50 Chapter 50

Nakalabas na ng ospital si Dani at ang una niyang ginawa ay pinuntahan ang mga bata sa pansamantalang tirahan nila, ang Karozza sa PGM. Pagkakita ng mga bata sa kanya ay agad na naglapitan at mga ito at niyakap siya.

"Alam mo swerte ka diyan sa sisteret ko. Maganda at sexy, mayaman, mabait, at tiyak ko magiging isang mabuting asawa at ina sa mga anak niya. Kung ako nga lang eh naging lalake, aba, di ko palalagpasin ang babaetang iyan. Ang kaso, ako'y isang dalagang Pilipina." Sabi ni Dion na ikinatawa ni Axel. "Kaya nga di ko na siya balak pakawalan." Sabi ni Axel na ikinataas ng kilay ni Dion. "Ay! Bet ko yan basta Made of Honor ako!" Sabi ni Dion. Ang lakas ng tawa ni Axel na ikinalingon sa kanila nila Dani, Sydney, Aubrey, Phoebe, at Cleo na kunot ang mga noo.

Magmula ng sa PGM mag-stay ang mga bata ay lagi ng nagpupunta at tumutulong ang mga kaibigan ni Dani sa pag-aalaga sa mga bata. Sinimulan na din ang pagpapatayo ng bagong bahay ampunan para sa kanila. Sa tulong nila Arthur at Esther, Benjamin at Eleonor, ilan sa malalapit na kaibigan ng dalawang mag-asawa, kasama sila Blaze at ang mga magulang ng binata, sila Axel at Dani at ang mga kaibigan nila ay nakumpleto na ang mga kailangan sa pagpapatayo ng bahay. At hindi lamang sila ang gustong tumulong kaya ang sobra ay gagamitin para sa pagpapatayo na din ng eskwelahan hindi lamang para sa mga bata sa bahay ampunan kundi para din sa mga bata sa lansangan.

"Nga pala Axel, yung sa incentives ninyo ni Dani dahil sa mataas na sales ng magazine ko, next week na iyon ha?" Sabi ni Dion. Kumunot naman ang noo ni Axel. "Consider it as my advance wedding gift saka advance honeymoon na din." Sabi ni Dion na nakangiti. Gumanti naman ng ngiti ang binata na ikinakilig naman ni Dion.

Lumapit si Dani sa dalawa. Niyakap si Axel saka nagsalita. "Anong pinag-uusapan ninyo at kala mo kinikiliti ang babaetang ito?" Sabi ng dalaga. "Nako, sisteret, inaaya akong magdate ng jowa mo pero tinanggihan ko siya." Sabi ni Dion. Natawa si Axel. "Dion, this guy is only mine. Kung gusto mo pang magtagal sa business mo, you should behave." Pagtataray ni Dani. "Sus, eto naman, hindi na mabiro. Di ko aagawin iyan sa iyo. Nunkang patulan ako niyan eh head over heels ang lalaking iyan sa iyo!" Sabi ni Dion. Nangiti si Dani at tumingin kay Axel na tatango-tango naman bilang pagsang-ayon kay Dion.

"Anyways, pinag-uusapan lang namin ang treat ko sa inyo next week." Sabi ni Dion. Kumunot naman ang noo ng dalaga. "Di ba, I told you na sold out ang magazine na kayong dalawa ang cover so, I'm giving you a treat." Sabi ni Dion. "Ah, ano namang treat?" Tanong ni Dani. "You're going to Batanes next week. I know you're expecting na abroad pero tiyak na mag-eenjoy kayo doon." Sabi ni Dion. "Sagot mo lahat?" Nakangiting tanong ni Dani. "Of course, dear. So enjoy lang kayo doon and bring home my godchildren." Sabi ni Dion na ikinapula ni Dani at ikinangiti naman ni Axel.

"Don't worry, we will try our best." Sabi ni Axel. Kinurot naman siya ni Dani na pulang pula. "We will try our best to enjoy Batanes. Ano bang iniisip mo? Kaw talaga, green minded!" Nakangiting sabi ni Axel. Kukurutin ulit sana ni Dani ang binata pero nayakap na siya nito at hinalikan sa noo. Tinukso naman sila ng mga bata pati na din ng mga kaibigan.

