nakikita niya kasi kung paano hiwain ni Dani ang pagkain at pakiramdam niya, ganito ang magiging itsura niya pagbalik nila sa hotel. "Kailangan ko mag-isip ng paraan paano mapapahupa ang galit ni kumander. Baka maging outside the kulambo ako neto mamaya." Sabi ni Axel saka bumuntong hininga. "Mahabaging langit, tulungan nyo po ako." Bulong ni Axel sa sarili.

Next chapter