webnovel

Chapter 48

"Bitiwan nyo ko! Bitiwan nyo ko! Axel! Axel!" Sigaw ni Dani. Niyakap ni Axel ang umiiyak na si Dani. "Sssshhh, nandito ako, Dan. Nandito ako." Sabi ni Axel at unti unting dumilat si Dani. Pagkakita ni Dani sa nakayakap na binata ay umiyak muli ito. "Ssshhh, tahan na, ligtas ka na. Wala ng mananakit sa iyo." Sabi ni Axel habang hinahagod ang likod ng dalaga.

Matapos ang ilang minuto ay hikbi na lang ang madidinig mula kay Dani. "Ok ka na?" Tanong ni Axel at tumango ang dalaga. Kumuha siya ng tubig upang makainom si Dani. "Kamusta ang mga bata?" Tanong ni Dani. "Ok naman sila. Nailipat na din sila sa Karozza." Sagot ni Axel. Katahimikan ang namagitan sa dalawa.

Maya-maya ay biglang tumunog ang tiyan ni Dani. Namula ang dalaga at ngumiti naman ang binata. "Lalabas lang ako para bumili ng pagkain." Sabi ni Axel pero hindi siya binitawan ni Dani. Naintindihan naman ng binata ang traumang naiwan kay Dani ng pangyayari kanina kaya nag-utos na lang siya sa bodyguards na nasa labas na ibili ng lugaw si Dani.

Inalalayan ni Axel si Dani para makaupo siya ng maayos sa kama. Seryosong tiningnan ni Dani ang binata. "Baka naman matunaw ako niyan." Biro ni Axel pero hindi kumibo ang dalaga. Hinaplos ni Dani ang mukha ng binata at muling tumulo ang luha. Niyakap naman ni Axel si Dani ng makitang umiiyak ulit ito. Gusto niyang puntahan ang dalawang lalaki na nagtangkang kunin si Dani at suntukin hanggang sa hindi na sila makagulapay.

"Akala ko hindi na kita makikita. Akala ko hindi ko na kayo muling makakasama. Akala ko katapusan ko na." Sabi ni Dani sa pagitan ng kanyang mga hikbi. "Ssshhh..." Sabi ni Axel at patuloy lang inaalo ang dalaga. "Akala ko hindi ko na masasabi sa iyo na mahal kita." Sabi ni Dani. Natigil si Axel sa paghagod ng likod ni Dani at iniharap sa kanya ang dalaga.

"Anong sabi mo?" Tanong ni Axel na hindi makapaniwala sa nadinig. "Mahal kita!" Muling sabi ni Dani. Pero parang nabingi si Axel. "Pakiulit nga." Sabi ni Axel. "Mahal kita Axel Monteclaro!" Sigaw ni Dani. At doon na natawa si Axel. Tumatawa ito habang nagtatatakbo sa paligid ng kwarto. "Mahal mo ako! Mahal na ako ni Daniella Monteverde! Woohoo!" Sigaw ng masayang masayang binata. Mukha namang luka luka si Dani dahil kanina ay umiiyak siya, ngayon naman ay tumatawa.

Lumapit si Axel kay Dani. Niyakap ito saka nagsalita. "Mahal na mahal kita." Sabi ni Axel. "Mahal din kita." Sagot ni Dani. At naglapat ang kanilang mga labi. Pinaramdam sa bawat isa ang kanilang pagmamahalan.

Nang gabing iyon ay bisita ni Dani ang kanyang mga kaibigan at kanilang mga magulang.

"Parang wala naman nangyari sisteret! Bakit ang blooming mo pa din kahit muntik ka ng makidnap." Sabi ni Dion na bigla naman siniko ni Aubrey. "Ay, sorry po, sorry po!" Patuloy ni Dion na nagpangiti sa lahat. "Hindi nga sister-in-law, bakit parang may kakaiba sa inyo ni kuya? Meron bang nangyari na hindi namin alam?" Panunukso ni Sydney sa dalawa. "Ay, naku, itong mga batang ito, wala kayong alam inisin kundi si Dani." Sabi ni Eleonor. "Pero iha, meron nga ba?" Patuloy ni Eleonor na ikinatawa ng lahat.