Dahil madaming natambak na trabaho ang dalawa ay halos hindi nila makita ang isa't isa sa maghapon. Sa gabi naman ay pagod na pagod sila kaya maglilinis lang sila ng katawan at matutulog na magkayakap. At dahil mawawala na naman sila ng ilang araw at kailangan nilang matapos ang mga papeles, meetings, at kung anu-ano pa bago sila umalis.

Ngayon ay sakay na sila ng eroplano papuntang Batanes. Ang private jet sana ang gustong sakyan ni Axel pero mas gusto ni Dani na maging normal ang bakasyon nilang iyon kahit na nakasunod pa din sa kanila ang anino nila Dalton.

Binawasan naman nila Arthur at Axel ang mga bodyguards na nagbabantay kay Dani magmula ng makulong si Britney sa isang mental facility. Katulad ngayon, si Dalton at dalawang bodyguards lang ang kasama nila pero kapag nangailangan sila ng dagdag na tao ay madaling makakagawa ng paraan si Axel.

Pansin ni Dani na nagpapacute kay Axel ang mga stewardess ng eroplano. Lagi ay lumalapit ang mga ito upang tanungin sila kung ano ang gusto o anong kailangan kaya naiinis si Dani. Ganoon din si Axel, magmula ng sumakay sila ay laging sumisilip ang dalawang piloto na ang lagi lang tinitingnan ay si Dani.

"Dalton." Tawag ni Axel sa bodyguard at may binulong. Tumango naman si Dalton at lumapit sa isang stewardess. Nang sabihin ni Dalton ang sadya sa babae ay kumunot ang noo nito pero pumasok sa isang kwarto at paglabas ay may dala na itong parang kurtina at pwedeng sabitan nito. Nagtaka naman ang ilang sakay ng eroplano. Pati si Dani ay nagtaka din.

"Anong gagawin mo dyan?" Tanong ni Dani kay Dalton. Ininguso naman ng bodyguard si Axel na tumayo at kinuha ang sabitan at kurtina. Para naman isinukat ang mga gamit. Ngayon ay may takip na silang dalawa. Nakapalibot na ang kurtina sa upuan nila.

"Wow! Ang ganda!" Natatawang sabi ni Dani. "Bago tayo makarating sa Batanes eh alin sa dalawa, tunaw ka na o kaya nakasapak na ko na baka maging dahilan pa ng pagbaksan ng eroplano ito." Sabi ni Axel na akala mo nakainom ng isang timbang suka. "Ha?" Takang tanong ni Dani. "Hindi mo ba napansin yung mga piloto? Imbis na mag-concentrate sa pagpapalipad ng eroplano eh sa iyo nag-concentrate!?" Inis na sabi ni Axel. Natawa si Dani. Tiningnan naman siya ni Axel.

"Alam mo bang advantage din sa akin ito." Sabi ni Dani sabay turo sa kurtina. Si Axel naman ang kumunot ang noo. "Yung mga stewardess, papansin sa iyo." Sabi ni Dani. Ngumisi si Axel at hinapit ang dalaga. Alam ni Dani nahahalikan siya ng binata kaya tinakpan niya ang bibig. "Nasa eroplano tayo." Sabi ni Dani. "Kaya nga nilagyan ko na ng harang di ba?" Sabi ni Axel. "Kahit na." Sabi ni Dani. "Isa lang, please..." Sabi ni Axel na pinagdikit ang kamay na akala mo nagdadasal. Natawa si Dani.

"Isa lang talaga?" Tanong ni Dani. Tumango si Axel kaya tinanggal na ni Dani ang takip ng bibig. Naglapat na ang kanilang mga labi pero hindi na pinakawalan ni Axel ang dalaga. Dahil nadala na naman si Dani sa tamis ng mga halik ni Axel ay nagpaubaya na siya. Sa totoo naman ay namiss ng dalaga ang mga halik ng binata.

Lalapit sana ang isang stewardess sa upuan ng dalawa pero tumayo si Dalton para pigilan ito. Kung pwede nga lang maglagay si Dalton ng sign na "Do not disturb" ay gagawin niya. Natatawang umupo si Dalton ng makitang nakasimangot na umalis ang stewardess.

avataravatar
Next chapter