webnovel

Chapter 47

Halos magliliwanag na ng makatulog ang mga bata. Sila Arthur at Esther, Benjamin at Eleonor kasama si Sydney ay nauna ng umuwi para makapagpahinga sandali. Gayumdin sila Phoebe at Dion na nangakong babalik para tumulong sa pag-aalaga ng mga bata. Ang naiwan na lang ay sila Dani, Axel, Aubrey,Cleo, at Blaze. Pero pinaakyat ni Dani sila Aubrey at Cleo para makapagpahinga sa office bago magsimula ulit ng trabaho. Ang mga caretaker ng ampunan ay nagpapahinga na din. Si Axel ay tinabihan ang batang umiingit. Si Dani ay naidlip na din sa tabi ng isang bata. Si Blaze na lang ang gising na tinatapok ang bata na halos malapit na din makatulog. Sila Dalton at mga bodyguard ay halos napipikit na din ang mga mata kahit nakatayo.

Nagising ang bata na katabi ni Dani. "Ate Dani..." sabi ng bata. Agad namang nagising si Dani. "Bakit?" Tanong ng dalaga. "Naiihi po ako." Sabi ng bata. Tumayo si Dani at inalalayan ang bata para makatayo. Nilingon ni Blaze si Dani at nagtanong ang mukha ng binata. Naintindihan naman ni Dani si Blaze kaya itinuro niya ang CR. Tumango ang binata. Nakita ni Dalton si Dani at ang bata, dapat ay sasamahan niya ito pero nagsignal si Dani na huwag na.

Pumasok na ang dalawa sa CR. Nakaramdam si Dani na maiihi din siya kaya pumasok siya sa katabing cubicle ng bata. Paglabas ng bata ay nakita niya na may dalawang lalaki na sa loob. Natakot ang bata at napasigaw. Nagmamadaling lumabas si Dani at nagulat siya sa dalawang lalaki. Dali-dali hinawakan ng dalawang lalaki si Dani. "Takbo!" Sabi ng dalaga sa bata at dahil sa takot ay agad-agad lumabas ang bata. Hahabulin pa dapat ito nung isa pero pinigilan na siya ng kasama niya dahil baka pati si Dani ay makatakas.

"Kuya Axel! Kuya Axel!" Sigaw ng bata. Nagising ang lahat. Nagulat sa sigaw ng batang namumutla sa takot. Lumapit ang bata kay Axel. "May kumuha po kay Ate Dani!" Sabi ng bata. Mabilis na tumakbo si Axel at Blaze kasama sila Dalton ng ituro ng bata ang CR.

"Sino kayo!? Bitiwan ninyo ako!?" Sigaw ni Dani. "Miss beautiful, gusto ka lang kausapin ng bossing namin kaya sumama ka ng maayos kung ayaw mong masaktan." Sabi ng isa na halos hubaran si Dani sa pagkakatitig nito sa dalaga. Dahil nagwawala si Dani ay sinikmuraan siya ng isa at dahil sa sakit ay nawalan siya ng malay.

Nakadinig ang dalawang lalaki ng mga tumatakbong yabag kaya nagmamadali silang lumabas ng CR na buhat si Dani na parang isang kabang bigas na nakapatong sa balikat ng isa. "Ang bango pare. Baka pwedeng sabihin natin kay Ma'am na ibalato na sa atin pagkatapos niyang kausapin." Sabi ng isa. "Akala mo ba makakalabas pa iyan ng buhay pagnakita na siya ni Ma'am. Hindi ko nga alam atraso niyan sa amo natin. Mukha naman siyang anghel. Di tulad ni Ma'am na mukhang luka-lukang bruha." Sabi naman ng isa.

Pagdating nila Axel sa CR ang napamura siya dahil wala na sila inabutan sa loob. "Halughugin ninyo ang buong mall! Siguraduhin ninyo na hindi sila makakalabas dito!" Sigaw ni Axel. "Dalton, paganahin ang emergency lock!" Sigaw muli ni Axel. Si Blaze naman ay tumakbo sa exit at nagbakasakali na doon dumaan ang kumuha kay Dani.

Biglang tumunog ang emergency bell sa buong PGM. Lahat ng nakakaalam ng tunog na iyon ay naalarma at nagsipaglock ng mga pinto kung saan sila nandoon. Si Aubrey at Cleo ay nagising din at ni-lock ang pinto ng opisina. Nagkaroon sila ng drill kapag nangyari ang sitwasyon ngayon kaya alam nila kung ano ang gagawin.

"Ano kaya ang nangyari?" Tanong ni Aubrey na kinabahan bigla. "Ang mga bata!" Sabi ni Cleo at pareho silang lumabas ng opisina kahit takot na takot.

Ang emergency lock ay pinasadya nila Arthur at Axel na ipalagay sa lahat ng Entry at Exit ng mall magmula ng may mabanta sa buhay ni Dani. Kapag ini-activate ito ay automatic na magsasara ang mga glass door at kusang baba ang metal door na ikukulong lahat ng nasa loob at walang makakalabas hanggang hindi i-deactivate ang lock.

"Ano yun?" Sabi ng lalaking buhat si Dani. "Ewan ko. Bilisan mo at baka abutan tayo." Sabi ng isa. Nang bubuksan na nila ang pinto sa basement ay nagtaka ang lalaki dahil ayaw bumukas nito. "Ayaw!" Sabi ng isa. "Ako nga!" Sinubukan ng isa pero kahit anong tulak niya ay ayaw pa din bumukas.

Nagkatinginan ang dalawa ng may marinig silang yabag. Nagtago sila sa may gilid ay inintay kung sinuman ang dadating. Nang makarating si Blaze sa basement ay dahan-dahan siyang bumaba at nakiramdam. Bigla na lang may umunday ng suntok kay Blaze ngunit nailagan niya ito. Nakita ni Blaze si Dani na walang malay at namuo ang galit niya sa dalawang lalaki.

Binigyan niya ng magkasunod na suntok ang isa. Nang bumagsak ito sa sahig ay sinundan niya ng tadyak sa tagiliran dahilan para mamilipit ito sa sakit. Ibinaba naman ng isa si Dani at sinugod si Blaze ngunit gaya ng nauna niyang kasama ay bumagsak din siya sa sahig. Dali-dali nilapitan ni Blaze si Dani at ginising ngunit hindi man lang dumilat ang dalaga.

Binuhat ni Blaze si Dani at umakyat ng hagdan. Nakasalubong naman niya ang grupo nila Axel sa kalagitnaan. Kusa niyang inabot si Dani kay Axel na namumutla dahil sa takot. Sinamahan naman niya sila Dalton para puntahan ang mga salarin.

Agad na dini-activate ang lock para makalabas sila Axel upang madala si Dani sa ospital. Nasa labas na din ang mga magulang nila na halos liparin ang PGM ng malaman ang nangyari. Naiwan naman sila Aubrey at Cleo para asikasuhin ang mga bata. Agad-agad din bumalik sila Sydney, Dion, at Phoebe na nag-alala ng labis pero pinili na lang maiwan para sa mga bata. Si Blaze naman ay sumama kila Dalton para dalin ang dalawang lalaki sa prisinto.

Laman ng balita ang nangyari. Madami ang nagalit sa gumawa at nakisimpatya kay Dani. At hiling nila ay mahuli na ang may pakana.

Halos ihagis naman ni Britney ang lahat sa bahay niya. Nagkalat ang ang mga basag na furnitures at figurines sa sahig. "I hate you Daniella! I hate you! Napakaswerte mo talaga!" Sigaw niya.

Next chapter