"Well, everyone, I'm happy to announce na umamin na sa akin si Dani na mahal niya talaga ako." Sabi ni Axel at isang kurot ang natanggap niya mula sa dalaga. "Bakit? Malalaman naman din nila na sinagot na kita." Nakatawang sabi ni Axel. "Ako pa talaga ha? Di ba ikaw ang unang umamin sa akin na mahal mo ko?" Sabi ni Dani na pinapaulanan ng maliit ng kurot si Axel. Natatawa ang mga tao sa harap nila.

Nahuli ni Axel ang mga kamay ni Dani at ikinulong ang dalaga sa mga yakap niya. "Battered boyfriend labas ko nito eh. Opo na mahal ko, ako na ang unang nagmahal sa iyo." Sabi ni Axel. Ngumiti naman si Dani at niyakap din ang binata.

Kilig na kilig naman ang kanilang mga kaibigan at kanilang mga mga magulang. "Hala, ang daming langgam dito! Nakakainis!" Sabi ni Dion. "Ang haba ng hair mo madam!" Sabi naman ni Cleo. "Ha'ay, kailan kaya tayo makakahanap ng partner?" Tanong ni Aubrey at Sydney sa isa't isa. Ang mag-asawang Arthur at Esther at ang mag-asawang Benjamin at Eleonor ay nagkasya na lang sa pagtingin sa mga anak na may panalangin sana ay bigyan na sila ng mga mumunting anghel ng dalawa.

Nagdesisyon ang mga bisita ni Dani na umalis pagkatapos ng isang oras na pagdalaw para makapaghinga na din si Dani.

Habang inaayos ni Axel si Dani sa higaan ay tumunog ang phone niya. "Pare, nakita na sila Mateo at ang kanyang ina. Pare, positive, si Britney ang ulo ng lahat." Sabi ni Zack sa kabilang linya. Nakuyom ni Axel ang kamay. "Get her, and let her face the consequences of her wrong doings." Sabi ni Axel at tinapos na ang tawag.

Tumingin si Axel kay Dani na nakakunot ang noo. Lumapit ito at hinalikan ang dalaga. Tumabi ito sa kama at magkayap na humiga. "Sino yung tumawag?" Tanong ni Dani. "Si Zack." Sagot ni Axel. "Bakit?" Tanong ni Dani. Bumuntong hininga si Axel. "Tama ang hinala namin ni Zack, si Britney ang gustong manakit sa iyo." Sagot ni Axel at tiningnan ang dalaga. "Pero don't worry, hindi ka na niya makakanti kahit kailan." Sabi ni Axel. Tumango lang si Dani at isiniksik na ang sarili sa katawan ng binata. Dumaan lang ang ilang minuto at nakatulog na ng mahimbing ang dalawa.

Airport...

"Kailangan kong makaalis pero babalikan kita Daniella. Hindi ko papayagan na maagaw mo sa akin si Axel. Kung hindi siya mapupunta sa akin ay hindi din siya mapupunta sa iyo!" Sabi ni Britney. Halos takpan ng babae ang buong mukha para walang makakilala sa kanya sa lugar.

Pagkatapos dalin nila Blaze at Dalton ang dalawang lalaki ng nagtangkang kidnapin si Dani ay umamin agad ito kung saan nila dinala ang mag-inang Mateo. Agad kumilos ang mga pulis upang makuha ang mag-ina. Pagkatapos ng imbestigasyon ay napatunayan na si Britney ang nag-utos kay Mateo at sa dalawang lalaki kaya agad-agad nagpalabas ng warrant of arrest ang pulisya at hold departure order para hindi makalabas ng bansa ang babae.

Nakaupo si Britney sa bench na palinga-linga at ng mapansin niya ang mga pulis kasama sila Dalton ay agad siya tumakbo ngunit inabutan pa din siya ni Dalton at halos masaktan niya ang lahat ng humawak sa kanya dahil sa pagwawala. Walang ibang naisip ang mga pulis kundi tusukan siya ng pampatulog dahil akala mo isang babae na nawala sa katinuan ang kaharap nila.

Next chapter